Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 316 - Pagpaslang sa True Spirit Realm

Chapter 316 - Pagpaslang sa True Spirit Realm

Iron Blood Religion Chapter.

Ang panig ng pamilya ng Yun at ang mga puwersa ng Fan Flying Bandit ay nakatayo sa paligid ng lugar, hinaharangan nila ang mga daanan palabas.

Ang banal at ang masamang puwersa ay nagkampihan at itinulak ang Thousand Water Chapter para mapunta sa ganito kadesperadong sitwasyon.

Kung walang kahit anong tulong mula sa labas, malamang maglalaho na ako Thousand Water Chapter ngayong araw.

Si Yun Sha ay puno ng pagkamuhi dahil ang lahat ng ito ay dulot ng bagong Chapter Leader.

Makikita ang kahihiyan at ang kalungkutan sa mukha ni Lieutenant Chen Mengzhen. Mayroon iilang tao mula sa Hundred Flower Chapter na nasa malapit ang tumingin aa kaniya kasabay ng kanilang mga masasamang ekspresyon at mga ngiti.

Hangga't ang Fan Flying Bandit ang nagbibigay ng utos, mahirap isipin ang kaniyang kapalaran.

Ang nakakalungkot na bagay ay walang pake ang bagong Chapter Leader sa lahat bukod sa kaniyang cultivation at siya ay nagtatago nang parang pagong.

Noong una nais nilang dalawang gamitin ang mga kalaban upang labanan si Zhao Feng. Subalit sa hindi inaasahan, si Zhao Feng ay parang isang kalamidad na nagdulot ng ganito kalaking gulo at kararating pa lamang niya sa Thousand Water Chapter nakaraang ilang araw.

"Ang Zhao Feng na ito ay nakaabot na sa True Spirit Realm, kaya't bakit hindi pa siya nagpupunta? Kung siya at si Die Ye ay magpupunta kung ganoon mayroon kaming tulong na manggagagaling sa dalawa pang True Spirit Realm cultivators at sa ganoong paraan kahit papaano ay may pagasa."

Sa tuwing mas lalong iniisip ito ni Yun Sha mas nagagalit at mas hindi siya makapaniwala.

Nagpadala na siya ng mga tauhan ilang beses na upang tawagin ang Chapter Leader at si Die Ye subalit iisa lamang ang sagot: "T*ngina alis."

Sa mismong oras na ito, isang malakas na kalampag ng kulog ang maririnig sa buong alapaap.

"Darating na ang Chapter Leader."

Matapos ang kalampag ng kidlat, isang arko ng kidlat ang kumislap sa alapaap, gumagawa ng isang magandang tanawin.

Ang lahat ng mga ekspertong nasa Thousand Water Chapter ay naakit sa bagong Qi ng True Spirit.

Nakikita ng lahat ang arko ng liwanag na nasa loob ng sampung milya.

Ang mga cultivators na nasa True Spirit Realm mula sa tatlong puwersa ay ipinakalat ang kani-kanilang Spiritual Senses.

"Zhao Feng, sa wakas nagpunta ka na."

Galit pa rin si Yun Sha, subalit ang reaksyon ng Fan Flying Bandit at ng Head ng panig ng pamilya ng Yun ay mas matindi kaysa sa kaniya.

"

"Zhao Feng----!"

Nanginig ang boses ng Fan Flying Bandit habang nakatiim ang kaniyang ngipin at mayroong nakamamatay na tingin ang kaniyang mga mata. Ang hitsurang ito ay nangangahulugan na isa lamang sa kanila ang maaaring mabuhay.

"Ikaw ang Zhao Feng na iyon na sumira sa kinabukasan ng apo kong lalaki at ikaw din ang sumira sa pagasa ng pamilya ng Yun sa Thousand Water."

Puno ng panggigigil at paglalayong pumatay ang mukha ng Head ng panig ng pamilya ng Yun.

Natakot si Yun Sha sa reaksyon ng dalawang mga eksperto.

Lalo na sa Fan Flying Bandit. Tila ba nais niyang kainin ang dugo at ang mga buto ni Zhao Feng.

-

Xiu---

Ang anyong kumislap sa ere ay napakabilis at bumaba ito ng may kasamang mapanirang aura.

Ang mga ekspresyon ng mga True Spirit Realm cultivators na naroroon ay nagbago. Hindi ito aura ng isang taong kakatungtong pa lamang sa True Spirit Realm.

"Pagbati sa Chapter Leader."

Ang lahat ng mga miyembro ng Chapter ay yumukod kay Zhao Feng.

