Kahit na naiwsan nila ang patibong sa ngayon, malinaw na may pagdududa ang Vampire.
Tiningnan niya si Marvin at hindi mapigilang magtanong, "Paano mo nalaman na ang Theater Spirit ay naninirahan sa walang ulong katawan?
Sa kanyang palagay, mas mukhang naninirahan ang Spirit na ito sa ulo ng payaso.
Direkta namang sumagot si Marvin, "Swerte."
Suminghal si Gwyn, malinaw na hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Marvin.
Pilit lang na tumawa si Marvin.
Hindi naman siya nagsisinungaling. Sa dati niyang buhay, ang Theater Spirit ay ang tinatagong boss ng Saruha Instance na mahirap palabasin. Hindi niya pa ito natatapos kaya wala pa siyang karanasan dito.
Pero nang mabasag ang salamin, bahagyang nabawasan ang hindi maarok na lakas ng Theater Spirit at may napansin si Marvin.
Isa itong misteryosong pakiramdam, na para bang nagkaroon siya ng pambihirang pandama.
Sa kanyang pananaw, kahit na ang Perception niya ay hindi ganoon kataas, ang kanyang kaluluwa ay mas malakas kumpara sa mga pangkaraniwang tao. Kapag may kaharap siyang masamang nilalang, nagtitiwala siya sa kanyang instinct.
Bilang resulta, nagbunga naman ang kanyang pagbabakasakali.
Noong una, ano mang mangyari, isang napakahirap kalabanin ng Theater Spirit.
Kahit na nahanap nila ang core nito, kailangan pa rin nilang labanan at talunin ito. Pero inilabas ng Theater Spirit ang lakas nito na parang isang malaking alon, kaya naman walang naiwan para pumrotekta sa core nito nang direktang puntahan ito ni Marvin at patayin.
Ito ay dahil sa biglaang pag-atake ni Marvin at dahil sa Evil Spirit Envoy na nagmamanipula sa Theater Spirit.
Ang Theater Spirit ay isa lang koleksyon ng mga kamalayan ng Evil Spirit. Ang katauhan nito ay binubuo lang ng halo-halong masasamang pag-iisip.
Pero walang itong pansariling control.
Makapangyarihan ito pero kailangan pa rin itong kontrolin ng malakas na Evil Spirit Envoy.
May kalayuan ang Desolate Ancient Altar mula sa Residential District kaya hindi madali para sa mga Envoy na manipulahin ito, idagdag pa na napatay ni Pale Hand ang isa sa mga Evil Spirit Envoy.
Sa isang saglit na iyon, lahat ng masasamang intensyon na naipon sa Theater Spirit ay nagsimulang paglabanan kung sino ang mamumuno, at ito ang napansin ni Marvin!
…
Inisip ni Marvin ang nangyari.
Kasalukuyang isang tao lang sa Saruha ang may kakayahang pumatay ng Evil Spirit Envoy.
'Dahil aksidente niyang nakasalubong ang Evil Spirit Envoy, ibig sabihin, nilampasan niya ang Residential District at direktang nagpunta sa Desolate Ancient Altar.'
'Basta lumayo tayo sa dito, siguradong maiiwasan natin siya!'
Mabilis na nag-isip si Marvin at pinangunahan si Gwyn sa paglabas ng teatro at nagtungo sa kabilang direksyon!
Sa direksyon na iyo ay ang Ancient Gnome Arsenal.
Kung tama ang pagkakatanda ni Marvin, ang Arsenal na ito ay hindi pinamumugaran ng mga Evil Spirit, dahil may ilang construct ang nagpapatrolya sa loob.
Ang mga construct na ito ay pare-pareho ang modelo. Karamihan sa mga ito ay mga X-1 Model, ang ilang ay mga elite type construct, pero sa bilis ng mga ito, kayang-kayang takbuhan nila Marvin ang karamihan ng mga makapangyarihang construct.
Mayroong Magic Steel Gate sa pagitan ng Residential District ang ng Arsenal na maaaring humarang sa daan.
Sa oras na selyado na ito, kahit pa gustuhin ni Pale Hand na makapasok dito gamit ang Shadow Plane, hindi niya ito magagawa.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kampante si Marvin na maililigtas niya si Gwyn.
Kahit na hindi niya gaaong kabisado ang Saruha tulad ng Crimson Monastery, mas marami naman siyang nalalaman kesa sa mga Wolf Spider!
Hindi nagdalawang-isip ang dalawa at nagmadaling magpunta patungo sa Steel Gate na naalala ni Marvin.
