Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 521 - Start of the Hunt

Chapter 521 - Start of the Hunt

Sa marahas na Hunting Ground, mabilis na kumilos si Marvin.

Pero kumpara dati, nabawasan ang kanyang bilis!

Hindi siya niloloko ng Ghost: sa Autumn Hunting Ground, ang kanyang Legendary Class na Ruler of the Night, ay mawawala ang lahat ng property nito.

Nawalan na ng epekto ang mga Legend law!

Isa na lang siyang level 20 expert ngayon.

Ang isang bagay lang na nakakatuwa dito, ay ganito rin ang nangyari sa iba.

Ang lamang ni Marvin ay nasa kanyang karagdagang mga sublass. Maging Battle Gunner man ito o Shapeshift Sorcere, magiging malaking tulong ang mga ito sa kanya.

Ang apoy na nasa kanyang harapan ay mas lumiwanag pa.

Hindi nawala ang kanyang Darksight dahil hindi ito sakop ng Legend law dahil isa itong regalo ng Night Monarch. Kaya naman, ang hindi ito nabawi ng Hunting Grounds ng Wilderness God.

Nakatulong naman ito para manatiling mahinahon si Marvin.

Labis na maaapektuhan ang kanyang lakas kapag nawala ang kanyang Darksight.

Isa pa, nasanay na siya sa pagkakaroon ng pambihirang paningin. Mahihirapan na siyang kumilos kung wala ang ability na ito.

Lalo pa at dahil matagal siyang umasa sa Darksight, hindi ganoon kataas ang kanyang [Listen] at [Eyesight].

Dahil hindi talaga niya nauunawaan kung ano talaga ang hunting Grounds, gusto munang gumawa ng mapagtataguan ni Marvin.

Pero sa mapanglaw na kasukalang ito, kakaunti lang ang mga burol at kabundukang makikita. Walang ni isang gusali dito.

Sa di kalayuan, isang malamlam na liwanag ang makikita mula sa paanan ng burol.

Malinaw na nakakakita si Marvin ng apoy.

Isa pa, mukhang ang apoy na ito ang nakita niya sa kanyang pangitain.

Naramdaman ni Marvin na maaaring may makuha siya sa pagpunta dito.

Tutal, wala naman nakitang tao sa paligid si Marvin, kaya nagsimula na siyang kumilos.

Habang papalapit siya sa burol, napansin ni Marvin na ang mga bundok sa mundong ito ay nagbabago-bago.

Mula sa malayo, mukha lang itong maliit na burol, pero habang papalapit siya, nalaman niyang may kalakihan pala ito.

Ang apoy ay nasa isang puwang sa bundok at mukhang nagkukubli ito sa loob nito.

Mayroong mga torso sa tabi ng apoy, pati na isang baul!

Ang baul ay nakapatong sa tumpok ng dayami at nasa at ang tuktok nito ay gawa sa balat ng halimaw.

Isang takure ang nakasabit sa itaas ng apoy at kumukulo na ito, mayroon nang usok na lumalabas dito.

Ibang klaseng init ang nararamadaman niya.

'Bakit pakiramdam ko bumalik ako sa ancient era?'

Kinamot ni Marvin ang kanyang ilong, tila mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa kanyang puso.

Ang kaibuturan ng puwang ay madilim. Siniyasat niyang mabuti ito at nalaman niyang mayroong maliit na kweba.

Ang kweba ay kasing laki lang ng kalahating tao at kailangan pang yumuko ni Marvin para makapasok, kaya hindi malinaw sa kanya kung ano ang nasa loob.

Kung sa Feinan ito, dahil sa kanyang karanasan, masasabi niyang isang Gnome Cave ang kweba na ito. Pero nasa Crimson Wastelang siya. Gaano ba kalai ang tyansang magkakaroon ng mga Gnome dito?

Isa pa, ito ang pinakamapanganib na bahagi ng Crimson Wasteland, ang Autumn Hunting Ground!

'Mukhang kakakulo pa lang ng tubig, may isa pa kayang hunter na narito?'

Maingat na naghanap si Marvin ng bakas nito, pero wala siyang nakitang marka ng paa.

Kung isa nga itong pansamantalang kampo ng isang hunter, siguradong matalino ito at tuso.

Habang iniisip ito, hindi mapigilang manlumo ni Marvin.

Dahil sa nawalan ng epekto ang mga Legend law, ibig sabihin hindi rin magagamit ang mga Legend ability at mga Legend Domain. At ganoon din para sa kanyang mg dagger.

