Shua!
Kumislap ang anyo ni Lu Tianyi sa kuweba at ang kinang ng kaniyang Yuan Qi ay nagdulot upang maramdaman ito ng Towering Tree Yao sa malapit at sumumpa ito.
"Nilalang, mukhang hindi natin matatakasan ito."
Ang mapait na boses ng Towering Tree Yao ay maririnig.
Alam ni Zhao Feng na ang pagdating ni Lu Tianyi ay nagpigay ng panganib sa Towering Tree Yao.
Kung nasa peak lamang ang Towering Tree Yao, maaari nitong malabanan si Lu Tianyi subalit matapos tamaan ng Void God Protection, ang pangunahing katawan nito ay lumabas.
Dagdag pa rito, malaki ang nagamit na Wood Spirit Essence Soul ng Towering Tree Yao sa pagharap nito sa mga atake ng tatlong sects kaya bumaba ang lakas nito.
"Talagang malakas ang Lu Tianyi na ito. Maaaring mayroon siyang abilidad upang manghamon ng mga nasa Void God Realm at siya ay isang taong hindi ko kayang tapatan." Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Bago ito, napinsala na ni Zhao Feng ang higit pa sa kalahati ng sampung True Lord Ranks subalit ito ay dahil lamang mayroon siyang protesksyon ng Towering Tree Yao.
Sa isahang labanan, walang masiyadong lakas ng loob si Zhao Feng upang tapatan si Ye Yanyu o kaya'y si Zhuang Wan'er. Kung tutuusin, ang battle power ng dalawang ito ay halos maikukumpara sa Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion at kaya nilang manghamon ng mga nasa normal na half step Origin Core Realm.
Ang lakas ni Lu Tianyi ay nakaabot sa isang panibagong level. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kaniyang God's Spiritual Eye, nakita ni Zhao Feng na ang bawat pagkilos ni Lu Tianyi ay naglalaman ng puwersa ng mundo.
Dahil dito ang kakaibang hangin ay basta-basta na lamang kayang punitin ni Lu Tianyi.
Sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay parehas na hindi ito kayang gawin.
"Brother Tree, hindi natin kailangang lumaban sa isang taong hindi natin kaya. Ang Ruins Treasured Palace ay hindi kalaunan magpapakita na. Kailangan mo lamang ibigay ang lahat ng iyong suporta at ako na ang bahala sa iba."
Kalmado pa rin ang boses ni Zhao Feng, subalit kasabay nito, nakaramdam siya ng panganib.
Kung hindi ito para sa katotohanan na ang Ruins Treasured Palace ay talagang bababa na, malamang matagal nang tumakas si Zhao Feng. Ang pananatili niya rito ay mangangahulugan ng kamatayan.
Ang paglaban kay Lu Tianyi at sa ibang mga True Lord Ranks ay para na ring nanghahamon ng isang Origin Core Realm Sovereign.
Ano ang pinagkaiba ng pagsundo sa kamatayan at sa paghamon ng isang Sovereign?
"Nilalang, marami kang dinalang surpresa sa akin. Umaasa ako na magpapatuloy ito."
Kumalma ang emosyon ng Towering Tree Yao habang pinapadaloy niya ang kaniyang Wood Spirit Essence Soul upang suportahan si Zhao Feng.
Sa oras na ito, wala na siyang pakialam kung gaano karaming enerhiya ang ginagamit niya. Kung tutuusin, mas maganda ito kaysa sa mabura siya sa planetang ito.
Kasabay nito, nakipagkita si Lu Tianyi sa mga henyo ng pure Moon Spiritual Sect.
Sa pagkakita ng mga anyo ng tatlong sects si Lu Tianyi ay natulala: "Anong nangyari?"
Sa lahat ng sampung True Lord Ranks, bukod sa kaniya, ang ikalawa at ang ikatlo ay nandirito rin.
Ikinagalit ni Lu Tianyi ang mga pagkatalo ng Pure Moon Spiritual Sect.
Sa tatlong sects, ang Pure Moon Spiritual Sect ang malaki ang natalo.
Namatay si Yu Luo, si Li Hong ay parang patay na rin at mayroon pang mga ibang True Lord Ranks at mga True Mystic Ranks na namatay.
"Brother Lu, sakto ang pagdating mo. Ang pagpatay sa batang iyon ay halos matitiyak na natin."
Labis na natuwa si Ye Yanyu.
Mas nagulat pa si Lu Tianyi. Ang kadalasang kalmadong si Sister Ye ay ngayon puno ng paglalayong pumatay.
Hindi kalaunan, sinabi na ni Ye Yanyu ang katotohanan kay Lu Tianyi.
"Nangyari ang ganoong bagay!?"
Sa pagrinig nito, nanggigil si Lu Tianyi.
Kailan pa napahiya ng ganito kalala ang mga Core disciples ng Pure Moon Spiritual Sect?
