Si Mo Tianyi, ang alamat ng Northern continent ay napinsala sa isang galaw lamang ng Napakahusay na Prodigy na si Yu Tianhao.
Lumapag si Mo Tianyi sa sahig at pinunasan ang dugo mula sa gilid ng kaniyang bibig sa gulat niya.
Bakit parang parehas ang eksenang ito mula sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering?
Malaki ang naging paglago niya sa nakaraang sampung taon subalit ang kinalabasan ay ganoon pa rin.
Shua!
Lumitaw ang anyo ni Yu Tianhao at nagsalita siya gamit ang mababang boses: "Ikaw ang unang taong tumanggap ng isang tira mula sa akin sa Sacred True Dragon Gathering at mayroon ka paring abilidad na makipaglaban."
Kapaitan ang lumitaw sa mukha ni Mo Tinayi. Kung ganoon, paano kung makakatanggap pa siya ng isa na namang tira? Siya ay napinsala na.
Kung ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban talagang labis siyang masasaktan at maaari pa itong makaapekto sa kaniyang pudasyon, nangangahulugan na mas magiging mababa ang kaniyang resulta at siguro ay hindi pa siya makapasok sa isa sa mga magagandang inheritances.
"Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo."
Hindi kalaunan ay nagdesisyon na si Mo Tianyi.
Ang katakot-takot na kalaban sa harapan niya ay nakaabot nasa True Mystic Rank ngayon mula sa mga unang yugto ng True Mystic Rank sa loob ng sampung taon.
Ang limang nakakapanlulang estudyante ay talagang supremo.
Tinanggap ni Mo Tianyi ang pagkatalo na nagdulot upang umiling si Yu Tianhao dahil siya ay bahagyang nadismaya at ang kaniyang anyo ay malungkot habang naglalakad siya paalis sa entablado.
Matagal-tagal na rin siyang malungkot.
Sa era na ito nawalan ng kulay ang ibang mga henyo dahil kay Yu Tianhao, siya ang kanilang kalungkutan.
Subalit, bakit hindi magiging malungkot si Yu Tianhao? Wala sa henerasyon na ito ang kayang tumapat sa kaniya.
Sa maliit na entablado sa taas.
Ang siyam na Sovereigns ay palaging nanonood sa mga labanan ni Yu Tianhao.
"Yu Xingchen, ang mga makakamit ng iyong anak sa hinaharap ay hindi masusukat. Kung tama ang naaalala ko si Yu Tianhao ay dalawampu't anim hanggang dalawampu't pitong taong gulang at nakaabot na siya sa True Spirit Realm noong siya ay sampung taong gulang pa lamang, kaya't siya ang naging pinakahenyo ng kontinente."
Bumuntong-hininga ang Mystic Sword Sovereign.
Sa huling Rising Dragon Auction ang Mystic Sword Sovereign ay nagpakita at ngayon ay isa na siya sa mga siyam na Sovereigns sa maliit na entablado.
Ang ilang mga Sovereigns ay nagtinginan sa isang guwapong anyo nang nagseselos.
Siya ang tatay ni Yu Tianhao, si Yu Xingchen.
"Hehe, paano kung sabihin ko sa'yo na sinasadya ni Yu Tianhao na pigilan ang kaniyang sarili upang hindi siya magbreakthrough? Kung hindi siya nagpipigil malamang nasa True Lord Rank na siya ngayon."
Ngumiti si Yu Xingchen.
Sa pagkarinig nito nanginik ang puso ng lahat ng Sovereigns.
"Kung ito ang nangyari kung ganoon ang Sacred True Dragon Gathering na ito ay wala na palang kuwenta. Halimbawa, si Taiyun Shuangzi, si Goddess Bing Wei at ang iba pa ay hindi isang banta sa kaniya."
Bahagyang bumuntong-hininga si Yu Xingchen.
Hindi talaga siya sang-ayon sa ginawa ng kaniyang anak na lalaki.