Wala na siyang disenteng mga dagger bukod sa mga ito, kaya wala siyang magagawa kunding gamitin ang Hunting Knife na nakuha niya sa Ghost.

Pero mukhang hindi ito magandang item. Balot ng kalawang ang punyal, at mukhang madali itong masisira.

Kadalasan ay twin daggers ang ginagamit niya, kaya kakaiba sa pakiramdam niya na gumamit lang ng isa.

Pagkatapos niyang mag-isip sandali, inilabas niya ang isang pares ng mga baril mula sa kanyang storage at inilagay ang dagger sa kanyang baywang.

Ito ang mga baril na iniregalo sa kanyang ni Constantine at malalakas na Battle Gunman Equipment ang mga ito.

Ang dalawang pistol na ito, [Astaroth] at [Satan], ay kapareho ng pangalan ng isang Demon Lord at isang Archdevil.

Nagamit na ito ni Marvin dati sa labanan, at epektibo naman ang mga ito. Kahit na hindi sila kasing lakas ng Brilliant Purple, ang mga baril na ito ay ilan pa rin sa mga malalakas nab aril sa Feinan.

Naisip niyang dahil wala siyang magandang sandata, baka mahirapan siya sa melee.

Kaya naman, nagpalit agad siya at naglagay ng malaking halaga ng exp sa kanyang Battle Gunner class.

Malinaw na wala na siyang pakialam sa exp penalty ng ikalawang subclass kaya direkta niya itong pinataas sa level 10.

Kaya naman, agad siyang nagbago at naging isang Level 10 Ranger at peak Battle Gunner.

Para naman sa kanyang Skill Points, bukod sa basic na paghahati nito (ang paglalagay ng SP sa Shooting Accuracy at iba pang passive skill), inilagay na niya ang iba pa sa Market Scuffle.

Ang melee technique na ito ay maaaring mapahusay ang kanyang battle ability sa ngayon.

Kahit na mawawalan na ito ng silbi sa oras na bumalik na ang kanyang Legend level, kailangan pa rin niya ito sa sitwasyon niya ngayon.

Lalo pa at kailangan niyang manatiling buhay

Habang iniisip ito, naghanda na si Marvin na buksan ang baul at tingnan ang laman nito.

Noong oras na ito, mayroong siyang napansing aninong tumatalon!

'May ibang tao dito…'

Hindi gumalaw si Marvin.

Agad siyang gumamit ng Earth Percpetion at nagawang makita ang lahat ng nasa kanyang paligid.

Sa isang halaman sa hindi kalayuan isang bahagyang matabang anino ang dahan-dahan na papalapit sa kanya!

Kumukulo ang kanyang Shapeshift Sorcerer bloodline, hindi na niya kailangan pang tingnan ito para malaman kung sino ito.

'Sino ba talagang nagpadala ng Blade Demon na 'yon?'

'Marami akong ginalit na tao, pero wala naman akong masyadong interaksyon sa Abyss…?'

'Hindi kaya ang am ani Balkh? Hindi ba masyado namang mabilis?'

Hindi na niya ito masyadong inisip at nagpatuloy na ito sa pagkilos.

Sa unang tingin, mukhang bubuksan na ni Marvin ang baul, pero sa katunayan, nakahawak na ang dalawang kamay niya sa kanyang mga baril.

Alam niya na mayroong malakas na Constitution ang mga Blade Demon at mahihirapan siyang patayin ito gamit lang ang dalawang baril.

Sa teritoryong ito, dahil sa pagwalang bisa sa mga Legend, ang Blade Demon ay nakakalamang dahil sa likas nitong kakayahan sa mga melee battle.

Pero hindi naman nag-aalala si Marvin dito.

Mahusay siya sa pagharap sa mga Demon.

Patuloy pa ring papalapit ang Blade Demon.

Mahinahon ito sa pagkilos. Ang pagtatago nito sa ilalim ng lupa ang pinakamakapangyarihang kakayahan nito dito, kung hindi tinuro sa kanyang ni Kangen ang malakas na sensory ability, marahil ay hindi na siya napansin ni Marvin.

Naghihintay ito, naghihintay na lumuhod si Marvin at buksan ang baul.

Ito ang panahon kung saan ito pinakamahina ang depensa.

'Patayin ang taong 'to para matapos ang misyon.'

Sa mga oras na ito, tanging si Marvin lang ang pinupunterya ng Blade Demon.

Sa susunod na segundo, lumuhod si Marvin.

"Woosh!"

Isang anino sa kanyang likuran ang biglang lumabas.

