Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 601 - Death Shadow Body

Chapter 601 - Death Shadow Body

"Void Space Eye Slash!"

Habang nagtatama ang dalawang intents, isang maliit na patalim ang biglang lumabas sa ere na siyang tumusok sa anyo ni Kamatayan, at isang aura of Destruction ang kumalat sa kanyang katawan.

Parehong ang mga kakampi at mga kaaway ay nagulantang.

"Hindi kaya ang sutil na iyan ay...?"

Sa pagkakataong iyon, naunawaan na ng maitim na elder ang katotohanan. Sa kabilang banda, namamangha siya sa nakasisindak na eye-bloodline ni Zhao Feng, pero ganoon pa man, nahihiya siya sapagkat ginamit lamang siya nito.

Hmph!

Isang malamig at mapangutyang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng.

Parehong ang maitim na Elder at ang anyo ni Kamatayan ay mga taong lagpas-lagpasan na sa limitasyon ng kanyang kayang labanan.

Ang mga bagay-bagay ay lumagpas na talaga sa kanyang ekspektasyon kung kaya kahit ang isang Half-Step Void God Realm ay umatake na rin.

"Ang mga tagasunod ng Emperor of Death ay nakakatakot na nga kahit wala pa sola sa Void God Realm.…"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakatuon sa anyo ni Death

Shu!

May mga kapiranggot ng itim na usok ang sjyang sumilay sa dibdib ng anyo ni Kamatayan habang kumakalat sa kanyang katawan ang aura of Destruction. Sa parehong pagkakataon, ang patalim ay nagsimula nang maglaho at mawala.

"Mukhang ang gustong paslangin ni Kamatayan ay hindi isang simpleng tao..."

Napaungol ang anyo ni Kamatayan. Ang Void Space Eye Slash ay tumama sa kanyang puso at nagbuga ito ng aura of destruction doon. Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, kahit sinong nasa ilalim ng Void God Realm ay agad na mamamatay sa ganitong atake.

Weng~~

Ang anyo ng katawan ni Kamatayan ay nagsimulang kumislap at tila ba dumudoble ito.

Habang kumikislap ang kanyang katawan, ang sugat ay tila naghihilom rin.

Malapit sa kabilang panig ng paglalaban:

"Death Shadow Body? Ayon sa mga tala, ang 36 na gwardya ng Emperor of Death au may ganoong katangian."

Ang ekspresyon ng maitim na Elder ay nagbago. Napagtanto niya na kung gaano kalakas ang kasaysayan ng anyo ng Kamatayan na nasa harap nila.

Kung ito nga talaga ang Death Shadow Body, hindi na nakapagtataka na matatall ang Elder. Sa totoo lang, isang milagro iyon kapag nakaligtas siya. Kung hindi dahil kay Zhao Feng at sa kasama nitong Half-Step Void God Realm, ilang beses na siguro siyang namatay.

Death Guard? Kumakatawan sa intent ng Death at may halos imortal na katawan, at may bilis na daig ang lahat ng nasa Origin Core Realm….

Nagsimula nang umikot ang mga iniisip ni Zhao Feng.

Ang kalkulasyon ng God's Spiritu Eye ay nagdulot ng mga nakagugulat na resulta; kahit na sampu o isang dosena pa ng mga Great Origin Core Realms ang magsasama-sama, mahirap pa rin para sa kanila na talunin ang isang Death Guard.

Kahit ang Void Space Eye Slash na tumama sa puso ng Death Guard ay mukhang hindi naman ito sinaktan.

"Hmm? Ang aura of Destruction?"

Aatake na sana ang anyo ni Kamatayan pero nanigas bigla ang kanyang katawan.

Sii!

Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib na naghihilom na sana, pero sakit ang makikita sa mukha niya.

Ano ang nangyayari?

Nagpawis nang malamig ang maitim na Elded habang iniiwasan niya ang potensyal na mamatay siya.

"Iyan.. Ang power of Destruction. Kahit ang recovery power ng isang imortal ay napipigilan nito."

Napatalon ang puso ng Half-Step Void God Realm.

Ang power of Death at power of Destruction ay sabay na nagpakota sa islang ito.

"Ganoon pala iyon. Ang aura of Destruction ng Purple Lightning ko pala ang kayang makapagpahinto nh kanyang recovery power."

Natuwa si Zhao Feng.

Alam niya na talaga ang tungkol sa aura of Destruction habang cinucultivate niya ang Purple Lightning.

