Mukhang pangkaraniwan ang spear, pero dahil hindi pa ito binbuhay.
Kahit na para kay Marvin hindi tipikal na pangalan ang [Weeping Sky]…. Higit pa sa imahinasyon ng tao ang kapangyarihan ng Legendary Item na ito.
Partikular ang pagkakagawa sa item na ito. Marahil mas mabuti pang gumamit ng mga Magic Weapon laban sa mga pangkaraniwang nilalang.
Pero ang epekto nito ay ibang-iba pagdating sa isang Dragon!
Ang bagay na ito ay ginawa ng isang baliw na Dragon Slayer para gamitin laban sa mga Dragon!
Isa siyangMaster Blacksmith na namatay ang asawa at anak dahil sa unang Dragon Disasater. Kaya naman, personal siyang gumawa ng tatlong sandata.
Ang tatlong sandata na ito ay itinuturing na bawal ng mga Dragon. Ayon sa mga balita, maraming Dragon ang nagtulong-tulong para sirain ang mga ito.
Pero napakaraming mga mandirigma pa rin, na gustong makapatay ng Dragon, ang masigasig pa ring hinahanap ang tatlong sandata na ito.
Ang tatling sandata na ito ay tinawag na "Dragon Slayer Set ng mga manlalaro. Kahit alin man sa tatlong sandata ang hawak ng sino man, mayroon na siyang kakayahang makapatay ng isang Dragon.
Dahil bawat sandata ay may kanya-kanyang pambihirang katangian.
una, ang taong may hawak ng sandata ay hindi tatablan ng Dragon Might.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit pilit na hinahanap ito ng mga mandirigma. Ano nga baa ng pinakamalakas na katangian ng isang Dragon? Ang malaki nitong katawan? Ang nakakatakot na Dragon Magic nito?
Hindi.
Mayroong dalawang bagay na lamang ang Dragon sa isang laban. Una, ay ang kakayahan nitong lumipad, at ikalawa ay ang Dragon Might.
Maraming tao ang hindi kayang labanan ang Dragon Might. Dahil sa natural na pwersa na ito, maraming tao ang hindi nakakapasa sa willpower Check at direktang mawawalan ng kakayahang lumaban.
Paano nga ba lalaban ang isang taong hindi man lang makatayo?
Noong inatake ng Ancient Dragon na si Ell ang Tornado Harbor, ang Elven Prince na si Ivan ang umani ng pinakamaraming papuri. Ang pangunahing dahilan nito nabigla si Ell sa unang atake nito.
Bago pa man dumating si Ell, nakakuha na ito ng sapat na enerhiya para sa kanyang Dragon Breath at walang kapantay ang kanayng Dragon Might!
Kung kumalat ang Dragon Might sa lahat, marahil panandaliang mapipigilan nito ang mga Legend, habang ang mga gwardya naman ay wala nang magagawa.
Subalit, napiglan ng suntok ni Ivan si Ell. Hindi lang nito naputol ang spell at pag-atake, napasabog pa nito ang Dragon Might nito.
Isa itong mahalagang bagay. Kahit pa hindi laam ng mga pangkaraniwang tao, alam naman ito ng mga maalam na Wizard.
Kung hindi dahil sa suntok ni Ivan, walang makakapagsabi kung ang maliit ng grupo ng mga Legend ng South Wizard Alliance ay magagawang pigilan si Ell!
Dito makikita nag nakakatakot na lakas ng Dragon Might.
Nang gamitin ni Marvin ang cannon para tirahin ang Dragon, nakakuha ito ng kaunting laban sa Dragon Might.
Pero ngayong hawak na niya ang spear na ito, hindi na talaga siya tatablan ng Dragon Might!
Malalabanan nito ang lamang ng mga Dragon!
Pero isa pa lang ito sa tatlong katangian ng mga sandatang ito.
Ang ikalawang katangian nito ay mas dominante.
[Ignore Defenses if the Target is a Dragon]
Ignore Defenses!