Sa buong Hunting Grounds, sunod-sunod na naglilitawan ang mga tao.

Karamihan sa kanila ay namumtla, pero nanatili pa ring mahinahon.

Sa isang sulok ng Hunting Grounds, isang babaeng may pulang mata ang nakatingin sa apat na lalaking malapit sa kanya, at mayroong masamang intensyon sa kanya. Tila kinakausap nito ang kanyang sarili. "Nagsimula na pala ang Hunt?"

"Simula…" Tamad na bulong ng Wisp, "Kahit na hindi ko alam kung sinong nagbukas ng Autumn Hunting Ground, siguradong hindi ito ang Wilderness God… Siguradong hindi siya ganoon kabagot. Kung mayroon itong lakas para buksan ang hunting Ground, siguradong pipiliin nitong gumising. Kung ibang tao ito, wala silang dapat na ipag-alala.

"Patayin mo na sila. Hindi sila mabubuting tao. Kapag mayroon ka nang sapat ng Hunter Imprint, makakapasok ka sa tunay na Wilderness Hall."

"At kapag nangyari 'yon, magkakaroon ka ng pagkakataon na makuha ang tunay na Cold Light's Graps."

"Teacher, hindi mo kailangan mag-alala sa lagay ng isipan ko," Mahinahong sabi ni Isabelle. "Papatayin ko pa rin ang apat na 'to kahit na mabubuting tao sila."

Wala nang nasabi ang Winter Assassin matapos marinig ang sinabi ni Isabelle.

Natuliro rin ang apat na lalaki.

Ang apat na ito ay mga adventurer sa Holy Light City, at nanggalin sa isang Secondary Plane.

Hindi sinasadya ang pagpunta nila sa Crimson Wasteland at naging mga Legend dahil sa paglagpas sa mga mahihirap na mga pagsubok .

Nabalitaan nilang ang Cold Light's Graps ay nasa kasukalan sa dakong silangan ng Holy Light City kaya nagpunta sila para subukan ang kanilang swerte.

Hindi nila nahanap ang mga dagger, pero may nakita silang isang magandang babae.

Mukhang may problema ito sa pag-iisip at madalas nitong kausapin ang kanyang sarili.

Sinabi ng apat na sama-sama na silang maglakbay pero tumanggi si Isabelle.

Pero matapos silang higupin sa Autumn Hunting Ground, nabunyag ang kanilang tunay na kulay.

"Pasensya na, nene." Dinilaan ng isa sa mga lalaki ang kanyang labi. "Kailangan naming ng mga Hunter Imprint. Mukhang hihiramin naming ang sayo…"

Hindi pa siya natatapos sa kanyang sinasabi nang may liwanag na kumslap.

Bumagsak sa lupa ang isang ulo!

"Ilang beses ko na bang sinabing wag mong gamitin ang innate ability mo!" galit na sinabi ng Winter Assassin.

"Teacher, hindi ko ginamit," mahinahong sabi ni Isabelle, makikita ang tuwa sa kanyang mukha. "Mukhang bumagal ang reaksyon nila sa lugar na 'to."

"At mukhang hindi ako naapektuhan ng law ng lugar na 'to."

Tiningnan ng tatlo ang sumisirit na dugo mula sa walang ulong katawan ng kanilang kasamahan, biglang nanlaki ang kanilang mga mata.

Pero huli na ang lahat para tumakas.

Sa madilim na Hunting Ground, isang grupong suportado ng Holy Power ang lumitaw.

"Teritoryo nga ito ng Wilderness God."

"Kung makakapasok tayo sa Wilderness Hall at makuha natin ang Colfd Light's Grasps, siguradong pupurihin tayo ng ating God!"

Isang walang takot na Cleric ang tumingin sa walang laman na kalangitan at malakas na sinabing, "Siguradong magtatagumpay tayo!"

Sa likod niya ay mayroong 6 na Paladin na tahimik na bitbit ang kanilang mga espada.

Kumikisap-kisap ang mga espada, tila maliwanag ang emblem ng Dream Shrine.

Tiningnan ng Cleric ang Paladin na nasa tabi na mayroong dalang babae at malumanay itong kinalabit, "Ang pagbabago ng paniniwala mo ang pinakamagandang paraan."

"Patay na ang God of Truht, at ang kaluwalhatian ng aking God ay magliliwanag sa buong Universe. Sa Dream Shine ka nababagay."

