Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 402 - Ang Plano ng Munting Pusang Magnanakaw

Chapter 402 - Ang Plano ng Munting Pusang Magnanakaw

Si Ye Yanyu at Zhao Feng ay parehong nanood at hindi nakialam.

Alam ni Zhao Feng na hindi niya kayang mabaliktad ang sitwasyon at gusto lang panuorin ni Ye Yanyu na mapinsala ang parehong panig at nanood nang nakangiti.

Ang dalawang puwersang lumalaban sa ancient large scorpion at hindi mga hangal at tumingin kay Ye Yanyu nang hindi mapakali.

"Mayroong pagbabago sa plano, si Ye Yanyu ay narito."

Ang may hikaw sa ilong na si Chi Gui at biglang kumaway at pinagpahinga ang panig ng Black Cliff Palace.

Si Chi Gui at ang nakakulay dugong damit na True lord mula sa Moon Demon Palace ay nagpalit ng puwesto at pagkarapos ay umatras na ang parehong panig.

Dahil hindi nila mapabagsak ang scorpion sa loob ng maiksing panahon at pinoprotektahan pa rin nito ang kuweba, hindi nila kailangang tapusin ito kaaagd.

Nang makita ni Chi Gui si Zhao Feng, naghigpit ang kaniyang puting mga mata.

Kahit na hindi niya personal na nakita si Zhao Feng, siya ay pamilyar sa kaniyang aura.

Kung hindi dahil kay Ye Yanyu, siguradong napatay na ng mga tao mula sa Black Cliff Palace si Zhao Feng.

"Hangga't kasama ko si Ye Yanyu ay wala mula sa Purple Saint Ruins ang siguradong aatake sa akin."

Malinaw na alam ito ni Zhao Feng.

Sa larangan ng cultivation, nakaabot na si Ye Yanyu sa late stages ng True Lord Rank at nalagpasan na si Chi Gui at iba pang True Lord.

Dagdag pa rito, si Ye Yanyu ay nagmula sa pinakamalakas na Pure Moon Spiritual Sect at may antas na nasa pinakamataas na tatlo sa Te True Lords.

Kung nagsama lang si Chi Gui at ang youth na may kulay dugong damit ay kaya nilang harapin si Ye Yanyu.

Nang hindi nakikita...

Si Ye Yanyu ay naging isa sa pinakamagaling na tagaprotekta ni Zhao Feng.

Kung siya ay mag-isa ay mahihirapan siyang mabuhay sa Purple Saint Ruins at sampung beses itong mas mahirap na makipaglaban para sa mga inheritance.

Shua Shua!

Si Chi Gui at ang youth na may kulay dugong ay hinarap si Ye Yanyu at nagsimulang mag-usap ang tatlo.

"Si Ye Yanyu ay dumating sa tamang oras, sumama ka sa amin at patayin ang scorpiong ito o tumulong ka sa panlilinlang dito."

Mungkahi ni Chi Gui.

Tumango ang youth na nakakulay dugong youth.

Ang dalawa ay walang laban sa scorpion at kahit na mapatay nila ito, sinong nakakaalam kung gaano karami ang mamamatay.

Ngayong dumating na si Ye Yanyu, mas mabuting tumulong siya sa halip na manood na mapinsala ang dalawang panig.

Una, maaaring mabawasan ang kanilang pinsala at magkaroon ng mas mataas na pagkakataong matalo ang scorpion.

Ikalawa, si Ye Yanyu ay mag-isa at ang dami ng pabuya na makukuha niya ay mas kaunti kaysa sa iba pagkapasok nila sa kuweba.

Samakatuwid...

Ang mungkahi ni Chi Gui at ng True Lord ay maganda.

Nang makita ito ay agad na dumagdag ang youth na may kulay dugong damit: "Goddess Ye, ang mga multo ni Brother Chi ay pumunta sa loob at maraming mga kayamanan doon. Ang dahilan kung bakit tinatakpan ng ancient large scorpion ang kuweba ay dahil sa ilang pure young blooded 'anciet scorpions.' Naniniwala akong maaari mapag-isipan ito ni Goddess Ye."

"Oh, mga pure blooded young ancient scorpion?"

Nagpakita ng interes si Ye Yanyu.

Nakita ng lahat kung gaano kalakas ang ancient large scorpion at hindi na kailangang katakutan ang apat o limang True Lord Ranks nang sabay.

Ang bloodline ng scorpion ay labis na makapangyarihan, at kayang makapatay ng True Lord Ranks ng lason nito.

Kung hindi lang dahil sa pagpigil ng mga ghost corpse ng Black Cliff Palace rito, kahit na dalawa pang True Lord Rank ang dumating ay wala pa ring magbabago.

Ang mga sinaunang halimaw na may kakaibang bloodline ay labis na mahalaga sa panlabas na mundo at nagkakahalaga nang mas mataas pa sa mga normal mature beast.

