Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 365 - Pagpupursigi na Maging True Mystic Rank

Chapter 365 - Pagpupursigi na Maging True Mystic Rank

Sa loob ng kweba.

Nakaupo si Zhao Feng nang magkasalubong ang paa habang nasa tabi niya si Zhao Yufei.

Si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ang siyang bahala na protektahan sila at suriin ang buong sitwasyon.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita habang hawak-hawak nito ang Mystic Snake Blood Whip at nakatayo sa tabi ng kanyang may-ari bilang pinakamalapit na tagabantay nito.

Ang dahilan kung bakit kayang pagkatiwalaan ni Zhao Feng si Mo Tianyi ay dahil kay Zhao Yufei.

Syempre.

Hindi naman talaga iaasa ni Zhao Feng ang buong kaligtasan niya sa iba. Ang dahilan kung bakit hinayaan niyang protektahan siya ni Mo Tianyi ay dahil sa may iba pa naman siyang maaasahan.

"Nalagpasan ko na rin ang pinakamahirap na bahagi para maabot ang True Mystic Rank, ang root of law. Ngayon ang kailangan ko lang gawin ay tipunin at muling ayusin ang Source ng True Spirit ng Water Moon Pirate."

Kahit na nakapikit ang mga mata ni Zhao Feng, nag-iiwan pa rin siya ng kakarampot na kamalayan sa panlabas na mundo.

Bukod pa roon, nasa tabi naman niya ang kanyang munting pusang magnanakaw para bantayan siya. Si Zhao Yufei naman ay isang malapit na kaibigan na kasama niyang lumaki. Kung sakaling mag-away sila ni Mo Tianyi, sigurado namang kakampihan siya ni Zhao Yufei.

Ang pinakanakalulungkot na resulta ay kapag hindi nakaabot si Zhao Feng sa True Mystic Rank kahit na mawalan pa ito ng panganib.

Kung kaya, ang kasunduan na ito ay marapat lamang na subukan.

"Yufei, ito na ang Mystic Flower Saint Liquid."

Iniabot ni Zhao Feng ang isang maliit na bote kay Zhao Yufei.

Ang Mystic Flower Saint Liquid ay gawa sa Hundred Flower Saint Liquid at tatlo pang mga Saint Liquids kung kaya nakaabot ito ng isang kahanga-hangang likido. Tinutulungan nito ang mga nasa True Spirit Realm na maunawaan ang root of law at pataasin ang tsansa na maabot nila ang True Mystic Rank ng 30%.

Ang presyong ipinagpalit ni Zhao Feng para sa kasunduan ay mukhang hindi maganda pero ang Mystic Flower Saint Liquid ay mapupunta naman talaga kay Zhao Yufei kung kaya wala rin namang paki si Zhao Feng.

Dagdag pa roon, ang pinakagamit ng Mystic Flower Saint Liquid ay pataasin ang mental energy senses ng isang tao pero hindi rin ito gaanong makakatulong kay Zhao Feng dahil matagal na niyang nabuo ang root of law.

Ang lalaking naninilaw ang mukha at si Mo Tianyi ay parehong nasa True Mystic Rank kung kaya hindi na nila kailangan ang mga ito.

Ang Mystic Flower Saint Liquid ay ibinigay kay Zhao Yufei bilang bahagi ng kasunduan pero walang duda na may maganda itong resulta.

"Kapatid na Zhao Feng, nagkaroon ako ng Lightning Mystic Stone nang pasukin ko ang Inheritance ng Clan noong nakaraan."

Ibinigay ni Zhao Yufei kay Zhao Feng ang isang natural na kulay lilang bato.

Ang pagpapakita ng batong ito ay agad na humimok para sa Heaven Earth Yuan Qi na guamalaw at ang kaluluwa naman ni Zhao Feng ay nanginig at napuno ng ligalig.

