Halatang hindi mapagmataas ang Yin Yang Lord at si Wen Luoan upang paniwalaan na maaari silang magtabi ng isang Emperor, kahit na siya ay lubos na sugatan.
Puno ng galit si Emperor Mu Yun at wala siyang mapaglabasan nito. Dinilaan niya ang kaniyang mga labi at tumingin kay Wen Luoan, sa Yin Yang Lord, at sa lahat ng Death Guards na nasa barko na may malupit na ngiti.
Nakaramdam siya ng pamilyar na pakiramdam sa kanila, na para bang nakilala niya na ang mga ito sa isang lugar.
"Ang taong ito ay may bakas ni Zhao Feng. Kailangan natin siyang iwanan," nagtinginan si Wen Luoan at ang Yin Yang Lord.
Matapos tamaan ng Void Space Eye Slash ni Zhao Feng, may bakas ng Intent of Death kay Emperor Mu Yun dahil sa malaking halaga ang nagamit na soul-power.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa at agad na nalaman ang gagawin.
Shua! Shua!
Sabay silang naglabas ng kakaibang Token of Death. Ang token ay kasing itim ng tinta, at isang makaluman karakter ang nakasulat rito.
Pareho itong naglalabas ng aura of Death na diretsong pumunta sa kaluluwa.
Naramdaman ni Emperor Mu Yun ang panlalamig ng kaniyang kaluluwa, at hindi naging maganda ang kaniyang pakiramdam. Isang Intent of Death ang inilabas ng mga tokens and itinuon kay Emperor Mu Yun.
"Itong mga token, posibleng bang...?"
Tila may ibang naisip si Emperor Mu Yun, kapansin-pansing nagbago ang kaniyang ekspresyon.
Mabilis na sumunod, isang kagulat-gulat na eksena ang nangyari.
Weng~~~
Isang pitch-black na mata ang lumitaw sa sentro ng dalawang token at kuminang ng putting ilaw, na parang nakakonekta sa mundo ng kamtayan.
"Eye of Death!"
Sumigaw si Emperor Mu Yun; ang kaniyang iniisip ay tama.
Sa sandaling ito, ang kapangyarihan ng Eye of Death ay bumuhos kay Wen Luoan at sa Yin Yang Lord Token of Death, at ito ay dosenang mas malakas kumpara noong nasa Purple Saint Ruins ito.
Ito ay dahil sa pagkakaiba ng kalidad, noong nakaraang lumitaw ang Eye of Death, ito ay galing mismo sa Token of Death dahil ang Death Intent ay kayang itabi dito at ilabas, samantala sa mga oras na ito, ginamit ito ni Wen Luoan at ng Yin Yang Lord bilang direktang koneksyon sa Emperor of Death Eye of Death.
Naramdaman ni Emperor Mu Yun na nagingig ang kaniyang puso, na para bang hindi niya kayang kontrolin ang kaniyang buhay.
Gayunpaman, bilang Void God Realm Emperor, hindi siya umurong.
Sa papel, ang Emperor of Death ay may parehong cultivation gaya niya. Ngunit sa ikalawa ay isang makalumang Emperor pati na rin ang descendant ng God Eye of Death.
"Hmph! Emperor of Death, dapat maging maingat ako sayo kung personal kang dumating, subalit ang Eye of Death mo lamang ang nakakapaglakbay sa space.
Malamig na tumawa si Emperor Mu Yun, at ang kaniyang kaluluwa ay halos masunog habang ito ay bumubuo ng makapangyarihang Intent.
Parehas na hindi nakahinga si Wen Luoan at ang Yin Yang Lord, at ang kanilang kaluluwa ay nagsimulang manginig, ngunit sa kabutihang palad ang Token of Death sa kanilang kamay ay nagbigay sakanila ng kumpiyansa at isang uri ng proteksyon.
Crack!
Ang dalawang Token of Death ay biglang nasira, at isang pares ng Eye of Death ang lumitaw sa himpapawid.
Ang mata ay madilim gaya ng isang bangin, at katulad nito ang Eye of Heaven ni Zhao Feng.
"Gaze of Death!
Boom!
Isang boses ang narinig mula sa soul-dimension, at ang Eyes of Death ay tahimik na tumigin kay Emperor Mu Yun na para bang parte ito ng Heavenly Dao.
"Ano…!?"