…
Bilang naalala ni Marvin na marami pang baul ng kayamanan ang nasa Residential District ng mga Ancient Gnome.
Kahit na marahil mga common item lang ang nasa loob ng mga baul na ito, mayroon ding tyansang makakuha sila ng magandang item.
Pero dahil matagumpay nilang natalo ang Theater Spirit at nakakuha si Marvin ng 10000 battle exp, kuntento na si Marvin.
Isa pa, nakuha niya rin ang Spirit Armband!
Ang Spirit Armband ay ginawa ng mga Evil Spirit Envoy para manipulahin ang Theater Spirit. Kahit na isa lang ang property nito, mahalaga naman ito!
[Spirit Armband]
[Quality: Magic]
[Property: Willpower +2]
Ang pagtaas ng Willpower ay ginagamit para mapigilan ng Evil Spirit Envoy ang ano mang magulong emosyon sa loob at mas ma-kontrol ito nang mas maayos. Kaya naman, kapaki-pakinabang ito para kay Marvin.
Para magawang labanan ang ulo ng Archdevil at ang panghihikayat ng Book of Nalu, kailangan niya ng item na makakapagpataas ng kanyang Willpower.
May naiisip siyang mas makapangyarihang piraso ng kagamitan sa Feinan na makakapagpataas ng kanyang Willpower. Pero wala ang mga ito sa Pambo Seashore, kaya naman hindi pwedeng isipin ito sa ngayon. Hindi naman niya inaasahan na makukuha niya ang Spirit Armband. Makakatulong ito para bumaba ang panganib na dala ng Book of Nalu sa kaluluwa ni Marvin.
…
Sa Desolate Ancient Altar, ang eksena ay nawala na. Hindi tanga si Sky at agad na naunawaan kung ano ang ginawa niya!
'Theater Spirit!'
'Nasa loob pala sila ng sikmura ng Theater Spirit. Dahil ata ito sa Evil Spirit Barrier. Punyeta! Ako pa ang naging dahilan kung bakit sila nakalabas!'
Masama ang loob ni Sky.
Pero wala nang magagawa ang pagsama ng kanyang loob. Napatay niya ang Evil Spirit Envoy at dahil dito, galit nag alit si Tidomas!
Ang malaking ulo ng Dragon ay biglang nagsimula na mag-chant gamit ang Dragon Language.
Ang natirang Evil Spirit Envoy ay nagalit din. Kahit na nais ipaliwanag ni Sky na pareho lang ang gusto nilang mangyari, wala na rin itong silbi!
Nagpalabas ng isang spell ang Evil Spirit Envoy.
Gayunpaman, napatay na ni Marvin ang Theater Spirit. Hindi sila makaka-alis sa Desolate Ancient Altar, at kung hindi kusang pupunta sa kanila si Marvin, mawawala na ang pagkakataon nilang ipaghiganti ang Decaying Plateau!
Habang iniisip ito, parehong si Tidomas at ang Evil Spirit Envoy ay nais ilabas ang kanilang galit kay Pale Hand!
Umalingawngaw ang boses ng Dragon mula sa Desolate Ancient Altar.
Kahit na isa lang itong Projection, nakakagamit ito ng magic sa pamamagitan ng Dragon Language!
Pinagsama ni Tidomas ang Evil Spirit chant at ang Dragon Language magic para makagawa ng sarili niyang Dragon Chanting Technique.
Sa isang iglap, natahimik ang buong Altar.
Muli na namang nagulat at nagalit si Sky. Gumagamit siya ng mga escape skill pero tila hindi siya makalabas sa Barrier.
"Selyado ko na ang altar na ito. Kahit na mayroon kang makapangyarihan na escape skill, hindi ka makaka-alis." Panunuya ni Tidomas.
"Harapin mo ang kamatayan dahil sa pagsira mo sa aming plano, peste ka."
Sa sumunod na sandali, kumilos na ng ulo ng Evil Dragon, at napakaraming asido at lason ang naghalo habang papalipad ito papunta kay Sky!
…
Ang dalawa naman ay mabilis na binabagtas ang Residential District at halos hindi na napapansin ang mga nadadaanan nilang Evil Spirit.
Nakita nila ang isang matangkad na Steel Gate sa malayo.
Isang grupo ng tao ang nakatipon sa harapan nito.
Ang mga Wolf Spider mercenary!
Nagulat ang mga ito nang makita nila si Marvin at Gwyn.
Ang pinuno ng mga Wolf Spider na si Rem ay hindi napigilang sabihin na, "Buhay pa kayo?!"