Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 94 - Isang Lord Tier na Halimaw

Chapter 94 - Isang Lord Tier na Halimaw

Ang matinis na ungol na umalingawngaw ay siyang nagpatahimik sa parehong mga tao at iba pang mga halimaw kung saan ang huling nabanggit ay nakaluhod sa kalupaan na tila ba nakita nila ang kanilang hari. Mula sa kawan ng halimaw, sa kalayuan isang daan ang nabubuo.

"Ano naman ang bagay na iyan na siyang naglalagay ng takot sa mga halimaw na nasa peak tier..?" Ang mga cultivators sa taas ng pader ng lungsod ay nakapokus sa daang nabuo.

Dahil si Zhao Feng ang may pinakamalinaw na paningin, nakita niya na isang napakaitim na aso ang siyang halimaw na naglalakad patungo sa kanila. Ang laki ng itim na aso ay katulad ng isang lobo na halos 1.5 metro ang haba, at higit na maliit kumpara sa iba pang halimaw na gaya nito.

Isang aso?

Gustong tumawa ni Zhao Feng pero hindi niya magawa. Bawat hakbang na ginagawa ng aso ay nagbibigay ng nakakatakot na aura, at nang mapatingin si Zhao Feng sa mga mata ng aso, naramdaman niya na tila ba nagliliyab siya.

"Hindi kaya… Isang Lord Tier na halimaw!?" Malamig ang hininga ni Heneral Heng habang nasisilay sa kanyang mga mata ang takot.

Alam ng halos lahat na si Heneral Heng ay nasa peak ninth rank na, at isa siya sa mga pinakamalakas na cultivators.

Isang Lord Tier na halimaw!

Namutla ang mukha ng lahat ng mga cultivators, alam nila ang usap-usapan tungkol sa mga Lord Tier na halimaw. Ang mga halimaw ay nahahati sa low at high tier, na siyang katumbas ng Martial Artists at Martial Masters, pero ang mga peak tier na halimaw ay hindi ang pinakamataas.

Sa itaas pa ng mga peak tier na halimaw, may mga mas nakakatakot pa na pag-iral, ang pagkakaroon ng mga Lord Tier na halimaw!

"Ayon sa mga sabi-sabi, kaya raw sumira ng isang buong bansa ng iisang Lord Tier na halimaw." Sa itaas ng pader Guanjun Province City, iilan sa mga cultivators ay sobrang natatakot na halos mawala na sila sa kanilang huwisyo.

Sa palubog na araw, daan-daan at libo-libong mababangis na halimaw ang nagsiyukuan nang nakaharap sa Lord tier na asong itim habang naglalakad ito nang dahan-dahan patungo sa lungsod. Kahit na hindi pa ito umaatake, ang malamig nitong tingin ay sapat na para mapanginig ang mga cultivators na si Heneral Heng at Ye Linyun na kapwa nasa ikasiyam na antas.

Sa isang tingin lamang, alam na agad ng Lord tier na halimaw kung sino ang pinakamalalakas na cultivators na naroroon.

"Pigilan siya!"

"Ipasa niyo na ang impormasyon sa ating Panginoon!"

Iilang mga pilak na anyo ang nagpakita sa itaas ng malapit na tore.

Shua! Shua!

"Unang bilang, ikalawang bilang, ikaapat na bilang…," bulalas ni Third Guard.

Sa pagkakataong ito, ang unang apat mula sa Guanjun Corps ay dumating, kasama ang First Guard na siyang pinangungunahan sila!

Malamig ang hininga ni Ye Lin Yun. Ang First Guard ay kalahating yapak na lang ang layo sa Holy Martial Path.

Sige na!

Ang apat na pilak na anyo ay tumalon pababa at pinuntahan ang Lord tier na halimaw sa isang bigla.

First Guard, Second Guard, Third Guard, and Fourth Guard!

Ang pinakamalakas na apat ng Guanjun Corps ay bumuo ng kalahating bilog sa lord tier na halimaw upang pigilan ito.

"Cultivators ng ikasiyam na antas, dali tumulong kayo…" Taimtim na binigay ni Heneral Heng ang utos na ito.

