Ang ika-10 pahina ng Book of Nalu, Beast.
Noong hinati niya ang ikalawang Elemental Life Mark, agad itong naramdaman ni Marvin,
Sa hindi malaman na dahilan, tila konektado na ang kanyang kaluluwa sa Book of Nalu, kaya noong bahagyang bumukas ang loob ng Rock Monster at mayroong lumabas na awra ng Book of Nalu, naramdaman niya ito.
Pero dahil sa epsesyal na istruktura ng katawan ng Elemental, nagagawang pagtakpan ng Elemental Life Mark ang awra nito, kaya naman hindi niya ito agad napansin.
At noong nahati na niya ang ikalawang Elemental Life Mark, lumabas na ang katotohanan/
'Ang Collapsed Earth…'
'Ang bahaging ito kaya ng Elemental Plane of Earth ay nasakop ng ook of Nalu? Ito bang Rock Monster na kamukha ng Earth Sovereign ang pinakamabagsik na nilalang dito?'
'Pero paano nito mapapaliwanag ang Earth Essesnce?'
Sa gitna ng mga nagabbagsakang bato, hindi mapigilang tumngin ni Marvin sa batang Dragon na nasa ilalim pa rin ng isang malaking bato.
Ito ang unang beses na nakita niyang naipit sa mahirap na sitwasyon ang Eternal Time Dragon. Di tulad sa dati niyang kulungan, ni hindi ito makagalaw ngayon.
Isang makapangyarihang nilalang na kinayang sampalin ang War God ay nakaipit ngayon at hindi makagalaw.
Base sa pag-atungal ni Tiramisu, nararamdaman ni Marvin na ginawa niya talaga ang kanyang makakaya para makatakas!
Pero dahil sa bigat ng Earth Essence, isama pa ang kapangyarihan ng Book of Nalu, hindi ito malabanan ng batang Dragon.
Maaari pa siguro itong malabanan ng isang Eternal Time Dragon na nasa tamang gulang. Pero para kay Tiramisu, na mas mahusay sa Magic at Time Manipulation at hindi ganoon kalakas ang pisikal na aspeto, ay napakahirap makawala mula sa pagkakaipit.
Mabuti na lang at nalaman na ni Marvin ang lihim ng Rock Monster. Malinaw na may epekto ang pagpupumiglas ni Tiramisu. Kung hindi pakakawalan nito si Tiramisu, pababagsakin niya ang Rock Monster na ito.
Panahon na ng pag-aani!
…
Sa unang dalawang pag-atake ni Marvin, nagawa niyang putilin ang dalawang Eternal Life Mark nito. Isang patunay kung ganoo na talaga siya kalakas.
Kasabay nito, nalaman na niya kung ano ang kanyang kalaban.
Malinaw na hindi ang Earth Sovereign ang Rock Monster na ito. Dahil sa lakas ng Earth Sovereign, hindi sana magagawang masira ni Marvin ang dalawang Elemental Life Marks nito.
Nakakakatakot ang Magic ng kalaban. Ang bawat spell ay napakalakas at malawak ang sakop nito.
Kadalasang ang mga ganitong uri ng atake ang pinakahirap iwasan ng mga rouge, dahil ang isang pag-atake na may malawak ang sakop na lugar, ay kakaunti lang matitirang espasyo para makaiwas o makatakas sila.
Pero iba si Marvin.
Higit na si Marvin sa isang pangkaraniwang rogue. Ang Night Ring na suot niya ang nagpapatunay nito. Siya ang pinakamakapangyarihang rouge sa buong Universe!
Tanging ang anino niyang kumikisap-kisap ang makikita, mabilis ang kanyang pagkilos!
Tuwa-tuwa naman ang Sodom's Blades!
Ikatlong pag-atake! Ikatlong Elemental Life Mark na nasira!
Ika-apat na pag-atake! Ika-limang pag-atake! Hanggang sa ika-siyam na pag-atake!
Kahit na walang humpay ang pagpapabagsak ng bato at paggamit ng mga Spell ng Rock Monster kay Marvin, at gumamit pa ito ng pag-atakeng nagmula sa lapag, nagawa pa ring sirain ni Marvin ang ika-siyam na Elemental Life Mark.
Sa wakas ay hindi na lumalaban ang Rock Monster.
Nabasag ang malaking katawan nito at agad na naabo na nahulog mula sa kalangitan.
Tanging ang isang pahina ang natira, lumulutang pababa habang mayroong maitin na awra.
Ang pang-10 pahina ng Book of Nalu, ang [Beast]!
Seryosong inabot nit Marvin ang kanyang kamay, binuksan ang Wisdom Chapter at ang Book of Nalu.
Tila gustong lumaban ng itim na pahinang ito, pero dahil sa malakas pagpigil ng Wisdom Chapter, hindi na ito nakalaban pa.
Humakbang si Marvin at hinuli ito.
