Tama!
Ang Book of Nalu!
Matapos makapasok ni Marvin sa Sky Tower, paulit-ulit na siyang pinaalalahanan tungkol sa salitang, "Susi".
Noon, hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.
Pero ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat.
Ang 4th Fate Tablet ay parang isang mystical vessel na naglalaman ng walang hanggang mga Law ang kaalaman.
Ang sino mang may hawak nito ay hawak ang lakas na kayang lumaban sa mga God ng 3rd Era.
Lalo pa at ang 4th Fate Tablet ay buo habang ang iba ay mga piraso lang. Posibleng ang sino mang may hawak ng isang buong Fate Tablet ang maging pinakamalakas na God sa buong kasaysayan.
Walang balak mag-ascend sa Godhood si Marvin, pero hindi niya nagawang pigilan ang reaksyon sa pagitan ng False Divine Vessel at ng Fate Tablet.
SA katunayan, ni hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyari, Bigla na lang pumasok ang Fate Tablet sa False Divine Vessel.
Habang inaaalala ni Marvin kung saan nanggaling ang False Divine Vessel na ito, hindi mapigilang makaramdam ng pagdududa ni Marvin.
'Posible kayang si Lance talaga ang may pakana ng lahat ng ito? Nagawa niyang hulaan na magpupunta ako sa Evil Dragon God Temple? Alam niyang makikilala ko ang Fairy?'
Kung ang Divination ay makapangyarihan, hindi ba mawawalan ng silbi ang mga desisyon sa buhay?
Kahit na nagsususpetya si Marvin, wala pa rin siyang nabubuong konkulyson. May mas dapat siyang isipin sa ngayon…
Ang kailangan niyang isipin ngayon ay ang Fate Tablet, ang cube na ito, ay puno ng nakakatakot na kapangyarihan!
Pero ang bagay na ito ay hindi basta-basta mabubuksan.
Kailangan nito ng susi, isang pambihirang susi, para lang mabuksan ito!
At iyon ang Book of Nalu.
Ang pagtitipon ng lahat ng pahina ng Book of Nalu ay halos imposibleng magawa.
Ilang tao na ang sumubok na gawin ito sa loob ng isang libong taon, at walang nagtagumpay. Isa na ditto si Black Knight Sangore.
Para naman kay Marvin, nagawa niyang makaipon 7 pahina sa gamit ang kanyang kaalaman mula sa kanyang nakaraang buhay… at swerte. Isa itong pambihirang bagay na makamit.
Pero wala siyang kahit anong impormasyon kung nasaan ang natitira pang 4 na pahina!
Ang nasisiguro niya lang ay wala sa Feinan ang 4 na natitirang pahina!
Ang Astral Sea, ang Abyss, ang Hell, at ang kakaibang Negative Energy World, ang walang buhay na Underworld, o ang mga Elemental Plane.
Walang makakapagsabi kung nasaan ang mga ito.
Nang mapagtanto ito ni Marvin, wala siyang nagawa kundi pilit na ngumiti.
Sa kasalukuyan, kumbinsido na siya sa mga sinabi ng Truth Goddess at ni Hathaway.
Walang dudang si Lance ang Destroyer!
Gusto niyang gumawa ng kaguluhan!
Sinamantala niya ang mga hangarin ng mga God. Personal niyang ginawa ang Universe Magic Pool bilang kulungan at iginapos ang mga New God dito sa loob ng isang libong taon.
Matapos ang isang libong taon, ang mga pasensyosong God ay hindi na makatiis matapos ang matagal na paghihintay.
At nang maghalo ang kanilang pagka-inip sa kanilang mga hangarin, hindi na napigilan ang kaguluhang paparating.
Isang hakbang pa lang ang pagtutulak sa mga ito na atakihin ang Universe Magic Pool!
At ang pagpain sa 4th Fate Tablet ay ang tunay na mabigat na hakbang.
Tama, ang 4th Fate Tablet ay napakamakapangyarihan. Ang magdadala nito ay magiging isang tunay na Great God.
Pero sa katunayan, isa lang itong lason!
Dahil walang sino man ang makakakuha ng susi nito.
Naramdaman ni Marvin na ang paalala ni Lance ay isang payo.
Ang pagsuko sa Fate Tablet ang pinakamagandang gawin.
Pero ito ang puno't dulo ng kaguluhan.
Kung sino man ang may hawak ng Fate Tablet, hindi nila magagawang kontrolin ang kapangyarihan nito at pupunteryahin lang ito ng iba pang nagnanasa sa kapangyarihan nito.
Bukod sa mga nilalang ng Astral Sea at iba pang pwersa sa Universe, paano nga ba makakasiguro si Marvin na wala sa mga malalapit niyang kaibigan sa Feinan ang maaakit sa kapangyarihang dala ng Fate Tablet?
