Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 769 - Pagsubok sa Kasanayan

Chapter 769 - Pagsubok sa Kasanayan

Ang unang tatlong lebelng Golden Kun Sacred Lightning Body ay kaugnay sa antas ng True Spirit Realm. Nakarating na sa rurok ng pangalawang antas si si Zhao Feng at kaya na niyang makipaglaban sa True Mystic Rank sa pamamagitan ng kanyang pisikal na lakas. Kung siya ay makaabot sa ikatlong lebel,maari niyang mapatay ang True Lord Ranks nang mag-isa lamang at hindi na niya kakailanganing makipag kumpetensiya sa mga mas mababa pa sa Origin Core Realm. Gayunpaman, ang unang tatlong antas ay pundasyon lamang ng Sacred Lightning Body.

"Hindi pa sapat ang lakas ng aking lifeforce at katawan o maari kong pasukin ang Ancient Dream Realm para makakuha ng mas marami pang magpagkukunan."

Nakaisip ng isang plano si Zhao Feng. Ngunit ang mga pagkukunan ay kakailanganin upang mapalakas ang kanyang katawan upang lumagpas ka kanyang orihinal na estimasyon. Ang halaga ng kakailanganin para sa cultivation ng Golden Kun Sacred Lightning Body at Five Elemental Wind Lightning Technique ay masyadong malaki. Nagbigay ng suhestiyon si Zhao Feng, kung hindi siya makakapasok sa Ancient Dream Realm sa lalong madaling panahon, magkakaroon siya ng krisis sa kanyang pagkukunan kapag siya ay nasa Great Origin Core Realm na.

Bukod doon, ang paggaling ng kanyang kaluluwa ay nangangailangan din ng mga bihirang bagay. Kapag nanumbalik na ang kanyang soul-strength sa antas ng Void God Realm ay doon lamang muling magigising ang kanyang Emperor Intent. Wala siyang maraming bagay o resources upang mapagaling ang kanyang kaluluwa.

"Resources…" Nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng habang siya ay nag-iisip.

Sa wakas naintindihan niya kung bakit ang batang Demigod ay nagnanais na makuha ang mga resources. Malamang, kung hindi siya gumamit ng mga resources at kung lininang lamang niya ang kanyang sarili,makakabalik lamang siya sa rurok sa loob ng labing dalawang taon, ngunit hindi naghintay ng matagal si Zhao Feng.

"Kailangan kong maging King sa loob ng tatlong taon."

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng habang siya ay may ilang mga saloobin tungkol sa kung paano kumita ng pera:

Una; maaari niyang paamuhin ang mga oso. Kung mayroong mas marami pang mga bihirang hayop tulad ng Yinming Bird, siya ay lumilikom ng pera.

Pangalawa; galugarin ang ilang mga lugar na nasira at secret realms upang makahanap ng mga sinaunang kayamanan.

Pangatlo; kumpletuhin ang mga misyon para sa angkan. Ang mas kumplikadong mga misyon ay mayroong maraming gantimpala, at ang mga contibution points ay maaaring palitan para sa mga mahalagang mapagkukunan.

Ang una at ikatlong paraan ay halos parehong ligtas at mas maayos ang sahod kaysa sa pangalawang paraan na mas mapanganib.

Tama ang iniisip ni Zhao Feng:

"Zhao Feng!" isang malakas na boses na narinig mula sa labas at diretsong dumaan sa kanyang protective array.

"Hmm?"

Umalis si Zhao Feng sa silid at nalaman na may Regulator sa labas na naka lilang roba. Ang kanyang cultivation ay narating na ang Great Origin Core Realm.

"Regulator, may problema ba?"

Si Zhao Feng ay may kakaibang ekspresyon. Sa ilalim ng normal na mga sitwasyon, hangga't ang isa ay hindi lumalabag sa mga batas ng clan, ang mga Regulator ay hindi makikipag-usap sa mga alagad.

Nakita niya ang ilang mga Centreal Disciples sa gilid ng kaniyang panigin na may mapanuring tingin. Sa gitna ng mga ito ay sina Huang Yunhu, Wang Yuan, at Senior Martial Brother Guang.

"Zhao Feng, wala ka pang nakukumpletong misyon sa loob ng tatlong buwan. Narito ako upang ika'y pagbantaan at ihinto ang pagbibigay ng mga pagkukunan sa iyo sa susunod na tatlong buwan," walang awang tinignan ng Regulator ng naka lilang roba si Zhao Feng.

