Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 2 - Newborn Ranger (2)

Chapter 2 - Newborn Ranger (2)

Sa kabila ng nakakatakot na kapaligiran ng River Shore City, kampante at komportable pa rin si Marvin na mabilis umalis ng Fierce Horse Inn.

Pumasok siya sa isang madilim na eskinita at nagtago. Napakaliksi at napakarahan niyang kumilos. Ito ay isang bagay na nakatutulong sa mga thief na kumilos nang palihim habang gamit nila ang [Stealth].

Subalit, bukod sa masama ang kalagayan ng kalusugan ni Marvin ay wala siyang class kaya hindi rin niya magagamit ang [Stealth].

Pagliko niya sa kanto, dalawang bata ang nakita niyang nagbibigay ng kanilang kinita sa araw na iyon sa isang matipunong lalaki. Habang tinitignan ang mga bata ay nakita rin ni Marvin na level 2 Thief ang isa sa kanila. Nagnanakaw ang mga batang iyon sa siyudad pero ang lahat ng kanilang nakukuha ay napupunta lang sa gang na may hawak sa kanila.

Nahagip ng paningin ng lalaki si Marvin at tiningnan siya, tila napansin niya ang Nobility Emblem sa manggas niya at napamura nang pabulong.

Yumuko na lang si Marvin at agad na naglakad palayo. Di niya kakayanin na magsimula ng gulo dahil sa kalagayan niya ngayon.

...

Samantala, dahil ang River Shore City ay dating nasa ilalim ng pamamalakad ng South Wizard Alliance, ang mga church ng iba't ibang Gods ay kasalukuyang nagkakagulo sa loob ng siyudad. Ang kaguluhang 'yon ay hindi lang sa River Shore natatapos, dahil nagkakagulo rin sa iba pang mga siyudad. Sa kabilang banda, namumukod tangi sa lahat ang silver church noong mga nakalipas na taon, dahil bukod sa sila lang ang mayroong matibay na pundasyon sa River Shore City, sila rin ay ang naging ikatlo sa pinakamakapangyarihan sa siyudad na ito. At lahat ng ito ay dahil sa Divinity ng Silver God.

Kahit na tanging sa pinakamalakas na Wizard God na si Lance lang naniniwala ang mga mayabang na wizard, kailangan pa rin nila ng pera.

Matapos ang pagbagsak ng God of Wealth, ang Silver God, na noon ay mahina pa rin ang divinity, ay sinasamba pa rin ng mga businessman. Habang ang mga wizard na naghahari sa Feinan ng mahabang panahon ay sumunod at nakigaya na lang.

Kilalang kilala ni Marvin ang mga Priest ng Silver Church. Tanging sariling kapakanan lang ang iniisip nila. Basta malaki ang bayad ay handa silang mag-cast ng Divine spell sa iyo.

Tanging sa mga Priest ng Silver Church lang pwedeng makabili ng healing spell gamit ang pilak.

Matagal nang alam ng batang dating nagmamay-ari ng katawan ito pero mas pinili niyang magtipid. At dahil sa pagtitipid na iyo ay namatay siya. Kaya naman ayaw na muling maulit ni Marvin ang pagkakamaling 'yon.

Nasa isang liblib na lugar ang sanglaan. Matatagpuan ito sa kasulok-sulokan pa ng eskinita. Pero kahit na ganoon ay maayos naman ang reputasyon nito base sa mga alaala ni Marvin. Isang matandang goblin na nakasuot ng pince-nez na mukhang tuso at mapanlinlang ang may ari nito. Ngumiti ito noong nakita si Marvin, dun pa lang ay kitang-kita na suki nito si Marvin.

(T/N: ang pince-nez ay isang uri ng salamin na walang kamay)

Matapos ang matinding pakikipagtawaran, naisangla ni Marvin ang Kwintas na Perlas sa halagang 150 na pilak. Sa katunayan, ayon sa kanyang [Accounting], nagkakahalaga ang kwintas ng 300 na pilak sa merkado. Kaya naman, kung nanaisi niyang tuubusin 'to ay kakailanganin niya ng hindi bababa sa 330 na pilak.

Alam ni Marvin na malakas manglamang at mangbarat ang mga sanglaan pero sa kabila nito ay hindi na umangal si Marvin. Dahil hindi niya ito kaya dahil mahina pa siya at kailangang-kailangan niya ang pera.. Ang kanyang [Diplomacy] ay nasa kaawa-awang 19 na puntos na lang at hindi niya magawang makumbinsi ang matandang goblin na magbigay ng karagdagang pilak.

Itinago ng mabuti ni Marvin ang supot na pinaglagyan niya ng pilak. Kasing liit lamang ng kuko sa hinliliit ang mga pilak sa mundong ito. Kaya kahit na malaking pakinggan ang 150, ay maari pa rin itong magkasya sa isang maliit na supot.

Agad na umalis si Marvin sa sanglaan at hinanap ang Priest ng Silver Church habang hindi pa lumalala ang kanyang lagnat.