Alam niyang hindi sapat ang lakas ng apat na ito para pigilan ang lord tier na halimaw na kayang sumira ng isang buong bansa.

Shua…shua…

Hindi nagtagal, may kakaunting mga cultivators ng ikasiyam na antas ang nagpakita. Sa ibabaw ng pader ng lungsod, ilang mga tagapagpana ang inihanda ang kanilang mga pana at palaso, ganoon rin si Zhao Feng na inilabas ang kanyang Golden Stairs Bow.

Wu...

Sinuri ng maitim na aso ang mga tao sa ibabaw ng pader nang may mga matang mapanghamak, na para bang may emosyon ito.

"Sky Heavenly Death Net!"

Ang apat na pinakamagagaling na Guanjun Corpsmen ay tila naging malalabong pilak na anino, may hawak silang mga maiksing patalim na siyang nakabuo ng lambat ng mga hiwa na bumalot sa Lord tier na halimaw.

Ang Sky Heavenly Death Net ay karaniwang ginagawa ng lahat ng apat na Guards, at ang kapangyarihan nito ay nakahihigit pa sa normal na Holy martial arts.

Kahit nasa malayo si Zhao Feng, tumibok nang mabilis ang kanyang puso. Alam niya na kung siya ang nasa loob ng Sky Heavenly Death Net, hindi siya makakahanap ng kahit anong kahinaan gamit ang kanyang kaliwang mata. Kahit nga ang mga normal na cultivators na nasa ikasiyam na antas ay wala ring laban dito.

Sa loob ng sampung taon, walang kahit sino ang nakatakas mula sa atakeng ito ng apat na Guards pero sa araw na ito, ang pamatay na atakeng ito ay kumukulong sa Lord tier na halimaw.

Shu...shu...shu..shu...

Hindi tumakbo o umiwas man lang ang itim na aso sapagkat alam nitong napapalibutan siya ng Sky Heavenly Death Net sa lahat ng direksyon.

Wu...

Isang suson ng itim na apoy ang sumilay mula sa aso at isang nakakasindak na aura ang siyang nangibabaw.

Pah!

Iniwasiwas lamang ng aso ang isa sa kanyang mga paa at naglabas ito ng itim na ilaw na iilang metro ang haba. Ang pagwasiwas na ito ay tila ba naglalaman ng isang malalim na uri ng martial art na siyang nagbukas ng isa pang dimensyon.

Craaaaak! Nagiba ang Sky Heavenly Death Net.

Dang! Dang!

Nalaglag at nasira ang sandata ng Second at Fourth Guard sa kalupaan habang may dugo na tumutulo mula sa kanilang mga bibig. Nanigas ang First at Third Guard habang namumutla sa mga nakikita.

Habang nakatayo sa taas ng pader, nanikip ang dibdib ni Zhao Feng nang makita niya ang pagwasiwas ng aso. Sapagkat sa kanyang mga mata, nagmukha itong isang martial art.

Marunong ang mga halimaw ng martial arts?

Si Zhao Feng lang siguro pero dama niyang ang atake na ginawa ng kanilang kalaban ay halos kapareho ng Mysterious Wind Palm ng babaeng nasa canyon.

Shuuuu… !

Pumadyak ang halimaw at isang suson ng maitim na apoy ang tumilapon sa iba ibang direksyon habang sinisira nito ang kalupaan.

"Iwasan niyo!" Bulalas ng First Guard habang galit niyang hinihiwa ang apoy gamit ang kanyang patalim. Ito rin ang ginawa ng ibang guards.

Heavenly Cloud Kill!

Slice of Doom!

Dumating na sina Heneral Heng, Ye Linyun at iba pang mga nasa ikasiyam na antas upang protektahan ang Guanjun Corpsmen. Ngunit napakalakas ng itim na apoy ng halimaw, nasusunog nito ang balat ng tao bago pa ito makarating.