Ang pagtigil ng pagbibigay ng mga resources o pagkukunan kay Zhao Feng sa loob ng susunod na tatlong buwan ay isang malaking bagay sa isang normal disciple. Kung wala siyang pagkukunan, siya ay mahuhuli sa iba sa ganitong isang mapagkumpitensyang kapaligiran.

"Kung wala ka pang nakumpletong anumang misyon sa loob ng kalahating taon, ikaw ay parusahan ng mahigpit at iulat sa angkan," sabi ng Regulator na may lilang roba bago umalis.

Si Zhao Feng ay bahagyang nabigla. Sinanay niya ang Golden Kun Sacred Lightning Body at Five Elemental Wind Lightning Technique sa nakalipas na tatlong buwan at nakalimutan na ang tungkol sa kanyang misyon.

Nagdesisyon si Zhao Feng na tapusin ang lahat ng kanyang kailangang matapos na misyon sa loob ng isang taon at humanap na rin ng mga resources o pagkukuhan.

Mahihirapan siya sa tatlong buwang walang pagkukuhanan. Hindi na mahalaga kung gaano kaliit ang lamok, ito ay karne pa rin na mahalaga para kay Zhao Feng na nasa proseso ng re-cultivating.

Whoosh!

Tinanggal ni Zhao Feng ang protective array upang maghanda para sa iilang misyon at manghuli ng iilang oso.

"Naghintay ako ng matagal para sa iyo Zhao Feng," isang payat na lalaki ang humarang kay Zhao Feng. 

Ito ay si Huang Yunhu. Naghintay siya ng buong buwan para dito. Ngayon na siya ay mayroong lumilipad na alagang hayop mula kay King Lu Yun, maaari niyang gamitin ito upang matapatan ang Yinming Bird ni Zhao Feng.

"Isang tao na natalo ko na dati," isang mapanghamak na tingin ang binigay ni Zhao Feng sa kanya.

Nang marinig niya iyon, ang mga tao ay nagkaroon ng diskusyon.

Si Huang Yunhu ay galit na galit. Itong batang True Mystic Rank ay mababa ang tingin sa kanya.

"Zhao Feng, umasa ka na sa iyong alagang hayop noon. Ngayon ay may lakas ka ng loob na sabihin ng malakas ang baga na iyan?"

"Ang batang ito ay hindi alam kung ano ang kahiya-hiya."

Namula ang mga mukha ng kalapit na mga Central disciples nang tinawanan siya at si Zhao Feng. Ngayon, alam na nilang may aasahan si Huang Yunhu.

"Huwag mo siyang laban Zhao Feng!" sabi ng isang babae, "Hiniram ni Huang Yunhu sa kanyang Master ang Two-Headed Lightning Bird at mayroon itong cultivation ng Great Origin Core."

Senior Martial Sister Wan?

Tumingin si Zhao Feng at nakita ang Senior Martial Sister Wan Rong na tumakbo. Ang kanyang eleganteng aura ay nakakuha ng atensyon sa malapit na mga lalaki.

"Ang Senior Martial Sister Wan ay hindi kailangang mag-alala. Ang pagkatalo ay wala lamang," ngumiti nang marahan si Zhao Feng. Siya ay may mabuting pagtingin sa Senior Martial Sister Wan. Siya ang nagpagaling sa kanya nang wala siya sa kanyang sarili.

"Wag kang mayabang, bata," nakaramdam ng pagkapahiya si Huang Yunhu. Isang maliit na True Mystic Rank ang tumingin sa kanya ng mababa. Pagkatapos nito, naglabas siya ng isang special na token na naglalaman ng bahagi ng King Intent.

Ang sumunod na nangyari ay:

Hu~~

Ang Two-Headed Lightning Bird lumitaw sa kalangitan na lalaki ng kaunti kaysa sa Yinming Bird ni Zhao Feng.

Whoosh!

Lumipad sa himpapawid si Huang Yunhu at Zhao Feng. Ang makapangayarihang paghaharap ng Origin Core Realm birds ay nakakuha ng atensyon sa angkan.

Bam! Bam! Bam!

Ang Two-Headed Lightning Bird at Yinming Bird ay naglaban sa himpapawid habang si Zhao Feng at Huang Yunhu ay lumayo sa isa't isa.

Ang dalawa ay mas mahina kaysa sa mga ibon. Bukod sa kanyang kaluluwa, Intent, at eye-bloodline, hindi pa rin ito sapat para harapin ni Zhao Feng ang Two-Headed Lightning Bird o ang Yinming Bird.

"Hahaha! Hindi ka na makakatakas ngayon bata," si Huang Yunhu ay malakas na tumawa habang siya nagpapakalat siya ng True Yuan. Ang atakeng ito ay naging sinag ng scarlet-brown liwanag na pinatama kay Zhao Feng.