"Iyan ang Lightning Mystic Stone. Ang mga kakailanganjn para sa batong ito ay maipasa ang walang hanggang pagdadalisay ng Heaven at Earth Lightning hanggang sa maabot nito ang lalim ng pagkakaroon ng kidlat..."Masyadong masaya si Zhao Feng habang tinatanggap niya ang batong ito.Kung pag-uusapan ang halaga, ang Lightning Mystic Stone ni Zhao Feng ay hindi bababa sa Mystic Flower Saint Liquid.Ang eksenang ito ay kaagad nakuha ang atensyon ni Mo Tianyi.Ang interaksyon na mayroon sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay nakapagpagulo ng kanyang damdamin.Kahit sa mundo ng clans, ang mga martial brothers ay kinakalkula ang isa't isa at papatayin nila ang isa kapag makakakuha sila ng sapat na benepisyo.Sanay na si Mo Tianyi sa ganito kung kaya malungkot at malamig siyang tao.Sa kabilang banda, sila Zhao Feng at Zhao Yufei ay walang mga ginawang panlilinlang. Matapos ang lahat, silang dalawa ay lumaking magkasama."Noong nakaraan, isang martial uncle ang nakiusap kay Yufei na makikipagpalitan siya para sa Lightning Mystic Stone, pero naalala kong simabi niya na nakipagpalit na siya. Hindi ko akalain na nasa kanya pa pala ito."Ang mga mata ng lalaking naninilaw ang mukha ay kumislap habang hinuhulaan niya ang koneksyon ng dalawa.Hindi kaya magkadugo silang dalawa?Napakatahimik ng kweba.Hinawakan ni Zhao Feng ang Lightning Mystic Stone at kapiranggot ng mga purong lightning essence ang hinigop ng kanyang katawan na siyang nilinang pa ng kanyang True Spirit Lightning Fire.Noong una, nag-aalala talaga si Zhao Feng na ang kanyang Lightning Inheritance Source of True Spirit ay mapapalitan ng Water Moon Pirate pero dahil sa tulong ng Lightning Mystic Stone, ang proseso ay mapapabagal nila.Ang higit na ikinagulat pa ni Zhao Feng ay sapagkat ang kidlat nh Lightning Mystic Stone ay mas nababagay sa kalikasan at mas dalisay pa kaysa sa kanyang Lightning Inheritance.Ang mga kabatiran na nilalaman nito ay kayang gawing perpekto at muling ayusin ang pag-unawa ni Zhao Feng sa kalikasan ng mga kidlat.Sa loob ng kanyang isip.Ang toreng kumakatawan sa Lightning Inheritance.Ang ikalawang palapag ay punong-puno ng liwanag at ang ikatlo nama ay mga may mga simbolo ng ilaw na masisilayan.Nang hindi nalalaman, naabot na pala ni Zhao Feng ang peak ng ikalawang palapag at ayon sa deskripsyon ng Lightning Inheritance, ang ikatlong palapag ay nangangailangan ng cultivation ng isang nasa True Lord Rank para maunawaan ito.May mga sirit ng asul na kidlat ang makikitang bumabalot may Zhao Feng at gumagalaw ito nang maliksi pero wala kahit isa sa kanila ang natamaan ang munting pusang magnanakaw.Mabagal na lumipas ang oras.Patuloy lamang na hinihigop ni Zhao Feng ang esensiya ng Lightning Mystic Stone habang hinihigop rin at nililinang niya ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit.Nangangahulugan ito na ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay pinapangimbabawan ng kapangyarihan ng lightning.

