Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 469 - True Lord Rank (2)

Chapter 469 - True Lord Rank (2)

Cloud Sword Clan.

Sa mga ulap, may mga gusaling nakausling parang mga espada sa nakasaksak sa langit.

Sa lahat ng ito, isa sa mga gusali ang nangingibabaw. Nagbibigay ito ng piercing intent at mukhang ito ang pinuno.

Sa sandaling ito, ang sagradong lugar, ang "Sword Pavilion," ay napupuno ng dugo.

Sa harapan ng Sword Pavilion.

"Arghhh~~~~~!"

Isang elder na nasa True Spirit Realm ang sumigaw nang mahulog ang kaniyang espadang may dugo sa lupa.

May apat o limang eksperstong nasa True Spirit Realm ang kasama niyang napatay sa isang wasiwas.

Bukod pa sa kanila, mayroon ding higit sa isang daang mga elite na napatay.

Ang mga nasa Sword Pavilion ay nanigas. Ang lahat ay tumingin nang may takot sa babaeng may simpleng damit.

Ang babaeng may simplend damit na ito ay nagbibigay ng invisible intent na sumasaksak sa lahat ng nasa paligid.

Ang pangyayaring ito ay labis na pareho sa nangungunang henyo ng espada noon. Ang taong dumurog sa bawat henyo ng Thirteen Clans.

"Cang Yuyue, kahit na gaano karaming tao ang mapatay mo, hindi mo kayang baliktarin ang sitwasyon ng lugar ng Cloud. Ang paglaban sa Iron Dragon Alliance ay pagpapakamatay."

Isang lalaking may luntiang baluti ang lumitaw nang may malupit na ekspresyon.

Ilang mga tama ng sugat mula sa espada ang sumaksak sa kaniyang Spiritual-grade armor.

Ang cultivation ng lalaking may baluti ay nakaabot na sa late-stage True Mystic Rank, tulad ni Cang Yuyue.

Gayunman, sa laban ngayon, ang lalaking may baluti ay may ilang True Spirit Realm na magkasama at hindi pa rin matalo ang babaeng may payak na damit.

"Si Cang Yuyue ay labis na nakakasindak. Higit sa isang daang elite na ang kaniyang napatay."

"Ang lahat ng lumaban sa kaniya ay namamatay."

Ang mga cultivator na nasa Sword Pavilion ay hindi nangahas na huminga nang malalim.

"Hmph, hindi mo na kailangang sabihin sa akin. Pupunta ako sa himpilan ng Iron Dragon Alliance mamaya."

Malamig ni Cang Yuyue.

Pagkatapos ng Sacred True Dragon Gathering at ang inheritance, ang Dao of the Sword ni Cang Yuyue ay naging mas matalin, at ang kaniyang path of killing ay isang daang beses na mas malakas kaysa noon.

Nakaramdam pa rin si Cang Yuyue ng swerte nang maalala ang pagkaharap sa Seven Sword Inheritance kasama ang iba pang mga henyo.

Kung ang isang tao ay hindi malakas at magaling magdesisyon, siguradong namatay na sila sa Seven Sword Inheritance.

Ang dahilan kung bakit nakabalik siya mula sa Seven Sword Inheritance ay dahil sa napagyaman na niya ang potensyal ng sword intent, at napakaswerte niya.

"Hahaha, hindi ka ba takot isang araw ay mapuputol ang iyong dila? P*t* ka, isang araw, ako ay-!"

Malakas na sigaw ng lalaking may baluti.

Isang espada ang itinira ni Cang Yuyue, na nagdahilan ng tunog ng pagsaksak.

Takbo!

Ang ekspresyon ng lalaking may baluti ay nagbago, at isang luntiang apoy ang lumitaw sa kaniyang katawan nang bigla siyang bumilis.

Ang skill na kaniyang nacultivate ay naglalaman ng elemento ng hangin at nakaabot na sa sukdulan.

Sa bilis, siya ay maikukumpara sa isang normal na True Lord Rank.

Ito ang dahilan kung bakit kaya pa niyang tumayo ngayon.

Mamatay ka na!

Nawala ang espada ni Cang Yuyue.

Jiang!

Gayunman, isang sirang green-bronze sword ang lumitaw. Nagbigay ito ang malamig at sinaunang aura, at mukhang immortal at supremo.

Isang nakakakilabot na intent ang nanatili sa lalaking may baluti sa pisikal at mental energy dimension.

Shua!

Iginalaw ni Cang Yuyue ang kaniyang kamay at isang malamig na bilog na kasingnipis ng sapot ng gagamba ang humaba sa hangin. Mukha itong napakabagal, ngunit nangyari talaga ito sa isang sandali.