Bakit nga ba mahirap pumatay ng Dragon? Dahil ito sa natural at nakakatakot na depensa at recovery ability ng mga Dragon. Kahit hindi isang Ancient Dragon, ang isang pangkaraniwang Red Dragon ay nakayanan pa rin makatakas matapos bugbugin ni Ivan.
Kung hindi lang dahil sa eksaktong tira ni Marvin, marahil nakatakas pa rin ito.
Ganito kalakas ang depensa ng isang Dragon.
Sa katunayan, kung inabot ni Marvin nag baril kay Ivan, sa tingin ni Marvin, hindi kakayanin ng isang Chromatic Dragon ang higit sa sampung bala!
Kahit pa gaano katatag ang depensa ng mga ito, kayang-kaya ito ng baril!
Ito ang katangiang pinakakina-katakutan ng mga Dragon.
Dahil mawawala ang depensang ipinagmamalaki nila. Kapag gamit ang Dragon Slayer Spear, tila ba nakahubo't hubad na lang ito.
…
Ang ikatlo naman nitong katangian ay kahit na tila wala itong ambag, may negatibo pa rin itong epekto.
[Dragon Enmity +100]
Kapag nasa kanya ang sandatang ito, katatakutan siya ng mga Dragon.
Walang makakapagsabi kung gaano na karaming Dragon nag namatay dahil sa sandarang ito. Mayroong mga masasamang Dragon at mayroon ring mabubuting Dragon, kaya nakadepende na ito sa kung sino ang gumagamit.
Kapag nalaman ng lahat na hawak ito ng isang tao, tila nagdedeklara ito ng digmaan sa Dragon Race. Maraming panganib ang kaakibat nito.
Sa pagkakaalam ni Marvin, ang expert na may hawak nito noon na ninais sumikat… ay namatay.
Marami man itong napatay na Dragon, pero ang mga hindi na makatiis na Dragon ay nagtulong-tulong para labanan ito… Tama, ang mga aroganteng Dragon ay nagtulungan para harapin ang banta sa kanilang buhay, bumuo ng mga plano ang mga ito para labanan ang taong may hawak ng sandata.
Gayunpaman, matagal na rin noong huling lumitaw ang Dragon Slayer Set.
Inasahan na ni Marvin na nakatago sa White Deer Cave ang spear.
Kaya naman nakipagkasundo siya kay Madeline kanina. Kapag nahanap niya ang spear, ibibigay niya ito kay Marvin.
Pero hindi inasahan ni Marvin na matapos ang dalawang pangit na resulta, maswerte niyang nakuha ang spear habang muntikan na siyang mamatay sa kamay ng Shadow Spider Assassin!
Kailangan maitago ng maiigi ang spear na ito, kung hindi maaaring magdulot ito ng malaking gulo.
Hindi sapat ang storage item ni Marvin para sa mahabang sandatang ito, pero buti na lang at handa siya. Binalot niya ito ng malaking tela at inilagay ito sa kanyang likuran.
Ang babae at ang mga batang White Deer naman ay masigasig pa ring nakapalibot kay Marvin.
Pakiramdam niya ay matagal na hindi nakakita ng tao ang mga ito.
…
Muse ang pangalan ng babae, kapareho ng pangalan ng Goddess of Art. Pinagsisilbihan niya ang White Deer Holy Spirit.
Isa rin siya sa tatlong Holy Maiden ng mga Bai. Pero hindi pa siya lumalabas ng White Deer Cave magmula noong siya ay bata pa. Lagi niya lang pinagsisilbihan ang White Deer Holy Spirit.
Sa pananaw ni Marvin, ang nagsisilbi sa White Deer Holy Spirit, ay tila tagapangalaga lang ng mga nakababatang White Deer.
Bukot sa White Deer Holy Spirit, wala nang iba pang malakas sa White Deer Cave. Kayang patayin ni Marvin ang mga ito sa isang atake lang. Ang Holy Maiden naman na si Muse ay ang natatangin Holy Maiden na walang kapangyarihan.
Pero hinding-hindi naman ito gagawin ni Marvin.
