Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 106 - Ang Pagpasok sa Bundok

Chapter 106 - Ang Pagpasok sa Bundok

Nakita ni Liu Yue'er ang kaswal na pag-uugali ni Zhao Feng, tila ba walang ibang henyo ang maaaring makapukaw ng kaniyang mga mata. Kahit noong tumingin siya sa mga cultivators ng ninth rank, siya ay mananatili pa ring walang ekspresyon.

"Hmph!" Bahagyang kumunot ang noo ni Liu Yue'er at hindi niya itinago ang panghahamak sa kaniyang mga mata. Ang mga henyong naroroon ay lubhang bata pa, kahit sino man sa kanila ay kilalang magaling sa kanilang mga orihinal na clans/sects/families, at lahat sila ay labis na malaki ang tiwala sa kanilang mga sarili.

Napagtanto ni Zhao Feng na anh kaniyang pag-uugali ay bahagyang may panghahamak. Nakatuon lamang siya kay Bei Moi, hindi man lang niya mapansin ang iba pang mga tao.

"Lord Guanjun, anong klase ng Spiritual Body mayroon ang mga disciples mo?" Nagtatakang itinanong ni Lord Cangtie. Sa pagrinig nito, isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Nan Gongfan.

Umiling na lamang si Lord Guanjun. "Pangkaraniwan." Hindi niya nais makipag-usap tungkol sa talento ni Zhao Feng, ngunit ang reaksyon niya ay nagdulot lamang upang mas lalong magtaka sina Lord Cangtie at Liu Yue'er.

"Hindi ako naniniwala na ang talento niya ay mas magaling kaysa sa akin." Isang mukha na mayroong lakas ng loob ang ipinakita ni Liu Yue'er.

********************

Gabi…

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga kabataan habang hinihintay nila ang pagdating ng araw. Paminsan-minsan, ilang mga kabataan ang mag-aaway sa isa't isa.

"Xiao Sun! Huwag mong isipin na kaya mo kaming maliitin dahil nakarating ka lang sa ninth rank!"

Mula sa hindi kalayuan nanggaling ang mga tunog ng argumento. Lahat ay naglingunan sa direksyon ng ingay at nakita nila ang batang nasa ninth rank na nakaitim na damit ang nakikipag-away sa ibang mga kabataan.

Ang batang lalaki na nakaitim ay si Xiao Sun, ang natatanging ninth rank na batang naroroon.

"Isang lupon ng mahihina!" Malamig na sinuri ni Xiao Sun ang ibang mga kabataan nasa eighth at ninth ranks. Ang kaniyang ninth rank aura ay ipinakawalan niya, nagdulot upang hindi makahinga ng maayos ang ilang mga kabataan.

"Saan ba tayo natatakot? Umatake tayo!"

Dalawang bata na eighth rank ang sumunggab kay Xiao Sun mula sa kaliwa at kanan. Ang tatlo ay agad nagsimulang maglaban.

Ang bawat bata rito ay nag-ensayo sa high class martial arts at sila ay top tier sa kanilang mga ranks. Ang dalawang bata na eighth rank ay maaari pang makalaban sa isang ninth rank, ngunit si Xiao Sun ay nag-ensayo ng isang speed at offensive skill na parehas ay Holy martial arts, at natalo niya ang dalawang bata sa ilang galaw lamang.

Ang lakas ni Xiao Sun ay labis na malapit kay Bei Moi, naisip ni Zhao Feng.

Dalawampung araw na ang nakalilipas nang umalis si Bei Moi, at mayroon siyang lakas na maaaring maikumpara sa isang half-Holy martial artist noon. Ngayon na nakapasok na siya sa Clan, mas magiging malakas pa ba siya?

"Ang Xiao Sun na ito ay nanggaling sa pinakamalaking pamilya sa seclusion, ang pamilya ng Xiao. Ang pamilya na ito ay naririto na ng ilang libong taon, at ang kanilang lakas ay hindi mas mahina kaysa sa isang Province City," sinabi ni Lord Guanjun sa mababang tono.

Ito ang unang beses na nakarinig si Zhao Feng na mayroong kapangyarihan sa Cloud Country na mas makalakas pa kaysa sa Guanjun Province City. Ngunit kahit ganoon man, ang mga pamilyang ito na nasa seclusion ay sinusubukan ang lahat upang maipadala ang kanilang nakababatang henerasyon sa Clans.

Plop! Plop!

Hindi kalaunan ay binugbog na ni Xiao Sun ang dalawang bata na nasa eighth rank. "Hahaha... Ako ang magiging unang puwesto sa entrance exam!" Tumawa ng malakas si Xiao Sun.

Unang puwesto?

