Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 279 - Pagtulog (1)

Chapter 279 - Pagtulog (1)

Noong ibunyag ni Liu Qinxin ang kanyang tinatagong alas, nawala nang tuluyan ang kumpyansa sa sarili ni Zhao Feng. Tula bumagsak siya mula sa ulap patungo sa impyerno.

"True Spirit Realm. Ang kanyang totoong cultivation ay nasa True Spirit Realm at ang kanyang kalakasan ay mas malakas pa kay Liu Yuan kung kasama ang kanyang bloodline power…."

Naguluhan ang isipan ni Zhao Feng.

Noong una niyang makita si Liu Qinxin at sinuri niya ito gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, pinigilan ito ng isang misteryosong kapangyarihan na pumigil sa kanya at naramdaman ito ni Liu Qinxin.

Sa panahong iyon, ang Spiritual Sense ni Liu Qinxin ay hindi mas mahina sa normal na True Spirit Realm.

Naisip talaga ni Zhao Feng na espesyal ang bloodline ni Liu Qinxin at ang kanyang cultivation ay malapit sa True Spirit Realm. Ang pagsusuri ng Gods Spiritual Eye ay siguradong mararamdaman ni Liu Qinxin.

Nang mailabas ang kanyang tunay na cultivation, maiintindihan na ang lahat ng bagay.

"Feng, ayon sa pustahan, wala kang tsansa na manalo."

Ginawa ni Zhao Feng lahat ng pwede niyang gawin upang makatakas kay Liu Yuan.

Sobrang husay na para sa cultivator sa mula sa 7th Sky na magawa ito, ngunit kung lalabanan ni Zhao Feng si Liu Yuan, mababa ang tsansa na manalo siya.

Sa sandaling ito, kailangan na lumaban ni Zhai Feng kay Liu Yuan t hindi tumakas

Si Liu Qinxin ay babeng disipulo na pinili ang 'Dao of Life' at mayroon siyang bloodline power, na mas nagpahirap na kalabanin siya kaysa kay Liu Yuan.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sinuri ang tsansa na siya ay manalo at ito ay 30% lamang.

"Siyempre pwedeng huwag na nating ituloy ang pustahan, hindi kita pipilitin."

Kalamadong hinarap ni Liy Qinxin si Zhao Feng. Kung hindi siya tutupad sa usapan at tatakas, hindi ito matutuwa sa kanya. Kahit gaano pa kahusay ang mga ganitong tao, wala silang karapatan na mapangasawa ito.

Tumayo lamang si Zhao Feng at naging maayos muli ang kanyang ekspresyon.

"Hindi ako susuko."

Tumingin si Zhao Feng sa paligid at tumingin ng diretso kay Lin Qinxin.

Sa sandaling ito, naaamoy na ni Zhao Feng si Liu Qinxin.

Ang apat na mga mata ay nagtagpo.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay bukas. Ang dahilan kung bakit siya umabot sa 30% tsansa na manalo ay dahil sa kanyang God's Spiritual Eye.

Sa kailaliman ng kanyang asul na mata, madalas na lumitaw ang kulay ice blue ay dito.

Ang mental energy level ni Zhao Feng ay mas mababa ng kaunting sa normal True Spirit Realm cultivator, ngunit kapag lumilitaw ang asul na aura, katumbas na ito ng normal True Huamn Rank cultivator.

Hindi gumawa ng kahit anong aksyon si Lin Qinxin at tumitig siya sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Kahit na sobrang malapit sila sa isa't-isa, ang bilis ng mental energy attacks ay mas mabilis pa rin sa pisikal na atake.

Shua!

Ang icy blue aura ay lumitaw sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, ang kanyang mata ay nabuhayan.

Ang kapiranggot na mental energy power ay humaba kasabay nang pagiging matukso ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Nanginig ang puso ni Liu Qinxin kasabay ng pagsubok niyang pigilan ito. Sa kritikal na sitwasyon ito, pinatibay niya ang kanyang kagustuhan at binuksan ang kanyang bloodline power.

Ang silver glow ay lumitaw sa kanyang mapang-akit na mukha. Tila isa siyang diyosa sa ilalim ng buwan.

Ang cultivation ng True Spirit Realm at kapangyarihan ng misteryosong bloodline ay mas nagpa-igting sa presyur kay Zhao Feng.