Dahil sa pwersa ng ibang mga pahina, ang tila makapangyarihang pahina na ito ay naipasok pa rin sa Book of Nalu.
Ngayon ay hawak na ni Marvin ang 8 pahina ng Book of Nalu!
Tatlong pahina na lang at mabubuo na niyang muli ang item na iniwan ng God of Deception, na posible ring iniwan ng Wisdom God para mabuksan ang Book of Nalu!
Habang inisiip ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkasabik.
….
"Uy, sa wakas nakagapang na ko palabas doon…"
Lumapit si Tiramisu na tila malungkot ang mukha. "Hindi ko inakalang mas may skill at magagawa akong pigilan ng Rock Monster na 'yon."
Tiningnan ni Marvin si Tiramisu at hindi maiwasang magulat. "Ang Earth Essene?"
Nagsalita ang Dragon na para bang halata naman kung ano ang nangyari, "Pagkatapos mong mapatay, natural ay lumipad na palayo!"
"Sigurado ka bang hindi nawala?" Tanong ni Marvin, tila nagulat ito. "Lumipad palayo?"
Nanindigan si Tiramisu, "100% na sigurado ako, nararamdaman ko na nasa plane pa rin na 'to ang bagay na 'yon.
"Tara na!" Biglang sumama ang kutob ni Marvin.
Pero sa susunod na sandal, ilang anino ang lumitaw mula sa kapaliggiran ng Collapsed Earth!
Pinalibutan ng mga ito sina Marvin at ang Dragon.
Ang War God!
Ang God of Dawn and Protection!
Ang Moon Goddess!
Ang Truth Goddess!
Bukod sa apat na malalakas na God na ito, mayroon ring sampung Mid God at High God!
"Mataas na ang tingin sa atin ng Astral Sea," nakangiting pagbibiro ni Marvin.
Ang bilog ay binubuo ng dalawang Ancient God, dalawang Great God, at iba pang mga God. Kahit na buhay pa siguro ang Night Monarch sa panahon na ito, siguradong mahihirapan iyon kalabanin ang mga ito.
Umaasa siyang kaya pa rin makatakas ni Tiramisu palayo
Pero biglang isang boses ang umalingawngaw sa kanyang puso. "Libangin mo sila! Nakatamo ang gwapong Dragon na 'to ng pinasala dahil sa laban kanina. Matindi ang naging epekto nito, at baka kailanganin kong gumamit ng malakas na pwersa para makatakas."
"Kailangan ko ng tatlumpung minute para makabi at magamit ang mga Time Ability ko nang maayos."
Pilit na ngumiti si Marvin!
'Kalahating oras!'
'Nagbibiro ba siya?'
'Lilibangin ko ang mga God nang ganoon katagal?'
Hindi naman maaaring maglabas na lang bigla ng baraha si Marvin, ayain maglaro at kumbinsihin ang mga ito na mamaya na nila ituloy ang kanilang laban?
Naramdaman rin ni Tiramisu na tila imposible ang kanyang hinihiling at yumuko ito habang mayroong iniisip.
…
"Marvin, aaminin ko, na lagi mo kaming ginugulat sa mga ginagawa mo." Napabuntong-hininga si Anuba Grant saka itinuloy ang pagsasalit, "Pero nagdulot ka ng problema sa God Realms. Tatlong inosenteng God ang namatay nang dahil sayo. Ikaw ang nagmamay-ari ng Sodom's Blades, hindi ka naming pwedeng hayaan na lang."
"Inakalang kong nagkamali ang Valkyrie, pero mukhang totoo nga na ikaw ang nakalagay sa propesiyang magiging Destroyer."
"Tanging ang isang tunay na Destroyer lang ang magkakaroon ng ganoon katinding awra ng kabagsikan."
Hindi mapigilan matawa ni Marvin nang marinig ang pagiging hipokrito ni Grant. "Hay nako, Great Grant~" sarkastiko niyang sinabi, "Sino mang pumatay nang marami ay siya na agad ang Destroyer? Minana ko ang Will ng Night Monarch. Bilang Guardian ng Feinan, milyong-milyong taga-ibang mundo na nagpunta para manakop ang pinatay niya. Bakit hindi mo sinasabing siya ang Destroyer?"
Umiling si Grant, wala itong isinagot.
Sa halip, ang War God ang nagsalita, "Laging pinipilit magpaka-moral ni Grant kaya kung ano-ano ang sinasabi niya. Dederetsuhin na kita."
"Kapag binigay mo ang Fate Tablet, at sinuko mo sa akin ang batang Dragon, sisiguradhin kong mabubuhay ka. Wala ditong mangangahas na saktan ka!"
Ikinagulat ng ilang God ang mga salitang ito.
Hindi nila inakalang magsasalita nang ganito ang War God sa harap ng ibang tao!
Nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa pwersa ng mga God.
Nabuhayan ng pag-asa si Marvin.