Ang partisipasyon ng dalawang four-star superpowers na ito ay
nangangahulugang pumasok na ng mga kritikal na yugto ang giyera
kung saan malapit nang malaman ang mananalo. Sa oras na iyon, sina
Zhao Feng, Nan Gongsheng, at ang mga kasama nila ay naramdamang
muli kung gaano talaga sila kaliit at kung gaano sila ka-walang halaga sa
giyera sa pagitan ng dalawang lord dynasties.
"Hmph, papakawalan kita ngayon!" Tumingin ang Sacred King Roaring
Sky kay Zhao Feng, Zhao Yufei, at ang mga kasama nila bago umalis na
lang nang labag sa kaniyang loob.
Inaamin niya na, kahit pa mababa ang cultivation ng apat na ito, mas
malakas pa rin sila sa mga normal na Sacred Lords. Kapag dinagdag pa si
Sacred King Yulong, mawawalan na ng tsansang manalo ang Sacred King
Roaring Sky. Buti na lang ay kailangan niya ring bumalik para mag-ulat
ng kaalaman.
"Mapapasamin din ang buong kontinente!" Sigurado ang tono ng Sacred