Mabagsik ang naging pag-atake ni Jessica. Kasabay ng paglitaw ng anino na ito, inatake na kaagad niya ito gamit ang kanyang kanang kamay.
Pero biglang inikot nito ang kanyang ulo papunta sa likod nito.
Kinilabutan si Marvin. Isa itong taong walang mukha!
Hindi nagpatinag si Jessica, ipinagpatuloy niya lang ang kanyang pag-atake. Dahil sa kanyang Fate Power, napakabilis ng kanyang kilos!
Sadyang hindi makakatakas ng kakaibang nilalang na ito sa mga pag-atake ng Fate Sorceress!
"Krash!"
Sa napakaginaw na tubig,ang bangka at ang kakaibang nilalang ay napia-piraso nang dahil sa Fate Power.
Umalon ang tubig dahil sa lakas ng tunog, at isang mahinang pag-iyak ang maririnig sa gitna ng kadiliman.
Habang surpresang nakatingin sina Marvin at Jessica, biglang naging mga patak ng tubig ang anino.
Ang bawat patak ng tubig ay naging pilak na isda, at nahulog sila sa tubig isa-isa, lumalangoy lahat papunta sa kailaliman ng Deep River!
Sa oras na ito, si Jessica naman ang nabigla.
Kahit na nagawa niyang maramdaman ang nilalang na nasa ilalim, hindi niya inakala na magdudulot ito ng isang kakaibang eksena.
Ito ang unang beses na hindi napatay ng Fate Power ang kanyang kalaban kahit na direkta niya itong tinamaan.
Agad siyang napatitig sa mga isda.
…
"Hindi siya halimaw! Tao."
Pero habang nagdadalawang isip si Jessica, kumilos si Marvin.
Isa itong uri ng Divine Spell. Nagmula ito sa isang God na gumawa ng sariling bersyon ng Major Shapechanging. Kalaunan, dahil sa pambihirang epekto nito, marami nang mga God ang gumaya dito.
Ang tao na ito ay hindi bababa sa level ng Divine Servant.
Tumalon naman palabas ng tubig si Marvin, at matapos umikot sa ere, isang Royal Griffin ang lumitaw sa ibabang Deep River!
Binalot ng awra ng makapangyarihang Legendary Creature na ito ang bulang kapaligiran.
Naliwanagan ng Royal Griffin ang tubig sa kapaligian. Wala nang pagtataguan ang mga isdang ito ngayon!
Umatungal si Marvin at saka ito lumusong sa tubig, hindi niya pinansin ang ibang mga isda at direkta niyang inatake ang isa sa mga isdang pilak!
"Krash!"
Tila nahati ang tubig.
Dinakma ng matalas na kuko ng Royal Griffin ang malamig na isda. Mukhang wala naman itong pinagkaiba sa iba pang mga isda.
Pero nakikita ni Marvin na ito ang sentro ng kanilan kalaban!
Ang mga Royal Griffin ay mayroong malakas na paningin, at nagagawa nitong makita ang katotohanan sa likod ng mga Disguise at pagpapalit anyo. Kahit na ang mga clone na iyon ay magkakamukha, isa pa rin itong mababa rin ito kumpara sa Origami skill. Tiningnan lang ni Marvin ang mga ito at tila naging hangin na lang sa kanyang paningin ang mga Doppleganger nito.
Dinakma niya ang isdang ito nang mahigpit, pero sinong mag-aakala na kusang sasabog ang isda!
"Boom!"
Nakaramdam naman si Marvin nag sakit sa kanyang mga kuko at halos hindi na niya mapanatili ang kanyang Shapechanging!
"Mag-ingat ka!"
Agad naman na lumapit si Jessica para tumulong at sinamantala na ni Marvin ang pagkakataon at bumalik sa kanyang Human Shape.
Sinalo naman siya ni Jessica sa ere.
Tinitigan nilang dalawa ang ibabaw ng tubig, pero muli nang naging tahimik ang Deep River.
Mukhang hindi lang pangkaraniwan ang mga isdang iyon.
Mukhang nakatakas na ang kanyang kalaban.
Sumasakit ang mga pa ani Marvin. Kakaunti lang ang mga bagay na maaaring makapinsala sa katawan ng isang Legend.
"Kahit ang pangunahing katawan ay Doppleganger."
Naging iritado si Marvin.
Tumango naman nang seryoso si Jessica.
Ang iba pang mga isdang pilak ay siguradong clone lang ng pangunahing katawan, pero nang hulihin ni Marvin ang dapat na sentro ng mga ito ay isa rin pala itong clone.
Ang tunay na kalaban ay maaaring nasa malayo.
Siguradong ang Doppleganger na ito ay iniwan na "regalo" ng kanilang kalaban para sa kanila!
