Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 235 - Sino ang Hari (2)

Chapter 235 - Sino ang Hari (2)

Sa loob ng arena, hinarap ni Cang Yuyue si Lin Tong at tila lumamig ang hangin.

Sa sandaling ito, ang mga tao ay napakatahimik, at tila ang pagtibok lang ng puso ang maririnig.

Simula sa umpisa hanggang ngayon, ang isang galaw ay hindi pa rin nakakapag-isip kung sino ang nagtagumpay.

Kahit na mukhang matagal ito sa totoong buhay, tanging dalawa hanggang tatlong hininga lang ang nakalipas ngunit sa illusion ay nagpalitan na ng ilang daang atake ang dalawa.

Si Lin Tong at Cang Yuyue ay nakaranas ng hindi mabilang na pagbabago bawat sandali.

"Ang oras sa dimensyon ng mental energy ay iba sa totoong mundo. Siguro ay naglalaban na sila sa loob ng mahabang oras."

Si Zhao Feng ay may layuning nagsimula sa finals arena.

Ang mukha ni Lin Tong ay bahagyang kakaiba dahil kaniya nang ginamit ang lahat ng kaniyang lakas. Ang misteryosong malamig na kapangyarihan mula sa kaniya ay tila nawala sa hangin at nakuha pa rin niya ang lamang.

Nagtama ang mga kilay ni Cang Yuyue habang ang kaniyang walang katulad na mukha ay puno ng iba't ibang mga emosyon tulad ng sakit, kalungkutan, at kawalang pag-asa.

Ang liawanag sa kaniyang mata ay unti-unti nang naglalaho at ang kaniyang espada ay unti-unti na ring bumabagsak.

Ang invisible power ng mental energy ay unti-unting tumataas at nilalamon ang kalangitan.

Sa mga mata ng mga tao, ang magandang babae ay nahulog na sa isang kalaliman. Kahit na ang mga henyo ay hindi makita ang palitan, nararamdaman nila kung saan napupunta ang tagumpay.

"Magpakatatag ka, Senior Serial Sister!"

"Hangga't napipigilan mo ito, kaya mo siyang patayin gamit ang isang espada."

Ang mga disipulo ng Cloud Sword Clan ay naghiyawan.

"Hindi na kaya ni Yuyue. Sa Four Stars, siya lang ang walang bloodline power..."

Ang ilan sa mas matandang henerasyon ay mayroong seryosong mukha.

Kahit na walang katulad si Cang Yuyue at may malawak na pang-unawa, wala naman siyang bloodline.

Ang mga bloodline ay talagang hindi karaniwan.

Syempre, hindi ibig sabihin nitong kapag walang bloodline ang isang tao, hindi na sila maaaring maghimala.

Halimbawa, ang may-ari ng Dragon Concealing River, ang 'Concealed Dragon,' na kilala noong nakalipas na ilan libong taon, ay walang bloodline.

Ang Scarlet Moon Patriarch, na yumanig sa mundo, ay wala ring bloodline at mayroon lamang karaniwang talento.

Ang mga bloodline ay kalamangan, ngunit wala nito si Cang Yuyue.

Si Lin Tong ay mayroong bloodline ngunit ito ay dahil nakapagcultivate siya ng Heavenly Absent Eye sa Ancient Shrine.

Isa pang puntong nakita ni Zhao Feng ay ang pinanggagalingan ng mental energy ni Lin Tong ay espesyal – mas malakas kaysa sa mga nasa kapareho niyang cultivation.

Ang balanse ng tagumpay ay patuloy na napupunta sa isang panig.

Isang malinaw na patong ng itim na ulap ang nag-umpisang umangat mula sa paa ni Cang Yuyue.

Ang eksenang ito ay dahil sa mental energy na tumatagas sa hangin at nilinaw nito ang sitwasyon ng palitan.

Bawat oras na aangat ang itim na ulap, ang liwanag sa mga mata ni Cang Yuyue ay dumidilim.

Sa isa hanggang dalawang hininga, ang itim na ulap ay bumalot sa mga balikat at leeg ni Cang Yuyue.

Ang kaunting natitira lang ay ang kaniyang naghihirap na mukha.

Ang anyo ni Cang Yuyue ay naghahandang magpanumbalik ng lakas sa itim na ulap.

"Sister Yuyue!"

"Senior sister, hindi ka maaaring matalo ng kahit na sino! Walang makakapigil sa iyong espada!"

Ang mga miyembro ng Cloud Sword Clan ay sumigaw.

Alam ng lahat na kapag nagising si Cang Yuyue, mababaliktad niya ang sitwasyon gamit ang isang espada.

Gayunman, wala pang lumaban sa isang tingin ng Heavenly Absent Eye ni Lin Tong.

