Isang level 3?!
Medyo nahirapan ako doon ah!
Pero, para sa kanya, hindi naman na ganoon kahirap. Hindi na rin siya nakaramdam ng kaba dahil isa na lang ang natira.
Dahil ang dexterity at strength ng gangster na may hawak na itak ay hindi naman mababa, malamang sa malamang siya ay isang [Gang Swordsman]. Ang rank 1 class ay isang sub-class ng Fighter na nakatuon sa attack power na mayroong average constitution.
Sinilip ni Marvin ang information window. Nakakuha siya ng 59 battles exp matapos niyang patayin ang apat na miyembro ng Acheron Gang. Kailangan niya pa ng 50 exp para maabot ang level 2
Dali dali niyang ginamit ang 50 exp sa kaniyang Ranger class para tumaas ang kaniyang level. Matapos nito ay naramdaman na muli ni Marvin ang mainit na pakiramdam na dumaloy sa kaniyang buong katawan. Ganap na level 2 Ranger na siya.
Kasama ng kaniyang paglevel up, umangat ng 13 points ang kaniyang HP niya, at umaabot ang sumatotal ng 50 HP. Tumaas rin ng 24 points ang kaniyang skill points. Habang ang kaniyang free attribute points ay hindi gumalaw dahil makakakuha lamang siya nito kada 2 class level.
Dinagdag niya ang 4 sa 24 SP sa [Stealth] at itinabi ang mga natira.
Sinusugod na ng Gang Swordsman si Marvin!
Gusto nitong hatiin si Marvin sa dalawa!
Tumayo lang si Marvin at Mahinahong hinintay ang swordsman. Noong malapit na ito ay humakbang siya pagilid upang makaiwas at dahil doon ay napunta ito sa likod ng puno.
Bang!
Sa isang iglap ay muling inasinta ng gangster si Marvin! Tumalon siya paatras at tumama sa puno ang itak. Nagliparan ang ilang kahoy dahil sa lakas ng atake.
"Mamatay ka na!", sigaw ng lalaki na may nakakatakot na tingin sa kaniyang mukha. Pilit nitong tinatanggal ang kaniyang itak mula sa puno. Habang abala ang lalaki ay biglang umatake ng buong lakas si Marvin at binalya ang dibdib ng Thief.
Gulat na gulat ang Gang Swordsman, kaya sinamantala ito ni Marvin at inulit at pag-sugod. Napaatras ng kaunti ang Swordsman at muntik nang mabitawan ang itak.
'Ngayon na!'
Kahit na mabilis ang mga pangyayari,nagagawa pa rin ni Marvin gumawa ng mga battle-relevant judgement, dahil sa kaniyang battle instincts.
Nang bigla na lang nahagip ng curved dagger ang bandang baiwang niya.
Sa sumunod na sandali ay naramdaman ni Marvin ang sakit sa kaniyang kanang kamay. Sinunggaban ng lalaki ang braso ni Marvin at hinawakan ito ng mahigpit gamit ang dalawang kamay habang gumuguhit ang mala-demonyong ngiti sa kaniyang mukha.
"Gago, akala mo ba ay kaya mo akong saktan?"
Nanahimik lang si Marvin at pilit na hindi ininda ang sakit ang tuloy tuloy na battle reports.
[Basic Attack failed, right wrist has been captured. Resistance check….]
[Strength suppression. Unable to free your hand]
Habang tuwang-tuwa ang gang swordsman sa kaniyang ginagawa, biglang naabot ng kaliwang kamay ni Marvin ang leeg ng gangster.
Sa kaniyang kaliwang kamay, hawak ni Marvin ang isang dagger. Ang halos wala ng silbing dagger na ito ay pagmamay-ari ng Thief na kasamahan nila.
"Anong..?"
Umalingawngaw ang sigaw ng swordsman habang walang awang nilalaslas ni Marvin ang leeg nito. Unti-unting bumitaw ang mahigpit na kapit ng swordsmang sa braso ni Marvin hanggang sa tuluyang mabitawan ito. Dahan-dahang bumagsak sa lupa habang nangangatal atnaging kulay pula ang lupa dahil sa dugong humalo dito. Di nagtagal ay namatay na ang swordsman.