Ngayong ang Ancient Dream Realm aura ay nakiisa na sakanyang Purple Destruction Lightning, aura ng Destruction ay lalo naging mas malapit sa pinagmumulan nito noong buhay pa ang Wind Lightning Emperor.

Kung kaya, ang pinsala sa Death Shadow Body ng anyo ni Kamatayan ay mas malaki pa kaysa sa inaakala.

Ang kakaibang katangian nito ay ang recovery Power niya, pero kapag napigil ito, ang pinsala ay madaragdagan lamang nang madaragdagan.

"Bahala na… Kahit na 60-70% lamang ng battle-power mayroon ako, ang mga sutil na ito ay wala lang sa akin."

Napangisi ang anyo ni Kamatayan.

Shua! Shua!

Ang anyo ni Kamatayan ay gumuhit sa ere at nagbuga ng malamig na intent of death.

"Hindi ito maganda!"

Nayanig ang puso ng maitim na Elder. Hindi niya makita kung paano kumilos ang Death Guard, pero ang malamig na intent of death niti ay nanunuot sa kanyang kaluluwa.

"Tama na!"

Ang Void God intent ay ginipit ang soul-dimension at pinagyelo ang mga nalalapit na Heaven Earth Yuan Qi.

Subalit, sa oras na ito:

"Hmph, na sa akin naman ang intent ng Emperor of Death para protektahan ako. Tanging ang mga nasa Void God Realm lamang ang makakasakit sa akin."

Hindi man lang pinansin ng anyo ni Kamatayan ang inteny ng isang Half-Step Void God Realm na tinanggap niya.

"Nakakagalaa pa rin siya nang maayos sa ilalim ng intent ko."

Hindi man lang napigil ng Half-Step Void God Realm ang anyo ni Kamatayan.

Sa loob ng lugar, tanging si Zhao Feng lamang at ang kasama niyang Half-Step Void God Realm ang kayang makakita ng mga kilos ni Kamatayan o kung paano ito umatake.

Shua ! Shua!

Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na may dalawang anyo ni Kamatayan. Ang isa ay papunta sa kanila, at ang isa naman ay sa Elder.

"Arghh!"

Napahiyaw ang maitim na Elder nang isa sa mga anyo ng Kamatayan ang tumagos sa kanyang katawan.

Whoosh!

Isang malamig na sinag ang siyang sumira sa katawan ng maitim na Elded hanggang sa magpirapiraso ito.

"Hindi! Sixth Junior Martial Brother…!"

Napasigaw sa hinagpis ang Half-Step Void God Realm.

Ang isang tagapangalaga ng death squad ay namatay lamang ng ganyan?

Napahinga nang malamig si Li Yunya habang nasa barko siya.

Galing siya sa Six Ring Palace, at ang maitim na Elder ay isang bangungot roon. Ang lahat ay takot sa kanya.

Shu~~~~~

Sa parehong pagkakataon, ang isa pang anyo ni Kamatayan ay lumapit sa barko.

"Mag-ingat kayo!"

Napabulalas sina Li Yunya at ang Skeletal Division Leader.

Ang pumatay sa maitim na Elder ay ang doble lamang ng Death Guard; ang kanyang tunay na katawan ay papunta pa lamang sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Isang nakasisindak na lamig ng Kamatayan ang bumalot sa barko.

Sina Li Yunya at ang Skeletal Division Leader ay hindi man lang makagalaw kahit nasa huling yugto pa ng Small Origin Core Realm ang cultivation nila. Hindi nga nila maisip na lumaban.

"Eye of Ice Soul!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye para ituon ang atensyon sa anyo ni Kamatayan, pero napakabilis niya, at mayroon siyang proteksyon ng intent of Death. Walang epekto halos ang kanyang Eye of Ice Soul dito.

"Hehe, ikaw na target ng Pursuit of Death, tingin mo ba hindi ko alam na kalaban mo ang taong iyon?"

Isang malabong anyo ang nagpakita sa barko.

Nang marinig ito, may mga alon na namuo sa puso nila Zhao Feng, Li Yunya, at nhlg Skeletal Division Leader.

Ang anyo ni Kamatay ay nagmumula sa direksyon ng walang hanggang karagatan, pero hindi siya nahirapan na makitang magkalaban sina Zhao Feng at ang maitim na Elder.

Paniguradong alam niya rin na mananalo sana ang maitim na Elder.

Kung alam ng Death Guard na ito na kalaban ko ang maitim na Elder, bakit pa niya ito pinatay?

Nagugulumihanan si Zhao Feng.