Sa kabilang panig.Natanggap ni Zhao Yufei ang Mystic Flower Saing Liquid at naramdaman niyang sumigla ang kanyang pakiramdam.Ang kanyang sitwasyon ay ang kumpletong kabaliktaran ng kay Zhao Feng.Ang mental energy level ni Zhao Feng ay lagpas pa sa kanhang cultivation at ang kanyang Qi ng True Spirit ang nagkukulang samantalang ang bloodline naman ni Zhao Yufei, kung muling lalandasin ang ugat ng kanyang mga ninuno, mataas ang kabagayan nito sa Heaven Earth Yuan Qi. Ang kanyang Qi ng True Spirit ay dalisay at kahit ang mismo niyang laman ay pwedeng pag-isahin sa Heaven Earth Yuan Qi. Ang True Spirit Yuan Qi na mayroon si Yufei ay ilang beses na mas mahusay at mahiwaga kaysa sa mga normal.Nangangahulugan ito na basta sapat ang kanyang mental energ level, agad na mapapataas ni Zhao Yufei ang kanyang cultivation.Nakita agad ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lahat ng ito sa isang tingin lamang.Masasabing si Zhao Feng at Zhao Yufei ay tinutulungan ang isa't isa at bigla ring naalala ni Zhao Feng na gamitin ang Three Yin Yan Trading Technique.Kung magagamit ito, maaaring ibahagi ni Zhao Feng ang kanyang mental energy level para tulungan si Zhao Yufei at ibabahagi naman ni Zhao Yufei ang kanyang Qi ng True Spirit para matulungan si Zhao Feng.Subalit, ang dumaplis lang naman ito sa isip ni Zhao Feng. Gaya ng sinabi ng Water Moon Pirate, kahit ang Mystic Flower Treasured Bible ay makapangyarihan, hindi ito ang pinakamabisang paraan.Habang nasa seklusyon pa sila Zhao Feng at Zhao Yufei, ginagawa naman nila Mo Tianyi at kasama nito ang kanilang trabaho.May isang henyo na biglaang napadpad dito at agad itong pinaalis nila Mo Tianyi palayo.Napakalaki ng dragon blessing ni Zhao Feng kung kaya ang lahat ng malapit rito ay agad itong mararamdaman.Sa lakas na mayroon sila Mo Tianyi at sa dahil na rin sa dragon blessing, ang mga normal na henyong napapadpad rito ay kaagad na umaatras.Hangga't hindi nila kinakaharap ang mga nakapanlululang mga henyo, wala namang kahit ano na ikinakatakot si Mo Tianyi.Ang tanging pag-aalaa niya lamang ay kung ang mga nakapanlululang mga henyo ay magpunta?Hanggang sa hindi pa sila nakikita ng mga nakakpanlululangga henyo, hindi sila matatalo sa kahit sino.Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, agad namang makakatakas si Mo Tianyi kung makakasagupa siya ng isang napakahusay na prodigy subalit kailangan niyang bantayan si Zhao FengHindi lang dahil kay Zhao Feng pero kailangan niya ring bantayan ang isa sa kanyang mga junior martial sister na disipulo rin ng isang Sovereign."Marunong talaga magplano ang Zhao Feng na ito at nahila niya pa si Yufei sa bagay na ito."Alam ni Mo Tianyi na hindi siya pwedeng tumakas.Si Zhao Feng ay kasalukuyang nasa bangka ng Heavenly Yuan Clan.Sa ikalawang araw na nasa seklusyon sila Zhao Feng, ksang first tier na henyo ang dumating.Kung normal lamang ito na first tier gaya nila Qin Kunwu, Xia Xianshang o kaya mga kasama nito, kampante si Mo Tianyi na kaya niyang talunin ang mga ito.Subalit, ang first tier na henyo na ito ay ang tagapagmana ng isa sa tatlong major eye families, ang Tuoba Family - si Tuoba Qi.Ang ipinakita ni Tuoba Qi ay higit pang mas mabuti kaysa kay Mo Tianyi sa Sacred True Dragon Gathering.Habang nasa ere, nagkatinginan si Mo Tianyi at Tuoba Qi.Si Tuoba Qi ay may malamig na ngiti sa kanyang mukha at halatang hindi siya takot sa dalawang True Mystic Rank na kaharap niya.Ang kanyang Heavenly Piercing Eye ay agarang nahihiwa ang kalaban at hindi halos naiiwasan ang atakeng ito.

Ang ere ay biglang sumikip at ang mga tao sa labas ng bula ng liwanag ay naging interesado kung ano ang susunod na mangyayari.

Nahahalata naman ng mga Sovereigns at mga manonood na pinoprotektahan ni Mo Tianyi si Zhao Feng.