Ang mga batang halimaw ay mas madaling makuha bilang mga spiritual pet at ang kanilang katapatan ay napakataas.

Kung ibibigay nila ito sa sect ay magiging isa itong protector spiritual beast ng sect kapag lumakas na ito.

Sa personal, kaya nitong lumaki kasama ang amo nito at maging magaling na tagatulong.

"Ang scorpiong ito ay perpekto para sa atake at depensa, ang lason nito ay kritikal din...."

Nalaman ni Zhao Feng na ang mga kakayahan ng ancient giant scorpion na ito ay halos perpekto, at hindi niya maiwasang maikumpara ito sa munting pusang magnanakaw.

Sa larangan ng battle power at pinsala ay labis na malayo ang munting pusang magnanakaw at kaya lang maging isang diviner.

Ang mga kilos ni Zhao Feng ay namataan ni Ye Yanyu at may ngiting lumitaw sa kaniyang mukha.

"Ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng kuweba ay labis na kakaiba at sa pagprotekta ng isang ancient scorpion pati na ang pagsisikap ninyo ay nangangahulugang walang mga batang scorpion sa loob, hindi ba?"

Walang ekspresyong pagsingit ni Zhao Feng.

Si Chi Gui at ang True Lord na may kulay dugong damit ay parehong napatigil at tumingin sa youth na may asul na buhok.

Si Zhao Feng ay palaging nakatayo sa likuran ni Ye Yanyu at hindi nila alam ang sitwasyon, ngunit kung nangahas siyang mangialam at walang sinabi si Ye Yanyu, maaaring kasama na siya ngayon sa panig ng Pure Moon Spiritual Sect.

"Gamit ang lakas ng bloodline ng ungas na ito, maaaring labis siyang magamit para kay Ye Yanyu."

Mas hindi napakali si Chi Gui at mga kasama kay Zhao Feng.

Naranasan ng ng Black Cliff Palace ang mga paraan ni Zhao Feng noon, ngunit hindi nila mahuhulaan ang ugnayan ni Zhao Feng at Ye Yanyu ngayon.

Si Ye Yanyu ay masyadong tamad para magsalita at tunay na maintindihan ang lakas ni Zhao Feng.

"Ubo ubo, parang ganito. Totoong mayroong ilang kayamanan sa loob nito tulad ng Earth Yin Poison Mushroon, Blood Glass Fruit, Life Returning Grass, at iba pa."

Sabi ng youth na may kulay dugong damit at natuwa si Ye Yanyu.

Kahit anong sabihin niya ay sapat na para mapapula ang mga mata ng True Lord Rank at tingnan nang masama ng mga nasa Origin Core Realm.

Eartg Yin Poison Mushroom: Kailangang palaguin sa lugar na may labis na Yin sa loob ng sampung libong taon o higit pa. Ang kabuteng ito ay perpektong materyal para sa mga ghost corpse at kasabay nito ay isa sa mga resources para makagawa ng nakakamatay na lason.

Blood Glass Fruit: Isang ubos nang kayamanan na kayang mapataas nang malaki ang cultivation at may dobleng epekto sa mga cultivator ng Dao of Blood at nagagawa sa pagtipon ng essence ng blood Yin.

Nang marinig ito ni Zhao Feng ay tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.

Pati ang ekspresyon ni Ye Yanyu ay nagbago.

"Ang Blood Glass Fruit na ito ay siguradong isang Sovereign tier na kayamanan sa Azure Flower Continent. Kung hindi pa patay ang Scarlet Moon Religion Patriarch at labis lang ang pinsala, kahit ang isa o dalawa ay makakatulong na sa panunumbalik ng lakas nito. Kung makakakuha ako ng isa ay makakaabot na ako sa True Lord Rank kahit na hindi ako isang cultivator ng Dao of Blood."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Ang Blood Glass Fruit na ito ay nagbigay kay Zhao Feng na mabago ang sitwasyon.

Kung isang Blood Glass Fruit ay ibinigay sa late stage True Mystic Rank o peak stage True Mystic Rank, ang enerhiya nito ay maaaring masayang.

Gayunman, ang lebel ng mental energy ni Zhao Feng ay nasa True Lord Rank at kayang mahigop ang karamihan ng enerhiya nito. Kung kakain siya ng isa at pumunta sa seklusyoon sa loob ng sampung araw o kalahating buwan ay sigurado ang paglagpas sa True Lord Rank.

Kung isasantabi ang True Spirit Realm, ang Blood Glass Fruit ay may pakinabang rin sa mga nasa Origin Core Realm.

Sa kasamaang palad, ang kayamanang ito ay ubos na sa Azure Flower Continent.

Ang ibang Earth Yin Poison Mushroon at Life Returning Grass ay nasa parehong tier din tulad ng Blood Grass Fruit.

"Hm, Life Returning Grass...."

May naisip si Zhao Feng.