Nagdulot ang kaniyang mga salita upang makaramdam ng poot ang ibang mga henyo, gaya nina Liu Yue'er at Princess Yun Xiang.

Mayroong limitadong bilang ng mga lugar para sa mga may gustong pumasok sa Clan. Batay sa kaalaman ni Zhao Feng, mayroong kabuuan ng tatlong pagsusulit at isang score ang ibibigay sa bawat pagsusulit.

Isang rank ang ibibigay kaugnay ng kabuuan ng kanilang mga scores, at ang top twenty lamang ang maaaring matanggap. Halimbawa, kahit pa ang Broken Moon Clan ay nais kumuha ng dalawampung disciples, kukuha lamang sila ng top twenty na mga aplikante. Ang pinakamataas na rank ang pinakamalaking lamang na mayroon sila, dahil sila ay mayroong mas mataas na pagkakataon upang makuha ng mas mataas na levels ng Clan.

Kinausap na ni Lord Guanjun sila Zhao Feng at ang iba pa tungkol dito. Ngayon, si Xiao Sun ay layuning makatungtong sa unang puwesto na nagdulot upang mairita ang iba. Halata naman, wala sa kanila ang humamon sa kanila, dahil si Xiao Sun lamang ay mayroong pinakamataas na cultivation, at ang Clan ay sinusukat ang talento, lakas, at kabatiran.

Sumasakop sa animnapung porsyento ng pagsusulit ang talento, na ibig sabihin ay kahit pa ikaw ang pinakamalakas, maaaring hindi ikaw ang maging una.

"Hmph! Talento ang pinakaimportante!"

"Tama 'yan! Kahit gaano ka man kalakas ngayon, maaari ka parin malagpasan dahil sa kakulangan ng talento."

Sinabi ito ng ibang mga kabataan, ngunit wala sa kanila ang humamon sa kaniya.

Hindi nakisali ang mga nakatatandang henerasyon sa mga kabataan dahil naisip nila na ito ay pambatang laro lamang.

"Xiao Sun, Yun Mengxiang, Liu Yue'er, at Sun Yuanhap…" Nanatili ang mga mata ni Zhao Feng doon sa mga naisip niyang pinakamagagaling.

Ang taong may pinakamataas na cultivation ay si Xiao Sun. Kasunod niya ay sina Yun Mengxiang at Liu Yue'er, na parehas mayroong lubhang kagandahan.

Ang pinakahuli ay si Sun Yuanhao.

Ang dahilan kung bakit naging interesado si Zhao Feng sa kaniya ay dahil siya ay labingtatlo o labing-apat na taong gulang lamang, ngunit siya ay nasa eighth rank na agad.

Si Sun Yuanhao ay lubhang malinis at maliit, ngunit nakaramdam si Zhao Feng ng aura na katulad ng kay Bei Moi ang lumalabas mula sa kaniya. Tila ba naramdaman ang kaniyang titig, inosenteng ngumiti sa kaniya si Sun Yuanhao.

*************************

Dahan-dahang lumipas ang oras.

Makalipas ang ilang oras, isang matamlay na ilaw ang lumitaw sa alapaap. Ang bukangliwayway ay lumitaw na. Ang mga liwanag na nagmumula sa sinag ng araw ay kumislap patungo sa hamog ng Sky Moon Mountain, sumasalamin sa luwalhating kulay pilak na kintab. Ang hugis ng bundok ay nagpakita na, ngunit ang hamog sa paligid ng bundok ay nagdulot upang hindi madaling makita ang nasa loob.

Bahagya, tila ba nakakita si Zhao Feng ng isang nakabibighaning eksena. Mayroong mga sapa, ilog, at kabukiran upang magpatubo ng mga pananim. Sa tuktok ng berdeng burol, mayroong mga bloke-bloke ng mga gusali.

Nang itodo ni Zhao Feng ang pagpapadaloy ng kaniyang kaliwang mata, nakakita siya ng kulay malalim na berdeng palasyong lumulutang sa alapaap at isang asul na kidlat ang bumabaha sa paligid nito…

"Ano!? Ang buong palasyo ay lumulutang sa himpapawid sa loob kidlat?" Natulala si Zhao Feng.

Ang bawat item sa loob ng Clan ay tila ba kakaiba kaysa sa mga nagmula sa labas na mundo. Ang palasyo ay lubhang nakakatulala habang ito ay nananatili sa pagitan ng kidlat at ng hangin, nagbibigay ng kahanga-hanga at banal na pakiramdam.

