"Sa Deep River?"
Napansin ni Jessica ang pagbabago sa reaksyon ni Raven at nalilitong nagtanong, "Nasaan ba 'yon?"
Takot naman na sumagot si Raven, "Iyon ang pinakanakakatakot na lugar sa buong Underdark!"
"Kahit na nakasulat sa mga libro na kinokonekta ng Deep River ang buong Underdark, at sinasabing kapag ginamit ito, maaaring makapaglakbay sa pagitan ng ano mang lokasyon sa Underdark, masyado pa rin mapanganig ang lugar na iyon."
"Pinaniniwalaan na mayroong mga halimaw mula sa Astral Plane na nakaselyo sa Deep River. Maraming tao na nagpunta doon at ginalugad ito ay hindi na muling nakita."
Nag-aalala itong tumingin kay Marvin.
Kontrolado ng Book of Nalu ang isipan ni Raven, pero hindi naman nito hinahadlangan si Raven na magkaroon ng sariling pag-iisip, basta hindi ito nagbabalak ng masama laban kay Marvin o gagawa ng isang bagay na laban ditto. Kadalasan, iginagapos lang sila ng Book of Nalu na parang Contract, at si Marvin ang nagmama-ari ng mga "tau-tauhan" na mga ito na susunod sa lahat ng iuutos nito. Kung kinakailangan, maaari rin sakupin nang buo ang isipan ng mga ito.
Para kay Raven at sa iba pa, ang kapakanan ni Marvin ang kanilang uunahin.
Kung mamamatay si Marvin, ang kanilang kaluluwa ay lalamunin na ng Book of Nalu!
Masasabing kung mananatili lang na buhay si Marvin, saka lang nila mapapanatili ang bahagyang kalayaan nila.
Sinasabi sa kanya ng kanyang instinct na pigilan niya si Marvin sa pagpunta sa Deep River.
Pero ang nakakatawa ditom si Marvin ang kanyang master, kaya hindi niya maaaring salungatin ang gusto nito. Kaya naman, hindi na maipinta ang mukha nito dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Sinabi niya kay Jessica ang nalalaman niya, at umaasa itong hindi pumayag ang Fate Sorceress at maghanap ito nang ibang paraan.
Pero sa kasamaang palad, kahit na sinubukan niyang ilahad lahat ng nakakatakot na bagay tungkol sa ilog, bukod sa hindi nagpatinag si Marvin at walang nakitang rason para baguhin ang kanyang plano, mukhang sumang-ayon rin ditto si Jessica.
Marahil pakiramdam ng dalawang ito, wala nang bagay sa mundon ito na mapanganib para sa kanila?
Sa huli, walang nagawa si Raven. Sa utos ni Marvin, mabilis niyang isinagawa ang kanyang parte sa planong ito.
Kailangan niya ng oras para makagawa ng lihim na dokumento.
Bilang bilanggo ng Book of Nalu, wala itong magagawa kundi gawin ang utos ni Marvin.
…
Mayroong mga aninong makikita sa pader ng kweba, at paminsan-minsan, mayroong ilang tumpok ng Glowing Moss. Pero lahat ng ito ay naitataboy ng malakas na kapangyarihan ng Fate Sorceress.
Marahil masyadong malakas ang awra na ito, dahil sa buong paglalakbay nila, wala pa silang nakakasalubong na Dark Specter. Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon sina Marvin at Jessica na gamitin ang Ghost Barrier na natutunan nila.
Matapos makuha ang dokumentong kailangan nila, sinimulan nang humabol nina Mavin at Jessica sa grupo ng mga Legend.
Hindi na dapat sila makakahabol pa sa mga ito.
Pero ang Deep River ay isang kakaibang lugar.
Kahit si Jessica na madalas makaharap ng mga nilalang ng Underdark ay hindi alam ang tungkol dito.
Tanging ang mga pinuno lang ng Underdark ang nakakaala ng tungkol sa Deep River.
Ang tinatawag na Deep River na ito ay isang malawak at walang hanggang ilog. Mayroon pa ngang nagsasabi na isa itong karagatan na ang pinakailalim nito ay patungo na sa mga lower plane gaya ng Abyss, Hell, o Negative Energy Plane.
Ang Underdark ang rehiyon sa ilalim ng Feinan, at ang mga nasa ibabaw ng lupa ay inaakalang ang Underdark na ang inakamalalim na bahagi ng Feinan.
Pero sa katunayan, maliit na bilang ng tao pa lang ang nakakaalam na ang tunay na pinakamababang bahagi ng Feinan ay ang Deep River.
Ang Underdark ay nasa ilalim ng Feinan, at ang Deep River ay nasa ilalim ng Underdark!
Ang gitna nito ay mas malalim pa sa River Styx.