Weng~ Hu!

Sa pagkakataong iyon, isang makapangyarihang aura ang dumaluyong mula sa ilog at isang mapusyaw na anino ng isang gintong dragon ang nagpakita.

Nanlamig ang puso ni Tuoba Qi, at tila isang pares ng malamig na mata ang nakatuon ang atensyon sa kanya.

Nang tignan mula ni Tuoba Qi ang gintong dragon mukhang alam niya na ang nangyayari at ang kanyang ekspresyon ay naging taimtim.

Shua!

Biglang lumingon pabalik si Tuoba Qi at umalis.

Kung kakaharapin niya ang ikaanim na pinakamalakas na dragon blessing holder at isang taong may malakas na eye bloodline, walang kumpiyansa si Tuoba Qi lalo na at andyan si Mo Tianyi at may mga kasama pa ito.

Pinanood niya ang laban ni Zhao Feng at ni Goddess Bing Wei at narinig niya rin ang balita tungkol sa pagtalo ni Zhao Feng sa lalaking may malamultong mata.

Dahil dito, pinili niya na lamang na umatras.

Hu~

Nagpakawala ng hininga si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha.

Mahirap kalabanin ang Heavenly Piercing Eye ni Tuoba Qi lalo na ang salagin ito.

Bago pa iyon, may nalaman siyang natalo ni Tuobi Qi na isang first tier gamit lamang ang isang mata.

Kahit si Mo Tianyi ay hindi alam ang kalalabasan kung sakaling kalabanin niya si Tuoba Qi.

"Mukhang sikat na sika tang ikaanim na dragon ah."

Hindi mapigilang sabi ng lalaking naninilaw ang mukha habang nakatingin sa lawa.

Bumalik na si Zhao Feng sa kanyang kweba at muling nagcultivate.

Dahil nabuo na ni Zhao Feng ang root of law, ang kailangan niya lamang gawin ay palitan at dalisayin ang kanyang Qi ng True Spirit, para makalabas siya sa cultivation kahit anong oras na gusto niya.

Sa bawat pagkakataon na may malakas na henyo ang napapalapit at hindi ito umaatras, naglalabas si Zhao Feng ng kanyang aura.

Bukod sa limang napakahuhusay na prodigy, wala ng kahit sino ang mangangahas na kalabanin sila Zhao Feng at Mo Tianyi nang magkasama.

Tatlong araw ang lumipas, at ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay lumawig hanggang sa Peak True Human Rank.

Kaunti na lamang ang layo niya mula sa True Mystic Rank.

"Ang antas ng paglago ng taong ito ay napakabilis."

Napaurok ang dila ni Mo Tianyi.

Inisip niya na kailangan ni Zhao Feng ng samou hanggang 15 na araw para maabot ang True Mystic Rank pero sa ngayon, mukhang apat o lima na lamang ang kailangan niya.

"Ito na ang huling araw, pakibantayan niyo kami nang maayos ha."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at itinuon ang kanyang atensyon sa pagcucultivate.

Sa katotohanan.

Sapagkat andito si Zhao Feng at Mo Tianyi, karamihan ng mga henyo ay ginawang pinagbabawal ang lugar na ito.

Walang kahit sino ang napapadpad dito.

Subalit, sa mismong araw na iyon, isang daloy ng napakalakas na aura ang sumingaw mula sa harap. Isang nagniningning na dragon ang makikita.

"Hindi ito maganda, may papalapit na napakahusay na prodigy!"

Ang mukha nila Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ay parehong nagbago nang sobra at agad nilang binalaan si Zhao Feng.

"Napakahusay na prodigy? Hindi kaya si Goddess Bing Wei?"

Sumimangot ang itsura ni Zhao Feng.

Binuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye at tumingin.

Sa ere, isang magandang babae ang nakaupo sa isang malaki at makulay na ibon habang may hawak na five-coloured glass whip. Ang kanyang mga mata ay puro at matingkad.

"Isang napakahusay na prodigy…. Tantai Lanyue!"

Sina Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ay napabulalas sa taranta.