Palihim na itiniim ni Yun Sha ang kaniyang mga ngipin, subalit kailangan niya pa rjng maging magalang sa panlabas: "Chapter Leader, ang panig ng pamilya ng Yun at ang Hundred Flower Chapter ay inaatake tayo at hindi maganda ang sitwasyon. Inaasahan namin na kaya kaming pamunuan ng Chapter Leader upang sirain ang kalaban."

Napakatuso niya kaya naman dali-dali niyang ibinigay kay Zhao Feng ang isang malaking gawain.

Kung masisira ang Thousand Water Chapter, magiging kasalanan ito ni Zhao Feng dahil siya ang lider at si Yun Sha mismo ay walang masiyadong magiging responsibilidad.

Kumirot ang mga puso ng panig ng pamilya ng Yun at ng Fan Flying Bandit nang maramdaman nila ang aura ni Zhao Feng.

Noon, si Zhao Feng ay isang bata lamang na nasa Ascended Realm na mayroong mga makapangyarihang paraan. Subalit, ngayon na nakatungtong na siya sa True Spirit Realm, magiging mahirap itom

"Makinig kayong lahat."

Pumasok ang boses ni Zhao Feng sa mga utak ng upper echelon ng Iron Blood Religion Chapter.

Ang boses ay direktang nagpunta sa kanilang mga mental energy dimensions at tiyak na mas mainam pa ito kaysa sa normal na transmission.

Napakamakapangyarihang mental energy!

Naisip ito ng mga upper echelons Thousand Water Chapter at nakinig sila.

"Lieutenant Yun Sha, matapos magsimula ang laban, kailangan mong pangunahan si Elder Gao at pigilan siya sa loob ng kalahating oras na kakailanganin upang makagawa ng tsaa. Kung hindi mo kaya, haharapin mo ang kapalit na responsibilidad nito."

Para bang naglalaman ng kidlat ang boses ni Zhao Feng.

"Naiintindihan po naming mga tagasunod."

Malamig na humagikhik si Yun Sha sa loob-loob niya. Mula sa kaniyang perspektibo, ang ganitong utos ay parang pagsundo sa kamatayan.

Matapos madakip si Chen Mengzhen, sina Yun Sha at si Elder Gao ang dalawang pinakamalakas na tao at kaya rin nilang pigilan ang mga normal na True Mystic Rank cultivators sa ilang sandali kapag sila ay magsasama. Dagdag pa rito, matanda na ang Head ng panig ng pamilya ng Yun at hindi na siya masiyadong magaling makipaglaban gaya noon.

Subalit, bukod sa panig ng pamilya ng Yun, mayroon pang isang banta.

Ito ang Fan Flying Bandit.

Mula sa isang tiyak na perspektibo, mas malaking banta ang Fan Flying Bandit.

Ang bandidong ito ay nasaa half step True Mystic Rank at nakuha niya pa ang Water Moon God Peach Fan, kaya naman ang mga atake niya ay maikukumpara sa mga normal na True Mystic Ranks.

Dagdag pa rito, ang Fan Flying Bandit ay isang lider ng Hundred Flower Chapter at mayroon siyang iba't ibang paraan na hindi masasalag. Siya ang dumakip kay Chen Mengzhen.

"Naiintindihan ng taga-sunod na ito. Makikipagtulungan ako kay Lieutenant Yun Sha at magagawa naming matapos ang gawain. Subalit ang Fan Flying Bandit…" Tanong ni Elder Gao.

"Kailangan mo lamang gawin ang iyong tungkulin. Ako na mismo ang bahala sa Fan Flying Bandit." Sinabi ni Zhao Feng ng walang ekspresyon.

Sa isa o dalawang hingahan, nakumpleto na niya ang pagsasaayos.

Kumalat ang paningin ng kaniyang God's Spiritual Eye at nagkaroon siya ng magandang interpretasyon ng sitwasyon.

"Haha, ganito ba kahambog ang batang ito kaya't naiisip niya na madaling makatapat ang Fan Flying Bandit?"

Labis na nagalak si Yun Sha.

Kung nakaraan pa ito, ang pagkakataon niyang manalo laban sa Fan Flying Bandit ay nasa pagitan ng 40-60%, nangangahulugan na hindi niya kayang tapatan ang Fan Flying Bandit.

Subalit, matapos makuha ang Water Moon God Peach Fan at ang ibang kagamitan mula sa Water Moon Treasury, ang kaniyang lakas ay labis na umangat.

Ngayon wala nang masiyadong tsansa si Yun Sha laban sa Fan Flying Bandit.

