Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 195 - Lightning Inheritance (1)

Chapter 195 - Lightning Inheritance (1)

"Ang mga taong ito kung hindi walang kuwenta, tanga naman. Sa pag-iisip para sa kabuuan ng trial, napagdesisyunan kong patalsikin sila. Ayos lang sa disciples na ito ang tumanggap ng kaparusahan sa 'kayabangan'".

Umaamin ako… Sa kasalanang ito!

Ang bulwagan ay biglang naging lubhang tahimik na kahit ang tunog ng nahuhulog na karayom ay maaaring marinig.

Labis na makulay ang mga ekspresyon ng Elders. Ang mga 'biktima' Quan Chen, Sun Yuanhao, Bei Moi at Luhu ay lahat may kulay berdeng mga mukha at sila ay nangangatog sa galit.

Paanong 'pag-amin' ito sa kaniyang kasalan? Iniinsulto niya sila!

Tumusok ang mga salita ni Zhao Feng sa pinakamahihinang parte ng kanilang puso. Kung hindi sila mga walang kuwenta, paanong nakontrol sila ng isang Illusion Fox? Kung hindi sila tatanga-tanga, bakit naniwala sila sa isang pusa?

Ito ang kahihiyan sa kanilang mga puso. Hindi nag-abala si Zhao Feng sa pagpapaliwanag at sa halip matunog niyang sinampal ang kanilang mga mukha. Kahit nanalo sina Quan Chen at ang mga kasamahan nito sa argumento, ang mga titulong 'walang kuwenta, 'tanga', 'nanghahatak pababa sa grupo' ay maitatatak na sa kanila.

Ang unang tumugon ay ang Regulations Elder.

"Hambog na bata! Hindi mo binago ang iyong mga pagkakamali, makasarili ka… hindi mo inilalagay ang mga batas sa iyong mga mata… nananakit ka ng iba para sa sarili mong kapakanan! Ikaw…" Biglang tumigil sa pagsasalita ang Regulations Elder.

Bigla niyang napagtanto na may mali.

"Ang disciple na ito ay hiandang tanggapin ang kaparusahan sa kahambugan, pagiging makasariling hindi inilalagay ang mga batas sa aking mga mata, at pananakit sa ibang tao para sa aking sariling kapakanan."

Ang asul na buhok ni Zhao Feng ang wumagayway kasabay ng hangin at isang ngiting mapang-insulto ang lumitaw sa kaniyang mukha.

Bago pa man makapagsalita ang Regulations Elder, sumabat na ang First Elder: "Sige, lumabas na ang katotohanan at si Zhao Feng ay umamin na sa kaniyang mga maling gawain."

"Subalit…"

Kulay berde ang mukha ng Regulation Elder.

"Ikaw na mismo ang nagsabi nito, si Zhao Feng ay hambog at makasarili, ngunit wala siyang intensyong saktan ang ibang disciples. Dagdag pa rito, ang kaniyang mga salita ay hindi sinambit ng walang kadahilanan." Sinabi ng First Elder.

Sina Elder Xue at Hai Yun Master ay parehas tulala at walang masabi. Si Zhao Feng mismo ay umamin na, ano pa bang magagawa nila?

Mula ulo hanggang paa, ang titulo lang na mayroon siya ay 'makasarili' at 'hambog'. Hindi naman mga kasalanan iyon, ito ay pag-uugali ng isang tao. Maraming ganitong klase ng tao sa Clan. Ang tanging problema ay ang pananakit niya sa ibang tao para sa sarili niyang kapakanan.

"Paano kung tayo ay kumuha ng apat na daang libong contribution points mula kay Zhao Feng at ibigay ito sa apat na disiples para sa kanilang mga pagkatalo?" Suwestiyon ng First Elder.

"Magandang ideya iyan, ang apat na daang libong points ay ang sahod ng isang Vice Head na nagtatrabaho para sa Clan ng isang daang taon - higit pa ito sa sapat bilang ganti sa mga disciple na ito." TUmango ang Clan Master bilang pagpayag.

"Apat na daang libong points ay tiyak na malaki. Mayroon pang nakaraang mga halimbawa ng pagbabawas ng contribution points noon." Sinabi ng nakasanayang walang pinapanigan na si Granny Liuyue.

"Ito…" Desperadong tumingin ang Regulations Elder kay Elder Xue at Elder Hai Yun.

Wala silang magawang tatlo.

Sa panlabas, mukhang sinubukan na ng Clan ang lahat ng makakaya nito upang parusahan si Zhao Feng. Ang apat na daang libong points ay isang malaking halaga ng points. Kung may kumuwestiyon sa parusang ito, para niya na ring mismong kinuwestiyon ang Clan.

n't mean much anymore.

Subalit, para kay Zhao Feng, magkakaroon pa rin siya ng isang daang libong points na matitira. Kapag ang contribution points ay umabot sa malaking halaga, wala na halos itong halaga.

