Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 138 - Simula ng Isang Alamat

Chapter 138 - Simula ng Isang Alamat

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng nang lumabas siya mula sa Outer Hall Division. Mukhang ang kanyang takip sa mata at asul na buhok ay hindi nakuha ang atensyon ng Clan. Ganoon naman talaga, araw-araw may mga kakaibang nangyayari ang nagaganap.

Dumating na si Zhao Feng sa Clan Mission Division pero may iba siyang dahilan.

May kakilala siyang ilang mga array masters at mga blacksmiths. Hindi naririto si Zhao Feng para kumuha ng sandata dahil hindi pa naman siya ganoon kayaman para makakuha ng mga blacksmith na igagawa siya ng isa.

"Kapatid na Zhao, kailangan mo ba ako?"

Ang blacksmith apprentice na ito ay nakilala si Zhao Feng dahil isa siyang tagasunod ni Tandang Zhang at tinagurian rin siyang isang henyo.

Hindi alam ni Zhao Feng na kilala pala siya sa kalakhan ng Outer Hall Division, Grass Wood Division at Clan Mission Division.

Siya ay isang top outer disciple at tanging labing-apat hanggang labing-limang taong gulang palang siya. Para naman sa Grass Wood Division at Clan Mission Division, napangalanan na siyang isang henyo dahil dalawang Vice Heads ang nagtalo para sa kanya.

"Kailangan ko ng panakip sa mata." Itinuro ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata.

"Panakip sa mata?"

Napatigil ang apprentice, naisip niya na gusto ni Zhao Feng ng sandata, pero ang isang panakip sa mata ay hindi napakahirap gawin.

Mabagal na tinanggal ni Zhao Feng ang tali sa kanyang kaliwang mata at pinadaloy ang asul na dugo para maharangan ang liwanag mula sa kanyang dimensyon.

Nang makita ng apprentice ang kaliwang mata ni Zhao Feng, nagulat siya – napakadilim ng matang ito, tila walang buhay na nagmumula rito.

Naunawaan niya na kung bakit gusto ni Zhao Feng ng isang panakip sa mata at hindi niya mapigilang magbigay ng simpatya dito.

"Kapatid na Zhao, huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang aking makakaya para makagawa ng nababagay ng panakip ng mata sa iyo." Kinuha ng apprentice ang kanyang mga sukat at agad na nagsimula.

Sinabihan niya si Zhao Feng na bumalik bukas at binigyan siya nito ng dalawang substandard Primal Crystal Stones.

Sa parehong gabing iyon, ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at sinuri ang asul na dugo at ang kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang asul na ipo-ipo ay umikot mula sa loob palabs at nang subukan ni Zhao Feng na hawakan ito gamit ang kanyang kamalayan, nakaramdam siya ng isang ancient aura.

Pagkatapos ng ilang pagsubok, ang kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata ay ang mga sumusunod:

1. Enhanced vision at kaya nitong palakihin ang lahat sa kanyang paningin at may kakaunti rin itong kakayahan na tinatawag na 'see through'.

2. Mabilis na reaction speed at pag-aanalisa…

3. Photocopy, para makabisado ang lahat ng kanyang nakikita.

4. Mental Energy Asssassination!

...

Sa ngayon, ito pa lamang ang mga kakayahan na alam ni Zhao Feng tungkol dito. Bukod pa roon, may mga passive abilities rin siya gaya ng higit na pagiging kalmado.

Pagkatapos maabot ang Ascended Realm, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay higit na naging mas malakas at ang kanyang bagong dalawang kapangyarihan ay ang 'see through' at 'mental energy assassination'.

Hindi niya talaga alam kung paano gamitin ang mental energy assassination, pero may nabasa na siya tungkol dito. Halimbawa, ang nakatalukbong na anyo sa Sky Cloud Forest ay gumagamit ng mental energy para kontrolin ang mga Lord tier na halimaw at pamunuan ang kawan ng mga halimaw.

Ito ay nasa dako ng Mental energy at hindi ng martial arts.

Nararamdaman ni Zhao Feng na may higit pa sa akala niyang nalalaman niya tungkol sa mental energy at mukha ito nga ang tunay na kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata…

Nang makumpirma ang mga kakayahan ng kanyang kaliwang mata, nagsimulang padaluyin ni Zhao Feng ang dalawang pwersa sa kanyang katawan. Ang isa ay nagmumula sa Silver Wall Technique at tinatawag itong 'Silver Air True Force'. Ang True Force na ito kakaiba sapagkat ito ay nagmumula sa kanyang katawan at unti-unting nakikipag-isa sa kanyang dantian.

