Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 506 - Magic Eye

Chapter 506 - Magic Eye

__ 

Ang sino mang may kaalaman sa pakikipaglaban, makita pa lang ang property nito ay masasabing kapaki-pakinabang ito sa isang laban

Dahil ang ano mang ability na kayang makapgpatigil ng oras ay katumbas ng isang Legend Spell!

Hindi dapat ito minamaliit dahil lang sa maikling oras ng epekto nito. Ang isang segundo ng Area Freeze o ang tatlong segundo ng Sing-Target Freeze ay sapat na para sa mga makapangyarihang nilalang.

Nang magtulong-tulong sina Inheim, Hathaway, at Owl na harapin ang Shadow Prince, umasa sila sa Space-Time Bind spell para mabigyan ng pagkakataon si Owl na manakaw ang Time Molt.

Ang nakakapanghinayang lang dito ay malinaw na ilang beses nang nagamit ang Time Funnel at mayroon na lang dalawang gamit na natitira dito.

Natuwa si Marvin nang makita ang item. Mabuti na lang at hindi ito ginamit ni Balkh sa laban nila.

Marahil hindi niya rin alam kung ano ito… o baka hindi ito nagkaroon ng pagkakataon para gamitin ito.

Ang tanging pagkakataon lang na binigay sa kanya ni Marvin ay noong nahuli siya ng ni Corrupt 21. Malas na lang ni Balkh na naging sakim ito at ginusto niyang maging taga-sunod si Marvin.

Kung naging mas desidido si Balkh, kahit na hindi naman siguro namatay si Marvin, siguradong malaki ang mawawala kay Marvin.

Halimbawa na lang, baka napilitan siyang gamitin ang Magic Addict Shape. Ang Magic Addict Shape ay makapangyarihan, pero gagamitin lang ni Marvin ito bilang huling alas.

Kumpara sa Greyhawk Staff, na maaaring gawing Nature Wizard ang sino man, ano mang oras niya gustuhin, mas masaya si Marvin sa nakuha niyang Time Funnel.

Kapag may kaharap siyang makapangyarihang kalaban, malaki ang magiging epekto nito sa isang laban hanggang kamatayan.

Habang ang ikatlong item naman ay tila isang bagay na hindi magagamit ni Marvin.

[Magic Eye (Oddity)]

[Description: Pag-aari ng Anzed Witch]

[Property 1: Daily Witchcraft usage +5]

[Property 2: Maaaring makagamit ng Middle Ranked Witchcraft araw-araw pati na tatlong Lesser Witchcrafts]

[Property 3: Sa tuwing gumagamit ng (Witchcraft – Search), maaaring may makuhang hindi inaasahang bagay ang gumagamit.]

Bawat isa sa tatlong effect ay maganda.

Sa kasamang palad, hindi ito isang common item, sa halip, isang item na may matinding kondisyon sa paggamit.

Ang karamihan ng mga Oddities ay espesyal. Pambihira o espesyal ang mga ito, at maaaring maikumpara sa mga Artifact.

Lalo pa at maaaring gayahin ang mga Legendary Item, pero ang mga Artifact at Oddities ay iisa lang.

Mayroong Anzed Bloodline si Marvin. Lalo pa at, ito ang unang grupo ng mga Human na nakaabot sa Feinan, pero sila rin ang unang clan na nilipon. Ang mga Anzed ay naniniwala sa Witchcraft at mga Withc. Ang Witchcraft ay mayroong sariling sistema at wala itong kinalaman sa Universe Magic Pool.

Ang tanging bagay na sigurado si Marvin ay isang misteryosong clan ang mga Anzed Witches, at ang kanilang pambihrang Sistema ng [Witchcraft] ay makapangyarihan. Ang isang particular at pambihiran Witch ay dating naging isang Plane Guardian, at kahit na naging kaunti na lang sila, mukhang napanatili nila ang kanilang lakas.

Sa mga manlalaro ng Feinan Continent, ilan sa mga ito ang naging Anzed Withc, pero ang mga taong iyon ay hindi kailanman inilabas o sinabi kung paano sila nag-advance. Makapangyarihan ang mga taong ito.

Pamilyar si Marvin sa mga Anzed Witch sa kanyang buhay.

Ang sumpa ni Hathaway ay nagmula sa isang ancient inheritance, isa bagay na hindi inasahan ni Marvin. Pero nang makuha niya ang Witch Queen's Tear, naunawaan na niya ang lahat.

Hindi lang siya binigyan ng bonus willpower nito, pero nang makuha niya ang lahat ng kailangan at pinaghandaan ito, binigyan niya rin ito ng kakayahan na gamitin ang Witchcraft [Flight]. Suablit, hindi pa niya naaabot ang level na maaari na niyang magamit ang isang item na nasa level ng [Magic Eye].