Nakatanggap din siya ng pribilehiyong makapasok sa Hollow Building kahit kailan niya gusto. Mayroon na rin siyang pinakamagandang inheritance ng Floating Crest Palace, ang 'Lightning Inheritance', na siyang naglalaman ng lubhang maraming enlightenment sa loob nito.

Hindi niya kailangan ng pera, skills o mga kayamanan.

Walang kuwenta ang apat na daang libong points kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, may problema ka ba?" Tanong ng Clan Master.

"Walang problema tungkol dito ang disciple na ito, ngunit sa tingin ko ay mas magandang ibalik ang mga points na ito sa Clan, sa halip na ibigay ito sa mga tanga at walang kuwentang disciples na ito." Suwestiyon ni Zhao Feng.

Sa pagkarinig nito, sila Quan Chen at ang mga kasamahan nito ay nagsimulang magmura habang ang kanilang mga mukha ay naging pula sa kahihiyan. Kahit na magawa nilang matanggap ang contributions points ngayong araw, hindi nila makakalimutan ang kahihiyan at maaari pa itong magdulot ng takot ngayon.

Lalo na para kay Bei Moi. Isa siyang prodigy na may napakagandang talento at suwerte at siya ang ikalawa sa trial, na nagbibigay na agad sa kaniya ng dalawang daang libong points.

Ang pagdurog sa kaniyang dignidad ay ang kaniyang kritikal na kahinaan.

"Tigil." Tumitig ang First Elder kay Zhao Feng at sinenyasan ito upang tigilan ang kaniyang kalokohan.

Ang nabanggit ay siya na mismong pinakamagaling na kampeon. Hindi lang siya naparusahan, napahiya niya rin sila Bei Moi at ang mga kasamahan nito.

Ngumiti si Zhao Feng at bumalik sa tabi ng kaniyang Master. Sunod ay binalaan ng mga Elders si Zhao Feng ng paulit-ulit at inanunsyo ang kaparusahan ng ikalawang nabanggit sa publiko.

Sa wakas… Natapos din ito.

Ang mga alitan sa trial ay pinigilan. Nagalit sila Bei Moi, Qun Chen at ang mga kasamahan nito at mayroon silang mga nakakahiyang ekspresyon nang lumakad sila palabas sa bulwagan.

Matapos maglaho ang lipon ng mga tao.

"Sumama ka sa akin." Sambit ni First Elder kay Zhao Feng.

Hindi kalaunan.

Dumating si Zhao Feng sa lugar kung saan nakatira ang First Elder. Ito ay isang tahimik at kalmadong kuwarto na walang tao. Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng - ito ang pribadong lugar ng kaniyang Master. Walang masiyadong tao ang pinapayagang makapasok dito.

"Magsalita ka, anong inheritance ang natanggap mo sa Floating Crest Palace?" Ngumiti ang First Elder.

Huminto si Zhao Feng - paano nalaman ng First Elder?

"Hahaha, naiintindihan ko na ang Floating Crest Palace ay mas maganda kumpara sa kahit saan. Imposible para sa'yo na hindi makatanggap ng isang inheritance . Ang pinakamahalagang punto ay ikaw ay talentado sa ibang aspeto bukod sa mental energy. Hindi mahirap na makakuha ng isang simpleng inheritance ." Lakas-loob na sinabi ng First Elder.

"Talagang malinaw nga ang mga mata ng Master. Opo, nakatanggap ako ng isang inheritance ."

Marahang binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kamay. Isang maliit na kinang ng liwanag ang lumitaw sa kaniyang palad at ito ay perpektong nakasunod sa mga linya ng kaniyang kamay.

"Ito… ang Inheritance ng Lightning!" Huminga ng malamig na hininga ang First Elder habang ang pagkagulat ay makikita sa kaniyang mukha.

Siya ang pinakamaraming kaalaman at pinakamalakas na Elder sa Clan. Sa pagtingin pa lamang dito, alam niya na agad ang kasaysayan ng inheritance ni Zhao Feng.

"Gamit ang inheritance na ito, ang Lightning Wind Palm ko ay magiging perpekto. Master, tutol ka pa rin ba sa pag-eensayo ko ng Lightning Wind Palm?" Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.

Huminto si First Elder at tumingin siya kay Zhao Feng ng mayroong komplikadong mga emosyon.

Si Zhao Feng, na nakatanggap ng 'Lightning Iheritance', ay tiyak na may karapatang sanayin ang Lightning Wind Palm.

"Kung hindi dahil sa natutunan ko na ang Lightning Wind Palm, maaaring hindi matanggap ng disciple na ito ang inheritance na ito. Kilala rin ito bilang 'karma'. Dagdag pa rito, ang inheritance ni Bei Moi ay maaaring may kinalaman sa kaniyang Northern Dark Heavenly Water." Pagpapatuloy ni Zhao Feng.

"Ang karma nga ang tunay na pinakamahirap na intindihin sa mundo." Mapait na ngumiti ang First Elder at umiling.

Sinong makakaisip na ang Lightning Wind Palm na sinanay ni Zhao Feng ay ang susi upang makayanan niyang makatanggap ng pinakamagandang 'Lightning Inheritance'?