Life Returning Grass: Isang kayamanang ginawa ng Langit at Lupa. Hangga't mayroon kang kaunting bilang ng buhay ay mahihilom nito ang mga pinsala. Ang Elixir of Life mula rito ay kaya ring makapagpagaling at magpahanga ng buhay."

Biglang may isang boses na lumitaw sa isip ni Zhao Feng: "Kung gusto mo talaga akong bayaran, abutin mo ang pinakamataas na dalawampu sa Sacred True Dragon Gathering at kung makakakuha ka ng Elixir of Life, Life Restoring Pills o mga katulad na bagay, labis akong magpapasalamat."

Noon sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion at ang elder na may makapal na kilay na sinabi ni Tiemo ang nagsabi nito kay Zhao Feng.

Dahil sa elder na ito ay nagawa ni Zhao Feng na makahakbang sa Dao of the Soul at napataas ang kakayahan ng kaniyang mga mata.

Ang Elixir of Life na sinabi ng misteryosong elder ay maaaring gawin mula sa Life Returning Grass at ang Life Returning Grass naman ay mas mahalaga kaysa sa Elixir of Life.

Sa sandaling ito ay naintindihan na ni Zhao Feng at Ye Yanyu kung bakit hinaharangan ng ancient scorpion ang kuweba.

Hindi lang nito pinoprotektahan ang anak nito, kung hindi pati na ang mga kayamanan.

"Papatayin natin ang scorpiong ito nang magkasama at hahatiin ang pabuya base sa ating mga kakayahan."

Hindi nagtago ng kahit ano si Chi Gui at mga kasama.

Kung hindi sapat ang mga pakinabang ay hindi ito magagamit ni Ye Yanyu.

Naiisip na kaagad ni Zhao Feng na hindi lang ang Blood Glass Fruit at ibang mga kayamanan ang nasa loob.

Nang maisip ito ay napuno ng galak ang kaniyang puso.

Hindi nagtagal...

Ang tatlong True Lord Rank ay nagsama at inatake ang ancient scorpion.

Ang Pure Moon Spiritual Sect, Moon Demon Palace, Black Cliff Palace ay nagkampi ngayon.

Hu~ Shua Shua!

Sa pagkakataong ito ay pinalabas ni Chi Gui ang dalawang True Lord Rank na ghost corpse at may isang kulay dugong pilak na ghost corpse sa halip na ang may pilak na guhitang kalansay noon.

Ang dalawang ito ay nasa dalawa hanggang tatlong yarda ang taas at may madilim na aura. Hindi sila takot sa lason ng giant scorpion at pumunta para pigilan ito.

"Ang Chi Gui na ito ay may dalawang True Lord Rank na ghost corpse."

Si Zhao Feng ay nagulat at nainggit.

Malaki ang kanilang ginanapan kung mapapatay nila ang scorpion.

Isang marahas na blood moon blade kasama ang isang magulong aura ang lumitaw sa kamay ng True Lord na nakakulay dugong damit mula sa Moon Demon Palace.

Weng~

Iwinasiwas niya ang kaniyang patalim at ang hangin ay napuno ng blood moon na napunta sa scorpion.

Ang lakas ni Ye Yanyu at mas mataas pa kay Chi Gui at youth na may kulay dugong damit. Kumaway siya at isang linya ng pilak ang umalon at nakabuo ng isang malinaw na tubig na pilak na espada.

Nang siya ay umatake ay mababakas na hindi mapakali ang ancient scorpion.

Si Chi Gui at ang youth na may kulay dugong damit ay hindi rin mapakali nang magtinginan.

"Ang Ye Yanyu na ito ay nagsanay ng Moon Flower Spiritual Sword Technique hanggang sa mataas na lebel. Ang isang espada mula sa kaniya ang maaaring makahati ng aking True Lord Rank skeleton nito."

Si Chi Gui ay nagulat.

"Siguradong walang papanta sa kaniya mula sa ilalim ng Origin Core Realm."

Ang youth na may kulay dugong damit ay huminga nang malalim.

Sa tatlong panig, ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ang parehong nakagamit ng higit sa isang dosenang tao ahabang si Ye Yanyy at umatake lang sa dalawang ibang panig."

"Mukhang ang kaniyang battle power ay nasa lebel ng Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

Ipinaalam ni Zhao Feng ang kaniyang opinyon kay Ye Yanyun.

Kasabay nito...

Ang mga mata ng munting pusang magnanakaw sa gilid ay nagliwanag nang kakaiba nang nakipagtinginan ito kay Zhao Feng.

Tinignan itong mabuti ni Zhao Feng. Pusang magnanakaw, oh pusang magnanakaw. Kahit na maganda ang iyong plano ay masyado naman itong mapanganib. Ang Ye Yanyu na iyon at ang Pure Moon Spiritual Sect sa kaniyang likuran ay nakakasindak.

Tumayo lang si Ye Yanyu at walang sinabi.