Matapos magbayad ni Marvin ng 80 na pilak, ay pumayag na sa wakas ang matandang pari, na ipamalas kay Marvin ag "Silver Church's Radiance"

Sa isang [Remove Disease] at [Cure Light Wounds] lang ay natanggal na ang lagnat ni Marvin at muling napuno ang kanyang HP.

"Sa pamamagitan ng spell na [Remove Disease], malusog at malakas ka na muli"

"[Weakness Penalty: Attribute Reduction - 70%] ay naalis na"

"HP recovered: 26/26"

Hindi mapigilan ni Marvin ang kanyang kaligayahan habang nararamdaman ang mainit na pagdaloy ng spell sa kanyang katawan kasabay ang mga impormasyon na lumilitaw sa kanyang harapan.

'Sa wakas, nawala rin ang sagabal na weakness penalty na 'yan!"

Naramdaman niyang lumakas siya ngayong bumalik na sa 26 ang kanyang HP.

"Mukhang malusog at malakas ka na uli, totoy" Kitang kita sa mukha ng priest ng Silver Church ang pagod at nagpahiwatig kay Marvin na oras na para umalis.

Isa lang siyang Priest na mayroong lowest level kaya tatlong spell lang kada araw ang kaya niyang gamitin, at bawat isa doon ay kailangan ng lakas ng diwa at isipan.

Umalis agad si Marvin ngunit hindi muna siya bumalik sa Fierce Horse Inn. Sa halip ay sinimulan niya ang kanyang binabalak.

Ang mapagtagumpayan ang mundong ito!

Kinailangan niya ang kanyang angking lakas. Nalalapit na ang pagsalakay ng mga Gods at ng Abyss. Ngunit ang kanyang lupain ang mas mahalaga sa ngayon.

Daan-daan ang mga gnoll, at kung hindi ipapadala ng River Shore City Lord ang kanyang mga kawal ay wala siyang magagawa para mapalayas ang mga ito sa lupain niya. At dahil sa di maipaliwanag na biglaang paglusob ng mga ito ay nakakutob si Marvin na may naganap na sabuwatan.

Lalo na at ang kanyang task panel ay mayroong soulbound quest:

[Bawiin ang iyong lupain - Pananakop ng mga Gnoll]

[Quest Description: sa tag-init ng taong 297 ng ikaapat na Wizard Era, ang iyong lupain ay nakaranas ng pagsalakay ng mga gnoll. Muntik ka nang mamatay at kailangan mo ng tulong ng River Shore City Lord. Subalit, ang mga kawani ng munisipyo ay hindi pinapansin ang problemang ito kaya naman naghihinala ka na. Dahil sa ang mga naranasan sa siyudad ay dapat maging alisto ka. Hindi ka maaring umasa sa iba; tanging sarili mo lang ang iyong maaasahan]

[Quest Reward: 1000 general experience points (Exp).]

[Mission Deadline: 29 na araw na lang ang natitira]

...

Ang ibig sabihin ng soulbound ay hindi maaaring maalis ang quest hanggang sa burahin mo ang iyong account at magsimula muli. At ang kasalukuyang Marvin ay hindi maaring magpakamatay para lang burahin ang kanyang account.

Aminado siyang malaki ang pabuya para sa quest, dahil tumatagingting na 1000 general exp ang maari niyang makuha. Tulad na ng battle exp, ang general exp ay isa sa pinakamataas na uri ng experience na maaaring maipamahagi sa kahit anong class. Sobra sobra pa ang 1000 general exp para iangat ang level 1 adventurer class sa level 3. Napakahirap makakuha ng ganun kalaking experience sa mundong ito..

'Naipaliwanag na ng quest description ang mga kailangan niyang gawin. Mukhang wala ng ibang paraan kung hindi tapusin ko ang quest na ito' Kung si Marvin ay isang mahina at walang kuwentang maharlika pa rin ay paniguradong matatalo lang siya. Katulad nga ng sinabi niya kay Anna, kailangan niyang magbago.

Una sa lahat, hindi siya maaaring umasasa sa kanyang general class [Noble]. Kailangan niya ng combat class.

At bilang mahusay na level player, Mayroon na agad naisip si Marvin bago pa man siya lumabas ng Fierce Horse Inn.

...

River Shore City, Business District, Backdoor ng Succubus Tavern.

Isang kaawa-awang pulubi ang nagtatago sa ilalim ng isang kumot at nagmamakaawa sa mga dumadaan. "Alak, pahinging alak, kahit na may halong tubig"

Nahirapan siyang tumingala, at sumisinghot na para bang isang asong ulol. Tila ba sapat na sa kanya basta makalanghap lang ng amoy ng alak sa mga dumadaan.

"Umalis ka nga diyan, Matandang Lasenggo!"

Sinipa ng isang galit na maton ang kawawang pulubi na nagpagulong-gulong habang yakap-yakap pa rin ang kaniyang kumot.