"Susubukin ng misyon na ito ang paniniwala mo. Tulungan mo kong tapusin ang misyon na ito at kukumpletuhin ko ang ritwal ng pag-Convert. Kasabay noon, gagawin ko ang kasunduan natin, tatanggalin ko ang curse sa batang babae."

Makikita ang sakit sa reaksyon ng Paladin.

Pero habang iniisip ang nakakatakot na curse sa katawan ng batang babae, yumuko na lang ito.

Matapos pumalya ang pagmamaka-awa niya sa Holy Light City, pumayag na siya sa hinihiling ng Dream Shrine.

Ang pagbabago ng kanyang paniniwala.

Tatalikuran na niya ang Truth God at maniniwala sa Dream God.

Syempre, hindi naman nila ito agad pinabago dahil baka kailanganin ng kanilang misyon ang isang Paladin na kayang gumamit ng Truth Scale. Pinagpaliban muna ng Cleric ang Convertion Ritual at ipinangakong basta tulungan sila ni Griffin na tapusin ang misyon, tutulungan nila ito.

Walang nagawa si Griffin.

"Kahit na namatay na ang Truth God, hinding-hindi mamamatay ang Truth," mahinang bulong ng Paladin. Sinabi naman niya sa iba na, "Tara na, nakakaramdam ako ng mga halimaw na mayroong Hunting Imprints na nagtitipon sa bandang harapan natin."

"Kapag mas mabilis tayong nakapangolekta ng Hunter Imprint para makarating sa Wilderness Hall, mas makakabuti para sa misyon mo."

Ang mga Legend powerhouse ay naglitawan na sa lahat ng sulok ng Hunting Ground.

Ang ilan ay nagkaharap agad sa umpisa at nagsimula nang maglaban, habang ang iba naman ay mag-isang nangangapa. Mayroon namang iba na napunta sa mga kuta ng halimaw at naipit sa bugso ng mga halimaw.

Noong mga oras na iyon, sa isang di matukoy na lugar, biglang nagkaroon ng Space Distortion.

Isang babaeng mukhang trese anyos ang mapagmataas na lumabas mula sa Space Distortion.

Ang lahat ay hinigop papasok ng vortex

Siya lang ang kusang pumasok sa Hunting Ground.

Sa kalangitan, kumislap ang buwan, na tila mayroong itong sinasabi.

Tumingin ang batang babae sa buwan at sinabing, "Faniya, oras na para tuparin mo ang pinangako mo."

"Isa pa, ang Locust na 'yon…. Ay dapat ituring na Anzed Power at maibalik sa amin."

Mayroong bulaklak sa kanyang kamay. Ang bulaklak ay mayroong limang talutot na iba-iba ang kulay at mukahng mayroong dalawang kulang sa mga ito.

Tahimik nitong tiningnan ang makulay na bulaklak, at narinig niya sa kanyang isipan ang boses ng mas nakatatandang babae. 'Sa pamamagitan lang ng pagbuo muli sa Anzed Power ka magiging tunay na Witch Queen.'

'Sa pitong Witchcraft Rights, nakuha na natin ang lima. Kailangan mong makuha ang dalawa pang natitira.'

Habang iniisip ito, nagtungo ito sa kaibuturan ng kasukalan.

Doon, isang matangkad na templo ang maaaninag.

Sa puwang sa bundok, sa apoy, katabi ng baul.

Agad na kumilos si Marvin nang maramdaman niya ang awra ng Blade Demon.

Agad siyang umabante para maiwasan ang mabagsik na atake ng Blade Demon.

Umapak ang kanyang kaliwang paa sa baul at umikot ang kanyang katawan!

"Bang! Bang!"

Habang paikot siya, eksakto naman na pumutok ang dalawang baril at tinamaan ang tiyan ng Blade Demon!

Sa sobrang lapit na distanya, mahirap maiwasan ang putok ng baril!

Biglang napigilan ang pag-atake ng Blade Demon. At kahi na matindi ang pangangatawan nito, maaapaketuhan pa rin ito ng dalawang tama ng bala.

Sinamantala naman ito ni Marvin at bahagyang umatras.

Pagkatapos, biglang nawala ang mga baril na hawak nito.

[Sleight of Hand – Weapon Switch]!

Ang dalawang pistol ay naging shotgun!

'Sinabi ni Constantine na nakadisenyo ang bala nito para labanan ang mga Demon, gaano kaya ka-epektibo 'to.'

Habang iniisip ito ni Marvin, walang pag-aalinlangan niyang kinalabit ang gatilyo!

"Bang!"

Tumalsik si Marvin patungo sa burol dahil s amalakas na sipa ng shotgun.