Plop!

Ang lalaking ay baluti ay nahulog mula sa langit nang may madugong sugat na humati sa kaniyang katawan.

Sword Pavilion.

Ang buong angkan ay hindi maiwasang huminga nang malalim nang tignan ang maalamat na babae na bumalik mula sa Sacred True Dragon Gathering.

Shua!

Isang babaeng nakaputi ang biglang lumitaw sa harapan ni Cang Yuyue.

"Elder Bai."

Si Cang Yuyue ay yumuko bilang paggalang. Ang aura ng babaeng katumbas mg Deputy Patriarch ng Iron Blood Religon. Hindi bumalik nang mag-isa si Cang Yuyue.

"Yuyue, ang iyong lakas ay gumulat sa aming lahat. Kahit na nasa late-stage ka lang ng True Mystic Rank, ang iyong mga atake ay nakakapagbanta na sa mga nasa True Lord Rank."

Pinuri ni Elder Bai at nagbigay ng mataas na komento. Ang mga cultivator ng espadang mahusay sa atake, at si Cang Yuyue ay isang taong nakaunawa na sa sword intent bilang karagdagan sa pagtanggap ng Seven Sword Inheritance.

"Sa kasamaang palad, mayroon pa ring distansya sa pagitan ni Yu Tianhao, Zhao Feng, Xin Wuheng, at mga kasama."

Walang mababakas na kayabangan sa mukha ni Cang Yuyue. Kahit na ang kaniyang lakas at talento ay napakataas at siya ang nangungunang henyo sa Ten Thousand Sword Clan, mayroon pa ring halatang agwat sa pagitan niya at ng mga napakahusay na mga prodigy.

"Hehe, hindi mo na kailangang purihin ang iba. Sa iyong talento at comprehension level, hindi ka naman napag-iiwanan. Kung nag-umpisa ka sa simula, maari ka nang maikumpara sa mga napakahusay na prodigy."

Ngumiti si Elder Bai at sumuporta.

Tumango si Cang Yuyue, malakas ang loob sa kaniyang mga pagyabong.

Gayunman, ang pangunahing dahilan kung bakit siya bumalik sa lugar ng Cloud ay para iligtas ang kaniyang Clan. Sa isang sandali, ang kapalaran ng Cloud Sword Clan ay binago ni Cang Yuyue.

"Ano ang kasalukuyang sitwasyon ng Thirteen Clans? Napag-alaman ko si Zhao Feng ay nagbalik na."

Tanong ni Cang Yuyue.

Matapos makinig nang ilang sandali, ang kaniyang ekspresyon ay nagsimulang maging seryoso. Napansin ng lahat na nais niyang malaman ang tungkol kay Zhao Feng.

Ang ilang mula sa Cloud Sword Clan ay alam na natalo si Cang Yuyue kay Zhao Feng noon. Ngayong nagbalik na siya sa lugar ng Cloud, maaaring hamunin niya ito ng laban upang mabawi ang titulong nangunguna.

"Natalo ang tatlong True Lord Rank nang mag-isa?"

"Si Zhao Feng... ay naging napakalas na?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Cang Yuyue sa mas mga bagay na naririnig niya. Kahit si Elder bai at napuno ng pagkagulat.

Napanood ni Elder Bai ang Sacred True Dragon Gathering. Sa oras na ito, si Zhao Feng ay malayo pa sa pagiging True Lord Rank.

"Tunay ngang karapat-dapay siyang maging isang napakahusay na prodigy. Siguradong ti Yu Tianhao ay nasa parehong lebel na sa buong kontinente."

Hindi maiwasang magbuntong hininga ni Elder Bai Shang. Inaamin niyang ang lakas ng limang napakahusay na prodigy ay nakaabot na sa antas na mas malaks pa sila sa matandang heneresyon, lalo na si Zhao Feng at Yu Tianhao.

Gayunman, si Zhao Feng ay misteryosong ay nawala sa loob ng ilang buwan.

"Kakalabanin ko siya bago ako umalis sa lugar ng Cloud, kahit gaano pa siya kalakas."

Isang makapangyarihang sword intent ang rumagasa sa mga mata ni Cang Yuyue.

Patuloy sa pagtaas ang sword intent ni Cang Yuyue na tila siya ay pinupuwersa ni Zhao Feng.

Tumango si Elder Bai Shang. Ang mga nagsanay ng espada ay kailangan ng hindi matitinag na utos para patuloy na mapagyabong sa paglaban sa langit at lupa.