Naramdaman ni Emperor Mu Yun na nalimitahan ang kaniyang kaluluwa, at hindi niya na nagawang kontrolin ito.
Nagyelo ang kaniyang lifeforce, at hindi siya nakagalaw.
Sa himpapawid, isang pares ng Eye of Death ang nagsimulang umikot.
"Imposible!"
Sumigaw si Emperor Mu Yun habang siya ay nahihirapan.
Gayunpaman, matapos ng laban kamakailan, ang kaniyang Little World ay nasira at siya ay napinsala, na nagiwan lamang sa kaniya ng 50-60% na natitirang lakas.
Sinubukan niyang lumaban pabalik, ngunit wala siyang abilidad para gawin iyon.
sang anyong espirito ng nahihirapang si Emperor Mu Yun ang lumabas sa kaniyang katawan. Ito ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun.
Shua!
Ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun ay hinigop ng itim na ipo-ipo ng Eye of Death.
"Gaze of Death! Ito ang sikat na technique ni Master – isang labanan sa pagitan ng kaluluwa. Isang mahinang kaluluwa ang makukuha," respeto ang lumitaw sa mga mata ni Wen Luoan.
Ang Gaze of Death ay maituturing na ipinagbabawal na eye-bloodine technique, pati na rin ang representative technique ng God of Death.
Ito ay dahil ang may-ari ng God Eye of Death ay ang God of Death, ngunit isang tao lamang ang may tunay na God Eye of Death, at hindi pa ito lumilitaw sa Cang Ocean.
Sa himpapawid, isang malaing Eye of Death ang tumigil para huminga bago mawala.
"Gamit ang Gaze of Death higit sa ilang island zones, at ang pinupuntirya ay isang Emperor… kailangan itong pagbayaran…" nagsalubong ang mga kilay ng Yin Yang Lord.
Maya-maya:
Weng~~
Ang token na ginagamit para sa mensahe ang lumitaw sa kamay ni Wen Luoan.
"Zhao Feng sa Eighteen Corners Canyon kung saan naroon ang Pirate Emperor Inheritance Sacred Land…" isang mahinang boses ang nanggaling sa token.
Eighteen Corners Canyon? Pirate Emperor Inheritance? Nagliwanag ang mga mata ni Wen Luoan at ng Yin Yang Lord.
Mukhang nakahanap ng bakas ni Zhao Feng ang Emperor of Death matapod nitong kunin ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun, ngunit binayaran siya para gawin iyon.
Dalawang espesyal na Token of Death ang ginamit para kumonekta sa lokasyon ng Eye of Death, ngunit kahit na ang distansya ay napakalayo at ang pinupuntirya ay isang Emperor, ang enerhiyang ginamit ay malaki.
Gayunpaman,pagkatapos nito ang Emperor of Death ay kailangang hanapin ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun.
"Gumamit ng maraming enerhiya ang Master kailangan niya magpahinga ng isang buwan. Kayo pagmasdan niyo ang ating pinupuntirya…" boses mula sa Emperor of Death.
Palaisipang tumingin sa isa't isa si Wen Luoan pati ang Yin Yang Lord.
Bakit gustong-gusto patayin ng Emperor of Death si Zhao Feng at mag-iwan ng isang buong bangkay.
Ang Emperor of Death ay nagbayad ng malaking halaga at malaking halaga ng oras at pagsisikap para habulin si Zhao Feng. May saysay ba ito?
Kung babaikan ang Eighteen Corners Canyon, sa gitna ng Pirate Sacred Land, lahat ng Pirate Kings ay napinsala sa iba't ibang antas, at ang kanilang tingin kay Zhao Feng ay iba kumpara noon.
Walang nagduda na may abilidad si Zhao Feng na labanan ang Giant Shark King at ang Cold Moon King para sa trono ng Pirate Emperor. Kahit na ang batang Demigod ay hinangaan si Zhao Feng.
Shua! Shua! Shua!
Higit sa sampung Pirate King Token ang lumutang sa himpapawid sa itaas ng karagatan.
Ayon sa panuntunan ng Pirate Emperor Inheritance, ang isa ay kayang buksan ang Pirate Emperor Inheritance pagkatapos makuha ang siyam Pirate King Token, ngunit lumagpas na sila sa bilang na iyon.
Isa sa mga Pirate King Token ay nakakonekta sa ghost ship ni Zhao Feng.
Bawat Pirate King Token ay nakakonekta sa isang pirate ship, at dahil ang ghost ship ay isang pirate ship, nakilala ito ng Pirate King Token.