Sa kasamaang palad, napagtanto ni Marvin na hindi siya kailanman makakasiguro.
Maaring lahat sila ay gugustuhing sumubok na makamtan ito.
At kung aalis siya sa lugar na ito, maaaring ang buong Universe na ang kanyang maging kalaban!
Ang sitwasyong ito ay hindi mismong nakatuon kay Marvin.
Dahil kung sino man ang makakuha ng Date Tablet ay hahantong sa sitwasyon na ito.
Ang taong iyon ay mamamatay na lang dahil sa walang tigil na pagtugis sa kanya araw man o gabi, at ganoon din ang mangyayari sa susunod na magmamay-ari ng Fate Tablet.
Walang sino man ang tunay na makakakuha ng kapangyarihan ng Fate Tablet dahil isa lang itong malaking kasinungalingan.
Tulad na lang ng walang sino man ang makakagamay ng kanilang tadhana.
At sa prosesong ito, walang humpay na pagdanak ng dugo at labanan ang magaganap.
At dahil ang mga nilalang na maglalaban-laban para dito ay ang mga pinakamalalakas na nilalang sa buong Universe, bawat laban ay paniguradong mayayanig ang buong Universe.
Maaaring magunaw din ang mundo matapos lang ang isang laban.
Kapag uhaw na uhaw na naglaban ang lahat, kapag unti-unting nawala ang Order Power, kapag ang huling piraso ng kawiran ay natabunan na ng dahas…. Pagkawasak na lang ang naghihintay para sa daigdig.
Ito ang plano ni Lance.
Gusto niyang gumawa ng panibagong mundo.
Isang mundong walang kasamaan, isang mundong walang kaguluhan.
Ang [New World].
Dati nang Nakita ni Marvin ang mundong iyon, at tila nakakasuka ito.
'Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mabuhay sa mundong 'yon,' mapait na panunuya ni Marvin sa kanyang sarili.
Matapos makuha ang Fate Tablet, mas nagkaroon na si Marvin ng pang-unawa sa kung ano ang nangyayari sa larong ito.
Syempre, hindi naman siyang siguradong-sigurado tungkol sa konklusyong kanyang nabuo na si Lance nga ang Destroyer dahil mayroon pa ring mga detalyeng malabo.
Halimbawa na lang ay, kung gusto nga talagang sirain ni Lance ang Mundo, bakit niya personal na isasagawa ang pag-transmigrate ni Marvin?
Wala itong katuturan.
Kung gusto niyang wasakin ang mundo, sapat na ang temptasyon na ito para patayin ng mga nilalang sa Feinan ang isa't isa.
Hindi na siya kailangan kausapin pa ni Lance tungkol sa pagkakaroon ng "Hero's Heart"
Walang rason para pagsinungalingan pa siya ng isang napakataas na nilalang.
Kaya naman, kahit na malaki ang posibilidad na si Lance nga ang DEstriyer, kailangan pa rin malaman ni Marvin ang tungkol sa ilang mga bagay para makakuha ng kasagutan.
…
Matapos sumanib ang Fate Tablet, umabot na sa perpektong estado nito ang False Divine Vessel.
Kahot na hindi tuluyang naging isa ang kapangyarihan ng Fate Tablet dito, nakakaramdam pa rin si Marvin ng kakaibang pakiramdam mula dito.
Tila ba nakalatag sa kanyang harapan ang mga Law ng Universe.
Kahit na hindi niya magagamit ang mga ito, mayroon na siyang sapat na kapangyarihan para lantarang makita ang mga ito.
Ito ang kapangyarihan ng isang Divine Vessel.
Pambihira ang kasalukuyang kalagayan ni Marvin.
Kung tutuusuin ay isa na siyang God, pero isa siyang Fake God, isang God na hindi kailangan ng Faith.
Wala siyang taga-sunod at wala rin siyang Faith Power, pero mayroon siyang malalim na pang-unawa sa mga Plane Law at mga Domain.
Isa pa, nang pumasok ang Fate Tablet sa Flase Divine Vessel, nakakuha siya ng karagdagang kaalaman sa kanyang isipan.
Matapos ang tatlong minute, natutunan niya na ang lahat ng lenggwahe na nabuo mula nang magsimula ang Universe!
Kasama na ditto ang Draconic, Infernal, Ancient God Language, Ancient Gnome Language, Abyssal, at kung ano-ano pa…
Isa itong magandang bagay para kay Marvin.
Pero mas interesado siya sa mga linyang lumabas sa hanay ng False Divine Vessel.
[Unfathomable Ability]
[Type: Divine]
[Description: Create an unfathomable miracle]
[Cooldown: Can only be used once]
[Required Materials: Varies depending on the situation]