Lugar ng Cloud, Thirteen Countries.

Sa loob lang ng isang buwan, ang buong sitwasyon ay nagbago. Halos kalahati ng Clans ang tumakas sa kontrol ng Iron Dragon Alliance, at sa umpisa ng lahat ay ang Broken Moon Clan.

Natalo ni Zhao Feng ang tatlong Palace Lord at pinuwersa si True Lord Tiexiao para sumuko. Sinira rin niya ang kasunduan.

Bago pumasok sa seklusyon, inutusan ni Zhao Feng ang ilang mga eksperto, na pinangungunahan ni Lin Tong, para tulungan ang dalawang "Moon" Clan, ang Lin Moon Clan at Silver Moon Clan.

SInabihan ni Zhao Yufei si Zhao Feng na tulungan ang Lin Moon Clan noon sa Purple Saint Ruins.

Ang Broken Moon Clan, Lin Moon Clan, Silver Moon Clan. Cloud Sword Clan... ang lahat ng mga Clan na ito ay tumakas sa kontrol ng Iron Dragon Alliance at kaibalik ang kanilang kalayaan.

Sa oras na ito, ang Dragon Killing Alliance, na pinangunahan ni Old Su at ng mga elite ng Sky Rich Country, ay nagsimulang pumunta sa Thirteen Countries.

Ang Thirteen Countries ay hindi na parte ng lugar na kontrolado ng Iron Dragon Alliance, kasama ang Broken Moon Clan bilang nasa gitna.

Tumulong si Old Su para maibalik ang kanilang kalayaan habang nililinis rin ang puwersa ng Iron Dragon Alliance sa loob ng Thirteen Countries.

Ang lahat ay lumalago nang maayos.

Ayon sa kanilang kasunduan, si Old Su ay responsable sa paglilinis at pagkuha ng impormasyon.

Sa araw na ito, sa Broken Moon Clan.

Sou!

Isang aura na nasa True Lord Rank ang bumaba sa Sky Moon Mountain.

"Sino ito!?"

True Lord Tiexiao, na nagbabantay sa bundok, ay sumigaw.

"True Lord Tiexiao, sana ay nasa mabuting kalagayan ka."

Isang elder na may puting balbas ang lumutang sa harapan ng Broken Moon Clan.

"Old Monster Su, ikaw ba iyan?"

Si True Lord Tiexiao ay may pangit na ekspresyon.

Kahit bago pa makapasok ang Scarlet Moon Demonic Religion sa lugar ng Cloud, ang malalakas na bansa, ang dalawang ito ay nasa magkalabang panig.

"Mayroon akong mahalagang ulat na kailangang pag-usapan kasama si Zhao Feng."

Sinabi ni Old Su ang usapin nang may nagmamadaling tono.

Kung nais makita ng normal na eksperto si Zhao Feng, magiging imposible ito, ngunit kung ito namang si Old Su, na isang True Lord Rank na pinuno rin ng Dragon Killing Alliance.

Gayuman, hindi nagiging madali ang paglagpas kay True Lord Tiexiao.

"Hindi mo ba alam na si Zhao Feng ay nasa seklusyon at hindi kumakausap sa kahit na sino?"

Walang ekspresyon ang mukha ni True Lord Tiexiao.

"Ang ulat na ito ay napakahalaga para sa lugar ng Cloud."

Pagmamadali ni Old Su.

Hindi nagsalita si True Lord Tiexiao at tumuro sa isang bulawagan sa gitna ng mga bundok.

Hmm?

Naramdaman ni Old Su na ang lugar ng Heaven Earth Yuan Qi ay labis na sensitibo. Isang bola ng hangin at kidlat ang minsang nagpapakidlat at nagpapaulan.

Weng~~

Isang malalim na tunog ang umalingawngaw sa hangin, na tila magkasama ang hangin at kidlat at isang halimaw na kinakain ang bolang ito.

Makalipas ang kalahating araw, ang bola ng hangin at kidlat ay nagsimulang maipon at maging isang ipo-ipo na nakagawa ng mga alon ng kidlat.

"Nakaabot na siya sa huling parte?"

Sinuring maigi ni True Lord Tiexiao. Sa mga nakaraang araw, binabantayan na niya ang sitwasyon ni Zhao Feng.

"Nakakalagpas na siya sa True Lord Rank?"

Si Old Su ay may kakaibang ekspresyon. Ang langit ay napuno ng mga kidlat at hangin, at may isang nakakasirang aura na nagdahilan para hindi mapakali at bumigat ang Qi of True Spirit sa loob ni Old Su at True Lord Tiexiao.