Pinanood ng lahat ang itim na ulap na matakpan ang kaniyang ilong at umabot sa kaniyang mga mata.

Dang!

Ang berdeng espada ay nahulog mula sa kamat ni Cang Yuyue habang ang mga puso ng mga miyembro ng Cloud Sword Clan ay tila tumigil sa pagtibok.

Kapag nawala ng isang sword master ang kaniyang espada, ito ay katulad ng pagkawala ng kanilang kaluluwa.

"Hahahaha..."

Ang mga tao mula sa Ancient Shrine ay nakahinga nang maluwag at tumawa.

Nilamon na ng itim na ulap ang katawan ni Cang Yuyuan at nakalagpas na sa kaniyang mga kilay at papunta sa kaniyang noo.

Ang katawan ni Cang Yuyue ay halos mabalot na.

Ang kakaibang mukha ni Lin Tong ay bahagyang umayos.

Gayunman, sa mismong sandaling ito, ang mga mata ni Can Yuyue ay biglang naglabas ng isang banal na liwanag na tila isang sikat ng 'liwanag ng espada' na lumitaw.

Jiang!

Ang kaniyang espada ay muling lumaganap at bumuo ng isang sikat ng liwanag ng espada at humati sa hangin.

"Iyan ay!?" Maraming tao mula sa Iron Dragon Country ang sumigaw.

Ang kanilang mga ekspresyon ay hindi nagbago nang ganito kalala simula nang mag-umpisa ang Alliance Banquet.

"Iyan... Ito ba ang..."

Ang Cloud Sword Clan Master ay walang masabi.

"Sword Intent... Ang seed ng Sword Intent!" sigaw ng First Elder ng Cloud Sword Clan.

Sword Intent.

Ang seed ng Sword Intent.

Ang mga mata ni Cang Yuyue ay tila may lamang isang espada na kayang makapatay ng mga demonyo at mga diyos sa isang pag-isip lang.

Tok! Tok!

Ang itim na ulap ay nasira ng invisible Sword Intent.

Wah!

Agan na dumura si Lin Tong ng dugo at habang namumutla ang mukha, itinira niya ang huling sikat ng pulang liwanag kay Cang Yuyue.

Si Cang Yuyue ay nagsabi ng hmph, ngunit ang kaniyang mga mata ay kasinglinaw ng kristal at nagpapakita ng pag-intindi.

"Ang Sky Cloud Forest ay mayroong isang henyo ng Sword Dao."

Ang boses ng misteryosong itim na anyo ay bahagyang seryoso.

"Kaunti lang ang mga henyong katulad niya kahit sa Northern Continent. Kung kaya niyang makabuo ng tunay na Sword Intent, siguradong magiging isang tao siyang makakahawak sa kapalaran ng kontinenteng ito," nag-aalalang sabi ng babaeng may kulay pilak na maskara.

"Kakaintindi niya pa lang sa seed ng Sword Intent. Ang pagtapak sa sky ay mas mahirap pa kaysa sa pagpapalaganap ng tunay na Sword Intent.

Ang iba ay hindi na ito inintindi pa.

Ngunit sa puntong ito, ang may mga mataas na kaungagkulan sa Thirteen Clans ay nag-usap-usap.

Ang nagtagumpay ay napagdesisyunan na. Kahit na hindi pa naintindihan ni Cang Yuyue ang tunay na Sword Intent, pinigilan niya ang isang tingin at ang tagumpay isang espada na lang bago makamit.

"Seed of Sword Intent?" bulong ni Zhao Feng sa sarili nang maging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

Cang Yuyue, na hindi pa nakaintindi ng isang Sword Intent, ay napuwersa na siya at ngayon, naintindihan na niya ang ganitong kapangyarihan.

Ang Sword ay isang alamat sa kontinenteng ito at ang pagiging hindi karaniwan nito ay nakalagpas na sa mga eksperto ng mga Origin Core Realm.

Si Zhao Feng ay may nabasa na tungkol dito noon sa mga tala, ngunit kaunti lang ang sinabi tungkol sa Sword Intent.

Ito ay dahil halos walang nakaintindi sa kapangyarihang ito at mahirap itong ilarawan.

"Ilang daang taon na ang nakalipas, ang Ten Great Factions ay nagsama laban sa Scarlet Moon Demonic Religion. Sa oras na iyon, ang Scarlet Moon Patriarch ay hindi matalo at kahit ang mga ekspertong nasa Origin Core Realm ay kaniyang napatay. Sa kabutihang palad, isang eksperto ng espada, na nakaabot na sa Origin Core ang lumitaw. Naintindihan niya ang Sword Intent at madaling nasira ang kahit ano sa isang pag-isip lang. Kahit ang isang taong kasinglakas ng Scarlet Moon Patriarch ay mag-aalala sa kaniyang atake. Ang pagkatalo ng Scarlet Moon Patriarch ay malaki ang kaugnayan sa kaniya," sabi ng First Elder ng Cloud Sword Clan.

