Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 8 - Overpowered Archery Skills

Chapter 8 - Overpowered Archery Skills

Si Zhao Feng ay nagdulot ng kaguluhan, hindi man lamang siya nag-abalang ipaliwanag kung ano ang nangyari

"Mabuti! Kahit na papano ay mayroon kang lakas ng loob." Masaya si Zhao Yui dahil ang kanyang plano ay madaling nagtagumpay. Ang una niyang inisip ay si Zhao Feng ay lalaban at kailangan pa ng pang hihikayat, hindi niya alam na tatanggapin ni Zhao Feng ito ng nakapadali.

At kapag natalo si Zhao Feng, ang kailangan lang niyang gawin at humingi ng tawad, yun ay nagbigay espasyp sa kanya upang mag upang umatras.

"Little sister Yufei, kung ikaw kaya ang humusga?" Sinabi ni Zhao Yui habang naka ngiti kay Zhao Yufei

Kung talento at cultivation ang pag-uusapan, si Zhao Yufei ay isa sa mga nasa itaas ng crowd, kaya siya nagkaroon ng karapatang humatol.

"Ok." Tinango ni Zhao Yufei ang kanyang ulo, pero hindi nagpakita ng masyadong interest. Sa kanyang opinion, si Zhao Yui ay ikatlo ang ranggo sa archery, kaya hindi siya matatalo ni Zhao Feng.

Mayamaya, ang field ay nagkaroon ng bukas na espasyo. Ang mga tao ay nadagdagan hanggang umabot sa talumpung tao

"Nandito si little sister Yufei ngayong araw, kaya siguradong gagamitin ni Zhao Yui ang kanyang buong lakas."

"Lahat ng mga archers ay puno ng pag-asa. Ang lahat ay walang duda na si Zhao Yui ang mananalo. Sa halip na isang paligsahan, ito'y sa halip na magiging pagtatanghal ni Zhao Yui.

"Tara dito!" Tinawag ni Zhao Yui ang ilang kabataan, at dinala nila ang mga target papunta sa kanya. Mayamaya, ang mga target ay naka ayos na sa isang diretsong linya sa kanyang harapan. Lahat ng target ay mayroong distansya na sampung metro sa pagitan nila.

"Dahil madaming tao ngayong araw, ipapakita ko ang aking special move, Continuous Eagle Arrows." Ang mukha ni Zhao Yui ay puno ng ngiti.

Continuous Eagle Arrows? Ang mga disciples sa paligid ay may mga nasasabik na mukha. Pati si Zhao Yufei ay nagpakita ng interest.

Sa harap ng mga tao, naglakad si Zhao Yui sa harap ng apat na targets. Dahil mayroong apat na targets ang naka hilera sa isang diretsong linya, sa pamamagitan ng normal na archery skills, ang isang archer ay kaya lamang tamaan ang nasa pinaka harap.

Huminga ng malalim si Zhao Yui at kumuha siya ng apat na pana ng sabay-sabay.

Gagawin ba niyang…

Ang lahat ay nagulat.

Sa oras na ito, ang pana ni Zhao Yui ay lubos na nahila, bumubuo ng isang crescent moon na nakarap paitaas.

Lahat ng pana ay nasa string.

Si! Ang lahat ay huminga ng malamig.

Shoosh! Shoosh! Shoosh! Shoosh! —–

Limang pana ang lumipad sa ere, na bumuo ng apat na perpektong arko, at parang mga agila, ay sumunggab sa kanilang mga targets.

Pah! Pah! Pah!

At halos sa parehon oras, ang apat na pana ay tumama sa pinaka gitna ng mga targets.

"Diyos ko po!" Lahat ng tao ay sumigaw sa kanilang nakita

"Pwede palang itira ang mga pana sa ganitong paraan! Hindi nila kailangang lumipad ng diretso, pwede silang kumurba! At dahil sa gravity, sila'y babagsak sa kanilang mga targets…" Ang kaliwang mata ni Zhao Fengng ay perpektong naitala ang mga ruta ng pana. At ang kinalabasan ay niyanig ang kanyang puso.

Continuous Eagle Arrows!

Natagalan bago kumalma ang lahat ng mga tao.

"Napaka taas na antas ng archery skill!"

Ang mga mata ni Zhao Yufei ay nagpakita ng pagkabigla

"Salamat sa panonood." Nakita ni Zhao Yui ang reaksyon ni Zhao Yufei at tumawa sa kanyang sarili. "Bata! Ikaw na!"

Pagkatapos matapos ni Zhao Yui, ang kanilang mga titig ay lumiko patungo kay Zhao Feng na may puno ng pangungutya. Walang naniniwala na ang archery skill ni Zhao Feng ay maikukumpa kay Zhao Yui.

