Libingan ng Demigod?
Atsaka lamang napagtanto ni Zhao Feng na ang sentrong libingan ay kung saan nakaratay ang Demigod.
Tiyak na mas alam ng Demigod Partial Thought ang sitwasyon sa loob sa Demigod Forgotten Garden.
"Ang panganib at kayamanan ay magkaakibat. Ang katawan ng Demigod ay nasa libingan ng Demigod, subalit hindi ito muling mabubuhay dahil walang natitirang buhay sa loob nito."
Misteryosong sinabi ng Demigod Partial Thought.
Alam ni Zhao Feng na ang Demigod ay namatay nang dahil sa God Tribulation. Isa ng milagro na ang katawan ay hindi naging abo dulot ng God Tribulation.
"Ano ang nalalaman mo tungkol sa libingan ng Demigod?"
Tanong ni Zhao Feng.
Kung ito ay pamilyar sa libingan ng Demigod, tiyak na maaari nitong maapektuhan ang pagkilos ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw.
"Subalit dahil nagamit ko ang mermaid tears, nabawi ko ang ilang mga piraso ng aking alaala, kabilang na ang kaunting parte ng mapa ng libingan ng Demigod."
Nagpadala ng ilang impormasyon ang Demigod Partial Thought kay Zhao Feng, at tumango ang nabanggit at nagbigay ng isa na namang patak ng mermaid tear bilang pambawi.
Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng nang mabasa niya ang impormasyon. Tila ba, bukod sa mga panganib gaya ng spirits of hatred at ng mga guards, wala ng kayamanan dito.
May sasabihin na sana si Zhao Feng, subalit labis na nagbago ang kaniyang ekspresyon.
Ang kaniyang mga iniisip ay nahihigop ng kung ano ang nangyayari sa libingan ng Demigod.
Sa loob ng lagusan:
Boom!
Isang scarlet-purple na spirit of hatred ang bumuo ng isang anyo ng lalaki na nagpakawala ng isang nakakasindak na aura na halos mabuo na sa reyalidad.
"Isang Emperor hatred spirit!"
Ang mga ekspresyon nila Nan Gongsheng, Meng Xi, at ng iba pa ay labis na nagbago.
"Takbo! Ang Emperor hatred spirit na ito ay lagpas na sa hangganan ng kaya nating harapin."
Pagkataranta ang lumitaw sa mukha ni Wen Luoan sa unang beses.
Ang matamlay na anyo ng isang lalaki ang nagdala ng puwersa ng isang Emperor, nagdulot upang manginig ang kanilang mga kaluluwa.
Whoosh!
Gamit ang tsansa na ito, ang dugo ng Demigod ay lumipad sa kadiliman papunta sa kailaliman ng libingan. Sa puntong ito, si Wen Luoan, Nan Gongsheng, si Meng Xi, at ang munting pusang magnanakaw ay nakaramdam ng mga nakamamatay na pakiramdam mula sa lahat ng direksyon.
Shua!
Isang transparent na mata ang lumitaw sa taas ng munting pusang magnanakaw.
Nagawa na ni Zhao Feng ang kaniyang desisyon. Kung ito ay labis na mapanganib, gagamitin niya ang Spatial Movement upang sagipin ang munting pusang magnanakaw. Dahil sa kanilang matagal na samahan, ang relasyon sa pagitan nilang dalawa ay hindi na gaya ng isang normal na alaga at master.
"Hindi ko hahayaang maisapanganib ang munting pusang magnanakaw kahit na ang kapalit nito ay ang dugo ng Demigod."
Nagdesisyon si Zhao Feng. Kasabay nito, ibinigay niya ang mapa ng libingan ng Demigod sa munting pusang magnanakaw.
Miao!
Nang matanggap ng munting pusang magnanakaw ang impormasyon, binuksan nito ang kaniyang bibig at tumawa. Hinawakan nito ang Shadow Kill Imperial Dagger at ang kulay lilang sungay, sunod ay nagpunta ito sa loob ng katawan ng beast King. Nangangahulugan ito na karamihan sa mga puwersa ay tatanggapin ng beast King.
Maaaring sabihin na ang munting pusang magnanakaw ay ang pinakaligtas sa kasalukuyan.
Wu~~~
Lumipad ang Emperor hatred spirit, at ang presyon nito ay nagdulot upang kumulo ang dugo ng mga henyo. Kahit ang beast King ay nabalisa at siya ay bumagal.
Miao miao!
Tumawa ang munting pusang magnanakaw at kinontrol ang beast King upang banggain ang ukit sa pader.
Banggain ang pader?
Nang makita ni Nan Gongsheng at ng iba pa ang pagkilos ng munting pusang magnanakaw, akala nila na nababaliw na ang pusa. Subalit, ang sumunod na nangyari ay nagdulot upang manlaki ang kanilang mga mata.
Boom!
Ang ukit sa pader ay biglang nagpakita ng isang lihim na lagusan, kung saan nagtago ang beast King.
"Dali, dali, dali!"