Ang tanging pakay niya lang naman sa pagpunta sa White Deer Cave ay subukan ang kanyang swerte sa pagkuha ng mga kayamanan at pigilan ang balak ng Deceiver.
Ngayon bukod sa may magandang item na siyang hawak, niligtas pa ng mga mabubuting White Deer ang kanyang buhay.
Kaya naman ibabalik niya ang pabor sa mga ito dahil sa pagligas sa kanya.
Kaya naman sinabi na ni Marvin ang tungkol sa plano ng Deceiver kay Muse
Makikita ang panlulumo ng babae.
Sa katunayan, kahit pa walang sinasabi si Marvin, tatanungin na sana siya nito kung bakit siya biglang lumitaw sa White Deer Cave.
Lalo pa at ilang taon na rin mula nang pumasok dito ang isang taga-labas.
…
"Ganoon na nga ang mangyayari. Pinatay ng Deceiver, kasama ng mga tauhan niyang Evil Spirit, ang mga kapatid ng mga White Deer na ito sa Saint Desert."
"Pagkatapos nito ay nagtago siya sa labas at hinintay na umalis ang White Deer Holy Spirit bago tuluyang pumasok para kunin ang Rainbow Stone."
"Sa ganitong paraan, mabubuksan niya ang Disaster Door sa labas ng Deathly Silent Hills para mapapasok ang mga Evil Spirit sa Feinan," seryosong sabi ni Marvin.
Ang mga batang White Deer na nakikinig ay agad na kinabahan at natakot.
"Ah! Alam ko ang tungkol sa mga Evil Spirits, nakakapandiri sila. Gustong-gusto nilang nananakit ng iba."
"Magnanakaw pala na gustong kunin ang Rainbow Stone ni Itay. Kailangan nating sabihin kay Itay."
"Anong gagawin natin kapag mapanganib ang thief? Hindi pa ako marunong makipaglaban!"
…
"Kaya k aba naparito Mister Marvin para pigilan siya?" Tanong ni Muse kay Marvin.
Bahagyang ngumiti si Marvin. "Parang ganoon na nga. Kahit na hindi ganoon noong una, ngayon, iba na."
Tumango si Muse. Kahit pa busilak ang kanyang puso, hindi siya mangmang. Hindi ganoon kasimple ang dahilan ng pagpasok ni Marvin sa White Deer Cave.
Pero hindi naman niya na kailangan pang ipangalandakan ito.
"Anong dapat nating gawin?" Tanong niya, "Kailangan ba nating iparating agad ito kay Sir Lorant?"
Loran tang pangalan ng White Deer Holy Spirit.
"Baka wala nang sapat nang sapat na oras," malalim na sabi ni Marvin. "Umalis na ang White Deer Holy Spirit at marahil nasa Saint Desert na siya ngayon. Baka napapaligiran na siya ng mga Evil Spirit."
"Ang pakay nila sa ngayon ay pahabain ang oras. Nahuli si Deceiver at naunahan ko siyang makapasok sa kweba, pero siguradong nakapasok pa rin ito. Hindi magtatagal, baka lumabas na rin mula sa Magic Mirror Maze si Deceiver. Alam niya kung nasaan nag Rainbow Stone."
"Kailangan natin lumipat sa tagong lugar."
"Wag kayong mag-alala, wala akong interes sa Rainbow Stone," tapat na sabi ni Marvin.
Bahagyang sumimngot si Muse.
Noong mga oras na iyon, isang batang White Deer ang tumalon mula sa kanyang likod at isang putting ilaw ang tumama sa katawan ni Marvin.
"Hindi siya nagsisinungaling, ate Muse," sabi ng batang White Deer.
Tumango si Muse.
Ang mga batnag White Deer ay mayroong pambihirang kakayahan, kaya nilang masabi kung nagsasabi ng toto ang isang tao. Nasasabi rin nila ang tunay na intensyon ng isang tao at kung ano ang tunay na nararamdaman nito.
At dahil naramdaman nilang maaasahan si Marvin, wala na silang naging problema rito.
Kaya naman sinabi niya kay Marvin na, "Sumunod ka sa akin, dadalhin kita sa Rainbow Stone."