Noong pinagpawisan na si Zhao Feng sa kanyang noo ay sumuko na siya.

"Wala na itong silbi, ang pagitan ng ating cultivation ay masyadong malayo." Bumuntong-hininga si Liu Qinxin.

Mapait na tumango si Zhao Feng at ang kanyang malamig na ekspresyon at biglang uminit.

"Qinxin, alam mo ba na noong una kitang makita ay may kakaiba akong naramdaman sa aking puso?"

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay puno ng lalim at kakaibang init.

Puno siya ng emosyon habang tinitignan ang babae sa kanyang harapan.

"Kung gayon, bakit mo…"

Tumigil si Liu Qinxin at hindi niya naisip na biglang aamin si Zhao Feng sa kanya. Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay gumamit ng kakaibang paraan upang lumagpas sa pagitan ng mga mosyon.

Hindi napagtanto ni Liu Qinxin na ang kanyang mata ay maluha-luha na at kulay pula.

"Qinxin, alam kong mali ako, pakakasalan na kita."

Ang emosyonal na mga mata ni Zhao Feng ay tila nakakatunaw ng yelo.

Dahan-dahang lumpit si Zhao Feng kay Liu Qinxin at bhagyang hinaplos ang balikat nito.

"Feng, alam mo ba? Noong nalaman kong tumakas ka, sobrang lamig ng pakiramdam ko. Noong panahon na iyon gusto lamang kitang hanapin at tanungin kung bakit…."

Ang maluha-luhng mata ni Liu Qinxin ay napuno ng galak. Nahulog siya sa mental energy skill ni Zhao Feng at bumagsak siya sa dibdib nito.

"Ganoon lang kadali?"

Bahagyang ngulat si Zhao Feng - mas maayos ang kinalabasan ng sitwasyon kaysa sa kanyang inaasahan.

Noon, kailangan niyang gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan at hindi niya pa rin ito matalo. Ngunit ngayon, gumamit lamang siy ng simpleng mental illusion at nagwagi.

Sa isang iglap, nahulog si Lin Qinxin kay Zhao Feng at ang kanyang emosyon ay kaya na kontrolin ni Zhao Feng.

"Kung gayon, ang kahinaan ng kanyang puso ay ako. Kaya nanalo ako kahit imposible."

Magulo ang emosyon ni Zhao Feng at hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Muli niyang niyakap ang magandang babae na ang amoy at malambot na katawan nito ay halos makaramdam siya ng paglipad.

Natalo ka…

Ang mental energy technique ni Zhao Feng ay biglang huminto at ang isa sa kanyang kamay ay nagtungo sa leeg ni Liu Qinxin.

Nagising si Liu Qinxin mula sa kanyang panaginip at natagpuan ang sarili na yakap niyang mahigpit si Zhao Feng kaya naman namula ang kanyang mukha.

Kahit na nasa leeg niya ang kamay ni Zhao Feng, wala ito pwersa - tila alam niya kung paano ito dapat alagaan.

"Ikaw…"

Napahiya si Liu Qinxin. Kahit na mayroon siyang tintagong alas, ang kabataang ito ay dahan-dahang pumasok sa kanyang puso at tumakas mula sa kanilang kasal, na nag-iwan ng sakit sa kanyang puso.

Dahan-dahang binaba ni Zhao Feng ang kanyang kamay at nagsimulang mamula ang balat ni Liu Qixin.

"Natalo ako."

Kinalma ni Liu Qinxin ang kanyang sarili kasabay ng mapait niyang pag ngiti. Tinignan niyang muli si Zhao Feng bago umalis.

Kahit ano pa ang gawin ng kanyang kalaban, siya ay natalo at wala n siyang iba pang maidadahilan dito.

Sa kanyang paglipad paalis, naramdaman ni Zhao Feng na may nawala sa kanya. Kahit na hindi ito ang paraan kung paano niya gustong manalo, ito lamang ang maari niyang gawin.

Huminga nang malalim si Zhao Feng at taimtim na nagsalita: "Isang araw, kapag wala na akong iniintindi, babalik ako at pakakasalan kita."

Si Liu Qinxin na nasa gitna ng himpapawid ay napatigil.

Ngunit hindi siya lumingon.: "Ayaw ko ng awa mo."

"Mangyayari lamang iyon kung hindi ka pa kasal." Saad ni Zhao Feng bago siya umalis gamit ang Azure Sharp Swallow.

