Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 87 - Pagsasanay

Chapter 87 - Pagsasanay

Guanjun Palace...

Bumalik si Zhao Feng sa kaniyang tahanan at inutusan ang kaniyang alalay upang ihanda ang mainit na tubig sa banyera, upang mailagay niya ang kaniyang Bone Strengthening Powdersa loob. Ang Bone Strengthening Powder na ito ay katulad ng isang powder na ginamit niya noon, mas isang daang beses lang na mabisa ito.

Narinig ko na ang Bone Strenghthening Powder ay may labis na magandang epekto para sa boy strengthening techniques. Tingnan nayin kung mayroon itong magagawa para sa aking Silver Wall Technique. Nagsimula nang bumabad si Zhao Feng sa tubig na may medisina.

Ang kumukulong tubig ay madaling makakapaltos ng balat ng mga normal na tao, ngunit wala itong epekto sa malakas na katawan ni Zhao Feng.

Gulugulu!

Biglang nagsimulang kumulo ang tubig at ito ay nagbago patungo sa lilang-pula na kulay parang isang umuusbong na bulaklak. Nakaramdam si Zhao Feng ng nakakapasong sakit mula sa kaniyang katawa, at ito ay dahan-dahang pumasok sa kaniyang dugo at buto.

"Napaka makapangyarihang medisina!"

Malamig na pawis ang lumitaw sa noo ni Zhao Feng, ngunit nakayanan niyang hindi sumigaw. Base sa sinabi sa pakete ng Bone Strengthening Powder, ang mga normal na seventh ranks ay kinakailangang hatiin ang isang pakete sa kalahati at hiwalay itong gamitin. Malakas ang loob ni Zhao Feng na ang kaniyang Silver Wall Technique ay top tier body strengthening technique at kaya naman ginamit niya ang buong pakete.

Hindi niya alam na nabago ng misteryosong mata ang kaniyang katawan, at kaya niya nang sumisipsip pa ng mas maraming medisina sa isahan.

Peh Peh! Peh Peh!

Naramdaman ni Zhao Feng ang pagsagitsit ng init na pinapakawalan mula sa kaniyang kaliwang mata, na nagdulot upang humupa ang temperature ng kaniyang buong katawan at mahigop ang medisina nang mas mabilisan.

Ang dami at bilis na paghigop niya sa powder ay halos dobleng bilis kaysa sa iba, kaya naman naramdaman niya na ang medisina ay labis na puro at makapangyarihan.

Sa ilang oras, pinigil ni Zhao Feng ang sakit na kayang magdulot upang ang isang normal na tao ay himatayin.

Makalipas ang kalahating araw, nakasanayan na ni Zhao Feng ang sakit. Sa oras na ito, marahan niyang pinadaloy ang Returning Breath Technique, na tumulong sa kaniya upang mas lalo pang mahigop ang medisina.

Makalipas ang isang araw at isang gabi, sa wakas ay nakuha na ni Zhao Feng ang lahat ng medisina, subalit mayroon paring ilang tira sa loob ng kaniyang katawan.

"Hindi nakapagtatakang isa itong napakahalagang body strengthening item…"

Naramdaman ni Zhao Feng na ang halatang pagtaas ng kaniyang Silver Wall Technique. Noon, tumigil na sa pagprogreso ang Silver Wall Technique nang umabot ito sa sixth level.

Ito ang ay tiyak na tulad ng sinabi ng Third Guard, madaling matutunan ang mga Holy body strengthening techniques, ngunit habang ito ay nagpoprogreso, mas nagiging mahirap.

Maganda para kay Zhao Feng na ang kaniyang katawan ay sumailalim sa pagbabago sa pagsasanib nito sa misteryosong kaliwang mata, na nagpataas pa lalo kung saan hinigop ang medisina.

Pagtapos gumamit ng isang pakete ng Bone Strengthening powder, naisip ni Zhao Feng ang iba pang resources na mayroon siya: isang Sun Gathering Pill, tatlong Blood Condensing Pills, at dalawang Chi Storage Pills.

Ang Blood Condensing Pill ay nakatulong din upang mapalakas ang katawan. Naalala niya ang malalim na sinabi ni Lord Guanjun, na ang nine ranks ng martial path ay nakatuon sa katawan.