Hindi magawang kumalma ng puso ni Zhao Feng, at nakaramdam siya ng tunog ng pagtibok na nagmumula sa kaniyang kaliwang mata para bang nakaramdam ito ng isang bagay. Nais niyang tanungin ang iba, ngunit hindi niya kaya dahil ang palasyo ay lubhang malayo at nakatago sa likod ng hamog na hindi maaaring makita ng mga nasa Ascended Realm.

Xiu~ Weng~

Isang maliwanag na kislap ng puting ilaw ang lumitaw mula sa kabilang banda ng bangin. Nakakita si Zhao Feng ng isang batong pinto na nagbubuhat sa ilang libong kilong bigat na elebeytor ng marahan.

"Bumubukas na ang tarangkahan!" Naghiyawan sa galak ang mga naroroon.

Teng! Teng! Teng...

Ilang mga anyo ang dali-daling nagtungo sa hugis 'U' na daan.

"Ang entrance test ay magsisimula na." Babala ni Lord Guanjun sa tatlong disciples at pinangunahan ang daan.

Pagtapos makarating sa duo ng daan, nakarating na sila sa tapat ng batong tarangkahan. Ang batong tarangkahan na ito ay ang pasukan sa Broken Moon Clan.

Mayroong apat nga kabataan na nakatayo roon, at bawat isa sa kanila ay mayroong kasindak-sindak na aura na nagdulot upang ang mga taong kahit nasa ninth rank ay manginig.

Sa pagbukas niya sa kaniyang kaliwang mata, nakita ni Zhao Feng na ang lakas ng apat na bata ay kapantay ng kay Lord Guanjun. Si Lord Guanjun ay nasa Second Sky ng Ascended Realm at ang mga kabataan ay nandoon, din.

Sa mortal na mundo, sila ay magiging makapangyarihang mga anyo, ngunit dito sila ay mga guwardiya lamang.

Sila Lord Guanjun at ang iba pa ay lahat naglabas ng special token habang sila ay naglalakad.

"Pagbati, Deacon Qiu!"

Ang mga miyembro ng Clan ay lumitaw habang ang isang grupo ng mga tao ay pumasok sa bundok, mayroong dose-dosena nila, na bawat isa sa kanila ay nagpapakawala ng malakas na aura.

Ang lahat ng miyembro ay nagsusuot ng itim na guhit-guhit na damit at lahat sila ay kabilang sa Ascended Real. Ang taong nangunguna sa kanila ay isang hindi gaano katadang lalaking tinatawag ng iba bilang si Deacon Qiu.

"Pagbati, Deacon Qiu!"

Sila Lord Guanjun at ang iba pa ay nagpakita at yumukod. Ang mga kabataan sa likuran nila ay dali-daling sumunod.

Walang naramdaman si Zhao Feng mula kay Deacon Qiu, ngunit nang buksan niya ang kaniyang kaliwang mata, nakaramdam siya ng kasindak-sindak na kapangyarihang dumadaloy sa Deacon na nagdulot upang kumulo ang kaniyang dugo.

Ang lakas ng Deacon Qiu na ito ay mas malakas kaya sa kay Master. Kung kaya niyang patayin ang mga nasa Holy Martial Path ay naghawak gamit ang isang daliri, Mabilis na inaral ni Zhao Feng ang Deacon at abilis isinara ang abilidad ng kaniyang kaliwang mata dahil siya ay natatakot na matagpuan.

"Lahat kayo sundan niyo ako." Sinuri ng mga matani Deacon Qiu ang mga taong naroroon tila ba siya ay naghahanap ng mga langgam.

Hindi kalaunan, nagdatingan ang grupo sa tapat ng isang malaking batong entablado. Sa taas ng entablado, mayroong isang krital na liwanag sampung metro ang taas at kalahating metrong lawak na kinikislapan ng sinag ng araw.

"Ang unang pagsusulit, Spiritual Sky Beam. Lahat ay magpunta at kuhanin ang inyong mga numero." Utos ni Zhao Feng sa mga nakatatandang henerasyon ang kuhanin ang kabataan, irehistro sila, at kolektahin ang kanilang mga numero.

"Zhao Feng, numero bilang 49."

"Yang Qingshan, number 50."

Pagtapos kuhanin ang kani-kanilang mga plaka ng numero, nakakita si Zhao Feng ng ilang mga disciples na nagpunta upang manood. Isa sa kanila ay isang guwapong bata na may suot na itim at guhit-guhit na damit na siyang ngumiti habang siya ay nakikipag-usapa kay Lord Guanjun, "Uncle Xu Ran, nagkita tayong muli."

Yang Qingshan and the others looked at him with wariness and enmity.

Sila Yang Qingshan at ang iba ay tumingin sa kaniya ng may pag-aalala at poot.

Ang guwapong bata na ito ay si Quan Chen, ang taong kumuha kay Bei Moi sa araw na iyon.