Sinabihan ni Zhao Feng si Lin Fan na magpunta rin sa kuweba, ngunit ang ikalawang labanggit ay nakatanggap lamang ng isang normal na Floating Crest Seal at hindi ng isang Floating Crest Lightning Seal.

Ito ay karma.

"Feng'er, wala na akong maituturo sa'yo dahil natanggap mo na ang Lightning Inheritance. Irerekomenda kita sa 'Three Clan Party' sa loob ng isang buwang panahon. Ngunit bago ito, kailangan mo munang maabot ang posisyon bilang isa sa top five Core disciples."

Ang ekspresyon ng First Elder ay puno ng pagpupuri at paghanga. Siguro ay marami nga siyang kaalaman, ngunit walang kuwenta ito sa harapan ng Lightning Inheritance.

Ang nakapagpagaan ng loob niya ang katotohanan na si Zhao Feng ay mukhang hambog at pabaya, ngunit sa katotohanan, siya ay kalmado at matalas ang isip. Wala siyang simpatya at gumagawa siya ng desisyon ng walang pagdadalawang-isip.

Ang pag-uugali niya ay nababagay sa mundong ito. Mula sa perspektibo ng First Elder, ang ibang mga disciples gaya nila Yang Gan, Bei Moi, Sun Yuanhao at ang mga kasamahan nito ay hindi pa nagtitino at hindi sila kasingtalas ni Zhao Feng.

"Ano ang 'Three Clan Party' na ito?" Nagtatakang tanong ni Zhao Feng.

Bahagyang nasurpresa si First Elder. Hindi man lang sineryoso ni Zhao Feng ang pagiging isa sa mga top five Core disciples - mula rito, makikita ang lakas ng kaniyang loob.

"Kabilang sa Three Clan Party ang Lin Moon Clan, Silver Moon Clan at ang Broken Moon Clan. Ginaganap ito isang beses sa limang tao at ang Broken Moon Clan ang palaging naipupuwesto sa huli dahil ang Lin Moon Clan at ang Silver Moon Clan ay mas mataas ang rank kaysa sa atin sa Thirteen Clans."

Matapos itong marinig ni Zhao Feng, hindi niya mapigilang magbuntong hininga: "Hindi ako makapaniwala na ang Broken Moon Clan ay lubhang mahina sa Thirteen Clans."

"T*ngina mo! Ang Thirteen Clans ay lahat maliliit na puwersa. Lahat tayo ay magkakaparehas ng lakas. Ang Broken Moon Clan ay hindi na matatakot kahit kanino kung laban ang pag-uusapan." Nagmura ang First Elder.

"Ito… Paano sinusukat kung gaano kakapangyarihan ang isang Clan?"

Biglang naging intereaso si Zhao Feng kung paano nasusukat ang lakas ng bawat Clan. Halatang ang Broken Moon Clan ay saligang bato lamang.

"Batay sa mga sinaunang mga tala, ang Clans ay nahahati sa limang tiers mula sa isang star hanggang limang stars. Ang isang star ang pinakamahina at ang lima ang pinakamalakas. Ang pagkakaiba ng bawat star ay puwedeng magkahalaga ng sampu o ng daan-daang beses ng lakas."

"Gaano karaming stars ang mayroon ang Broken Moon Clan?" Mabilis na tinanong ni Zhao Feng.

Gaano karaming stars?

Naging pula ang mukha ni First Elder at siya ay tumawa: "Palitan natin ang ang ating pinag-uusapan."

Mayroong kakaibang mukha si Zhao Feng, ngunit hindi na siya nagpatuloy sa pagtatanong. Ang Three Clan Party ay isang pagkakataon upang mgakita ang mga henyo mula sa iba't ibang dibisyon.

"Kahit ang Three Clan Party ay sa pagitan lamang ng tatlong clans, ang bilang ng mga henyo ay mataas pa rin. Halimbawa, ang Lin Moon Clan. Narinig ko na mayroon silang isang tao na may isang Changeable Body na ang talento ay maaaring makumpara sa Earth Spirit Body. ibig sabihin nito na ang kaniyang talento ay maaaring mas mataas pa kay Bei Moi." Sabi ng First Elder.

Earth Spiritual Body!

Naudyok si Zhao Feng - isa itong maalamat na talento. Kahit si Bei Moi ay malapit na sa isang Earth Spiritual Body. Ang prodiygy ng Lin Moon Clan ay mayroong isang Changeable Body gaya ni Sun Yuanhao, ngunit ang talento ng unang nabanggit ay lubhang mas mataas.

"Ah oo, kung may mga katanungan ka, maaari mong tanungin ang Clan dahil marami ka ng nai-ambag." Ngumiti si First Elder.

Napaisip si Zhao Feng ng ilang sandali at malalim na sinabi: "Kapag natapos na ako sa ilang mga bagay, nais ng disciple na ito na umuwi muna bago sumali sa Three Clan Party."

Matagal-tagal na siyang nakaalis mula sa pamilya ng Zhao.

Related Books

Popular novel hashtag