Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 429 - Karumal-dumal

Chapter 429 - Karumal-dumal

Mula sa mga sanga, nakumbinsi agad ni Zhao Feng ang Towering Tree Yao matapos ang ilang pangungusap lamang.

Sa huling pangungusap ni Zhao Feng pinakanatinagan ang Towering Tree Yao.

Nagulat pa ito sa eye bloodline ni Zhao Feng.

Ano pang mas malakas na technique ang kaya ni Zhao Feng?

Kailangan ring umatras ng Towering Tree Yao para sa sariling kaligtasan nito.

Totoong maraming enehiya ang kinailangang gamitin ni Zhao Feng para mapatay ang tatlong True Lord Ranks. Ngunit hindi makatotohanang kaya pang talunin ni Zhao Feng ang pito pang True Lord Ranks.

Sige, ibibigay ko na sa'yo ang Wood Spirit Essence Soul, pero hindi ka pwedeng gumawa ng kung anong kalokohan…."

Pagpayag ng Towering Tree Yao.

Sa oras ng pangkabanggit nito, naramdaman ni Zhao Feng na may pumasok sa kanyang mental energy world na purong kapangyarihan.

Nalinis ng enerhiya ang kaluluwa ni Zhao Feng at pinalakas nito mental energy power niya, na para bang nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na punong-puno siya ng buhay.

Umabot na ng libo-libong taon ang edad ng Towering Tree Yao, at dahil dito, maituturing na regalo ng kalikasan ang Wood Spirit Essence Soul.

Kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay magagamit ang Wood Spirit Essence Soul at malaki ang maitutulong nito sa pag-unawa sa Void God Realm.

Kitang-kita ang epekto ng Wood Spirit Essence Soul kay Zhao Feng dahil ang core ng kanyang God's Spiritual Eye ay ang Soul.

"Magaling! Kapatid na Puno, mas lumakas na ang mental energy ko at gamit ang Essence Soul, naniniwala akong mas lalakas pa ang eye bloodline ko."

Sobrang saya ni Zhao Feng. Sinabi niya ito upang mas pagkatiwalaan pa siya ng Towering Tree Yao at para suportahan siya nang lubos.

Sa totoo lang, naisip na ni Zhao Feng ang mga pangyayaring ito.

Sa labas, 30-40% pa lamang ang nagagamit niyang kapangyarihan ng kaniyang mata, pero pinagmukha niyang mas marami pang enerhiya ang ginamit niya.

Dati niya nang nagamit nang walang limitasyon ang kaniyang eye bloodline, pero sa huli, tatlong pangunahing eye bloodline techniques ang nagamit niya.

Syempre, kinailangang mamatay ni Mo Yu dahil siya lamang ang may kayang hangganan ang Dark Silver Poison Corpses.

Walang susubok na patayin si Zhao feng nang wala si Mo Yu na siyang pro-protekta sa kanila.

Ngayon, kaya nang humingi ni Zhao Feng ng tulong sa Towering Tree Yao dahil nakakita ito ng pag-asa sa lakas ni Zhao Feng.

Lalong lumakas ang kaluluwa ni Zhao Feng matapos makuha ang suporta ng Wood Spirit Essence.

Madaling bumabalik ang enerhiyang kaniyang nagamit mula sa nangyari kanina, at tumaas lalo ang lebel ng mental energy niya.

"Huwag mo akong bibiguin. Ang Wood Spirit Essence Soul ay ang aking core. Magagamit ang enerhiya ng core ko bilang pagsuporta."

Napa-buntong-hininga na lamang ang Towering Tree Yao. Napilitan lamang ito.

Kung hindi nakasalalay ang kanilang buhay sa sitwasyon na ito, siguradong hindi ibibgay ng Towering Tree Yao ang tulong nito sa iba.

Habang nagaganap ang mga pangyayaring ito, si Chi Gui naman ay nakatakas pabalik sa anim pang True Lord Ranks nang namumutla.

Kalmado ang ekspresyon ng pitong True Lord Ranks.

Sino bang mag-aakalang ganoon kalakas ang isang henyong tagalabas na True Mystic Rank at kaya pala nitong makapatay ng tatlong True lord Ranks nang hindi nasasaktan?

"Masyado nang maraming enerhiya ang nagamit ko sa eye bloodline ko. Hindi ko siya kakayaning labanan nang kahit sandali pa."

Malaki ang pagpapasalamat ni Chi Gui.

Nangatog ang puso ni Chi Gui matapos mamatay ni Mo Yu. Kung hindi dahil sa kanya, patay na rin sana siya.

Ibig sabihin nito, iniligtas ni Mo Yu ang kaniyang buhay.