"Hmph, lilinisin ko lang saglit ang mga epal dito."

Malamig na tumawa ang anyo ni Kamatayan. Matapos sabihin , marahan niyang inilatag ang kanyang kamay, na nababalutan ng itim na usok, at bumuo ng isang palm attack na nagbubuga ng malamig na intent of Death na siyang bumaba mula sa langit at nagbigay presyon kay Zhao Feng.

Boom!

Ang mga puso nila Zhao Feng at ng mga kasama nito ay mukhang nilalabanan ang isang nagyeyelong bundok.

Wah!

Napadurab ng dugo si Li Yunya at saka napaluhod at nahimatay.

Halos hindi ito kayanin ng Skeletal Division Leader. Ang kanyang mga buto ay napakatibay, pero ang presyon sa kanyang kaluluwa ay pinanginig siya.

Parehong sugatan sina Li Yunya at ang Skeletal Division Leader, at dahil ito sa shockwave na nangyari.

Ang tunay na target ay si Zhao Feng.

"Huwag mong susubukan!"

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naging kasinglalim ng karagatan at ang tubug roon ay tila umiikot.

Naglabas ito ng isang ancient aura na kayang takutin ang mga diyos at demonyo. Nilipad ng hangin ang kanyang buhok, at ang kanyang kaliwang mata ay nagkaroon ng kapangyarihan na kontrolin ang lahat ng bagay sa mundo.

"Hmm? Hindi ko kayang bigyan ng presyon ang kanyang kaluluwa?"

Nagulat ang anyo ni Kamatayan. Dapat lamang malaman na kahit kaunting intent of Death lang ang malagay sa kanyang palm attack ay sapat na upang hindi ito masalag ng mga nasa Great Origin Core Realm.

Napakatatag ng God's Spiritual Eye lalo na sa mga soul attacks, kung kaya hindi na nagulat pa si Zhao Feng.

"Bakit hindi siya umaatake gaya ng ginawa niya sa maitim na Elder? Dahil kung gagawin niya, hindi ko ito masasalag kahit may God's Spiritual Eye pa ako."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Kahit na naglabas mg intent of Death ang Death Guard, wala naman itong layuning makapatay.

"Void Space Eye Slash!"

Shua!

Isang mahinang alon ang nagtungo malapit sa anyo ni Kamatayan, at isang ipo-ipo ang nabuo roon.

Shua!

Isang manipis na patalim ang tumusok sa dibdib ng Death Guard.

"Magaling!"

Tumalon ang puso ng mga nasa barko. Kung dalawang Void Space Eye Slashes ang sabay na tumama sa isang mahalagang bahagi, siguradong maglalagay ito ng pinsala kahit pa sa isang imortal na katawan ng anyo ni Kamatayan.

"Hehe, paano namang gagana ng dalawang beses ang iisang technique?"

Isang tawa ang maririnig mula sa kabilang panig.

Shua!

Ang anyong natusok ay nagsimulang maglaho; isa lamang itong labing-imahe.

"Arghh!"

Napahiyaw ang Skeletal Division Leader. Ang pinagmulan ng boses ay nasa tabi ni Zhao Feng. Kung gagawing ispisipiko, mula sa likod ni Zhao Feng.

"Zhe zhe, ang misyon ay madaling natapos."

Isang kamay na nababalutan ng itim na usok ang dadamputin na sana ang leeg ni Zhao Feng.

Ang lamig ni Kamatayam ang siyang nakapagpayelo ng Half-Step True Yuan at bloodline power ni Zhao Feng.

Bago pa man niya matapos ang Void Space Eye Slash, nakagalaw na pala ang Death Guard.

Wala na siyang oras para makaiwas pa, at napipigilan pa siyang gumalaw ng nakasisindak na kapangyarihan ng Death Guard.

Sa kritikal na pagkakataon:

Ding!

Isang transparent na patalim ang gumuhit at tumama sa kamay ng Death Guard, na siyang nakabuo ng tunog ng dalawang metL na bagay habang nagtatama.

"Sino ang nariyan?"

Nanigas ang anyo ni Kamatayan.

Whoosh!

Ang dalawang daliri na hahawakan dapat si Zhao Feng ay naputol lang naman.

Miao miao!

Isang abong-pilak ang gumuhit, at ang munting pusang magnanakaw ay na mas malaki na nang bahagya sa isang palad ay lumapag sa balikat ng Death Guard. Ang mga mata nito ay punong-puno ng talim at kapangyarihan.