Ang desisyon ni Zhao Feng ay lubos na ikinagalak ni Yun Sha. Ang tanging dapat intindihin ay ang reaksyon ng punung-himpilan nang masira ang chapter.

"Zhao Feng, kung magpupunta ka upang manghingi ng tawad, maaari pang magkaroon ng pagasa." Malalim na sambit ng Head ng pamilya ng Yun.

"Hahaha… Zhao Feng, kahit na lumuhod ka, magmakaawa para patawarin ka at i-abot ang lahat ng kayamanan mo, hindi pa rin kita mapapatawad."

Nakakapangilabot na ngumiti ang Fan Flying Bandit at isang malamig na asul na alon ang kumawala mula sa kaniyang Water Moon God Peach Fan. Ang kapangyarihang nilalaman nito ay sapat na upang makapaslang ng isang normal na True Human Rank.

Hindi binigyang-pansin ni Zhao Feng ang Fan Flying Bandit at pinangunahan niya ang ilan sa mga tauhan ng Iron Blood Religion Chapter patungo sa panilya ng Yun.

Sou! Sou!

Sina Yun Sha at si Elder Gao ay kumilos ayon sa plano at nagpunta upang pigilan ang Head ng panig ng pamilya ng Yun.

Nakasisiguro sila na kaya nilang pigilan ang matandang ekspertong nasa True Mystic Rank sa loob ng maikling oras.

Subalit… bakit sumusugod din si Zhao Feng papunta sa panig ng pamilya ng Yun? Hindi ba't aasikasuhin niya ang Fan Flying Bandit?

Xiu---

Naging malabo ang anyo ni Zhao Feng at ilang mga alon ng kulay asul na kidlat ang kumalat sa ere. Isang arko ng kidlat ang mabilis na kumaripas papunta sa isang True Human Rank Elder sa panig ng pamilya ng Yun.

Napakabilis niya kaya't kahit saan siya magpunta, nasusunog ng ragasa ng kidlat ang mga middle echelon mula sa panig ng pamilya ng Yun, iniiwan sila sa kanilang mga huling hininga.

"Napakabilis! Makikita ko kung gaano kalakas ang bagong Chapter Leader na ito."

Lumundag ang puso ng elder mula sa panig ng pamilya ng Yun, subalit hindi siya umatras.

Kung tutuusin, isa siyang eksperto sa True Spirit Realm na nakaabot na sa ika-unang yugto ng True Human Rank. Bakit siya matatakot sa isang junior na kararating pa lamang ng True Spirit Realm?

Shua---

Ang asul na liwanag na naging hitsura ni Zhao Feng ay biglang bumilis at ikinatulala ito ng elder mula sa panig ng pamilya ng Yun.

Hindi niya inakalang mayroon pang itinatagong bilis si Zhao Feng kanina.

Ang kapangyarihan ng kidlat ang siyang naintindihan niya mula sa Lightning Inheritance at ito ay naglalaman ng essence ng speed.

Kanina ay tinipid ni Zhao Feng ang ilan sa kaniyang bilis at ngayon gumamit siya ng isang lihim na teknik upang mabilis na paangatin ang kaniyang bilis sa loob lamang ng maikling panahon.

Ang kidlat na bumabalot kay Zhao Feng ay biglang naging mas makapangyarihan at humawi ito sa loob ng dalawampu hanggang tatlumpung yarda. Ang mga taong nasa ibaba ng True Spirit Realm ay mabilis na napaslang o kung hindi naman nawala nila ang kanilang lakas na makipaglaban.

Hindi mabilis na nakapagbigay ng reaksiyon ang elder mula sa panig ng pamilya ng Yun para sa biglang pagkaripas ni Zhao Feng kaya namanhid ang kaniyang katawan.

Hindi pa rin sapat ang pamamanhid na ito para wala niya ang kaniyang lakas sa pakikipaglaban subalit napabagal nito ang kaniyang reaksiyon.

"Blade of lightning ---"

Isang tatlong talampakang haba na blade of lightning ang nabuo sa kamay ni Zhao Feng at nagsimula itong manginig. Kasingtalim ito ng de-kuryenteng lagari at tumuhog ito patungo sa defensive True Force ng elder mula sa panig ng pamilya ng Yun.

Napakatalim ng blade of lightning ni Zhao Feng at mabilis itong nakatuhog tagos sa depensa ng elder mula sa panig ng pamilya ng Yun.

"Ahh!"

Napasigaw ang elder ng pamilya ng Yun nang masaksak siya sa dibdib ng blade of lightning. Isang sunog na madugong butas ang lumitaw sa kung saan siya nasaksak. Ang kaniyang katawan ay nagsimula na ring manginig.