Hinilot ni Marvin ang kaniyang braso at napaisip na: "Hindi bababa sa 16 ang strength ng swordsman na iyon. Sayang, dahil masyado namang mababa ang kaniyang fighting experience. Sabagay,hindi kahiya-hiya ang mamatay sa kamay ng isang dating Ruler of the Night"
Sa pagkapa niya sa Gang Swordsman ay nalaman niyang mayaman ito sapagkat mayroon siyang 29 na pilak. Mayroon ding iba't ibang mga bagay ngunit hindi rin ganun kahalaga.
Sayang lang at hindi man lang siya nakakuha ng impormasyon patungkol sa dahilan kung bakit siya gustong patayin ng Acheron Gang.
Bakit naman gugustuhin ng isang gang na pahirapan ang isang noble na walang pera?
Hindi ito kapani-paniwala
Ang pagpatay sa isang noble ay isang malaki krimen at kung kumalat ang balita nito, paniguradong malilintikan ang Acheron Gang
At ang patayin siya na walang kahit anong makukuha ay kataka-taka rin. Dahil hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang panganib na haharapin nila.
Matapos ilibing ang limang bangkay ay tila wala ng gana si Marvin manghuli ng alimango. Nagdesisyon na lamang siya na bumalik ng River Shore City upang hanapin ang taong nais siyang ipapatay.
Napansin niya na nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang soulbound quest sa kaniyang quest list.
Nagkaroon ng panibagong talata ang quest description:
[Iyong napagtanto na mayroong kakaibang nangyayari dahil sa labanang na naganap malapit sa dalampasigan ng Pine Cone River. Mayroong taong nais ka ipapatay at marahil konektado rin dito ang biglaang pagsalakay ng mga gnoll sa iyong lupain. Ang River Shore City ay puno ng mga mabubuti at masasamang tao. Kung sino man ang mastermind nito ay tiyak na maisisiwalat rin balang-araw kung sino siya]
Samantala, ang main quest ay nagkaroon rin ng side quest [Mastermind], na pinapahanap kay Marvin ang mastermind.
Hindi na rin masama ang pabuyang 100 general exp kapag natapos ito. Gusto rin naman malaman ni Marvin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring iyon kaya isang matinding bonus na lang ang 100 exp.
…
Pumili si Marvin ng tahimik at ligtas na daan pabalik sa siyudad upang maiwasan ang iba pang Acheron Gang na maaring hinahanap rin siya.
Habang naglalakbay pabalik ay binalikan niya ang mga battle report. Isang magandang kaugalian ang balikan kung ano ang mga nadagdag at nabawas. Pati na rin ang tingnan na kung mayroon bang problema. Sa pamamagitan nito, siguradong magiging mas maayos at mahusay ang combat sense.
Ngunit mayroong isang di inaasahang bagay siyang nakita sa battle report:
[Your repeated use of a standard technical move in battle, along with its affinity with the Phantom Assassin Class Skill [Cutthroat] exceeding 98%, allow you to turn the technical move into a personal skill for 500 battle exp.]
[Your repeated use of a standard technical move in battle, along with its affinity with the Phantom Assassin Class Skill [Shadow Steps] exceeding 95%, allow you to turn the technical move into a personal skill for 1000 battle exp.]
[Due to your repeated use of another class's technical moves in battle, your affinity toward that field has increased. [Specialty: 9/100]]
...
'Ang pag-gamit ng technical move ng ibang class ay maaaring maging isang personal skill?'
Walang masabi si Marvin dahil hindi niya alam na posible pala iyon.
Agad rin niyang napagtanto na hindi ito ganoon ka-simple. Kitang-kita sa battle report na ang kailangan ay ang paulit-ulit na pag-gamit ng isang "standard" technical move at ang affinity nito ay kailangan lumagpas sa isang level, kailangan mo rin gumastos ng batlle experience upang mapalitan ito at gawing personal skills. Ang personal skills hindi maaring ma-upgraded gamit ang skill points. Unti-unting lang tataas ito kapag patuloy na ginamit.
Napansin rin ni Marvin na kapag mas mataas ang affinity ng standard technical move sa original skill ay mas mababang battle experience ang kaialangan upang mapalitan ito. Ang [Cutthroat] at [Shadow] ay signiture skills ng isang [Phantom Assassin] pero ang kanilang batlle exp cost ay malaki ang pinagkaiba.
"500 battle exp…"
Sa katunayan, si Marvin ay parehong sabik at dismayado. Dahil ang battle exp ay mahirap makuha at isa siya sa pinakamataas na uri ng experience. Siguradong babagal ang kaniyang leveling speed kung gagamitin niya ito sa ganitong paraan.