"Tulad ng aking inaasahan isang Core disciple!"

Ginulat ng pwersa ng half-step Origin Core Realm ang mga Central disciples. Isang maaliwalas na ngiti ang nabuo sa mga labi nina Wang Yuan at Senior Martial Brother Guang.

Masyadong malaki ang pinagkaiba ng True Mystic Rank at half-step Origin Core Real. Kung si Zhao Feng ay nasa True Lord Rank, maari siyang lumaban. Ngunit ang mga nasa True Lord Rank ay mamamatay sa pamamagitan ng half-step Origin Core Realms.

"Huang Yunhu tumigil ka...!" Ang Senior Martial Sister Wan Rong ay sumigaw, ngunit si Zhao Feng ay mayroon pa ring kaswal na expression.

Shua!

Ang pares ng pakpak ng Wind Lightning ay lumaki sa likod ni Zhao Feng.

Sa bilis ng isang kidlat:

Boom!

Ang pagayake ni Huang Yunhu ay tumama sa hangin at halos ikahulog niya.

Ang kamay ni Zhao ay nababalutan ng matalim na Wind Lightning.

Crack!

Si Huang Yunhu ay sumigaw habang ang Wind Lightning Hand Blade ay nagdulot ng pagbulwak ng dugo na nagdala sa kanya sa malapit na bumagsak na gusali. Ang pinsala ng atakeng ito ay nagdulot ng pinsala sa kanya.

Ang mga manonood ay nagkagulo.

"Sobrang bilis!"

"Ang mga papak ng Wind Lightning ay parang katulad ng ind Lightning Technique sa ating angkan."

Kakaunting tao lamang ang naging saksi sa nangyari. Masyadong minaliit ni Huang Yunhu ang kanyang kalaban. Si Zhao Feng ay nagpamalas ng angking bilis at lumitaw sa likuran ng kanyang kalaban at gumamit ng lightning-quick attack. Ang nakakabilib pa ay ay ang pisikal na lakas ni Zhao Feng na ikinabigla naman ni Huang Yunhu.

Ang atake ay naglalaman ng kapangyarihan ng Five Elemental Wind Lightning Technique at Golden Kun Sacred Lightning Body.

" Masyado kong minaliit ang aking kalaban…" Nagngitngit na sabi ni Huang Yunhu.

Ang gwapong bata na may pakpak ay lumilipas sa hangin at tila ba angel of war.

"Zhao Feng… ito lang ba ang lakas mo?"Nagningningang mga mata ni Wan Rong na may bakas ng pagkagular at kalituhan. Kaunti lamang ang nalalaman niya tungkol sa batang ito na kakapasok lamang sa angkan. Sa loob dalawa o tatlong buwan, paano siya nakapagbago ng ganon kabilis?

"Wind Lightning Exploding Fist!"

Ang kamao ni Zhao Feng ay naglabas ng nakakahalinang pagsabog ng Wind Lightning.

"Infinite Earth!"

Ang katawan ni Huang Yun ay nabalutang ng scarlet-brown na ilaw na naging dahilan upang maging maliit na bundok.

Boom! Bam~~~~!

Ang dalawang tao ay patuloy na naglalaban sa ere at narinig ang mga pagsabog.

Shua!

Ginamit ng isa ang kanyang pakpak upang makaiwas.

Wah!

Sa kabilang banda, ang isang anyo ay sumuka ng maraming dugo at nahuhulog pabalik sa gitna ng shockwave.

"Huang Yunhu, muli, natalo ka."

Ang mga pakpak sa likod ni Zhao Feng ay lumabo at nawala. Sa labanang nangyayari ngayon, ginamit niya ang kanyang pisikal na lakas upang dumipensya at at mabilis na reaksyon upang maiwasan ang pinsala. Habang ang mukha ni Huang Yunhu ay naging maputla habang ang karamihan sa kanyang battle-power ay nawala.

Nangyari ang lahat ng ito dahil minaliit niya ang kanyang kalaban at simula pa lamang ay nagdulot na ito ng matinding pinsala. Sa kabilang banda, limangpung porsyento lamang tsansa niyang manalo. Nakaramdam si Huang Yunhu ng pagkapahiya at ang kanyang kamao ay nanginginig dahil dito.

Nang sinabi ni Zhao Feng ang "muli, natalo ka" halos mabaliw na siya ngunit wala itong magawa.

Ang mga nanonood sa malapit na naging saksi ay gumawa ng ingay mula sa kanilang dila. Bagama't ni isa sa kanila ang may alam na ito ang simula ng pa isang alamat.