Maraming tao ang nakakaalam ng alamat na ito.

"Ang taong ito ay si Ye Wuxie, isang taong kayang pagbantaan ang Scarlet Moon Patriarch."

"Natanggap niya ang Inheritance na may antas na ikalawa sa Northern Continent, ang 'Seven Sword Inheritance.'"

Habang pinag-uusapan ang mga alamat, maraming mga tao ang puno ng tuwa at paghanga.

"Ang 'Scarlet Moon Inheritance' at 'Seven Sword Inheritance' ay dalawa sa Four Great Inheritances ng kontinenteng ito.

Ang Seven Sword Inheritance ay naglalaman ng pitong mga inheritance na may kaugnayan sa espada at isa lang ang natanggap ni Ye Wuxie rito, ngunit naging isa na siyang top sword expert dahil dito.

Syempre, siguradong naintindihan na ni Ye Wuxie ang Sword Intent.

Jiang!

Ang daliri ni Lin Tong ay nahiwa at isang piraso ng sword light ang bumalot sa kaniyang leeg.

"Sumusuko na ako."

Nakatayo lang si Lin Tong at hindi gumalaw.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, hindi niya napigilan ang espada ni Cang Yuyue.

Sa pagitan niya at ni Cang Yuyue, ang mga posibilidad na nabuo ay ang madaling tagumpay o madaling pagkatalo.

At sa kasamaang palad para sa kaniya, ito ang madaling pagkatalo.

Sa Four Stars, si Cang Yuyue ang nag-iisang walang bloodline power, ngunit binaliktad niya ang kalangitan at sa huling kritikal na punto, nakabuo ng seed of Sword Intent.

"Ang aking pagkakataong matalo si Cang Yuyue noong una ay hindi lumagpas sa 50%...ngayong naintindihan na niya ang seed of Sword Intent, ang aking pagkakataon ay bumaba sa 20%.."

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng habang naramdamang tumaas ang puwersa.

Ang seed of Sword ni Cang Yuyue ay isang bagay na hindi inasahan ng lahat.

Ang Sword Intent ay kayang sirain ang kawalan at sirain ang mga mental energy attack.

Kapag naintindihan na ng isang tao ang isang bagay na katulad ng Sword Intent, ito ang kamatayan ng mga mental energy technique.

At sa normal na sitwasyon, naisip ni Zhao Feng na may pagkakataong madali siyang matalo ni Cang Yuyue.

Ang tanging bagay na makakapagbago ng resulta ay ang God's Spiritual Eye.

Kung ginamit lang ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power, siguradong siya ay matatalo. Tanging sa paggamit lang ng God's Spiritual Eye siya may pagkakataong magtagumpay.

Sa finals arena...

Ang labanang ito ng peak ay natapos na sa wakas.

Sa pagkakataong ito, nakuha ni Cang Yuyue ang lahat ng karangalan at halos pinalad nang ang lahat ng mga henyo ng Thirteen Clans ay matatalo ng isang babae.

Sa mga mata ng mga henyo, si Cang Yuyue ay nakakalayo na sa kanila.

Kahit ang isang taong kasinglakas ni Lin Tong ay madaling natalo ng seed of Sword Intent. Ang iba ay malamang walang pagkakataon.

Ngunit may mga mata pa ring tumingin sa youth na may isang mata at azure na buhol.

Si Zhao Feng ay walang ekspresyon, ngunit ang kaniyang mga mata ay nagningning. Wala siyang bakas ng pagtakas.

Sa finals arena...

Ang mga pagkakasunod-sunod ng labanan ay nagpatuloy.

Ang ikapitong laban.

Si Zhao Feng ay nakaharap ng isang napakalakas na kalaban.

"Si Zhao Feng laban kay Lin Tong."

Nang inunsyo itom ang mga tao ay naghiyawan muli sa tuwa.

Ang labang ito ang magsasabi ng mga antas ng unang tatlong karangalan.

Kapag si Zhao Feng ay natalo, mapupunta siya sa ikatlo. Ngunit kapag siya ay nanalo, mayroon pa ring pag-asa.

"Nakakaramdam ako ng isang parehong aura mula sa'yo."

Ang Heavenly Absent Eye ni Lin Tong ay unti-unting bumukas, ngunit sa hindi inaasahan, siya ay hindi umatake.

"Oh? Anong ibig sabihin mo?" nagtatakang tanong ni Zhao Feng.

"Tanggalin mo ang iyong takip sa mata."

Related Books

Popular novel hashtag