"Kahit natalo kayo, Chi Gui, ang magandang kinalabasan ay alam na natin ang lakas ni Zhao Feng."

Tumunog ang kaakit-akit na tinig ni Zhuang Wan'er.

"Kailangan nating patayin ang Zhao Feng na 'yan."

Nanlamig ang mukha ni Ye Yanyu na kadalasan ay walang bahid ng emosyon.

Dalawa sa tatlong namatay na True lord Ranks ay nanggaling sa Pure Moon Spiritual Sect.

Lalong nagpagabag ito sa kaniya. Kung hindi siya naloko ni Zhao Feng, hindi sana mamatay nang ganoon kadali si Yu Luo at ang iba pa.

Pinanood ng pitong True Lord Ranks si Zhao Feeng lumusot sa mga sanga ng puno. Namumutla ito habang namamahinga.

"Matapos pumatay ng batang ito ng tatlong Lord Ranks, malamang ay ubos na ang kakayahan nitong gumalaw pa. Ngayon na ang tamang pagkakataon para atakihin ang Towering Tree Yao o patayin siya."

Sabi ni Chi Gui, na tinanguan naman ng natirang anim na True Lord Ranks.

"Hmm? Teka, parang kapangyarihan iyon ng Wood Spirit Essence Soul!!"

Biglang may naramdaman si Zhuang Wan'er, sabay lingon kay Zhao Feng.

"Hindi ito maganda, tinutulungan siya ng core ng Towering Tree Yao."

Napagtanto rin ito ni Ye Yanyu.

Ang cultivation ng dalawa ay ang pinakamataas, at sunod nilang nakita ang pagbago ng katawan ni Zhao Feng. Kitang-kita na ginagamit ni Zhao Feng ang Wood Spirit Essence Soul para maibalik ang kaniyang lakas.

"Kalokohan! Anong klaseng swerte ang meron itong batang ito na pati ang Towering Tree Yao ay binibigay ang sariling Essence Soul sa kaniya??"

Nalukot ang namumuting mukha ni Chi Gui, at napuno ng galit ang boses niya.

Nagalit rin ang anim pang True Lord Ranks.

Nagtulungan na ang tatlong sects para atakihin ang Towering Tree Yao para sa Wood Spirit Essence Soul nito at pati na rin ang iba pang kayamanang meron ito, samantalang nakuha lamang ni Zhao Feng ito nang walang kahirap-hirap.

Para bang ang mga atake nila ang may dahilan kung bakit ito nakuha ni Zhao Feng.

"Kalokohan…."

Umuusok na ang mga mata ni Li Hong sa galit, kaunti na lamang ay sasabog na ito. Ang isinumpa niyang kalaban na hahati-hatiin niya nang 10,000 na piraso ay ligtas na nakalabas sa away, at dahil din iyon sa kanila.

"Papatayin ko siya kahit anong halaga pa ang kapalit."

May lumitaw na layuning pumatay sa noo ni Ye Yanyu.

Nagpadala ng isang malaking pangkat ng atake ang pitong True Lord Ranks at iba pang mga henyo tungo sa Towering Tree Yao.

"Ngayon na ang pagkakataon nating masira ang Towering Tree Yao at mapatay si Zhao Feng."

"Kahit man lang manghina ang Towering Tree Yao ay sapat na para malagay sa panganib si Zhao Feng."

Dahil sa pagtutulungan ng pitong True Lord Ranks at mga henyo ng tatlong sects, mas lalong lumakas ang kanilang mga atake.

Siguro nga, sa sitwasyong ito lamang magtutulungan nang buo ang tatlong sects.

Umupo nang taimtim si Zhao Feng nang walang pag-aalala sa mga atake.

Shua!

Lumapag si Zhao Feng sa isang siglap.

Whoosh!

Isang malaking Silver Corpse ang inangat ng iilang ugat ng puno.

Maikukumpara ang kapangyarihan nito sa digmaan sa maagang yugto ng isang True Lord Rank, at ang depensa nito ay mas malakas pa kaysa ibang normal na maagang yugto ng True Lord Rank. Ang Corpse na ito ay minsan ring ginawang kalasag laban sa Giant Scorpion.

Umilaw ng kidlat at apoy ang kaliwang mata ni Zhao Feng nang tumungo ang paningin nito sa Blood Silver Corpse.

Wu~~

Sinubukang kumawala ng Blood Silver Corpse, ngunit masyadong mahigpit ang kapit ng Towering Tree Yao dito.

"Hmph, sirain ang mental energy symbol ko? Hindi iyon ganoon kadali."

Napangisi si Chi Gui nang maramdaman niya ito mula sa malayo.