"Kumalma ka. Hintayin mong patayin ko ang bastardong iyon."
Ang pagiging tamad ni Lu Tianyi ay naglaho nang maging kasing liwanag ng buwang ang kaniyang dalawang mga mata. Mayroong mga linya ng dugo sa loob nito at para bang siya ay isang God of Killing.
Sa pagkakataong ito, may naramdaman si Lu Tianyi at siya ay tumingala sa alapaap.
Shua!
Isang asul na mata ang lumitaw sa alapaap at parang nabuhay ito kasabay ng kalangitan at ng kalupaan nang malamig itong tumitig pababa sa kaniya.
"Ito ang eye bloodline ng bastardong iyon? Hindi pa ako nakakakita o nakakarinig ng kahit anong gaya nito."
Napatalon sa gulat si Lu Tinayi. Akala niya ay isa itong descendant ng isa sa mga God Eyes.
Kung ito ay isang totoong tagapagmana ng Eight Great God Eyes, kahit si Lu Tianyi ay mananahimik.
Sa puntong ito, ang mata sa ulap ay malamig na tumitig sa baba at nagpakawala ng hindi mailalarawan na presyon.
Bukod kay Lu Tianyi, ang bawat isang tao ay nakaramdam ng matinding kaba.
Kung tutuusin, ang mental energy ni Zhao Feng mismo ay nakaabot na sa late stage True Lord Rank at mayroong siyang suporta ng Wood Spirit Essence Soul.
"Ang kaniyang paglalayon ay hindi masiyadong iba mula sa akin, subalit mayroon itong isang bagay na parang hindi ko maintindihan."
Tuwid na nakatayo si Lu Tianyi at ang kaniyang mga mata ay parang mga gintong buwan na supremong namumuno.
Kahit na hindi siya gumagalaw, isang ipo-io ng Heaven Earth Yuan Qi ang pumalibot sa kaniya at nagdala ng isang hindi mapipigilang kapangyarihan ng kalikasan sa kaniya.
Sirain!
Isang kumikinang na gintong buwan ang lumitaw sa palad ni Lu Tianyi at tumira sa alapaap.
Ang mga henyo ng tatlong sects ay lahat pinigilan ang paghinga nila at nagpakita sila ng mga tulalang ekspresyon.
Ang galaw ni Lu Tianyi kanina ay naglalaman ng kapangyarihan na madaling nakakasira ng isang nayon at kahit ang aura mula sa Eye of Heaven ay natalo nito.
Shuu----
Ang gintong buwan ay nagdala ng isang mapanirang kapangyarihan sa buong lugar kung saan ang Eye of Heaven ay naroroon at ang lahat ng lugar na nasa loob ng tatlo hanggang apat na milya ay nabalot nito.
Kahit ang Towering Tree Yao ay nakaramdam ng panginginig at ang pagpito ng Yuan Qi ay nagdulot upang yumanig ang mga sangay nito.
Pagtapos ng lahat ng bagay. Kahit ang mga ulap sa alapaap ay nasira, ang Eye of Heaven ay nanatili pa ring maayos at mapaglaro itong tumingin pababa kay Lu Tianyi.
"Lu Tianyi, ang matang ito ay isang void existence at ang mga atake mula sa mga nasa ibaba ng Void God Realm ay hindi ito kayang sirain. Ang pinakasimpleng paraan ay patayin ang bastardong iyon."
Maririnig ang mahinang boses ni Chi Gui. Ang atake ni Lu Tianyi ay napakalakas, subalit nagamit ito sa maling paraan at walang pinagkaiba ito sa pag-atake sa ere.
Kung hindi ito isang ekspertong sanay sa Dao of the Soul o mayroong isang eye bloodline na maikukumpara kay Zhao Feng, lubos na mahihirapan ang isang taong sirain ang Eye of Heaven.
"Nakamamangha." Hindi masiyadong nasurpresa si Lu Tianyi.
Ang Eye of Heaven ay binigya n siya ng isang pakiramdam na hindi ito madaling masisira, subalit hindi rin basta-bastang susuko si Lu Tianyi.
Matapos noon, nagpadala na naman siyang mga atake sa Eye of Heaven na nakapagpayanig ng mga malapit na henyo.
Subalit, ang lahat ng mga pagsubok na ito ay palpak.
Makikita pa rin ang Eye of Heaven at nagdala pa ng mas matinding puwersa sa kanila.
"Kalokohan."
Hindi na makapagpigil si Lu Tianyi. Hindi niya matiis na tingnan pababa ng isang mata.
"Brother Lu, dalian mo at patayin mo ang bastardong iyon. Hindi pa rin umaatras si Zhao Feng kahit na nakita ka niyang dumating. Nag-aalala ako na baka may mangyari."
Nabalisa si Ye Yanyu.