Weng~~Boom!
Isang malakas na palakpak ang nagmula sa karagatan, at isang panginig ang naggaling sa Eighteen Corners Canyon, mula sa loob ng Pirate Sacred Land.
Kahit ang mga nasa Void God Real. Ay nanliit sa harap ng napakalaking kapangyarihan.
"Napakagandang ayos! Ito ba talaga ang inheritance ng Emperor?" lubos na malakas ang pandama ni Zhao Feng.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw sa kaniyang balikat, at nagsimulang kumislan ang mga mata nito.
"Talagang ang Pirate Emperor Inheritance ay hindi simple," ang batang Demigod ay nagsimulang magisip.
Ang pagyanig ay nagtagal ng labing-walong hininga.
Kasabay nito, isang maitim na berdeng ilaw ang pumutok sa kalangitan mula sa eighteen canyon, at mukhang may abilidad itong baliktarin ang Heaven and Earth.
Malamang, walang makakakita nito pwera nalang kung titingin sila sa taas.
"Lumitaw na ang inheritance!" isang tao ang sumigaw.
Boom! Boom! Boom!
Isang malaking ipo ipo ang nabuo sa sentro ng karagatan, at sa loob ay maitim na berdeng liwanag, pati na rin ang isang makalumang aura na mukang ibang bahagi ng malayon baybayin.
"Isang kasindak-sindak na lakas! Ito ba ang pasukan sa Pirate Emperor Inheritance?" mariing tinignan ng batang Demigod.
Ang malaki at misteryosong ipo-ipo ay mukhang may everlasting Intent.
"Itong pasukan… kahit ang mga Emperor ay nagpira-piraso,"
Pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila.
Gayunpaman, ang itim na berdeng ilaw ay nagbigay ng pamilyar na pakiramdam kay Zhao Feng. Ito ay katulad ng aura sa kaniyang alalaa, ngunit may pagkakaiba.
"Tara na!"
Ang Cold Moon King at ang Giant Shark King ang namuno at sumugod sa ipo ipo.
Ang kanilang barkong pandigma ay protektado ng misteryosong kapangyarihan at hindi napinsala ng kasindak-sindak na kapangyarihan ng ipo ipo.
"Kahanga-hanga" nakita ni Zhao Feng na ito ay dahil sa aura ng Pirate King Token na nasa loob ng kanilang barko.
Pati ang ghost ship ay may aura, at ito'y halatang halata habang palapit sila ng palapit sa ipo ipo.
Ito ang buong kaayusan ng Pirate Sacred Land.
Si Zhao Feng ay naging mausisa; napagplanuhan ito ng Pirate Emperor ng siya lang?
Whoosh!
Sinundan ng ghost ship ang ibang pirate ship at pumasok sa sentro ng ipo ipo.
Tanging ang mga nakilalang barko at sumali sa pagbubukas ang pwedeng pumasok.
Shua! Shua! Shua!
Sa parehong oras, ang ibang Pirate King Token mula sa Pirate Sacred Land ang napunta sa ipo-ipo.
Kada bumubukas ang Pirate Emperor Inheritance, ang labing-walong Pirate King Token ay muling ipinamamahagi.
Huminga si Zhao Feng.
Mukhang hindi nagbibiro ang Cold Moon King.
Ibig sabihin ang ghost ship ay malaya at hindi na nililimitahan ng Pirate Emperor Sacred Land.
Ang munting pusang magnanakaw, ang batang Demigod, at ang skeletal Division Leader ay hindi apektado nang pumasok ang ghost ship sa ipo ipo.
Sila ay nasa baro at nagpanggap bilang mga pirata.
Tanging labing-dalawang barko lamang ang nakapasok sa ipo ipo.
Kahit gaano kalakas ang mga barko, naging pira-piraso parin ito sa ipo ipo.
Kahit ang Void God Realm Emperor ay hindi pwersahang makakapasok. Kahit na magawa nila, kung wala ang puso ng pirata, wala silang makukuha.
Ito ang inheritance na limitado sa mga Pirata!
Bam!
Ang ipo-ipo ang naging sentro ng kapangyarihan sa Eighteen Corner Canyon.
Sinong nakakaalam kung ilang oras na ang lumipas?
Isang malamig na mala-bakal na barko ang naglayag sa karagatan at dumating kasunod ng ipo-ipo.