Kung nakaabot si Yu Tianhao sa True Lord Rank wala ng kuwenta kung makaabot pa siya sa unang puwesto, bakit gusto niya ang ganitong pagbabago?
Matapos ang pagkatalo ni Mo Tianyi maraming mga tingin sa ancient arena ang napunta sa Northern stage.
Isa na namang laban mula sa isang Napakahusay na Prodigy ang darating at ito ang paghamon ng Napakahusay na Prodigy sa ibang tao.
"Ang Goddess Bing Wei na iyon ay nakatanggap ng essence ng Mystic Ice Inheritance at malinaw na nacultivate na niya ang rare Mystic Ice Jade charming Body, kaya't labis na tumaas ang kaniyang battle power. Mayroon siyang pagkakataon na hamunin ang posisiyon ni Yu Tianhao sa Sacred True Dragon Gathering na ito."
"Sa huling Sacred True Dragon Gathering si Goddess Bing Wei ay isa rin sa pinakamalaking kalaban ni Yu Tianhao."
Ang usapan ng mga nakararami ay tungkol sa Northern zone at noong nabanggit si Goddess Bing Wei, si Zhao Feng din ay nabanggit.
Matapos talunin si Bing Shuiyue, si Zhao Feng ang naging numero unong itim na kabayo ng Northern zone at sa lahat ng mga kabayong naroroon sa buong Sacred True Dragon Gathering, tiyak na nasa top three siya.
"Iniisip ko kung ilang mga galaw ang kayang tanggapin ng numero unang itim na kabayo ng North mula sa isang Napakahusay na Prodigy."
"Hehe, sa tingin ko matatalo siya sa loob ng tatlo lamang, at mukhang matatalo agad siya sa simula."
"Sandali, maaaring sumuko agad ang Zhao Feng na iyon."
Ang mga henyo ng Northern zone ay naghihintay para sa labanang ito. Ang lahat ay naghuhulaan kung gaano siya katagal magtatagal sa harap ng isang Napakahusay na Prodigy.
Hindi dahil sa hindi nila naisip na mananalo si Zhao Feng. Masiyado lang itong hindi makatotohanan.
Kahit ang alamat ng Northern continent na si "Mo Tianyi" ay tinanggap ang kaniyang pagkatalo matapos ang isang galaw kaharap ang Napakahusay na Prodigy, kaya't ano ang magagawa ni Zhao Feng na siya ring nagmula sa Northern Continent?
"Maliban na lamang kung bubuuhin ko ang root of law at magtagumpay ang planong iyon, wala akong magiging pagasa."
Sinuri na rin ni Zhao Feng ang kalalabasan subalit ang kongklusyon ay wala siyang pagkakataon.
Ang nakakapansising bagay ay ang root of law ni Zhao Feng ay nasa huling yugto na nito at nakatapat ito sa isang pagpipigil dahil ang pagsasanib ng essence ng Mystic Flower Treasured Bible papunta sa Lightning Inheritance ay napakahirap.
Sa loob ng kaniyang isipan.
Ang transparent na asul na mga linya ay gumawa ng isang matatamlay na mga bulaklak na napalilibutan ng mga kapiranggot na kidlat
Ito pa lamang ang panimulang hugis ng root of laws. Hindi pa ito tuluyang nabubuo subalit kahit ganoon, si Zhao Feng ay mayroon pa ring katiting na abilidad upang magtawag ng Heaven Earth Yuan Qi at gumawa ng mas maraming kapangyarihan.
Hindi napunta sa wala ang kaniyang pagsisikap. Labis na tumaas ang lakas ni Zhao Feng.
Weng~
Ang kaniyang True Dragon Token ay biglang dumirekta papunta sa Northern stage.
"Sa wakas nagsisimula na ito."
Si Goddess Bing Wei ay atat na kumislap papunta sa entablado.
"Bing Wei, hinahamon mo si Zhao Feng. Kung mananalo ka makakuha ka lamang ng kalahating bilang ng dragon blessing at kapag matatalo ka, mawawalan ka ng kalahati ng normal na bilang."
