Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 765 - Yinming Bird

Chapter 765 - Yinming Bird

Ang tao at ang pusa ay tumungo sa kailaliman ng Wuyou Forest.

May sariling mga plano si Zhao Feng at siya ay hindi mapaghihinalaan kung mag-isa siyang gagalaw.

Siya ay puno ng panghahamak upang atakihin ang nasa ilalim ng True Spirit Realm ngunit may maliliit pa ring dami ng mga halimaw na sumugod kay Zhao Feng.

Crack! Boom!

Ang mga malalapit na puno ay nasira dahil sa alon ng kanyang kapangyarihan.

Isang nag-aapoy na Yao cow ang lumapit kay Zhao Feng.

"Isang halimaw na kakaabot pa lamang sa True Spirit Realm?"

Hindi man lang ito tiningnan ni Zhao Feng.

Hinampas ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa hangin na nagdala ng kulay pulang nagliliyab na espadang gawa sa True Yuan.

Whoosh!

Ang malaking katawan ng baka ay agad na nahiwa sa gitna at ito ay namatay.

Matapos patayin ang baka, naglakad si Zhao Feng patungo sa Wuyou Forest.

Tila ba may ilang mga matatalinong Origin Core Realm beasts sa kailaliman ng Wuyou Forest.

Hindi pa nagtatagal matapos makaalis ni Zhao Feng:

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ilang mga nakamaskarang anyo ang lumapit.

"Ang lakas ng nagliliyab na bakang ito ay mas malakas sa kagayang antas nito at napatay pa rin ito sa isang pagtama lang," nagningning ang mga mata ng nangununang matanda.

"Sa kahihilom lang na mga sugat ng tampalasang iyon, paano niya ito nagawa?"

"Imposibleng gawin ito nang walang battle-power ng True Lord rank."

Ang mga nakamaskarang lalaki ay nagkaroon ng talakayan.

Maaari nila hindi isama si Zhao Feng sa gumawa nito at ang pinsalang nagawa sa nagliliyab na baka ay galing sa elemento ng apoy.

"Ito ay dapat isang taong halos nasa True Lord Rank," buong kumpyansang sabi ng matanda at ang iba ay naguluhan.

"Ang taong gumawa nito ay hindi man lang pinulot ang bangkay ng nagliliyab na baka. Kung iisipin - ang katawan ng nagliliyab na baka, lalo na ang dugo at puso nito ay kapaki-pakinabang sa mga lumilinang ng elemento ng apoy," ngumiti ang mata at sinabi ito.

Nang marinig ito, sumang-ayon ang lahat. Siya nga, si Zhao Feng nga ang gumawa nito, talagang hindi niya papansinin ang katawan ng nagliliyab na baka.

"Sundan siya!" Sinundan ng mga nakamaskarang kalalakihan ang daan at tinugis si Zhao feng.

Halos kalahati sa oras ng paggawa ng tsaa, ang tao at ang pusa ay lumitaw.

"Walang nasa paligid… sugod!"

Kabuuan ng limang nakamaskarang kalalakihan na pinamumunuan ng matanda ang lumukso kay Zhao Feng.

Nang may maramdaman, tumingin sa likod si Zhao Feng at ngumiti sa kanila.

"Ang ngiting iyan…" Biglang nakaramdam ng panlalamig at pagkabahala ang matanda. Kahit na ang anyo ng binata sa kanilang harapan ay kagaya ng kay "Zhao Feng," ang pakiramdam na ibinibigay niya ay tila ba magkaibang tao sila.

"Hahaha… Tampalasan, hindi ko inaasahang makaliligtas ka ngunit sa kasamaang palad, walang swerteng naghihintay sa iyo!" Tumawa ang mga nakamaskarang kalalakihan. Natalo na nila ang batang ito noon kaya mataas ang kumpyansa nila.

"Nakaligtas? Paano kayo nakasisigurong hindi pa ako namamatay?" Nagpakita si Zhao Feng ng kakaibang ekpresyon nang dahan-dahang itinaas ang kanyang kamay.

Shuuu!!

Ilang mga nagliliyab na patalim ang humiwa sa hangin kasama ng paghuni ng kidlat.

"Tingnan ninyo!" Nagbago nang husto ang ekspresyon ng nangungunang matanda. Gayunpaman, ang atake ni Zhao Feng ay napakabilis at akala nila'y gaya pa rin ng dati ang lakas nito.

"Arghhh!"

Mga sigaw ang narinig nang limang True Human at True Mystic Rank na nakamaskara ay nahati sa dalawa at nagliyab.

"Ikaw… hindi ikaw si Zhao Feng!" Hugong ng nangungunang matanda. Pambihirang lakas ang umabot na sa True Lord Rank. Si Zhao Feng ay wala naman talaga naunawaan.