Ang pustahang ito ay maraming kahulugan. Kahit na umalis si Zhao Feng, nag-iwan siya ng pangako.

Sa isang katulad niya na mababa ang EQ, milagro ito.

"Master, siya ba talaga ang bituin ng buhay ko o isa lamang siyang nemesis?"

May hinanakit sa mga mata ni Liu Qinxin.

Matapos niyang makasama si Zhao Feng sa mahabang panahon, alam niyang mababa ang EQ nito. Kaya ang pangakong ito ay makahulugan kay Liu Qinxin.

Nangako siya kahit na siya naman ang nanalo. Kung wala talagang nararamdaman o hiya si Zhao Feng, aalis lamang si Liu Qinxin, ngunit nagbago na naman ang kapalaran.

"Ang taong hinahanap niya ay si Empress Qin. Sana naman ay hindi kami maging mag kalaban sa susunod na magkita kami."

Naging kalmado muli ang mga mata ni Liu Qinxin.

Noong kinuha ni Zhao Feng ang kalahati sa jade hairbrush, alam niya na si Liu Qinxin ay mula sa Liu family.

Nakaupo sa Azure Sharo Swallow, mas naging mabilis pa si Zhao Feng sa paglandas sa kalangitan.

"Kailangan kong umalis sa Flooding Lake Area sa lalong madaling panahon."

Naramdaman ni Zhao Feng ang presyur. Kahit hindi siya sundan ni Lin Qixin, hindi nangangahulugan na pati ang City Lord.

Dinudumihan ng mga ginagawa ni Zhao Feng ang reputasyon ng Flooding Lake Liu family at ipinapahiya niya ang City Lord. Ngunit sa paggamit ng pagkakataon na ito, ang City Lord ay umabot sa True Lord Rank.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay lumitaw sa kanyang braso at kumalansing ang dalawang barya.

Iniisip niya ang kwento ni Liu Qinxin. Isang master ang kumuha ng tatlong babaeng disipulo. Ang unang disipulo ay pinili ang Dao of Life, ang ikalawa ay Dao of Charm at si Liu Qinxin ang unang disipulong tagapagmana.

Kinaway ng munting magnanakaw na kuting ang kanyang kamay na tila amy gusto itong sabihin.

Naiintindihan ni Zhao Feng ang gusto niyong sabihin - ang Dao of Life na unang disipulo ay binago ang kapalaran nito at mukhang matagumpay ito.

Si Zhao Feng ay naging dahilan upang ang Flooding Lake City Lord ay umabot sa True Lord Rank at nangako siya na pakakasalan niya si Liu Qinxin kung gusto pa nito.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay hinagis ang 'Coins of Destiny' at tumango pa ito na amy paghanga.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang taong pumili ng Dao of Charm ay si Empress Qin."

Ang hinala sa puso ni Zhao Feng ay nasagot na at ang tanging palaisipan sa kanya ay ang relasyon sa pagitan ni Empress Qin at Unang Elder.

Makaliaps ang ilang araw, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at kinumpirma ang ruta paalis sa Flooding Lake area.

Dahil sa paggamit ng God's Spiritual Eye, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay mas lalong napagod at mas maraming faint ice blue hair ang lumitaw.

Ang dami ng ice blue aura na lumitaw sa kanyang mata ay mas tumaas at ang mga bagay n ito ay nagdulot upang mapagod si Zhao Feng.

"Hindi ko na kaya…"

Pinag-igting ni Zhao Feng ang kanyang ngipin. Bawat sandali ay gusto niyang matulog, ngunit alam niya na hindi maari dahil nasa Flooding Lake area pa rin siya.

Ang kanyang natural na kaisipan ay nagsabi na hindi naman siya magtatagal

Matapos niyang matiis ang dalawa pang araw, ang ilog ay lumitaw sa kanyang harapan at sa sandaling ito ay nakapasok na siya sa ibang teritoryo.

Pagtulog ang bumalot sa kaisipan ni Zhao Feng.

Hindi niya napagtanto na kalahati sa kanyang buhok ay nag iba na ang kulay.

Maging ang kanyang mata ay may kaunting crystal blue na kulay.

"Uto na ang hangganan…."

Oinikit ni Zhao Feng ang kanyang mata.

Plop.

Ang kanyang katawan ay bumagsak sa ilog at hindi nagtagal ay binalot ito ng alon.