Ang Lord tier ay may bangkay ng mabagsik na halimaw na gutay-gutay sa lupa sa di kalayuan.
Nakatayo si Lord Guanjun sa harap ng halimaw na nasa likod ang mga kamay,habang nakatingin sa kaniyang anim na mga disipulo, sila Bei Moi, Yang Qingshan, Nan Gongfan, Feng Hanyue, Zhao Feng,at Zhao Yufei.
Ang anim na youth ay ang mga piniling mga pinakamagaling sa Guanjun Province City, ngunit ang pangunahing atensiyon ni Lord Guanjun ay nakatuon lamang kay Bei Moi.
"Isang pagkaktaon?" kumislap ang mga mata ni Zhao Feng, hindi niya alam ang ibig sabihin ni Lord Guanjun?
Sa daan papunta dito, nakita ni Zhao Feng ang nangyari sa pagitan ng dalawa, kasama ang mga kilos. Ngunit hindi niya marinig ang kanilang sinabi.
"Master, ano ang inyong ibig sabihin?" tanong ni Feng Hanyue, hindi maitago ang kuryosidad.
Ang pinakamalaking pagkakataon niyang mapalitan ang kaniyang katauhan ay ang maging disipulo ni Lord Guanjun. Habang naghihintay sa kasagutan, ang iba pa ang naghihintay rin.
"Ang pagkakataong ito ay ang kahilingan din ng inyong Master…" mahinang nagbuntong-hininga si Lord Guanjun habang nakatingin sa distansya nang may pananabik, galit, pag-asa, at iba pang hindi maintindihang damdamin.
Ang pagiging isang taong may lubos na kapangyarihan sa Guanjun Province City, anong nakapagpapagulo ng kaniyang damdamin?
Si Zhao Feng ay nakakita na ng kaparehong mga damdamin sa araw na iyon sa Spiritual Martial Hall. Ngunit sa mga oras na iyon, ang mga dinaramdam ni Lord Guanjun ay nawala agad at si Zhao Feng lang ang nakakita nito.
Kaniyang tinanong ng araw na iyon kung bakit si Lord Guanjun ay naghahanap ng mga henyo?
Ang sagot ni Lord Guanjun ay upang matupad ang isang kahilingan.
Kahilingan?
"Ano kaya ang kaniyang kahilingan? Isang kahilingan na kahit siya ay hindi makatupad at maiaasa lang sa bagong henerasyon?
Teng! Sou! Sou!
Sa oras ding ito, ang mga malakas na cultivators na nasa malapit, kasama si Ye Linyu at General Heng, ay lumapit, ngunit itinaas ni Lord Guanjun ang kaniyang kamay at sumenyas na umalis sila.
Kahit si Ye Linyun, General Heng at ang iba pa ay gusting malaman ang sagot, umalis sila nang walang pag-aalinlangan.
Ang eksena ay nagpaalam sa anim na youth na si Lord Guanjun ay mahalagang sasabihin.
"May kahit sino ba sa inyong nakakita ng misteryosong anyong nakatalukbong?" Tila pinalitan ni Lord Guanjun ang usapin.
"Oo, ang disipulo dito ay nakita ito noong nakaraan sa Sky Cloud Forest…" sagot kaagad ni Zhao Feng.
Ang mga totoong nakakita lang ng nakatalukbong na anyo ay sila Zhao Feng at Bei Moi. Dalawang beses siya nakita ni Zhao Feng.
"Oh?"
Si Lord Guanjun ay tumingin kay Zhao Feng, bahagyang nabiglang. "Gaano siya kalakas sa tingin mo?"
"Sobrang lakas!" Inisip ni Zhao Feng kung paano nagawa ng anyo ang mga galaw nang dalawang beses at hindi maiwasang manlamig ng kaniyang puso.
Ngumiti si Lord Guanjun, "Sa tingin mo ba ay mas malakas siya sa akin?"
Ito…
Hindi inisip ni Zhao Feng na magtatanong ng ganito ang kaniyang Master. Sa tingin ng isang taong nakaabot na sa Holy Martial Path, si Zhao Feng ay kaya lamang sumagot ng "Para sa akin, ang inyong disipulo dito ay iniisip na ang kalaban ay kasinglakas ninyo, kung hindi mas malakas…"
Dahil mayroon siyang misteryosong kaliwang mata, sigurado si Zhao Feng sa lakas ng isang tao. ANg kaniyang sagot ay may kaunting kahina-hinalang tono.