Walang emosyong sinabi ng husgado.
Sa isang normal na laban ang matatalo ay mawawalan ng maliit na parte ng kanilang dragon blessing at kahit na manalo si Bing Wei sa labanang ito, ang makukuha lamang niya ay kalahati ng pangkaraniwang bilang.
Nangangahulugan ito na kahit matalo si Zhao Feng, ang bawas sa dragon blessing ay hindi masiyadong malaki.
"Tinitiyak ko."
Sagot ni Bing Wei ng walang pag-aalinlangan.
Ginamit niya rin ang iisang paraang ginawa ng kaniyang kapatid na babae upang kalabanin si Zhao Feng.
Shua!
Ang anyo ni Zhao Feng ay naging isang arko ng kidlat na lumapag sa Northern stage.
Ang root of law ay hindi pa masiyadong nabubuo subalit nararamdaman na ni Zhao Feng na ang Heaven Earth Yuan Qi ay mas lumapit at tumaas ang kaniyang bilis.
"Zhao Feng, hindi mo tatanggapin ang pagkatalo mo, hindi ba?"
Nang-asar si Goddess Bing Wei ng mayroong ngiti habang malamig na kumislap ang kaniyang mga mata.
Tanggapin ang pagkatalo?
Nanlambot ang puso ni Zhao Feng. Naisipan niyang gawin ito.
Bago pa siya makapagsalita.
"Wala kang pagkakataon."
Kumislap ang mga mata ni Goddess Bing Wei at ang kaniyang snow jade at perpektong katawan ay nagpakawala ng isang katakot-takot na kalamigan na parang nagmula sa isang sinaunang nilalang.
Sa isang iglap na iyon ang mga nakapalibot na hangin ay parang nanigas at sininok si Zhao Feng nang mabalot ang kaniyang katawan ng mapanganib na pakiramdam na iyon.
Matapos maranasan kung ano ang pakiramdam na makaharap ang isang Napakahusay na Prodigy, naintindihan na ni Zhao Feng ang kanilang kapangyarihan – ito ay parang may katapat kang isang True Lord Rank.
"Zhao Feng dali tanggapin mo na ang pagkatalo!"
Si Tiemo ay nasa estante ng mga manonood at napagtanto niya na may mali at sumigaw siya subalit ang atake ni Goddess Bing Wei ay masiyadong mabilis.
Extreme Northern Ice Wind!
Pumagaspas ang kaniyang kapa sa ere habang ang alapaap ay puno ng malayelong lamig na alon na mabilis nakagawa ng isang bagyong gawa sa yelo na humawi sa loob ng isang milya.
Ang nakakapanginig na lamig ay bumalot sa bawat sulok ng entablado at parehas nag tubig at ang entablado ay naging yelo.
Sa pagkakataong iyon si Goddess Bing Wei ay pareng diyosa ng isang mundo ng yelo at nyebe na may kontrol sa lahat ng bagay.
Si! Si!
Isang patong ng yelo ang nabuo sa paligid ni Zhao feng at ang kaniyang bloodline power pati na rin ang kaniyang Qi ng True Spirit ay napaguho ng isang nakakapanginig na lamig.
Ang Qi ng kaniyang True Spirit ay tuluyan nang nanigas at hindi na ito makapalag.
"Kung ganoon, ito ang kapangyarihan ng isang Napakahusay na Prodigy…."
Naramdaman ni Zhao Feng na nawalan ng malay ang kaniyang mga pakiramdam.
Isang paghina ang nakalipas.
Tuluyan nang nawalan ng kontrol si Zhao Feng sa kaniyang katawan at kalamigan ang nakapagpanigas sa kaniyang kamalayan.
Para siyang isang batong estatuwa na nanigas sa kaniyang puwesto.
Sa puntong ito ang tanging galaw na kayang gawin ni Zhao Feng ay ang God's Spiritual Eye.