Hindi na inisip ng Nan Gongsheng at ng iba pa ang dugo ng Demigod, nakatuon lamang sila sa pagtakas. Kahit nagsama-sama na ang tatlo, mukhang hindi pa rin nila matatalo ang Emperor hatred spirit. Dagdag pa rito, mayroong malaking bilang ng iba pang hatred spirits sa paligid.
Bam!
Binangga ng Emperor hatred spirit ang pasukan, subalit dulot sa malaking sukat nito, ito ay tumalbog pabalik.
Ang mga materyales na ginamit upang buuhin ang libingan ng Demigod ay hindi basta-basta, kaya't ang mga normal na spirits ay hindi nakakatagos sa mga pader. Subalit, ang Magnificent Power ng Emperor hatred spirit ay nakapasok pa rin sa soul-dimension at napinsala si Nan Gongsheng at ang iba pa.
Ang munting pusang magnanakaw ay nasa pinakaharap, at ito ay nasa loob ng katawan ng beast King, kaya't hindi ito apektado.
Hu~~
Napahinga si Nan Gongsheng at ang iba pa. Ang Emperor hatred spirit ay hindi na nakahabol.
Miao miao!
Umupo ang munting pusang magnanakaw sa likuran ng King at pinangunahan sila na mayroong mataas-at-maharlikang pag-uugali.
"Bakit alam na alam din ng pusang ito ang libingan?"
Sina Meng Xi at Wen Luoan ay nagtinginan sa isa't isa.
Sundan ang pusang ito!
Nanginig ang puso ng tatlo.
Nawala nila ang kanilang direksyon sa libingan, at ngayon ang kanilang buhay ay nakadepende na sa pusa.
Kinokontrol ng munting pusang magnanakaw ang beast King at ilang beses na lumiko sa lihim na lagusan.
Sa isang tiyak na pagkakataon, ang beast King ay lumundag palabas ng lihim na daanan at dumeretso patungo sa isang dark underground chamber.
Ang chamber ay kulay sunog na itim. Kahit na ito dose-dosenang milenya nang nakalipas, nagpapakawala pa rin ito ng isang nakakapanlamig ng buto na aura na tumatakot sa mga diyos at mga demonyo.
Walang kahit anong senyales ng spirits of hatred, Emperors o kung ano man, sa loob ng isang daang yarda.
Ang chamber ay walang laman bukod sa isang itim at sunog na bangkay.
Ang sunog na bangkay ay wala ng hugis ng tao. Ito ay parang isang bungkos ng itim na uling.
"Iyon ang…!!?"
Tumitig ang tatlong King prodigies sa sunog na bangkay, at nakaramdam sila ng pinagbabawal na aura rito.
Isang katiting na forbidden aura pa lamang na ito ay nagdulot na upang matakot ang ibang nilalang.
Pigilan! Ang tatlong King prodigies ay hindi makahinga, at ang mga mata ng beast King ay puno ng takot habang nanginginig ito sa harapan ng sunog na bangkay.
"Walang kahit anong senyales ng buhay, kaluluwa, o True Yuan mula sa bangkay na ito, at gayunpaman nagpapakawala pa rin ito ng isang nakakasindak na aura."
Lubhang tahimik ang chamber. Kahit ang lugar sa labas ay tahimik. Walang kahit anong espiritong malapit.
"Ang bangkay na ito ay maaaring ang katawan ng Demigod."
"Halatang ang pinagbabawal na aura ay hindi nagmula sa bangkay mismo."
Ang mga mata ng tatlong King prodigies ay nagkislapan nang gumawa sila ng kani-kanilang hula.
Shua!
Isang mata ang lumitaw sa chamber. Nakaramdam si Zhao Feng ng isang pinagbabawal na aura na dumeretso sa kaniyang puso. Ang aura na ito ay parang ang nemesis ng lahat ng bagay sa mundo.
"Ang katawan ng Demigod ay talagang nasira. Ang aura ay hindi nagmumula sa katawan."
Napatalon ang puso ni Zhao Feng.
Kahit na ginagamit niya ang Eye of Heaven, hindi nito nahaharang ang presyon mula sa pinagbabawal na aura.
"Iyon ang kapangyarihan ng God Tribulation."
Biglang narinig nag boses ng Demigod Partial Thought.
Ang kapangyarihan ng God Tribulation.
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Hindi nakapagtataka ang katawan ng Demigod ay nawalan na ng hugis ng isang tao ngayon.
"Ang Demigod ay namatay dahil sa God Tribulation bago pa tuluyang maihanda ang libingan."
Malungkot ang boses ng Demigod Partial Thought. Kung tutuusin, siya ang Partial Thought ng kaluluwa ng Demigod.
"Ang katawan mismo ay walang masiyadong halaga, subalit ang kapangyarihan ng God Tribulation sa katawan ay malaki ang halaga. Malaki ang maitutulong nito sainyong cultivation of Lightning."
Sinabi ng Demigod Partial Thought.
Ang kapangyarihan ng God Tribulation!