Nasira ang blade of lightning ay nasira matapos ang isang atake na iyon, subalit ang pagbiyak nito ay nagdulot pa ng mas maraming pinsala.

Plop!

Isang umuusok na bangkay ang naiwan sa sahig.

Ang elder mula sa panig ng pamilya ng Yun, na nasa ika-unang yugto ng True Human Rank, ay napatay sa isang galaw lamang ni Zhao Feng.

Nanginig ang mga puso ng bawat isang mula sa panig ng pamilya ng Yun at lahat sila ay nanlamig ang paghinga.

Ang mga taong nagpaplano na atakihin si Zhao Feng ay tumigil bigla at pakiramdam nila na may nakaharang sa kanilang mga lalamunan.

Parte sa dahilan kung bakit natalo ang elder mula sa panig ng pamilya ng Yun at dahil minaliit niya si Zhao Feng.

Sinong mag-aakala na ang isang junior na kararating pa lamang ng True Spirit Realm ay ganito kalakas?

"Naglalakas-loob ang Zhao Feng na ito na hindi ako bigyang-pansin?"

Sa kabilang banda, nanlamig ang mukha ng Fan Flying Bandit at puno ito ng pagkamuhi.

Si Zhao Feng lamang ang tangi niyang pakay. Kailangan niyang gawing abo ang batang iyon at kuhanin ang mga bagay mula sq Water Moon Treasury na pagmamay-ari niya.

Tinutukan niya na si Zhao Feng simula sa umpisa, subalit hindi siya binigyang-pansin ni Zhao Feng at trinato lamang siyang parang hangin. Sa halip, sumunggab siya patungo siya sa pamilya ng Yun.

Siya ay galit na umatungal at sumunggab patungo sa Zhao Feng. Matapos noon, nasaksihan niya kung paano kumilos si Zhao Feng sa elder na nasa True Spirit Realm at palihim na tumawa dahil pinagplanuhan niyang patayin siya patalikod.

Subalit, sa sumunod na iglap, natuklasan niya ang pagpaslang ni Zhao Feng sa elder ng panig ng pamilya ng Yun gamit lamang ang isang tira ng espada.

Hindi mapigilang matulala ng Fan Flying Bandit. Kahit na minaliit ng elder mula sa panig ng pamilya ng Yun ang kalaban, si Zhao Feng ay mas nakakasindak pa kaysa sa unang akala niya.

"Zhao Feng, tara rito para mamatay ka na!"

Puno ng lakas ng loob ang Fan Flying Bandit habang hawak-hawak niya ang Water Moon God Peach Fan.

Matapos ang nakakalugmok na pagkatalo sa Transverse Water Stronghold, nagbalik siya sa kaniyang dibisyon at napagtagumpayan ang pagrerefine ng Water Moon God Peach Fan. Sunod ay ginamit niya ang ilang mga resources na nakuha niya sa Water Moon Treasury upang pataasin ang lakas niya.

Sa puntong ito, tumalikod si Zhao Feng at tiningnan ang Fan Flying Bandit nang nakangiti.

Halata namang hindi niya 'hindi pinansin' ang Fan Flying Bandit.

Subalit, sa paningin ni Zhao Feng, ang Fan Flying Bandit ang talagang pinakamadaling harapin. Ito ay dahil nakontrol na niya ang emosyon ng Fan Flying Bandit pati ang layunin niya.

Kinamuhian ng Fan Flying Bandit si Zhao Feng matapos siyang matalo noon at ang pagkamuhi na iyon ay nakaabot na sa panibagong level kung saan naging isang demonyo ito sa loob ng kaniyang puso.

Kaya naman, sigurado si Zhao Feng na susubukan siyang patayin ng Fan Flying Bandit kahit ano man ang mangyari.

Subalit, hindi ginawa ni Zhao Feng ang nais niya at sinadya niyang iwasan siya. Subalit nakuha niya pa rin ang atensyon niya habang sumusugod siya sa panig ng pamilya ng Yun at nang paslangin niya ang isang elder.

Ang pagpaslang sa elder na mula sa panig ng pamilya ng Yun ay hindi ginawa ng walang dahilan – kung tutuusin isa itong napakahalagang hakbang sa plano ni Zhao Feng.

Ito ay dahil maraming True Human Rank elders sa panig ng pamilya ng Yun at kailangan niyang pumaslang ng kahit isa upang pagaanin ang presyon sa Iron Blood Religion Chapter.