Mapaglarong ngumiti si Goddess Bing Wei habang may isang hangin ng malinaw na yelo ang nabuo sa kaniyang palad at mas makapangyarihan pa ito kaysa kanina.
"Hindi maganda!"
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumutok sa hangin na nasa kamay ni Goddess Bing Wei. At mas malakas at mas siksik ito kaysa sa Extreme Northern Extreme wind.
Isang panganib na hindi pa siya nararanasan ang bumalot sa kaniya.
Sinabi sa kaniya ng kaniyang pakiramdam na kapag lumipad ang bola ng hangin sa kamay ni Goddess Bing Wei siya ay maseselyuhan patungo sa isang habang buhay na pagtulog at magiging isang totoong yelong estatuwa siya na walang buhay.
"Nawalan na ako ng abilidad na gumalaw. Kung sasadyain niyang patayin ako mawawalan siya ng karapatan na sumali sa Sacred True Dragon Gathering."
Ang kalmadong isipan ni Zhao Feng ay umikot at napagtanto ni ya na hindi ito sasadyain ni Goddess Bing Wei.
Sayang lang.
Kung nais ni Goddess Bing Wei na ipaghiganti ang kaniyang kapatid ang pinakamagandang paraan ay palubugin si Zhao Feng upang hindi siya makalahok sa Sacred True Dragon Gathering kahit kailan, kaya't mawawalan siya ng pagkakataon sa mga inheritances.
Bloodline bumukas ka!
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagkaroon ng kinang na kulay isang misteryosong asul habang ginagamit niya ang kaniyang God's Spiritual Eye upang paganahin ang kaniyang bloodline power.
Isang manipis na kulay asul na parang yelong tato ang lumitaw sa balat ni Zhao Feng.
Weng Hu!
Isang malabo at marangal na anyo na nakaupo sa trono ng yelo ang biglang lumitaw sa likuran ni Zhao Feng at ang kalamigan sa katawan ni Zhao Feng ay biglang nanghina.
Extreme Northern Mystic Wind!
Malamig na humagikhik si Goddess Bing Wei dahil handa na siya para rito at tumira siya muli ng isang buong bola ng malamig na hangin patungo kay Zhao Feng.
Haung! Hu~
Ang katawan ni Zhao Feng ay napatalsik ng labinglimang yarda at ang anyo sa likuran niya ay nagkaroon ng ilang biyak.
"Tatalunin kita nang paulit-ulit hanggang gumuho ang katawan mo sa kalamigan. Sa ganitong paraan ang katawan mo ay mawawalan ng pakiramdam. Sa oras na iyon bukod sa kamalayan ng mental energy magigising ka na lamang bilang isang naglalakad na malamig na bangkay na hindi makakatagal sa kalahating taon."
Isang malamig na liwanag ang lumitaw sa mga mata ni Bing Wei.
Hindi lamang niya nais na hindi makasali si Zhao Feng sa Sacred True Dragon kahit kailan, gusto rin niyang direkta siyang patayin.
Hangga't hindi agad-agad na mamamatay si Zhao Feng sa entablado, hindi na kailangang magbayad ni Goddess Bing.
Weng~~
Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at ang anyo na nasa tronong yelo na nasa likuran niya ay nagsimulang pagalingin ang sarili nito at naging matingkad ito.
Ang maliwanag na yelong anyo ay nagbigay kay Zhao Feng ng isang misteryosong proteksiyong gawa sa yelo.
Sa puntong ito ang bloodline figure ni Zhao Feng ay mas lumakas sa halip na humina.
Huang!
Tumulak ng isa pang palad palabas si Goddess Bing Wei at nagdulot ito upang mawalan si Zhao Feng ng abilidad na makagalaw.
"Tatanggapin ko ba talaga ang pagkatalo ko?"
Naglagablab ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa apoy.
Sa katotohanan, mayroong kapangyarihan si Zhao Feng na mas mag-init.
Ang boses din niya ay kayang maipadala sa mental energy dimension kahit na nasa ilalim ito ng pagguho ng yelo.