Ang paggamit ng Chi Storage Pills ay upang dalisayin ang Inner Strength, at bili niya ito para sa kaniyang Returning Breath Technique. Ang huling Sun Gathering Pill ay nagkakahalaga ng walumpung libong pilak at maaari nitong maitaas ang cultivation ng kalalakihang nag-ensayo ng Yang laws.

Body, Inner Strength, Cultivation. Ang apat na gamit na binili ni Zhao Feng ay nakatuon sa tatlo, ang una bilang ang pinakaimportante.

Sunod, kinain ni Zhao Feng ang isang Blood Condensing Pill, na kayang makapagpalakas ng katawan. Ang pill na ito ay umabot din ng dalawang araw upang tuluyang mahigop ni Zhao Feng.

Pagtapos kunsumuhin ng pill na ito, naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang katawan at ang Silver Wall Technique ay parehas tumaas ang kapangyarihan.

Batay sa kaniyang plano, ang mga susunod na kaniyang kakainin ay ang Chi Storage Pills. Dahil ang kaniyang body foundation ay lubhang malakas, naramdaman ni Zhao Feng ang mabilis na pagtaas ng kaniyang Inner Strength. Nagdulot ito upang mabatid niya ang katotohanan na ang foundation ay dapat solid.

Para sa susunod na kalahating buwan, nagtuon lamang si Zhao Feng sa Silver Wall Technique at Returning Breath Technique.

Ang tatlong pakete ng Bone Strengthening Powder, ang tatlong Blood Condensing Pills, at ang dalawang Chi Storage Pills ay lahat nagamit na.

Sa oras na ito, ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa huling mga yugto ng sixth level. Sa lebel na ito, ang katawan ni Zhao Feng ay kasing tigas ng pilak at kapag ginamit niya ang Silver Wall Technique, isang matamlay na kulay pilak na liwanag ang lilitaw sa kaniyang katawan na tila ba siya ay di-tinatablan na estatwa.

Kahit hindi ko gamitin ang Inner Strength, kaya kong harapin ang mga normal na seventh ranks ng walang problema, naisip ni Zhao Feng.

Ito lamang ang sixth level ng Technique. Kung nakaabot pa siya sa seventh, kaya niyang burahin halos lahat ng Martial Master na nasa seventh rank maliban na lang kung ang kalaban ay may alam din na Holy martial art.

Sunod, kakainin na ni Zhao Feng ang Sun Gathering Pill.

Iniwan ni Zhao Feng ito sa huli dahil nais niyang palakasin ang kaniyang foundation, na maaaring makatulong sa kaniya upang makahigop ng mas maayos.

Pinikit niya ang kaniyang mga mata, kinain ni Zhao Feng ang Sun Gathering Pill. Pagtapos makarating sa seventh rank, ang progreso ng cultivation ni Zhao Feng ay bumagal na. Dali-dali, nakaramdam si Zhao Feng ng pag-agos ng init na kumalat sa kaniyang katawan.

Ang enerhiya ng pill na ito ay kinakailangang dahan-dahang pakawalan at higupin. Inabot si Zhao Feng ng higit pa sa pitong araw dahil sa patuloy na pagdaloy ng Returning Breath upang kuhanin lahat ng enerhiya.

***********************

Makalipas ang walong araw…

Nahigop na ni Zhao Feng ang halos lahat ng enerhiya ng Sun Gathering Pill. Sa oras na ito, ang berdeng liwanag sa dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata ay umabot na sa 2.5 metro.

Hindi hinayaan ng isang buwan na paghihirap upang makaabot ang cultivation ni Zhao Feng sa peak seventh rank.

Hindi ako makapaniwalang si Bei Moi ay halos nasa ninth rank na dahil ang cultivation ay bumabagal ng lubha pagtapos ng seventh, naisip ni Zhao Feng sa loob-loob niya.

Ito ay isang magandang bagay na ang kaniyang Silver Wall Technique ay umabot na sa peak sixth rank, at ito ay nakagawa ng solid foundation para sa kaniya, na nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na kaya niyang makaabot ng eighth rank sa loob ng tatlong buwan.

Hu!

Nararamdaman ni Zhao Feng ang kapangyarihan sa kaniyang loob habang humihinga siya paloob at palabas. Ang kalidad at bilang ng kaniyang Inner Strength ay lubhang tumaas.