Kahit sa mga mata ng mga pinuno ng Underdark, ang Deep River ay isa sa mga lugar na ipinagbabawal na lapitan nang sino man, kasama na ang Eternal Frozen Spring. Normal na rin na mawala kahit ang mga Legend kapag nagpunta sila dito.
Ang mga alamat, pati na ang ilang tunay na panganib at bantang hatid nito, ay nagdulot ng pagiging misteryoso ng Deep River.
Naniniwala si Marvin na walang mas maraming nalalaman tungkol sa Deep River na ito bukod sa kanya.
Kahit na hindi niya pa ito mismong naranasan, nalaman niya ang karamihan ng kanyang impormasyon tungkol sa Deep River sa isang trailer.
Gamit ang kanyang bagong Wisdom, kusang isinalansan ng impormasyon ang sarili nito sa kanyang utak.
Maraming maalabong alaala ang naging mas malinaw, at maaari niyang mabalikan at manipulahin ang mga alaala na ito.
Ang dahilan kung bakit nakakatakot ang Deep River ay walang kinalaman sa mga misteryosong alamat.
Isa lang ang panganib sa luga na ito, ang Crypt Monster.
'Isang Boss na nasa level ng isang Mid God… ang labi ng isang ancient Evil God.'
Kasabay ng pagabot ng isang malaking palad mula sa dilim, malawak na ilog ang pumasok sa isipan ni Marvin, nakadama siya ng kaunting pagkasabik.
Ayon sa isang opisyal na pagpapaliwanag, ang Crypt Monster na ito ay kayang kalabanin ang mga Mid-Level God!
Matagal na rin nahihimbing ang Crypt Monster sa Deep River, magmula pa noong ancient time.
Maraming nang tao ang sumubok na suyurin ang Deep River, pero hindi namatay ang mga ito dahil sa nagising ang Crypt Monster, instinct lang ito ng halimaw na ito!
Napakaraming Legend na ang sinubukan na maglakbay sa Deep River, pero nawala silang lahat… at namatay sila nang dahil sa isang halimaw na natutulog! Dito pa lang ay makikita na kung gaano ito kalakas.
Pero walang balak na umatras si Marvin.
Mayroon siyang naisip na ideya.
Kapag kasama niya si Jessica, sila na siguro ang pinakamakapangyarihan magkasangga sa mundo.
.
Kahit ang mga Divine Servant ay madali nilang mapapatay
Kahit na ang Crypt Monster ay mapanganib at nasa level ito ng Mid God, mayroon pa lang rin itong pag-iisip ng isang mabangis na hayop at instinct lang ang ginagamit sa pakikipaglaban.
Sa madaling salita, ang Boss na nakatago sa Deep River ay isa lang makapangyarihan pero walang utak na kalaban.
Ang ganitong uri ng Boss ang pinakagustong pinapatay ni Marvin. Dahil sa malakas ito, ibig-sabihin, malaki ang makukuha niya sa pagpatay dito. At dahil sa hindi ito marunong mag-isip, marami na agad itong kahinaan.
Sa pananaw niya, ang Crypt Monster ay tila isang pagkain na naghihintay lang makain.
Gusto niya rin makita kung gaano kalaki ang agwat ng kanyang lakas at ng isang Mid God!
Kung hindi niya matatalo ang isang God kahit na kasama na niyang lumaban ang isang makapangyarihang Fate Sorceress, ibig sabihin, kamatayan na lang ang naghihintay sa kanya sa oras na mawasak ang Universe Magic Pool.
Ang laban na ito ay isang mahalagang karanasan.
Sa katunayan, kung hindi lang siya nagmamadaling tapusin ang problema sa Eternal Frozen Sprin, baka sinubukan pang kumbinsihin ni Marvin si Jessica na sadyain at patayin nila ang Crypt Monster, para sa pansarili niyang layunin at bahagyang para hindi masayang ang kanilang oras.
Sa buong Feinan, walang kalaban na mas nababagay para sa kanilang pag-eensayo.
Mayroong nilalang na nakakulong sa yelo sa Norte na nakatamo ng malaking pinsala dahil kay O'Brien. Anak ito n isang Ancient God at mayroon itong pambihirang katalinuhan, kaya naman naramdaman ni Marvin na mayroon pa itong nakatagong alas. Kaya naman, nagdesisyon siya na wag munang harapin ang Azure Matriarch sa ngayon. Pero hindi magtatagal ay papatayin niya rin ang babaeng iyon kapag may oras na si Marvin.
…
Habang naglalakbay, ipinaliwanag na ni Marvin ang kanyang plano.
Wala naman balak si Jessica na iwasan ang laban. Isa siyang mabagsik na bebe, at isa siya sa mga mahirap talunin na pwersa sa mundo dahil sa kanyang [Power]. Walang lugar na kinatatakutan nito.
Ang ipinagtataka lang nito ay…'Paano nakakakuha ng napakaraming impormasyon ni Marvin tungkol dito?'