…
Nanlumo si Hawley!
Bilang isa sa mga magagaling na Assassin ng Shadow Spider, isa siya sa may pinakamatataas na ranggo. Ang tulad nitong pagpatay kay Marvin ay isang bagay na kadalasan ay hindi niya ginagawa.
Bali-balita sa buong East Coast na si Baron Marvin… sandal, Viscount Marvin na, ay maraming kaibigang mga Legend.
Kung mamamatay ang ganitong klaseng tao, walang nakakaalam kung aong klaseng makapangyarihang nilalang ang maghihiganti.
Pero malaki nag utang na loob niya sa miyembro ng Unicorn clan. At mayroon silang malaking bahagi sa South Wizard Alliance. Ayon sa balita, isa siyang assistant sa Finance Departmen. Maraming hawak na pera ang taong ito.
Dahil sa utang na loob at malaking halaga ng pera, kaya naman wala siyang nagawa kundi gawin ang misyon na ito.
Maganda naman ang kinalabasan. Napatay niya ang kanyang pakay, sa kasamaang palad, hinahabol naman siya ng isang baliw na babae!
Paika-ika siyang tumatakbo, iniiwasan niya ang mga atake ng babae habang ginagamit ang kanyang mataas na Perception para makalabas ng Magic Mirror Maze.
Sayang lang dahil ang dalawang silid na napuntahan niya ay may magagandang bagay sa loob nito, kaso nga lang wala siyang oras para makuba ang mga ito.
Bilang isang Assassin, alam niyang kailangan niyang isuko ang ilang mga bagay para mabuhay siya.
Maraming beses na niya itong naranasan. Basta tumigil ang babaeng ito para kumuha ng isang bagay, kaya na niya itong takas an!
Pero ang ikinagalit niya ay tila hindi pinapansin ng babae ang mga magagandang item na nadadaanan nila at patuloy lang siyang hinahabol nito!
Gusto nang maiyak ni Hawley.
Hindi na rin niya binalak lumaban. Kahit na pareho sila ng rank ng babaeng ito, bilang isang peak Sorcerer, sapat na ang mga spell nito para talunin siya.
Tila mayroon rin itong pamamaraan para habulin siya. Kaya naman mas ikinasama pa ito ng kanyang lagay.
Patuloy lang ang habulan ng dalawa sa loob ng kweba.
Nang biglang nahati sa tatlo ang daan.
Binalak gamitin ni Hawley ang isa sa mga alas niya, isang Doppleganger, para matakasan ang babae.
Pero hindi niya inaasahang biglang may lilitaw na grupo ng mga White Deer sa haparan niya!
Sa likod ng mga White Deer ay isang babaeng may hawak na batong may pitong kulay. Nagulat ito nang makita ang dalawa.
Ang mas ikinagulat pa ni Hawley ay sa likod ng babae ay si Marvin, na dapat ay patay na!
'Buhay pa siya?' Paulit-ulit na kumurap si Hawley.
Ang pinakanakakagulat ay biglang itinigil ng baliw na babae ang kanyang mga atake nang makita niya ang grupong ito.
…
'Pucha!' Mura ni Marvin sa sarili.
Sunod-sunod ang kamalasan niya.
Noong una ay balak niyang itakas ang mga White Deer mula sa Deceiver, pero hindi niya inaasahan na makakasalubong nila ito dito.
Idagdag pa na nandyan na uli ang Assassin!
Masama ang tingin sa kanya ng Assassin. Marahil ay gusto na nitong umatake. Lalo pa at sa mga Shadow Spider, kailangan nilang patayin ang taong pakay nila.
Habang ang Deciever naman ay nakatitig na sa Rainbow Stone!
"Sir Marvin, anong gagawin natin!"
Nasurpresa ang grupo.
Huminga nang malalim si Marvin at pinunit ang azure letter sa kanyang likod at nilukot ito, pagkatapos ay ihinulog niya ito.
Pagkatapos nito ay humakbang ito nang dalawang beses para harangan ang dalawa.