Wala ng seventh ranks ang dapat na maging kalaban ko ngayon. Maaari ko pang tapatan ang ilang normal na eighth ranks, ngunit walang pagkakataong manalo kung makakita ako ng isang halimaw na tulad ni Bei Moi!, sinukat ni Zhao Feng ang kaniyang lakas.

Kaya niyang hamunin ang mga nasa eighth rank, at kaya niya pang magkaroon ng tsansang manalo kung sila ay normal cultivators ng eighth rank. Kung sila ay mga pambihirang gaya nina Nan Gongfan o Bei Moi, sila ay halos nasa half-Holy ranked martials arts. Hindi niya sila kayang talunin, dahil ang pangalawa ay mayroong lakas na kayang hamunin ang mga nasa higher ranks. Nakapatay na si Bei Moi ng isang cultivator na nasa ninth rank.

*****************

Sa wakas ay lumabas na si Zhao Feng sa secluded meditation pagtapos ng isang buwan.

Sa oras na ito may nag-ulat na alalay sa kaniya, "Young master, habang ikaw ay nasa secluded meditation, sina Lady Zhao Yufei at Young Master Feng Hanyue ay parehas na nagpunta upang hanapin kayo."

Oh?

Inunat ni Zhao Feng ang kaniyang katawan habang marahang naglalakad palabas ng kaniyang bahay. Ang mga bahay nina Feng Hanyue at ni Zhao Yufei ay hindi masiyadong malayo.

Hindi kalaunan, nagkita na ang tatlo.

"Brother Zhao, mukhang humusay ka sa loob ng isang buwan," nagbigay ng bahagyang ngiti si Feng Hanyue at siya ay bahagyang nagtataka.

"Hindi pa rin kasing galing kumpara kay Brother Feng."

Nalaman ni Zhao Feng na si Feng Hanyue ay halos makarating na sa hangganan ng seventh rank, hindi dinudumihan ang pangalan ng pinakahenyo sa Ten Sky Guards.

Lubhang mabilis ding umangat si Zhao Yufei, umaabot sa seventh rank.

Ngayong araw, nag-usap ang tatlong mga bata tungkol sa kanilang skills at ang iba ay nais makipaglaban. Hindi rin tinanggihan ni Zhao Feng ang ideyang ito at nakipaglaban sa dalawa.

Ang huling resulta ay si Zhao Feng at si Feng Hanyue at lumaban hanggang sa huminto, samantalang si Zhao Yufei naman ay natalo ng kaunti.

Sa buong laban, gumamit lamang si Zhao Feng ng animnapu hanggang pitumpung porsyento ng kapangyarihan ng kaniyang Silver Wall Technique at bahagya niyang isinantabi ang kapangyarihan ng kaniyang ibang skills gaya ng Star Finger at Smoking Transparent Step.

Kahit pa, nagulat pa rin si Zhao Feng sa lakas ni Feng Hanyue dahil ang pangalaw ay maaaring itinago ang kaniyang lakas, din. Ngunit ang pinakanagulat ay si Feng Hanyue; hindi niya lubos maisip na pagtapos ng isang buwan lamang, kaya nang lumaban ni Zhao Feng kasabay siya.

Habang sila ay naglalaban, napagtanto ni Zhao Feng na sina Feng Hanyue at Zhao Yufei ay parehas na nag-ensayo rin ng ilang half-Holy ranked martial arts.

"Bilang mga disipulo ni Lord Guanjun, maaari tayong magpunta sa Treasury Hall at mamili ng kabuuan ng sampung half-Holy martial arts," sinabi sa kaniya ni Feng Hanyue.

Ang balitang ito ay nagdulot upang tumalon si Zhao Feng sa kaligayahan. Hindi nakapapagtataka na ang Third Guard at si Bei Moi ay hindi man lang pinagtuonan ng pansin ang mga half-Holy martial arts.

Ang pakinabang na natanggap nila bilang isang disipulo ni Lord Guanjun ay napakalaki. Napagdesisyunan ni Zhao Feng na magpunta sa Treasury Hall kapag mayroon siyang oras.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo na inimbita tayo ni Nan Gongfan upang makipaglaban sa isa't isa paglipas ng tatlong araw, at si Bei Moi ay naroroon din…." Sinabi ni Feng Hanyue.