Ang problema ay mayroon na siyang Returning Breath True Force doon.

Ang sitwasyon ni Zhao Feng ay higit na espesyal dahil walang ganitong kaso sa halos nakaraang isang daang taon.

Una sa lahat, kakaunti lamang ang mga tao na nahahasa ang kanilang katawan gamit ang body strengthening techniques hanggang sa Ascended Realm. Ang mga body strengthening techniques ay mabagal hasain at nangangailangan ito ng higit na talento, resources at tiyaga. Dagdag pa roon, ang Broken Moon Clan ay hindi gaanong nagpopokus sa body strengthening.

Ikalawa, kakaunti lamang ang mga nakaabot ng Ascended Realm gamit lamang ang kanilang skills at body strengthening techniques. Ito ay dahil sa may 2 True Forces sa katawan ni Zhao Feng, na nangangahulugang dalawang beses ang dami ng kanyang True Force kumpara sa mga ibang cultivators na nasa 1st Sky of the Ascended Realm.

Ang isang tao ay susukuan na siguro ang pagkakaroon ng True Force, pero ang Returning Breath ni Zhao Feng ay kayang makipag-isa sa kahit ano. Ang Returning Breath True Force ay hindi dapat makaabot ng Ascended Realm, pero nakagawa na naman ng milagro si Zhao Feng!

Ang kanyang Returning Breath Technique ay lumagpas na sa max level at kapag nangyari iyon, iba na ang skill na ito.

"Sa ganitong paraan, hindi ko kailangang sumuko, kaya kong pagsamahin ang dalawa at gawin itong mas malakas."

Isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Zhao Feng. Nagsimula nang kalkulahin ng kanyang kaliwang mata ang mga impormasyon na kanyang nakuha.

Hindi nagtagal, nakabuo na rin si Zhao Feng ng kongklusyon: "Pagkatapos mapag-isa ang dalawa at mapalakas, maaabot ko ang peak ng 1st Sky sa loob ng maiksing panahon at hindi na magiging malayo ang 2nd Sky."

Ang 7 Skies of the Ascended Realm. Gaya ng pangalan nito, bawat antas ay may agwat na halos langit at lupa rin.

Ang agwat ng bawat Sky ay higit na napakalaki kumpara sa diperensya na mayroon sa 9 ranks ng Martial Path. Kung kaya, ang Skies ay mahirap maabot at karamihan sa mga cultivators ay nanatili na lamang sa 1st at 2nd Sky ng Ascended Realm buong buhay nila.

Bakit napakataas ng importansya na binibigay ni Lord Guanjun sa talento? Ito ay dahil sa naranasan niya na ang pagkakaiba ng bawat Sky sa Ascended Realm! Kung ang talento ng isa ay hindi sapat kahit makaabot pa sila ng Ascended Realm, hindi na sila makakausad at hindi na nila mararating ang True Spirit Realm. Matapos makapasok sa Clan, naunawaan na ni Zhao Feng kung ano talaga ang orihinal na iniisip ni Lord Guanjun at kung bakit kay laki ng pag-asa na nilagay niya kay Bei Moi.

Kumpara sa iba, si Zhao Feng ay mayroong half-Spiritual Body lamang at sobrang swerte niya lamang para mapasama sa mga disipulo ni Lord Guanjun.

"Buhay…Swerte…"

Nagsimula nang maniwala si Zhao Feng sa swerte. Kung hindi dahil kay Lord Guanjun, hindi niya malalaman ang tungkol sa mga Clans.

Marami pa siyang kakaharapin na mas mabibigat na mga problema at sana wala ring aksidenteng maganap bago pa siya maging inner disciple bukas.

Inner disciples, diyan naglalaban ang mga tunay na henyo.

Sina Bei Moi, Quan Chen, Sun Yuanhao, Liu Yue'er, Ran Xiaoyuan… Kasama na ang iba pang mga henyo ay lahat inner disciples.

Sina Xiao Sun at Yun Mengxiang ay parehong nakapasok na rin bilang inner disciples ilang araw ang nakararaan at syempre si Zhao Feng ay sigurado na. Pero gusto niya ring makapasok sa iba pa – ito ay ang Floating Crest Trial.

Wala siyang masyadong alam sa Floating Crest Trial, pero ang alam niya lang ay isa itong lugar kung saan ang buhay ng isang tao ay maaaring mabago at mayroon siya kasunduan nito kay Tandang Zhang at Tandang Guan.