"Zhao Feng! Anong sinasabi mo? Anong karapatan mong maliitin si Master at purihin ang kalaban?" sigaw ni Nan Gongfan.
Ang mga kilay ni Bei Moi, Yeng Qingshan at Feng Hanyue ay kumunot, halatang hindi sila naniniwala sa kaniya.
Sa Cloud Country, si Lord Guanjun ay isang maalamat na anyo na may pinakamalakas na kapangyarihan at katayuan. Ang pagiging disipulo ng taong ito, paanong wala silang tiwala sa kaniya?
Si Zhao Yufei lang ang naniwala kay Zhao Feng, isang pagtitiwalang hindi niya mawari kung saan nanggagaling.
Nagulat si Lord Guanjun sa sagot ni Zhao Feng, at ang Master ay hindi maiwasang tumingin pa sa kaniya ng ilang beses pa. Ito ang unang beses na sinuri niyang mabuti ang kaniyang disipulong ito.
Nagulat si Nan Gongfan at ang iba pa, tila hindi naman malungkot si Lord Guanjun. Sa totoo lang, tila tinitingnan na niya si Zhao Feng sa bagong paraan.
"Sabihin mo ang totoo, ano sa tingin mo?" Tumingin sa kanya si Lord Guanjun.
Hindi maiwasan ni Zhao Feng na maalala ang paghaharap ng Master at ng nakatalukbong na anyo.
Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at tiyak na sinabing, "Ang misteryosong anyo ay mas malakas kay Master.'
What!?
Ang mga ekspresyon nila Nan Gongfan, Yang Qingshan, at iba pa ay kapansin-pansing nagbago. Ang tapang ni Zhao Feng!
"Syempre, pakiramdam ko lang ito." Nang maramdaman ang inis galing sa ibang mga disipulo, idinagdag ni Zhao Feng kaagad ang pangungusap.
"Totoo, ang lakas niya ay mas mas mataas sa akin," mabagal na siinabi ni Lord Guanjun habang pinuri si Zhao Feng.
"What!? Imposible! Paanong may mas malakas pa kay Master!?" Hindi ito matanggap ni Nan Gongfan.
Nang maging mga disipulo niya sila, ang Master sa kanilang mga mata ay nakatayo sa pinakatuktok ng mundo.
"Dagdag pa rito, ang taong ito ay kayang kontrolin ang mga mabangis na halimaw sa Lord tier at pigilan ang mga mabangis na halimaw sa high tier sa pag-atake sa Guanjun Province City. Sa ilalim ng nabanggit na sitwasyon, kahit ako ay walang magawa para pigilan ang pagkasira ng Guanjun Province City…" seryosong sinabi ni Lord Guanjun.
Kontrolin ang ga mabangis na halimaw sa Lord tier? Hindi ito maisip ng mga disipulo.
"May pinuno sa pagplano ng pagkuyog ng mga halimaw na ito…" naalala muli ni Zhao Feng ang malamig na asul na mga mata.
"Master! Paanong may ganoong nakakasindak na anyo? At bakit siya tumigil sa pag-atake sa Guanjuin Province?" Hindi rin ito matanggap ni Yang Qingshan.
Ang mga tingin ng anim na mga disipulo ay nakatuon sa mukha ni Lord Guanjun.
"Hehe, alam niyo ang mundo ay dulo lamang ng isang malaking baton g yelo, ang Holy Martial Path…ay ang simula pa lamang. Kahit ang kasinglakas ng nakatalukbong na anyong iyon ay hindi nagtatangkang kalabanin ang Thirteen Countries Pact!" Ngumiti si Lord Guanjun.
Ang Holy Martial Path ay simula pa lamang? Ang anim na pinakamagaling ay nagulat. Ngayong araw, sobrang ginulat sila ni Lord Guanjun at kalahati lamang nito ang kanilang naintindihan.