"Sabihin mo sa akin - paano mo nalamang hindi ako namatay?" May kumpyansang naglakad si Zhao Feng papalapit sa matanda, na agad na nagalit; "Tampalasan, kahit pa umabot ang lakas mo sa True Lord Rank, katumbas pa rin iyan ng sa akin."

Matapos sabihin ito, isang luma at sirang espada ang lumitaw sa kanyang kamay at naglabas ng alon ng gintong ilaw.

Boom! Boom! Boom!

Ang mga kalapit na puno ay agad na naging abo.

Hmm? Ito ay isang sirang Earth-grade weapon na ginagamit ng isang Sovereign noon, si Zhao Feng ay bahagyang nagulat. Halata namang ang sandatang ito ang itinatagong alas ng matanda. Hindi malinaw na naramdaman ng matanda na ang Zhao Feng na nasa kanyang harapan ay hindi madali.

"Hmph!" Nanlalamig na hagikgik ni Zhao Feng at humakbang pasulong nang isang walang kapantay na Intent ang tumama sa kalangitan.

"Argh!" Ang sirang espada ay nahulog sa lupa nang ang matanda ay dumura ng dugo. Namutla ang kanyang mukha at ang kanyang isipan ang lubhang napinsala nang ang Intent ay pinigilan ang kanyang kapangyarihan.

Kahit na isang-ikasampu na lamang ng Intent ni Zhao Feng ang natitira, hindi ito isang bagay na kayang labanan ng True Lord Rank.

"Intent…?" Hindi makapaniwala ang matanda. Ang Intent ng kalaban ay umabot na sa isang antas na hindi niya na makita.

Shua!

Isang kamay ang tumama sa kanyang ulo.

"Soul-searching technique!"

Isang lilang hamog ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng. Ang katawan ng matanda ay nayanig at walang nagawa laban sa Intent at soul power ng kalaban.

"Gaya ng aking naisip," binawi ni Zhao Feng ang kanyang kamay at nakuha ang kanyang sagot.

Ito ay ang Senior Martial Brother Guang. Ang kamatayan ni Zhao Feng noon ay dahil sa Senior Martial Brother Guang na sadyang nakikipagtalo sa kanya at pinaglalayag siyang mag-isa. Ang panahong ito ay kaugnay ng Senior Martial Brother Guang; ang matandang ito ay panauhin ng Elder of the Yin family.

"Guang Tian," Ibinulong ni Zhao Feng ang pangalan ng Senior Martial Brother Guang nang isang malamig na ulap ang lumitaw sa kanyang mga mata.

Gayunpaman, ang Senior Martial Brother Guang ay Core disciple at ang kanyang master ay Void God Realm King.

Ayon sa nalalaman ni Zhao Feng, ang Ten Thousand Sacred Clan ay naging three-star superpower noon. Kahit na mas mahina na ito ngayon, mayroon pa ring ilang dosenang mga Hari at Emperor.

Ang pinagsamang lakas ng tatlong two-star sect ng Tianlu Islands ay wala sa parehong antas ng Ione Ten Thousand Sacred Clan. Ang Ten Thousand Sacred Clan ay tiyak na isa sa mga elite two-star sect.

"Hay nako, ibig-sabihin lang nito, mas makakakuha pa ako ng resources at magkakaroon ng mas magandang paligid upang magsanay," tumango si Zhao Feng.

Shua!

Sa pag-iisip niya, isang antigong metal na singisng ang lumitaw sa kanyang daliri.

"Ang mga resources na ito ay makatutulong sa aking magsanay muli sa pagiging half-step King ngunit hindi sapat ito para sa mas mataas sa Hari. Gayunpaman, ang Golden Kun Sacred Lightning Body ay ngangailangan ng mas maraming resources dahil ito ay body-strengthening techniques. Ang Five Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay nangangailangan din ng resources ng bawat elemento…" Nagsimula nang magplano si Zhao Feng upang magsanay.

Sa lahat-lahat, ang kanyang kasalukuyang pagkakakilanlan at paligid ay sakto sa muling paglilinang.

Marahan ngunit matatag, lumapit si Zhao Feng sa kailaliman ng Wuyou Forest. Ang mga halimaw na hinarap niya rito ay mas malakas at normal na lamang makakita ng mga halimaw na True Spirit Realm. Mayroon ding paminsan-minsa'y True Lord Rank beats ngunit bago pa sila makalapit sa kanya, agad sila tatapusin ni Zhao Feng at ng munting magnanakaw na kuting.

"Ang munting magnanakaw na kuting ay kayang protektahan ang kanyang sarili kahit pa laban sa isang Hari ngunit ang aking layunin ay mas mataas pa rito," si Zhao Feng ay kalmado lamang.