"Hmmm… hayaan mo akong mag-isip saglit…"

Kinuha ni Zhao Feng ang kanyang pana sa kanyang isipan, ang Continuous Meteorite Arrows ay muling sumanib sa kanyang puso.

Nasuri niya na para matalo niya si Zhao Yui sa ilang tradisyonal na paraan ay imposible, maliban kung meron siyang ekstrang ilang araw. Kaya hindi siya makagamit ng normal na paraan upang matalo si Zhao Yui.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay pinagmasdan ang kabuuan ng langit at patungo sa archery field habang siya'y nag dedesisyon kung ano ang kanyang gagawin.

"Ok, magsisimula na ako ngayon." Mabagal na naglabas ng isang pana si Zhao Feng.

"Unang pana." Hinila niya pabalik ang pana at walang ingat na tumira patungong langit.

Anong ginagawa ng lalaking ito… Lahat sila'y napatigil.

Gayunpaman, sa oras na ito, isang tunong ang nanggaling mula sa langit.

Peh!

Isang itim na anino ang bumagsak mula sa langit.

Ang mata ng lahat ng tao ay lumawak dahil ito ay isang agila.

"Ang archery skill ng batang ito ay hindi na masama pagka't kaya niyang pabagsakin yung ibon mula sa langit ng napakadali."

"Hmph… isang maliit na trick." Si Zhao Yui ay mat mukha ng pang-mamaliit

Sa katunayan, kahit na mabuti ang nagawa ni Zhao Feng, wala ito kumpara sa kanyang Continuous Eagle Arrows.

Peng! Peng!

Tumira pa ng dalawang pana si Zhao Feng

Lahat ng pana na kanyang tinira ay nakapatay ng isang ibon.

"Bata! Wag mong ipag malaki ang mga bulok mong kakayahan, dalian mo nalang at tanggapin mo na ang iyong pagkatalo." Isang archer ang nagsabi ng walang pasensya.

"Hmmm… mabuti na ang pakiramdam ng mga kamay ko ngayon." Hindi na nag-abala pa si Zhao Feng sa kanya, dahil kahahanap nga lang niya ang pakiramdam na iyon.

Pagkatapos, huminga siya ng malalim at ginamit ang lahat ng kanyang kapangyarihan sa kanyang kaliwang mata. Sa panahong iyon, ang kanyang kaliwang mata ay lumiwanag ng kaunting berde.

Shoosh——

Isa pang pana ang lumipad patungong langit, kasing bilis ng kidlat.

Tah!

Mula sa kalangitan isa pang maitim na anino ang bumagsak.

Tumawa ng malamig si Zhao Yui, pero hindi nagsalit.

"Diyos ko po! Itong pana ay nagpabagsak ng dalawang ibon!" Isang archer ang napasigaw.

Narinig ni Zhao Yui iyon at tinignan ito. Talaga nga, merong dalawang ibon doon.

Isang Pana, Dalawang Ibon!

Ang tumalon ang puso ni Zhao Yui. Hindi niya naisip na si Zhao Feng ay mayroong mataass na archery skills. Maski na si Zhao Yui ay walang kumpiyansa na magawa iyon, naka depende sa swerte para sa kanya.

"Ang katawan ng mga sparrows ay maliit at sila'y napakabilis lumipad. Upang tumira ng isang pana at mapatay ang parehong sparrows ay kapantay ang Continuous Eagle Arrows ni Zhao Yui," isang archer ang nagsabi.

"Pampagana palang yan." Nabigay ng maliit na ngiti si Zhao Feng.

Tumalon ang puso ng mga tao. Mayroon pa bang mas mataas na skills si Zhao Feng?

Hindi nagpaliwanag si Zhao Feng, pero mabagal niyang inangat ang kanyang pana at tumira sa isang target na limampung metro ang layo.

Anong ibig sabihin noon? Walang naka intindi kung ano ang ibig sabihin noon. Limampung metro ay limampung laktaw. Para tirahin ang target na isang daang hakbang ang layo, maski na ang gitna, ay hindi nalalapit para ikumpara sa Continuous Eagle Arrows o One Arrow, Two Birds.

Shoosh!

Ang mga pana si Zhao Feng ay humati sa hangin at bumagsak sa target isang daang metro ang layo.

Peng!

Ang pana ay hindi man lang tumama sa gitna, tinamaan lang nito ang panlabas na gilid.

Pinunasan ni Zhao Feng ang kanyang pawis at naglabas ng mahabang paghinga.

"Hahaha… muntikan ng hindi tamaan ng panang ito ang target…" Ang mga disciples ay nagsimulang tumawa.

Pati na si Zhao Yui ay tumawa.