Sa sandalint ito, naramdaman ni Zhao Feng na kumukulo ang kaniyang dugo at bigla niyang naalala ang tatlong youth sa canyon nang araw na iyon. Ang tatlong ito ay sobrang bata, at kahit sino sa kanila ay kayanag pumatay ng isang nasa ikawalong antas na Azure Eyed Hyena sa isang atake lang. Ang dalawa ay tumingin sa Hyena nang may panghahamak at ipinaubaya na nila sa babae na walang karanasan sa labanan.
Kahit si Bei Moi ay mahina kumpara sa tatlong ito. Simula noon, naintindihan na ni Zhao Feng kung gaano kalaki ang mundo… masyado pang maraming mga bagay ang hindi niya alam at hindi kayang hawakan…
"Sa iyong mga mata, ang Holy Martial Path ay maaring isang alamat at ang mga maharlika na nagkokontrol sa Thirteen Countries ng Sky Cloud ay may labis napakalakas na kapangyarihan, ngunit ito'y hindi ang katotohanan!" mapanuksong sabi ni Lord Guanjun, ngunit ang mga salitang sinabi niya ay ang eksaktong iniisip ng maraming tao.
Ito ang eksaktong iniisip ni Zhao Feng noon sa Green Leaf Villag at Sun Feather City..
"Ang tunay na mga nagkokontrol ng Sky Cloud Thirteen Countries ay hindi ang hari, mga Lord, maharlika, o mga angkan ng pamilya! Sila ay ang labingtatlong angkan sa ibabaw ng mortal na mundo!"
Habang sinasabi ito, naging matalas ang mga mata ni Lord Guanjun, na tila makapagbubukas ng butas sa kalawakan ang kaniyang pagtingin.
Labingtatlong angkan?
Ang anim na mga disipulo ay nagtinginan.
Mga angkan! Labingtatlong Angkan na nasa ibabaw ng mortal na mundo!
Bakit hindi pa nila ito narinig noon?
Noong si Zhoa Feng ay nasa Green Leaf Village pa, ang Sun Feather City ay lubos na makapangyarihan na para sa kaniya. Ngunit habang tumataas ang kaniyang cultivation, nagsimulang gumala ang kaniyang mga mata sa Province Ciy at sa Thirteen Countries at nalaman ang tungkol sa dalawang malakas na bansa kasunod ng Sky Cloud Thirteen Countries.
Kahit sino sa dalawang bansa ay kayang sirain ang Thirteen Countries at samakatuwid, ang Thirteen Countries ay kailangan magsama para makaligtas.
Ngunit hindi ito ang katotohanan!
"Master, gaano ba kalakas ang labingtatlong angkan para makayanang kontrolin ang thirteen countries?" tanong ni Nan Gongfan sa hindi paniniwala.
"Ang mga angkang ito ang kumokontrol sa path of cultivation. Bawat angkan lang ay may isang libo o higit pang tao, ngunit nakokontrol nila ang kapalaran ng isang bansa. Kung gusto mong alamin kung gaano sila kalakas, ang iyong Master, ako, ay isa lamang outer disciple ng Broken Moon Clan," nagbuntong-hininga si Lord Guanjun.
Outer disciple?
Si Bei Moi at ang iba ay nanigas. Umiling sila Nan Gongfan at Yang Qingshan dahil hindi sila naniniwala.
"Ang kasinglakas ni Lord Guanjun ay isa lamang outer disciple, katulad ko sa Zhao sect…"
Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Hindi nila alam kung gaano kalakas ang angkan, na ang katunayan lamang na si Lord Guanjun ay isa lamang outer disciple ang sinabi sa kanila.
Matapos malaman ang katotohanan, ang anim na disipulo ay nakaramdam na tila nawala ang kanilang kaluluwa. Ang kanilang mga natupad ay top tier sa Guanjun Province, ngunit kung ikukumpara sa mga angkan, ang dalawa ang wala sa parehas na lebel, katulad ng isang taong hindi papansinin ang isang langgam.
"Ang angkan na kumokontrol sa Cloud Country ay kilala bilang Broken Moon sect at ang peak existences ay nakalagpas sa Holy Martial Path…" Habang sinasabi ito, mababakas ang paghanga at pananabik sa mga mata ni Lord Guanjun.