Nagsimula siyang unawain ang kanyang battle-power matapos makaligtas. Kahit pa wala na siyang isang-ikasampung bahagi ng kanyang natitirang kapangyarihan, mas malakas pa rin ito sa normal na half-step King at mayroon pa rin siyang God's Spiritual Eye.

"Protektahan ang prinsesa!"

"Napakamalas natin at kailangan agad nating harapin ang pinakamisteryosong Yinming Bird sa Wuyou Forest."

Isang tunog ng paglipad ang narinig at napatigil sa paglalakad si Zhao Feng nang makaramdam ng kakaibang aura. Isang malaking ibon na may half-transparent wings at balot sa ilang patong ng madilim na apoy ay hinahabol ang tatlong kalalakihan at isang babae.

Whoosh~~~!

Ang ibon ay tila gawa sa wala nang lumampas lang ito sa mga sanga at puno. Ito ay kasing-bilis ng kidlat.

Ang tatlong kalalakihan na tinutugis ay nasa Origin Core Realm at isa sa kanila ay Sovereign Lord. Ang babae ay may suot na marangal at lilang bestida. Siya nasa labinlimang taong gulang at ang mukha at kasing-puti ng niyebe at nagbibigay ng marangal na aura.

Ang dahilan ng pagkagulat ni Zhao Feng ay dahil naabot niya ang tugatog ng True Mystic Rank at ilang hakbang na lamang mula sa True Lord Rank. Mahuhulaang ang babaeng ito ay hindi lamang nanggaling sa isang marangal na kinagisnan; siya rin ay may talento.

Gayunpaman, mas nagulat si Zhao Feng nang ang Yinming Bird ay nasa tuktok lamang ng Small Origin Core Realm at kaya pang paatrasin ang Sovereign Lord at dalawa pang Sovereign.

Bam! Bam! Bam!

Ang half-transparent na mga pakpak ng Yinming Bird ay pumagaspas nang napakabilis at lumundag patungo sa apat.

"Soul attack at base sa element of Death…" pag-uusisa ni Zhao Feng.

Simple lamang, nalinang ng ibong ito ang landas na kagaya ng sa Emperor of Death.

Miao miao!

Ikinaway ng munting magnanakaw na kuting ang kanyang paa at tumitig sa Yinming Bird. Nararamdaman ni Zhao Feng na ang bloodline ng Yinming Bird ay kakaiba.

Pa!

Bigla namang nagalit ang Yinming Bird at lumipad patungo kay Zhao Feng at sa munting magnanakaw na kuting.

"Magnanakaw na kuting, ano ang sinabi mo sa ibong ito?" Nagbago ang ekpresyon ni Zhao Feng. Maikukumpra sa Sovereign Lord ang battle-power ng Yinming Bird at nalinang nito ang element of Death.

Kahit pa sinabi niya iyon, biglang naging kulay lila ang itim na buhok ni Zhao Feng at ang kanyang kulay lilang kaliwang mata ay nakatitig lamang sa Yinming Bird.

Ang sumunod na nagyari ay talagang kakaiba. Nang lumapit ang Yinming Bird kay Zhao Feng, ito ay nagyelo at nagpupumiglas.

"Hmm?" Biglang naisip ng mga tumatakas na tatlong kalalakihan at isang babae na ang Yinming Bird ay tumungo sa binata imbis na sa kanila. Nakatalikod ang binata sa kanila, ang kanyang kahali-halinang buhok ay nilipad sa hangin. Makikita ang gilid ng kanyang guwapong mukha.

"Paano ito naging posible?" Nagulat ang nangungunang Sovereign Lord.

Nang lumapit ang Yinming Bird kay Zhao Feng, ito ay nagsimulang lumiit hanggang sa naging kasukat na lang ito ng palad.

Ang munting ibon at ang munting magnanakaw na kuting ay tumayo sa kaliwa at kanang balikat ni Zhao Feng. Ang Yinming Bird na kanina lamang ay galit na galit, lumalapit na rin sa leeg ni Zhao Feng.

"Ang Tianfeng Greta Island Zone ay sadyang may magagaling na talento at Beast Tamer!? Ang Yinming Bird ay talagang kakaiba at nagsasanay sa element of Death. Halos imposible itong mapaamo," pagkagulat ang nakita sa mukha ng batang babae.

Sa lahat ng ito, ang Beast Tamer ay hindi kapani-paniwalang napakabata pa. Nais niyang makita ang mukha ng binatang may kulay-lilang buhok ngunit hindi siya nagtagumpay.

Nang sila ay makikipag-usap na sa kanya:

Hu~~

Ang Yinming Bird ay biglang lumaki at dinala si Zhao Feng at ang munting magnanakaw na kuting sa kagubatan sa kalangitan.