Humagalpak sa tawa ang mga taong dumadaan sa back door.

Wala silang awa sa mga tulad ng matanda. Ito ang mapanganib na purok ng business district. Ang skwateran naman ay dalawang kanto lang ang layo. Walang hanggan ang labanan ng lahat ng uri ng mga gang, ang mga underground business ay dito rin namumuo, maari kang makabili rito ng kahit ano. Tulad na lang ng: parte ng katawan ng tao, mga alipin, sandatang pang-militar, at kung ano ano pa. Lahat ng masasamang tao ay dito nagtitipon-tipon.

Hinawakan ng pulubi ang kanyang tiyan at binalot na lang muli ang sarili sa kumot habang iniinda ang kanyang ulo.

Paglagpas ng mga grupong 'yon ay nawalan na ng tao sa eskinita.

Subalit, noong umalingasaw ang amoy ng alak sa paligid, hindi napigilan ng pulibi ang lumabas mula sa kanyang kumot habang iniinda pa rin ang kanyang ulo. Wala siyang pakialam kung masipa siya uli.

Ang mga mata niya ay di maalis sa bote ng alak na kabubukas lamang.

"10 pilak para sa isang bote ng ginintuang alak" ika ng boses ng isang binata.

Hindi mapigilan tingnan ng pulubi ang bote ng ginintuang alak.

"Parang awa niyo na ho, pahingi ako…" Biglang dumamba ang pulubi patungo sa bote at sinubukang agawin ito.

Inasahan na ni Marvin ang magiging reaksyon ng matanda kung kaya madali niya itong naiwasan. Habang tinitingnan ang pulubi na biglang nanlisik ang mga mata ay sinabi niyang: "kailangan mong magbayad para makuha ang isang bagay"

Isang masangsang na amoy ang umalingasaw noong gumapang na palabas ng kumot ang pulubi. Lumunok siya habang nanginginig na sinabing, "Ano bang gusto mo?"

Ngumiti si Marvin at inabot ang isang liham, kasama na ang isang pulang selyo na inihanda niya na bago pa niya lapitan ang matanda.

Sa totoo lang, ay hindi siya sigurado kung gagana ba ito, ngunit ito ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng class. Natutuhan niya ang pamamaraan na ito sa isang malapit na kaibigan.

Hindi madaling makakuha ng class sa "Feinan Continent". Una sa lahat, kailangan ay bihasa ka (na ang ibig sabihin ay dapat hindi ka bababa sa level 5 sa basic [Commoner] class.) Pagkatapos, kailangan mong tapusin ang class quest upang makuha ang karampatang class.

Kung susubukan ni Marvin na kumuha ng class sa normal na pamamaraan, sa kanyang kalagayan ngayon, ay siguradong matatagalan pa ito. Kinailangan niyang humanap ng mas mabilis na paraan.

Upang magawa ito ay kinailangan niyang isuko ang [Thief], ang kanyang paborito at pinakagamay na class. Kailangan niya rin pumili ng class na katulad nito. Sa kabutihang palad, ang huling yugto ng class na ito ay ang [Ruler of the Night]. Kung hindi, ay hindi isusuko ni Marvin ang class na pinakamahusay siya.

Kinuha ng pulubi ang liham at nanginginig na binasa ng mabuti. Pagtapos ay inilabas niya ang isang kulay itim na bagay.

'Nagbunga din ang pagbabakasakali ko! Ang pulubing ito ay isang tunay na high-level adventurer na hindi bababa sa second rank!"

Nakita ni Marvin ang class badge at hindi siya nagkamali. Kahit na tila kakaiba ang pulubi, ang kanyang dating class ay nahalata dahil sa kanyang kilos.

Halimbawa, ang technical move noong siya ay bumaluktot sa loob ng kanyang kumot ay kapaki-pakinabang na class skill -- [Hide]

"Hindi ko magagawa iyan, hindi kakayanin ng konsensya ko ang pinagagawa mo" sagot ng pulubi

Ngumiti lang si Marvin at sinabing "Pero gagawin mo pa rin diba?". Matapos sabihin to ay iniabot niya ang bote ng alak sa pulubi.

Biglang lumalim ang paghinga ng pulubi. Kinuha niya ang maitim na badge at idiniin sa pulang selyo sa liham. Iyon ay circle ng holy leaves na may pangalang Mark Chene sa gitna.

Masayang masaya si Marvin noong natanggap ang liham. Ang pulubi ay masaya ring iniinom ang kanyang ginintuang alak, at bago pa man matapos uminom ang pulibi ay umalis na si Marvin.

[Recommendation letter received.]

[Class Acquired.]

Kalahating oras ang lumipas at nang lumabas si Marvin mula sa Ranger Guild, ay mayroon na siyang sika dear badge sa kanyang dibdib.

Tanda ito ng kanyang matagumpay na pagkuha ng Rank 1 [Ranger] Class.

Kasabay noon ay nakatanggap din siya ng title na may kasamang mga bonus.

[Bagong Buhay na Ranger]