Ang Floating Crest Trial ay nangyayari lamang isang beses sa bawat limang tao at kapag hindi sumali si Zhao Feng, nangangahulugan lamang na ang kanyang pagiging mapalad sa cultivation ay hindi ganoon kasapat at dapat gumawa na lamang siya ng pills at mga arrays.

...…

Sa gabi.

Nagcucultivate pa rin si Zhao Feng.

Isang mabagal na proseso para kay Zhao Feng na pagsamahin ang dalawang True Forces at natantsa niyang aabutin pa siya ng halos isang buwan para mapagsama ang dalawa, na siyang makakapagpaabot sa kanya sa peak 1st Sky ng Ascended Realm.

Para sa mga normal na inner disciples, nangangailangan pa halos ng isa hanggang dalawang taon para magawa ito, pero kung may tulong na magmumula sa mga pill masters, madaling mapapaiksi ang oras. Habang nagsasama ang dalwang pwersa, inayos na ni Zhao Feng ang kanyang mga skills:

Silver Wall Technique: 10th level – naabot ang Ascended Realm sa pamamagitan ng kanyang katawan.

Kahit ang katawan niya lamang ay sapat na para malabanan niya ang mga cultivators sa 1st Sky.

Lightning Wind Palm: 3rd level – pareho pa ring nasa mababang antas o low level.

Ayon sa pagkakaalam ni Zhao Feng, kakaunting mga tao lamang ang nahahasa ang kanilang Middle Class Mortal Skills sa low level.

Four Wind Stances: Ang unang tatlo ay naunawaan na rin nang buong buo at ang huli ay nasa 70-80% na. Pero ganoon pa man, ang pinsalang dulot ng ikaapat na stance ay higit pa sa unang tatlo.

Ang kapangyarihan nito ay daig pa ang pinagsamang Star Finger at Tornado Stance.

Illusion Fish Picture: Naunawaan na hanggang sa ikalimang larawan.

Kahit walang offensive power ang Illusion Fish Pictrue, nakatutulong pa rin ito nang lubos sa movement skills at mga arrays.

Halimbawa na lang, nang pagsamahin ni Zhao Feng ang enlightenment na nakuha niya mula sa Illusion Fish Picture, ang kanyang mga atake at kilos ay nagkaroon ng mga ilusyon na siyang luminlang sa kanyang mga kalaban.

Ang Illusion Fish Picture ay nakapokus sa salitang 'ilusyon' at unti-unti na itong nauunawaan ni Zhao Feng.

Hanggang ngayon, naiintindihan lamang ni Zhao Feng ang mga atake na ito at ang iba niyang mga skills ay naabot na rin ang peak level. Pero sadyang napakahina lamang nila para gamitin.

angangahulugan lamang ito na may dalawang skills lamang si Zhao Feng na cinultivate: ang Silver Wall Technique at Lightning Wind Palm.

Ang Silver Wall Technique ay umabot na ng ikasampung antas mula sa labing-isa na mayroon ito at hindi niya na rin ito gaanong magagamit kapag umabot na siya sa 2nd Sky.

Ito ang limitasyon ng isang normal na Low Class Mortal Skills.

Ang Lightning Wind Palm ang pwedeng hasain hanggang sa 6th Sky ng Ascended Realm.

…..

Maagang nagising si Zhao Feng sa sumunod na umaga at agad na nagpunta sa Clan Mission Division.

"Kapatid na Zhao, ang panakip mo sa mata ay tapos na."

Inabot ng apprentice ang kanyang metal na panakip sa mata na kasing laki ng palad. Maganda at elegante ang pagkakagawa rito. Pilak ang ginamit na materyal at nang hawakan niya ito, nadama niya ang lamig at kinis nito.

"Ang panakip sa mata na ito ay espesyal, kaya nitong salagin ang mga atake ng cultivators na nasa 1st Sky ng Ascended Realm."

Pagpapaliwanag ng apprentice habang nilalagay ni Zhao Feng ang panakip sa mata. Isang malamig na pakiramdam ang nadama niya at sa wakas natatakpan na rin ang kanyang kaliwang mata.

"Napakagaling!" Tumango si Zhao Feng bilang senyas ng pagkatuwa niya.

Sa bayo ng hangin, ang kanyang asul na buhok ay umalon na pinaresan ng kanyang pilak na panakip sa mata, mula dito, nagmukha siyang tatlumpung porsyentong masama at pitumpung porsyentong normal.

Ang apprentice na nasa tabi niya ay hindi mapigilang mapahinto. Nararamdaman niyang niyang may kakaiba at hindi mapaliwanag na pagbabago sa aura ni Zhao Feng.

Related Books

Popular novel hashtag