"Ahhh…"

Isang cultivator mula sa ikasiyam na antas ang nag-apoy ang damit, kung kaya sinubukan niyang gumulong sa kalupaan para mapatay ito, Pero kahit ano pa man ang gawin niya, hindi nito napatigil ang apoy at hindi nagtagal, nasunog siya nito, naging maitim at abong bangkay. Hindi lang iyon, maging ang Third Guard at Fourth Guard ay nalagyan na rin ng itim na apoy.

"Kalimutan niyo na ako, tumakbo kayo…" Sigaw ng Fourth Guard at saka tumakbo habang nag-aapoy ang katawan patungo sa Lord tier na halimaw.

Craaak!

Muling iwinasiwas ng halimaw ang kanyang paa at nagpira-piraso ang katawan ng Fourth Guard.

"Third Guard!" Bulalas ng ibang tao. Ang Third Guard na siyang tagapangasiwa ng Sky Guards Battalion ay nalagyan rin ng itim na apoy sa kanyang braso.

Craack…

Nagngitngit ang ngipin ng Third Guard nang putulin niya ang kanyang isang braso.

"Magsibalik ang lahat!" Tawag ni Heneral Heng at First Guard.

Gulat na gulat si Zhao Feng habang nasa itaas ng pader. Noong mismong iyon, ginamit niya ang kanyang Golden Stairs Bow at saka pumana ng ilang palaso, pero bago pa man ito makalapit sa kalaban naging abo na lamang ito.

"Takbo! Magsibalik ang lahat!"

Ang sampung tao na puro mga nasa ikasiyam na antas, kahit pagsama-samahin, ay hindi naging sapat para pigilan ang isang wasiwas ng halimaw.

"Masyadong malayo ang agwat…" Takot ang makikita sa mukha nila Bei Moi, Nan Gongfan at ibang mga disipulo habang tumatakas palayo sa halimaw.

Wu…

Umungol ang Lord tier na halimaw at iilang mga peak tier na kauri nito ang nagpakitang bigla sa likod nito.

"Tinatawag niya ang kanyang mga hukbo para umatake!" Pumantig ang puso ni Zhao Feng at halos makita niya na kung paano masisira ang Guanjun Province City.

Ang alamat ng isang Lord tier na halimaw at ang pagsira nito sa isang bansa ay isang alamat lamang, pero talaga bang nangyayari ito sa Cloud Country?

Habang nawawalan na ng pag-asa ang lahat, isang tunog mula sa hangin ang narinig mula sa kanilang likod.

"Sinong bastardo ang pangahas na gawin ito sa aking teritoryo?" Isang malalim na boses ang maririnig sa ibabaw..

Souuu…

Isang pilak na ilaw ang sumilay sa kalangitan.

"Iyan si…"

Kahit papaano nasundan naman ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang anyo ng isang hindi gaanong katandaan na lalaki, nakasuot ng pilak-ginto na roba habang lumilipad sa taas na parang diyos.

Sa isang bigla, nakagalaw agad ang lalaki ng dalawang daang metro.

"Lumilipad? Kaya ba talagang lumipad ng mga tao?" Nakilala ni Zhao Feng ang lalaki, si Lord Guanjun!

Isang lalaking nakasuot ng pilak at gintong roba ang huminto sa harap ng Lord tier na halimaw.

"Illusion Rippling Execution!" Ikinumpas ni Lord Guanjun ang kanyang mga kamay at nabuo ang isang pilak na liwanag.

Ganoon rin, isang malakas na tunog ng kidlat ang maririnig at sumilay ang isang walong metrong kahaba na kulay pilak na ilaw at siyang sumaksak nang todo sa Lord tier na halimaw.

Wu!

Pagkabahala ang makikita sa mga mata ng itim na aso habang iwinawasiwas nito ang kanyang paa upang makapaglabas ng itim na apoy para labanan ang pilak na ilaw.

Boom…

Isang pagsabog sa loob ng dalawampung metrong pabilog na siyang nag-iwan ng malaking butas kung saan nagtama ang mga pwersa ang nabuo. Ganoon rin, ang mga kalapit na peak tier na halimaw ay umungol sa takot at lungkot dahil naabo sila.s

Related Books

Popular novel hashtag