Lumagpas ng isang tibok ang puso ni Zhao Feng. Ang ganitong kapangyarihan ay kayang makapatay kahit ng Demigods. Mula rito, maaaring makita kung gaano ito kahalaga. Kahit ang ilang Mystic Light Realm Sacred Lords at Demigods ay magiging interesado rito.
"80-90% ng Mystic Light Realm Sacred Lords na sinusubukang makatungtong sa Heavenly Divine Realm ay magiging alikabok, subalit ginamit ng Demigod ang katawan niya upang makahigop ng malaking bilang ng kapangyarihan ng God Tribulation at hindi nasira ang kaniyang katawan. Mula rito, makikita ng isang tao kung gaano siya kalakas. Siya ay kaunting layo na lamang mula sa Heavenly Divine Realm…"
Bumuntong-hininga ang Demigod Partial Thought.
Sa pagkakarinig nito, naintindihan ni Zhao Feng kung gaano kahalaga ang kapangyarihan ng God Tribulation.
Kahit sinong mayroong karapatang makatungtong sa Heavenly Divine Realm ay isang eksperto, gayunpaman, isa lamang sa sampu ang tanging magkakaroon ng bangkay na matitira matapos ang God Tribulation.
Mula sa isang tiyak na perspektibo, masasabi na ang bangkay na ito na mayroong kapangyarihan ng God Tribulation ay ang pinakamahalagang bagay sa buong Demigod Forgotten Garden.
Ang dugo ng Demigod ay hindi masiyadong malakas dahil ang dugo ng Demigod ay walang masiyadong kagamitan sa Mystic Light Realm, kung saan ang bangkay ay kasinghalaga ng parehas na Mysitc Light Realm Sacred Lords at Demigods.
"Ang kapangyarihan ng God Tribulation ay nagmumula sa Divine Lightning. Kaya naman, ang bangkay ay malaki ang kagamitan sa akin."
Labis na nagagalak si Zhao Feng.
Miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nakaupo sa beast King at hawak-hawak nito ang Shadow Imperial Dagger bago marahang lumakad patungo sa sunog na bangkay.
Hindi mangmang si Nan Gongsheng at ang iba. Malamang ay nahulaan na nila ang kasaysayan ng bangkay na ito. Kung tutuusin, hindi naman napakalaking sikreto na namatay ang Demigod dulot ng God Tribulation.
"Napakalaki ng bangkay. Puwede natin itong hiwain."
Sambit ni Zhao Feng.
Mahirap na hiwain ito gamit lamang ang kapangyarihan ng isang tao. Kahit ang mga pagkilos ng Kings ay labis na mapipigilan sa harapan ng bangkay.
"Sige."
Hindi tumanggi ang tatlong King prodigies. Napagdesisyunan pa rin nilang gamitin ang Shadow Kill Imperial Dagger upang sama-samang hatiin ang bangkay.
Weng~~
Isang matalim na liwanag ang lumitaw sa ibaba ng Shadow Kill Imperial Dagger nang tumuhog ito patungo sa sunog na bangkay.
Ding!
Higit sa 90% ng kapangyarihan nito ay nabawasan dulot ng kapangyarihan ng God Tribulation nang lumapag ito sa bangkay.
Tanging matamlay na gasgas lamang ang naiwanan.
Ang mga ekspresyon ng tatlong King prodigies ay pumangit. Kung ito ay magpapatuloy, malamng ay mangangailangan sila ng isa o dalawang araw upang hatiin ang bangkay.Subalit, kung iisipin ang halaga nito, ang tatlong King prodigies ay hindi aatras. Kung isasawalang-bahala ang isang araw o dalawa, kahit ang isa o dalawang buwan ay sapat na.
Ding! Ding! Ding!
Ang apat ay nagtutulungan kada apat o limang paghinga at hihiwain nila ang sunog na bangkay. Ang pinagsamang lakas ng apat sa Shadow Kill Imperial Dagger ay sapat na upang makapatay ng isang mahinang King.
Shua!
Ang Eye of Heaven ni Zhao Feng ay naglaho mula sa chamber, subalit hindi ito naglaho mula sa libingan.
Hindi kalaunan nakita na ng kaniyang mata kung saan nagtatago ang dugo ng Demigod. Ang kamalayan ng dugo ng Demigod ay napakahina, subalit isang gintong liwanag ang lumitaw sa paligid nito nang maramdaman nito ang Eye of Heaven.
"Naghahanda na akong kuhanin ang dugo ng Demigod."
Sambit ni Zhao Feng sa Demigod Partial Thought.
Spatial Movement!
Isang ipo-ipo ang bumalot sa dugo ng Demigod, at ang ipo-ipo ay mayroong isang pamilyar na mental energy aura sa loob nito.
Shua!
Ang gintong patak ng dugo ay nabalutan ng ipo-ipo at naglaho ito.
"Ang dugo ng Demigod ay sa akin na ngayon!"
Ang Eye of Heaven ay nagpakita ng kislap ng kagalakan bago maglaho.