Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 529 - Treasure

Chapter 529 - Treasure

"Bandel!"

Ang grupo ng Dream Shrine lang pala ang tanging grupo na nakalaban dito.

Pero mukhang nasa isang mahirap na sitwasyon rin ang mga ito.

Nararamdaman ni Marvin na hinihigop ng baging na ito ang kanyang lakas, pero mabagal ang proseso nito. Sa kanyang constitution, magagawa niyang labanan ito nang isang daang taon.

Pero ang mas malaking problema ay may iba pang kakayahang nakapaloob sa ivy na ito.

Ang kakaibang pakiramdam na ito ay tulad ng naramdaman niya noong marinig niya ang misteryosong boses na umaawit sa labas ng Holy Light City.

Para itong isang malaking kandado para sa kanilang mga katawan, kaya naamn hirap silang kumilos.

Syempre, kaya pa rin makahanap ni Marvin ng paraan para makatakas dito, pero naramdaman niyang hindi pa ito ang pinakamagandang oras para gawin ito.

'Bandel? Bakit pamilyar ang pangalan na 'yon? Bandel ang pangalan ng Lich na 'yan?'

Napigil ang hininga ni Marvin habang pinapakinggan ang usapan.

Sumigaw ang Cleric, "Hindi ako mamamatay nang dahil lang sa Life-Severing Ivy! Muling mabubuhay ang katawan ko sa Shrine! Pero ang mga masasamang Gawain mo dito ay makakarating sa Dream God, at hindi ka niya mapapatawad!"

Ibigay mo sa amin ang Cold Light's Grasps at hayaan mo kaming umalis dito!"

Ngumisi ang Lich, "Alam kong hindi ka mamamatay. Pero ikaw pa nga rin ba iyon kapag nabuhay ka?"

"Kung hindi ako nagkakamali, hindi ka pa namamatay. At matapos mong mamatay sa unang pagkakataon, magiging isa ka nang tunay na laruan ng isang God."

"Gusto mo bang maranasan ang pakiramdam non?"

Biglang nag-iba ang mukha ng Cleric.

Mabagsik niyang tiningnan ang Lich at mariing sinabing, "Paano mo nabuksan ang Wildeness Hall at ang Autumn Hunting Ground? At bakit pinapakinggan ka ng mga Life-Severing Ivy?"

Nagkibit-balikat lang ito at sinabing: "Masyado kang maraming tanong para sa isang manonood."

"Tingnan mo, alam ng iba pa kung saan lulugar. Tulad ng sinabi ko, patas ako, hindi ko iibahin ang pagtrato sayo dahil lang isa kang taga-sunod ng Dream Shrine."

"Itali niyo siya. Limitado lang ang pasensya ko, at mas limitado ang pasensya ng ating Great Teacher…"

Matapos sabihin ito, tila nabaliw ang mga ma ivy na nakapalibot sa grupo ng Cleric at mas bumangis ang pag-atkae ng mga ito.

Napakaraming matatalim na tinik ang pinakawalan ng mga ito, at kahit na gumamit ng iba't ibang Divine Spell ang Cleric, tinamaan pa rin ang isang Paladin!

Malagim tingnan ang eksenang ito.

Napigil ang hininga ng lahat ng Legend powerhouse na nakabitin sa kisame.

Ngayon lang sila pinanghinaan ng loob nang ganito.

Ang templong ito ay mayroon din limitasyon sa Legend Law tulad ng hunting Ground, at naipit sila sa isang matinding sitwasyon.

Pero kumpara sa grupong lumalaban pa, mas mabuti pa ang kanilang kalagayan.

Hindi sila pinapalibutan at inaatake nang walang habas ng mga ivy!

Hindi na maipinta ang mukha ni Marvin.

Nararamdaman niya ang kapangyarihan ng Lich, at tila hindi ito naaapektuhan ng limitasyon ng lugar na ito.

Tila ganoon din ang Jade Banshee.

Ano ang ivy na iyon? Life-Severing Ivy? Hindi ba masyado naman literal ang pangalan nito, hindi kaya mayroon pa itong ibang kahulugan?

Noong oras na iyon, narinig niya sa kanyang tenga ang boses ng Winter Assassin:

"Ang mga Life-Severing Ivy ay mga avatar ng Wilderness God!"

"Sinasabi nab ago mamatay ang Wilderness God, itinago niya ang mga Seed of Rebith niya, at ang mga Seed of Rebirth na ito ay nasa mga Life-Severing Ivy."

"Kaya walang bisa ang Legend Law dahil ang mga Life-Severing Ivy ay kapangyarihan ng Wilderness God. Mayroong siyang awtoridad ng Ancient Law at kaya niyang alisin ang kapangyarihan ng Domain mo. Sa madaling salita, para kang nasa loob ng God Realm niya! Magagamit mo lang ang Legend Domain mo kung mayroong pahintulot niya!"

Agad naman na naunawaan ito ni Marvin.