Sa madaling salita, wala siyang paggagamitan ng Oditty na ito sa ngayon, pero mas mabuting itago niya ito at pwede niya itong iregalo kay Hathaway.

Dahil natapos na ang kanyang pagpapa-appraise, wala nang dahilan si Marvin para manatili pa sa Black Swan Hill.

Naramdaman niyang mayroong mali sa pagtatago ng matanda sa kanyang reaksyon tungkol kay Minsk, pero hindi naman siya maaaring manatili na lang doon. Kahit na mas maraming ordinaryong tao ang naninirahan sa Black Swan hill, hindi ito ganoon kalaki at sandaling oras lang ang kailangan niya para maikot ang kabuoan nito. Nagtanong-tanong siya ngunit wala siyang nakuha impormasyon tungkol kay Minsk kaya naman umalis na siya.

Sa pagkakataon na ito, kailangan niyang dumaan sa dalawang bundok na may nyebe para maabot ang Holy Light City, kung saan sinasabing tag-sibol dito buong taon.

Sa katunayan, walang regular na kilma sa Crimson Wasteland. Kakaiba ito at hindi pabago-bago.

Ang Black Swan Hill ay mayroong tipikal na temperature ng isang bulubundukin,. Habang ang Holy Light City naman ay isang siyudad na mainit at mayroong malawak na damuhan, kahit na mayroong bundok ng nyebe sa isang tabi nito.

Kung wala ang mga puwang sa mga bundok na ito, na ginagamit sa paglalakbay ng mga tao, marahil hindi naabot ng Holy Light City ang estado ng siyudad at hindi naging sentro ng kapangyarihan ng mga Human sa Southern Wasteland.

Base sa deskripsyon sa mapa, mula sa Black Swan Hill, kailangan nyang magpatuloy sa Lost Path bago niya maabot ang paanan ng bundo ng nyebe at mahanap ang [Torch Valley]. Matapos ang mapayapang paglalakbay sa kalmadong daan na ito, makikita na niya ang Holy Light City.

Pero nakakuha rin ng karagdagang impormasyon si Marvin sa Black Swan Hill.

Hindi niya alam kung may kinalaman bai to sa paglitaw ng Cold Light's Grasp dagger, pero tila naging mapanganib na ang bundok na ito.

Maraming naglalakbay ang umalis sa Lost Path at hindi nila nahanap ang daan papasok sa Torch Valley dail natabunan na ito ng mga malalakas na pag-ulan ng nyebe.

Wala silang magagawa kundi akyatin ang bundok na puno ng nyebe, kaya naman naging mas mapanganib ito.

Maraming nakatagong panganib sa nyebe, iba't ibang uri ng nilalang: Snow Woman. Immortal Snow Soul, Undead Dragon, at iba pa. Marami sa mga ito at masyadong makapangyarihan para harapin ng isang pangkaraniwang Legend powerhouse.

Mayroong nakapagsabi ng gawa ng tao ang malalakas na pag-ulan ng nyebe. Maaaring mayroong malakas na Wizard na nagmamanipula ng panahon dahil ayaw nitong magpunta ang mga tao para hanapin ang [Cold Light's Grasp].

Kamakailan, maraming tao sa Black Swan Hill ang sumubok na magpunta sa Holy Light City pero napigilan ng pag-ulan ng nyebe at kinailangan bumalik.

Nagkataon naman na mayroong grupo ng adventurer ang naghahandang magtungo sa Holy Light City nang umalis si Marvin. Sinubukan raw akyatin ng mga ito ang bundok tatlong araw na ang nakakalipas, pero sa kasamaang palad, ay nakaharap ng isang half-awakened Immortal Snow Soul sa isang avalanche.

Ang isang Immortal Snow Soul ay isang kumpol ng mga Snow Soul, pero ang lakas nito sa pakikipaglaban ay higit na mas malakas kumpara sa isang pangkaraniwang Snow Soul, kaya naman mahirap talunin ang nilalang na ito kahit ng isang grupo ng mga Legend. Maaari pang mamatay ang mga ito dahil sa haba ng itatagal ng kanilang pakikipaglaban. Kaya naman, karamihan ng mga taong nakakakita ng natutulong na Immortal Snow Soul ay agad na aatras, Hindi magandang hakbang ang pagharap sa isang tulad nito sa gitna ng malakas nap ag-ulan ng nyebe.

Dahil pareho naman sila ng pupuntahan, inimbitahan ng grupo si Marvin na sumama sa kanila noong kumakalap pa ito ng impormasyon. Tinanggap naman ito ni Marvin at sumama sa kanila.

Mas mabuting sumama sa mga beterano kesa mag-isang gawin ito.