Hindi pa maaring masolusyunan ito sapagkat ang kanyang hamak na 39 battle exp ay masyado pang malayo sa katotohanan dahil 500 exp ang kailangan.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang huling linya na sinabi sa log; hindi pa siya nakakarinig o nakakakita ng isang specialty na maaring makuha kapag paulit-ulit mong ginamit ang skill ng ibang classes.
May tatlong uri ng personal specialties. Ito ay ang: Innate, Training Acquired, at Talent Awakening Acquired. Sa lagay ng katawan ni Marvin ay imposibleng itong maging innate special ability. Tanging ang Training Acquierd ang paraan.
Ang talent awakening acquired specialty ay bibihira. Hindi na umasa si Marvin dito dahil nakasulat na "Human/?" na nangangahulugan na mayroon siyang kamaganak sa ibang lahi.
Gayunpaman maganda ang magkaroon ng specialty. Bukod pa sa attributes at skills ay mayrong ding karadgagang benipisyo para sa mga adventurers.
Hating gabi na noon at nagpapatupad ng curfew ang Rivershore City. At kahit na halos madaling araw na nagsasara ang gate ng siyudad ay dapat walang kahit sino man ang nasa kalsada kapag curfew na. Kapag sarado na ang gate, maari na lamang makapasok sa pamamagitan ng kakaibang paraan.
Walang ibang magagawa si Marvin kung hindi maghanap ng mga puwang sa wall na maari niyang pasukan. Hindi tulad noong siya pa ay Ruler of the Night, maaari siyang gumamit ng [Wall Climb] at kung ano ano pang magic items upang mapadali ang muling pagpasok sa wall.
Alam niyang wala gaanong malalakas na halimaw ang nakapaligid River Shore City. Madalas ay may mga lumang parte na ang wall na maaaring niyang gamitin upang makapasok, kung kaya marahan siyang naghanap ng maaari niyang lusutan. Muntik na siyang hindi makapasok dahil sa kaniyang maliit na panganagtawan.
Ngunit kailangan rin niyang mag-ingat sa mga city guards kapag nakapasok na siya sa siyudad dahil hindi maganda ang kalalabasan kapag ginalit ang mga iyon. Marami silang mga daing at hinanakit dahil pinagpapatrol sila tuwing gabi. Kapag nahuli siya malaking problema ito. Kung papalag man siya, sabihin na lang nating hindi bababa sa rank 2 ang mga bantay na ito, at malamang, Rank 3 ang Patrol Leader. Masyadong mataas para sa isang tulad ni Marvin na kakakuha lang ng kaniyang class.
Iniwasan niya ang mga pangunahing lansanagan. Naglakad sa isang madilim na eskinita kung saan komportable siya. Matagumpay niyang naiwasan ang mga guard at ang mga peligrong hatid ng city walls. Subalit, pagkabalik niya sa Fierce Horse Inn ay mayroong aninong tila paikot-ikot.
'Mayroong lookout?' Nagtaka si Marvin dahil hindi naman ito karaniwang nakikita. Sabi nila ay may makapangyarihang backer ang may-ari ng Fierce Horse Inn kung kaya walang sumusubok na gumawa ng masama sa paligid nito.
Mahinahon at tahimik siyang umikot patungo sa harap at tulad ng kaniyang inaasahan ay may nakita 2 hidden sentries. Subalit ang mga sentries na ito ay hindi gaanong magagaling. Kahit na pareho silang Thieves, isang pangkaraniwang concealment lamang ang gamit nila.
Inulit ni Marvin ang pagsilip sa huling pagkakataon at nakumpirmang mayroon lamang tatlong Thieves na nagbabantay sa Inn. Dalawa sa harap at isa sa likod.
Bawat isa ay may bloody Dagger na marka. Hindi man ganoon kaganda ang pagkakagawa ay nagawa pa rin nitong pag-isahin sila.
Isang oras pa lang ang nakakalipang nang huling makita ni Marvin ang symbolong ito.
'Ang Acheron River Gang'
'Punyeta, sinubukan na kong patayin pati ba naman si ate Anna?'
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Marvin. Hinigpitan niya ang kapit sa kaniyang dagger at nag-[Stealth], at dahan dahang lumapit sa nakabantay sa pintuan sa likod.