Kahit na hindi pa muling nabubuhay ang Wilderness God, ang mga Life Severing Ivy na ito ang kanyang avatar, at mayroon pa rink aunting kapangyarihan ang mga ito.

Malakas ang kapangyarihan na ito ay mayroong kaparehong awtoridad ng mga Divine Law. At nawala ang kanilang mga Legend Law dahil sa epekto ng mga Law na iyon.

At maaaring hindi naaapektuhan ang Lich dahil binibigyan siya ng mga Ivy ng karagdagang awtoridad!

"Pucha, sinabi niyang [Teacher]… Hindi kaya Disciple siya ng Wilderness God?"

Naalala ni Marvin na noong naglalakbay siya kasama ng mga adventurer, mayroon siyang narinig sa mga ito na katulad nito.

"Kinalulungkot ko, pero oo."

Nanlulumo ang boses ng Winter Assassin habang sinasabin, "Tama ang desisyon mo, wala tayong mapapala kapag kinalaban natin siya nang harapan."

"Pesteng Witch, nalinlang na naman niya ako. Malinaw na sinabi niyang hindi na mabubuhay ang Wilderness God."

"Pero tingnan mo ang mga Life Severing Ivy na 'to. Nagsimula nang manumbalik ang kamalayan ng Wilderness God!"

Bumilis ang tibok ng puso ni Marvin.

Masama ang kutob niya.

Ang Wilderness God ay kilala bilang isang Evil God ng Ancient Times. Kung muli nga siyang mabubuhay, walang katiyakan kung ilang Legend pa ang makakalabas dito nang buhay.

Tahimik na pinakausap ni Marvin sa Wisp si Isabelle. Kung mayroon silang pagkakataon na tumakas, tatakas na muna sila.

Alam nito ang tungkol sa innate ability ni Isabelle, at kung hindi dahil sa innate ability na ito, sigradong hindi papaya ang Winter Assassin na pumasok sa Wilderness Hall.

Kakaunting lugar lang ang nakakapigil sa kanya.

….

"Aaah!"

Ang laban sa baba ay nagpapatuloy pa rin. Pero ang isang miyembro ng Dream Shrine ay tila nasa bingit na ng kamatayan.

Dahil sa walang humpay ng mga cyan vine, isa na namang Paladin ang namatay.

Namulta ang Cleric.

Sila ang mga elite ng Dream Shrine, ang pangunahing pwersa!

At bukod sa hindi nila nakita ni anino ng Colf Light's Grasps, pero nakaharap pa nila ang avatar ng Wilderness God. Ibang-iba ang sinabi sa Oracle!

Sinubukan niyang kausapin ang kanyang God, pero hindi siya nagtagumpay.

Kinilabutan siya sa mukha ng Lich.

Ayaw niyang mamatay, at mas ayaw niyang mamatay nang dahil sa mga Life Severing Ivy!

Kaya naman kinuyom niya ang kanyang ngipin bago muling sumigaw, "Bandel!"

"Mayroon akong mungkahi!"

Ngumisi ang Lich, "Talaga? Nakikinig ako."

Huminga nang malalim ang Cleric. "Gusto mo ba talagang galitin ang Dream God?"

Maririnig ang panghahamak ng Lich sa kanyang boses habang nagtatanong, "Gusto mong pakawalan kita?"

"Tatanawin itong utang na loob sayo ng Dream Shrine." Tiningnan ng Cleric ang dalawang natitirang Paladin sa kanyang harapan at si Griffin, na kaawa-awa na ang kalagayan, bago pilit na ngumiti. "Panalo ka na. Susukuan na naming ang Cold Light's Grasps. Basta pakawalan mo kami, hindi na hahabulin ng Dream Shrine ang bagay na 'yon."

Kumisap ang soul fire ng Lich, walang makakapagsabi sa kung ano ang iniisip nito.

Pero bumagal na ang pag-atake ng mga cyan ivy.

"Sa totoo lang, hindi naman ako takot na galitin ang Dream God," sabi ng Lich. Biglang nalaglag ang puso ng Cleric.

At biglang sinabi ng Lich na, "Pero pagdating sa paggalit sa mga God, mas kaunti, mas mabuti, hindi ba?"

"Pwede ko kayong ligtas na paalisin."

"Pero ang isa sa inyo ang magiging alay sa aking Teacher, naakit siya sa laman niya…. Kailangan manatili ng babae!"

Natigilan ang Cleric. "Babae? Sino?"

Itinuro ng Lich ang pawisang si Griffin…. Ang batang babae sa likod nito!

Biglang nagbago ang mukha ni Griffin.

"Ang batang babaeng 'yan…. Naiiba siya."

Tumawa ang Lich. "Mayroong nakakamanghang Treasure sa katawan niya. At kahit na itinatago ito ng curse, hindi ito makakalusot sa pang-amoy ng Wilderness God."

Tinaas nito ang kanyang baba at inulit, "Kailangan niyang maiwan. Pwede mo nang isama ang iba pa.

Tiningnan ng Cleric si Griffin at walang alinlangan na nagdesisyon:

"Sige!"