Posible rin na sinusubukan lang sila ng kanilang kalaban/
Seryosong nagsalita si Marvin, "Isa itong Divine Spell. Siguradong hindi bababa sa level ng Divine Servant ang taong iyon."
Tumango at sumang-ayon naman si Jessica, "Alam ko, pero hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung saan siya nagpunta."
Muli nilang tiningnan ang kanilang kapaligiran, matapos nilang masigurong walang naroon, nagpatuloy na sila.
Subalit, iniisip na ni Marvin ang pagkakakilanlan ng kanilang misteryosong kalaban.
'Kakaiba at mahahabang kamay at paa…. Itim na anino….Dumidikit sa bangka…'
Ilang imahe ang lumitaw sa kanyang harapan.
Biglang mayroong eksenang lumitaw sa kanyang mata.
Pinamumunuan ni Black Dragon Clarke ang pag-atake sa Hope City habang mayroong Apostle na naka-itim na balabal na nagcha-chant ng spell.
Tess!
Biglang naalala ni Marvin ang kanyang pangalan!
"Ang Black Dragon God…" Bulong ni Marvin.
Natigilan si Jessica. "Ang Black Dragon? Sigurado ka?"
Itinuro ni Marvin ang kanyang ulo at sinabing. "Wisdom."
Alam niyang base lang ito sa kanyang kutob at isa lang itong hula, o marahil isa itong prediksyon.
Pero pinili niyang maniwala sa kanyang kutob at magtiwala sa ability na ibinigay sa kanya ni Lorie.
Makikita ang gulat sa mata ni Jessica "Kaya mong gamitin ang kapangyarihan ng Wisdom?'
Tumango si Marvin.
Nanlaki ang mata ni Jessica, wala itong sinabi.
Sa kanyang loob-loob, ay nagulat ito!
'Nagawang matutunan ni Marvin ang Wisdom?'
Hindi madali ang matutunan ang mga ability ng Fate Sorcerer. Kadalasan, kahit pa mayroong makatanggap ng Fate Power ni Lorie, makakakuha lang sila ng passive effect at ang mga basic ability nito.
Ang kapangyarihan gaya ng Wisdom , paano ito lilitaw sa katawan ng isang ordinaryong tao?
'Kung nagsasabi siya ng totoo…'
Tiningnan lang ni Jessica at patindi nang patindi ang pagtitig niya rito.
…
"Oo nga pala."
Biglang nagsalita si Marvin uli. "Ang mga sinabi mo sa akin ay sinabi mo para maging pabaya ang kalaban, tama?"
Ang tinutukoy ni Marvin ay ang naging usapan nila bago naganap ang laban.
Kanina lang ay natutuliro siya. Bakit naman biglang magkwekwento si Jessica tungkol sa kanyang nakaraan? Pero ngayong pinag-isipan niya ito, maaaring sinadya niya ito para makagawa ng sitwasyon na mapupukaw ang atensyon ng nagtatago nilang kalaban.
Malamang ang mga sinabi nito kanina ay gawa-gawa niya lang.
Malinaw naman na sinabi ni Jessica kay Marvin, "Ginawa ko 'yon para linlangin ang kalaban."
"Pero … Totoo ang lahat ng iyon."
Biglang kinilabutan si Marvin. Tiningnan nito si Jessica mula ulo hanggang paa.
Mahinahon pa rin si Jessica, isang bagay na hindi mo aakalain matapos umamin ang isang tao na pinatay niya ang kanyang mga magulang.
Mausisa naman na nagtanong si Marvin, "Bakit?"
Bigla naman kumislap ang mata nito kasabay ng pag-agos ng hindi maipaliwanag na emosyon dito. "Gusto mong malaman?"
"Oo."
"Tulungan mo kong patayin ang halimaw sa Eternal Frozen Spring at sasabihin ko sayo."
"…"
Nanatiling tahimik si Marvin.
Bakit pa ito ipinagpaliban ni Jessica?
Inakala niya na laging direkta si Jessica, at wala lang sa kanya ang pagkwekwento ng tungkol dito.
Pero hindi naman siya nadismaya.
Hindi naman din ito ang oras para makinig ng kwento.
Nagkalat ang mga panganib sa Deep River. Kakatapos lang silang atakihin, kaya kailangan nilang maging alisto dahil baka muling bumalik ang hindi pa nila nakikilalang kalaban
"Ang Divine Servant ng Black Dragon…'
"Mukhang higit pa sa inaakala ko ang napanghimasukan ng Black Dragon God sa Underdark.'
'Idagdag pa na isa lang ang nakakaalam ng tungkol sa operasyon na ito…'
Biglang nanlamig ang mukha ni Marvin.
'Dark Elf Raven!'