Ito ay isang pakiramdam na nagmula sa pakikisalamuha kay Zhao Feng.
"Sige, aalis na ako upang patayin na ang bastardong iyon."
Tumango si Lu Tianyi. Bahagya lamang siyang makikinig kay Ye Yanyu dahil silang dalawa ay parehas na disciples ng Kings ng Void God Realm at kung talento ang pag-uusapan, mas bata naman sa kaniya si Ye Yanyu at ang hinaharap niya ay hindi mas mababa kaysa sakaniya.
Shua!
Kumislap ang anyo ni Lu Tianyi nang sumugod siya patungo sa direksyon ng Towering Tree Yao.
Naramdaman ng mga henyo ng tatlong sects ang paglabo ng kanilang mga mata at si Lu Tianyi ay nakalagpas na ng kalahating milya.
Kahit si Zhao Feng na nakatingin sa alapaap ay natakot.
Masiyadong mabilis si Lu Tianyi at kinailangan lamang niya ng sampung hakbang o higit pa para makarating dito.
Eye of Ice Soul!
Biglang tumira ng isang matingkad na liwanag ang Eye of Heaven patungo kay Lu Tianyi.
"Hmm?" Natuklasan ni Lu Tianyi na ang kaniyang mga pagkilos ay bumagal at isang kalamigan ang nakapasok sa kaniyang isipan, sinusubukang pagyeluhin ang kaniyang mga naiisip.
Dagdag pa rito, ang Eye of Ice Soul ni Zhao Feng ay nagpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi at ang lahat ng nakapalibot kay Lu Tianyi ay biglang nabalot ng yelo.
Hindi ginamit ni Zhao Feng ang Ice Soul Shooting Line ngayon dahil ang Eye of Ice Soul ay kayang makapagpabagal ng movement speed ni Lu Tianyi at alam ni Zhao Feng na ang Ice Soul Shooting Line o Lightning Fire God's Eye ay hindi kayang maapektuhan masiyado si Lu Tianyi dahil ang mental energy level ng huling nabanggit ay nasa half step Origin Core Realm.
"Hehe, walang makakapigil sa mga hakbang ko." Bahagyang tumawa si Lu Tianyi habang ang umaatungal ang Heaven Earth Yuan Qi sa paligid niya.
Ang Eye of Ice Soul ni Zhao Feng ay sapat na upang pagyeluhin ang mga normal na True Lord Ranks at upang pabagalin sila. Sa matagal na oras, magiging katulad sila ng nangyari kay Li Hong.
Subalit, hindi man lamang naapektuhan si Lu Tianyi.
Ang tanging epekto ay napapabagal siya nito.
"Ang kaniyang mental energy level ay mas mataas kaysa sa akin at kalahati ng isang Soul protecting item."
Malinaw na nakita ni Zhao Feng ito sa kaniyang Eye of Heaven.
Hindi bihira para sa mga prodigies na gaya nila Lu Tianyi, Ye Yanyu, at Zhuang Wan'er na magkaroon ng mga protective items.
Sa normal na sitwasyon, ayaw talagang gumamit ni Zhao Feng ng mga mental energy attacks laban sa mga taong may malalakas na mental energy at magandang soul protecting items.
"Kaya kong pigilan si Lu Tianyi sa pamamagitan nito."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Kasabay nito, naramdaman ng Towering Tree Yao ang mga intensyon ni Zhao Feng at nagbuhos ito ng isang purong ragasa ng essence soul sa mental energy world ni Zhao Feng.
Sa ilalim ng kalagayan ng Eye of Heaven, mabilis na nahigop ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng Wood Spirit Essence Soul at nagtira siya ng kaunti sa loob ng kaniyang God's Spiritual Eye.
Hmm?
Napansin ni Lu Tianyi na ang kaniyang pag-iisip ay bumabagal at ang kapangyarihan mula sa Eye of Ice Soul ay mas lumalakas.
Ang puwersa mula sa Eye of Heaven ay tumataas.
Sa oras na ito, nakatanggap ng tulong si Zhao Feng mula sa Towering Tree Yao at sa loob lamang ng ilang paghinga, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay lumagpas na sa mga normal na peak True Lord Ranks.
Kung mental energy strength ang pag-uusapan, hindi masiyadong nagkakalayo sina Zhao Feng at Lu Tianyi.
Siyempre, kung totoong mental energy level ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay nasa huling mga yugto pa rin ng True Lord Rank.
Ang lahat ng ito ay dahil sa pinakamalaking kayamanan ng Towering Tree Yao – ang Wood Spirit Essence Soul.
Kahit ang mga Sovereigns sa Origin Core Realm ay matutuklasanag malaki ang naitutulong nito.
Dagdag pa rito, si Zhao Feng ay hinigop, itinabi at ginamit ang higip pa sa isangkatlo ng Wood Spirit Essence Soul mula sa simula hanggang ngayon.