Noong papalapit na ang pag-atake, walang nagawa si Marvin at hindi niya namalayan na sinalag niya ang mga pag-atake gamit ang kanyang mga dagger.
Pero sa isang iglap na iyon, nang magsalubong ang mga dagger ng magkabilang panig, naramdaman niyang bumigay ang kanyang kamay!
Sumama ang kutob niya.
Makikita ang gulat sa kanyang mata, dahil ang dagger na iniregalo sa kanya ng Great Elven King noon… at nabasag!
"Kraksh!"
Isang Legendary curved dagger ang nahati sa lima.
Kahit na mabilis ang naging reaksyon at nagawa niyang ilagan ang mga sumunod nap ag-atake, hindi niya maiwasan nang husto ang mabagsik na pag-atake mula sa Sodom's Blades.
Isang manipis na linya ang lumitaw sa kanyang baywang, at may dugong lumabas mula rito.
May hawak pang dagger si Marvin sa isa niyang kamay, at may mabigat na reaksyon ito sa mukha.
Isa ito sa mga pinakamahirap na kalaban na nakaharap niya magmula noong nag-transmigrate siya!
Hindi siya hinayaan na makapaghabol ng kanyang hiniga ng nabuhya na bangkay na ito, tila mekanikal ang mga pag-atake na ito, walang sariling kamalayan, pero eksaktong-eksakto.
Sa loob lang ng tatlong pagsasalubong ng pag-atake, nasaktan na ang noo at ang kamay ni Marvin, idagdag pa na nasira rin ang kanyang pinakamalakas na sandata.
Hindi niya inasahan na mababasag ang Azure Leaf. Isa itong Legendary Item na matagal ginamit ng Great Elven King!
Magmula noong nakuha niya ito, nagawang tumalo ni Marvin ng mga powerhouse dahil sa lakas ng dagger na ito. Pero ngayon, may pait sa kanyang ngiti dahil siya na ngayon ang walang tigil na nakakatanggap ng pag-atake.
Napakalakas ng Sodom's Blades.
Sa kamay ng Spirit ng nagmamay-ari nito, kahit na hindi pa naibabalik ang buong lakas ng Bloody Emperor sa mga nagdaan na tao, walang kahirap-hirap para dito ang paglaban kay Marvin.
Nararamdaman niya ang nakakatakot na kapangyarihan na nasa likod ng bangay na ito.
Nakangiti naman ang kalaban niyang ito sa kabuoan ng kanilang laban habang may mga ingay na nanggagaling sa lalamunan nito.
Sa oras na ito, sa wakas ay naunawaan ni Marvin na hindi niya kaya ang nilalang na ito!
Kahit na gamitin niya ang Ruler's Wrath, at kahit pa gamitin niya ang lahat ng tinatago niyang alas, hindi niya pa rin matatalo ang napakalakas na kalaban na ito!
Ang Bloody Emperor ay isang nilalang na pumatay ng mga God!
Kahit na ang kalaban niya ay isa lang Spirit, hinding-hindi makakalapit ang isang Legend powerhouse sa lakas na taglay nito.
'Napakalakas ng katawang mortal niya kahit na bangkay na lang siya…'
Napa-iling si Marvin habang ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya para maka-iwas sa mga pag-atake.
Hindi niya ito matatalo at hindi rin siya makakatakas. Ang kaya niya lang ay iwasan ito.
Tila sapat naman ang espasyo sa kwarto para maka-iwas siya dahil malaki-laki naman ang lugar. Idagdag pa na sa ganitong sitwasyon, ang siyang umiilag ang nakakalamang. Pero hindi ganoon ganda ang sitwasyon ni Marvin.
Dahil sa mga maikling palitan na ito, kahit na isa na itong bangkay, nalagpasan pa in ng Bloody Emperor Spirit ang limitasyon ng Godly Dexterity!
Ang bilis at bilis ng reaksyon na ipinagmamalaki ni Marvin ay tila walang silbi sa harap ng bangkay na ito.
Nakakailag ito pero hirap na hirap siyang gawin at panatilihin ito.
Hindi na siya nangahas na gamitin ang isa pang natitirang Azure Leaf para ipansalag.
Kung hindi niya ito magagawa ng maayos, mababasag din ang natitira niyang dagger, at siguradong kamatayan na ang naghihintay sa kanya.
Sa loob lang isang minutong melee battle na ito, malaki na ang nawala kay Marvin!
Naramdaman niyang ngayon lang siya naipit sa ganito katinding sitwasyon magmula noong nagtransmigrate siya.
Dahil ngayon lang siya nakaharap ng kalaban na kaya siyang tapatan sa lahat ng aspeto!
Kahit noong hinarap niya ang Shadow Prince na si Glynos sa Arborea, nalimita lang si Glynos sa level 18, kaya naman naging posible ang pagtalo ni Marvin dito.
Pero ang maliit na halimaw na ito ay mas mabilis pa kesa sa kanya, mas malakas rin ito at mas pamilyar sa kwartong ito kesa sa kanya. Idagdag pa na ang Bloody Emperor ay may malalim na karanasan sa pakikipaglaban, kaya naman nasa kritikal na sitwasyon na si Marvin.
Noong kinalaban ni Marvin ang mga tinatawag na expert, umasa si Marvin sa kanyang mayabong na karanasan.
Pero walang ano mang kaanasan ang sasapat sa pagharap sa ganitong uri ng nilalang.
Hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kamay ng Bloody Emperor, at hindi tulad ng iba pang mga Monach, personal nitong pinatay ang lahat ng taong iyon gamit ang kanyang sariling mga dagger! Ilang beses na itong nakaranas ng laban na muntik siyang mamatay pero nanalo pa rin ito!
Sinasabing dating kulay puti ang Solomon's Blade, pero matapos pumatay nang napakaraming kalaban, naging pula ito dahil sa dugo ng mga namatay.
Pagdating naman sa mga Blade Technique, wala pa rin lamang si Marvin.
Malinaw na ang Sodom's Blade ay higit na nakakalamang kesa sa Azure Leaf ni Marvin.
Isang Artifact ang Sodom's Blade, at kahit na hindi magagamit ng Spirit ang lahat ng ability ng Artifact na ito, isa pa rin itong dagger na hindi kayang labanan ni Marvin.
Alam ni Marvin na kung nagagamit ng taong ito ang buong lakas ng Sodom's Blade, siguradong namatay na siya.
Ang isang Spirit ay hindi isang tunay na kaluluwa.
Isa lang itong bahagi ng kaluluwa ng Emperor na mayroong kakayahang lumaban. Sinusunod lang nito ang kanyang instinct. Kung mayroong magtangkang magnakaw ng mga dagger, paptaying ng Spirit na ito ang taong iyon.
Basta hindi pa namamatay ang taong nagtatangkang magnakaw, hindi ito titigil sa pag-atake.
Sa kasamaang palad, napukaw ni Marvin ang atensyon nito.
Habang iniiwasan ang atake ng maliit na lalaki, sinulyapan niya ang gate na bato.
'Kung alam ko lang, hinayaan ko nang mauna ang Black Knight sa kwartong 'to!'
Mahihirapan na siyang tumakas ngayon.
Kahit na walang kakayahan na mag-isip ang Spirit, ang instinct ng Bloody Emperor ay naroon pa rin.
Hindi nito hahayan na makatakas si Marvin nang ganoon kadali.
Habang lumilipas ang oras, mas lalong pahirap nang pahirap para kay Marvin na lumayo sa mga pag-atake nito.
Duguan na siya.
Mayroong maliliit na sugat ang lilitaw sa kanyang katawan at magiging mga peklat dahil sa tindi ng kanyang recovery ability. Pero kadalasan, ang mga sugat na ito ay muling bubukas bago pa man gumaling ang mga ito.
Hindi naman gaanong malala ang mga sugat na ito, at bawat isa sa mga ito ay hindi iindahin ng ordinaryong tao.
Pero kung pagsasamahin ang lahat ng ito, masasabing mapanganib nga ito!
Namula na ang paningin ni Marvin sa dami ng mga babalang lumalabas sa kanyang interface.
Sa loob lang ng tatlong minuto, bukod sa hindi siya nito hinahayang maghabol ng hininga at pinwersa siyang tumakbo lang nang tumakbo, nakatamo na rin siya ng 237 na malilit na sugat!
Hindi niya hinayaan na direkta siyang tamaan ng Sodom's Blades.
Pero ang bawat atake ay masusundan ng malamig na pakiramdam na tumatagos sa void.
At ang mga piraso ng void ang hindi direktang makakapinsala sa katawan ni Marvin.
Isa itong bagay na hindi niya matatakasan.
Alam niyang isa ito sa mga attribute ng Sodom's Blades!
[Special Effect – Void Shattering: sa tuwing iwawasiwas ang dagger na ito, mayroong 100% na tyansang magdulot ito ng pagkabasag ng void sa paligid nito at tatamaan ng mga piraso nito ang kanyang kalaban.]
Nang mabasa ni Marvin ang paglalarawan na ito sa mga forum, nakaramdam ng inggit si Marvin sa nagmamay-ari ng mga dagger na ito.
Ang special effect na ito ay masyadong malakas, lalo na ang 100% Trigger Chance nito. Ibig sabihin walang kwenta ang ano ano mang parrying skill dahil sa mga dagger na ito.
Kahit na makayanan ng kalaban nito ang mga dagger mismo, siguradong mapipinsala pa rin sila dahil sa mga Void Fragment!
Ang mga Void Fragment na ito ay para rin mga kutsilyo, unti-unti nitong sinusugatan ang kalaban.
Hindi magtatagal, mamamatay ang kalaban dahil sa naubusan na ito ng dugo!
…
'Anong gagawin ko?'
Pumasok sa isip ni Marvin ang tanong na ito.
Paubos na ang espasyong matatakbuhan niya sa loob ng kwarto.
Ang mga bahagi ng kwarto kung saan nagmula ang mga Void Fragment ay hindi mabilis babalik sa normal kaya nag-iiwan ito ng mapanganib na bahagi ng kwarto.
Gamit ang kanyang Perception, nararamdaman ni Marvin na paunti nan ang paunti ang mga lugar kung saan maaari siyang magpunta.
"Grambol!" Muli na namang naglabas ng ingay ang lalamunan ng bangkay, mas lalo rin tumitindi ang ngiti sa mukha nito.
Nababalot ng pulang liwanag ang Sodom's Blades habang patuloy itong umaatake.
Biglang may naisip si Marvin.
'Isang Spirit…'
'Kung isa itong tunay na Spirit, bakit hindi ito nagpakita noong una pa lang?'
'Naninirahan ba ang Spirit sa isang bagay sa kwartong 'to?'
Madaming ideya ang pumasok sa isip ni Marvin habang inaatake siya ng curved dagger.
Sa hindi malaman na dahilan, hindi siya umatras sa pagkakataon na ito, sa halip ay sinalubong niya ito!