Aksidente bang di tumama si Zhao Feng? Gayunpaman, nung tumingin sila kay Zhao Feng, mayroon siyang mukha na puno ng kumpiyansa.

Bilang tagapag husga, si Zhao Yufei mayroon ding nagtatanong na mukha. Naramdaman niya na ang pana ni Zhao Feng ay hindi ganoon kadali kagaya ng inaakala.

"Pwede kang lumapit at tignan ito," Sabi ni Zhao Feng na puno ng kumpiyansa.

Ang mga tao ay lumapit para makita ang pana.

Sa panlabas na gilid ng isang target ay may isang pana, ito'y nangangatog parin mula sa pagkatira.

Pinahila ni Zhao Feng ang pana sa isang archer. Mabilis na nahila palabas ang pana. Lahat sila'y tinitigan ito.

Sa unahan ng pana ay isang pea-sized na patay na katawan na may bahid ng dugo…

Ano ito!

"Diyos ko po… isa itong langaw! Isang langaw!" isang sa mga disciples ang sumigaw, gulat.

Ano!

Ang mga mata ng maraming archers ay halos lumuwa na palabas dahil sa pagkagulat.

"Diyos ko po! Para magkaroon ng isang daang hakbang diperensya at makapatay ng isang langaw, pano niya nagawa ito?"

"Para makakita ng langaw ng isang daang metro ang layo ay napakahirap na. Paiba-iba din ang paglipad ng langaw…"

"Pano… Paano ito possible!?"

Namuti ang mukha ni Zhao Yui at tumitig siya sa katawan ng langaw, na para bang ang kangyang kaluluwa ay nawawala.

Kung siya't seswertehin ay magagawa niyang makatama ng dalawang ibon sa isang pana, pero para makapatay ng langan mula isang daang hakbang ang layo ay imposible para sa kanya. Masyadong maliit ang langaw. Ang mga normal na tao ay hindi man lamang kayang makita ang langaw mula isang daang hakbang ang layo.

Natapos na ang archery contest doon. Napagpasyahan na ang nanalo.

"Ang panalo sa archery contest na ito ay si Zhao Feng." Si Zhao Yufei ay mabilis na naka-recover mula sa kanyang pagkagulat at binigyan niya si Zhao Feng ng isang komplikadong tingin.

Ito ang unang beses na seryoso niyang siniyasat ng mabuti si Zhao Feng. Ang kabataang nakita niya ay kumpiyansa at mayroong appeal na daig ang madaming tao ng kaparehong edad.

"Pwede na akong umalis, no?" Naglakad si Zhao Feng palabas.

Ang mga tao ay kusang nagbukas ng daan para sa kanya. Ang archery skill ni Zhao Feng ay tinalo sila, pati na si Zhao Yui ay hindi makapag sabi ng kahit na ano.

Pagkatapos niyang maglakad palabas ng archery field, naglabas si Zhao Feng ng isang mahabang hininga. Ang archery session ngayong araw ay malaki ang naitulong sa kanya.

Sa lalong madaling panahon na naglakad siya palabas ng archery field, isang walang awang tawa ang tumunog sa harap niya.

"Hahaha… Zhao Feng, nahanap din kita!" Sa lalong madaling panahon na natapos ang mga salitang iyon, tatlong kabataan ang humarang sa daan si Zhao Feng.

Ang kabataan sa pinaka harap ay mayroong makapal na kilay at mayroong kumpiyansang mukha. Ito ay si Zhao Kun!

"Maliit na bastardo, nung nakaraan ay natalo ako sayo. Ngayon, sisiguraduhin kong matatalo ka at magmakaawa para sa kapatawaran." Dinilaan ni Zhao Kun ang kanyang mga labi at ang kanyang mga mata ay mayroong tiyak na kabagsikan sa kanila.

Sa oras na ito, tatalunin niya si Zhao Feng ng patas at papahiyain rin siya. Dahil lamang natalo siya kay Zhao Feng sa isang galaw at naramdaman niyang napahiya siya.

Nakita ni Zhao Feng na ang dalawang katulong na dinala ni Zhao Kun ay parehong nasa ikalawang ranggo ng Martial Path at sila'y nandito para pigilan siyang tumakas.

"Sister Yufei, yang si Zhao Feng ay mukhang may problema," isa sa mga babae sa tabi ni Zhao Yufei ang nagsabi.

Sa oras na ito, karamihan sa mga tao mula sa archery field ang at nakita ang eksenang nangyayari.

Si Zhao Yui ay mayroong nalulugod na ekspresyon sa kanyang mukha…

Gayunpaman, sa harap ng mga bagay na ito, hindi nakaramdam ng takot si Zhao Feng at matuling sinabi, "Kumilos na kayo."