Matagal niya ng alaga ang Blood Silver Ghost Corpse, at ang mental energy symbol na nakatatak dito ay malalim nang naka-imprenta. Kahit ang mga ekspertong kaparehas ng kaniyang cultivation ay aabutin ng ilang araw para masira ito.

At kahit man maginng matagumpay ito, masyadong matatagalan pa bago mag-imprenta ng bagong mental energy symbol sa isang True Lord Rank Ghost Corpse.

Kaya lamang, pinwersa ni Zhao Feng ang paggamit ng sobrang lakas niyang Lightning Fire God's Eye na siyang daliang nagbura ng mental energy symbol ni Chi Gui.

"Anong….?"Sobrang laki ng pagbabago ng ekspresyon ni Chi Gui. Biglang nanghina nang sobra ang koneksyon niya sa Blood Silver Corpse.

Sa ilang hinga lamang.

Shua!

Biglang umusok ang Blood Silver Corpse nang mawala ang mental energy symbol nito.

Wah!

Dumura ng dugo si Chi Gui. Matapos ang lahat, naging malakas ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa.

"Ang bilis…. Paano nangyari iyon? Kaya ng eye bloodline niyang tunggalian ang Dao natin?"

Para bang nahubaran ng kaluluwa si Chi Gui. Nasugatang muli ni Zhao Feng ang isip ni Chi Gui sa pagtanggal ng mental energy symbol nito sa Blood Silver Corpse.

Lalong naging malala ang kalagayan ni Chi Gui, kaya naman mas nawalan siya ng banta kay Zhao Feng.

Pagkatapos noon, pinaikot ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye at ginamit niya ito upang ipalit ang kaniyang mental energy symbol sa Blood Silver Corpse.

Sa sobrang lakas ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, nagngalit ang Blood Silver Corpse nang maabot nito ang True Lord Rank.

Kuminang ang mata nito at naglabas ng lumang mental energy aura na pag-aari ng pinanggalingan ng mata.

Nawalan sa sarili ang Blood Silver Corpse at hindi na sinubukang lumaban pa.

Para bang may maliit na multong sumusuko sa harap ng diyos.

Pati rin ang Essence soul ng Towering Tree Yao ay nagsimulang manginig.

Sa ilang sandali lamang, nag-iba ang aura ng Blood Silver Corpse.

Shua!

Kumislap bigla ang Blood Silver Corpse at lumapit sa harap ni Zhao Feng, pinoprotektahan siya na para bang sobrang matapat nito.

"Agad-agad na nalinang…. Paano nangyari ito?"

"Paanong nagkaroon ng ganito karumal-dumal sa mundong ito?"

Ang mga henyo sa likod ng Black Cliff Palace ay nalula na para bang nanonood sila ng isang alamat.

Sa mga mata nila, para bang iilang segundo lamang ang kinailangan para sirain ni Zhao Feng ang mental energy symbol ni Chi Gui, at ilan pang sandali para gawing sa kaniya ang True Lord Rank na Ghost Corpse.

"Mali…. Hindi siya katunggali ng Dao of Ghost Corpses, pero isa sa isang libong mahimala."

Inis na inis si Chi Gui. Ang pakiramdam ng pagkatalo ay daang beses pang mas malala kaysa matalo kay Zhao Feng nang harapan.

Sigurado siyang ang isang mahimalang tulad ni Zhao Feng ay agad na papalakihin ng mga nakatataas ng Black Cliff Palace na sagana sa lahat ng bagay kung kilala lamang nila ito.

"Tapos."

Tumango si Zhao Feng.

Umilaw ang anyo niya bago siya bumalik sa sangang kaniyang kinauupuan.

Iba na ang mga pangyayari ngayon. Nagbabantay na ang Blood Silver Corpse na nasa maagang yugto ng True Lord Rank habang pinoprotektahan nito si Zhao Feng, habang ang dalawang poison Corpses ay nakatago para sa sunod na pag-atake ni Zhao Feng.

Sabay-sabay na huminga nang malalim ang mga disipulo ng tatlong sects.

Mahirap ipagpalagay kung gaano na kataas ang lakas ni Zhao feng.

Ang tatlong Ghost Corpses sa kamay niya ay maikukumpara na rin sa tatlong True Lord Ranks.

Gayunpaman, ang dalawang Poison Corpses ay may kakayanang makapatay agad-agad basta nakapagpalabas sila ng dugo.

Sa oras na iyon, may boses na humuni sa isip ni Zhao Feng: "Bababa na ang Ruins Treasured Palace sa Towering Tree Yao matapos ang isang oras."

"Isang oras?"

"Tama, isang oras. Pero pwede pang mangyari ito sa sunod mong siglap."