Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 192 - Ivan’s Humiliation

Chapter 192 - Ivan’s Humiliation

Matapos iwan ni Ivan si Marvin sa Tornado Town noong araw na iyon, mag-isang naglayag ito sa karagatan. Ginawa nito ang lahat ng makakaya para lang mahabol ang Ancient Red Dragon.

Pero kahit na natakot si Ell dahil sa Dragon Killer Sword, hindi naman ito gaanong tinamaan nito.

Sinamantala ni Ivan ang pagpapahinga ni Ell sa isang isla para palihim na umatake!

Matindi ang naging labanan ng magkabilang panig, pero alam naman na kung ano ang kinahinatnan nito. Kahit na ang makapangyarihan na Elven War Saint ay tila isang laruan lang para sa Ancient Red Dragon na si Ell.

Natalo si Ivan.

Kadalasan, dahil mainitin nag ulo ni Ell, hinahabol niya ang kanyang mga kalaban sa ganitong klase ng sitwasyon.

Pero noong mga panahong iyon ay naapektuhan siya ng Dragon Killer Sword, kaya naman hindi na niya ito itinuloy.

Ang inisip ng praning na Red Dragon na ang South Wizard Alliance ang may pakana nito, kaya naman hindi na niya sinundan si Ivan.

Maswerteng nakatakas si Ivan.

Pero hindi ibig sabihin nito na pinabayaan na siya ni Ell.

Hindi niya ito mismo sinundan pero nagtawag ito ng isa pang Adult Red Dragon para habulin si Ivan.

Kaya naman isang mabagsik na laban ang naganap sa karagatan.

Saisang normal na sitwasyon, sapat sana ang lakas ni Ivan para pulbusin ang Adult Red Dragon na ito.

Pero matingding pinsala na ang natamo nito. At hindi nababagay ang karagatan para sa pakikipaglaban ng isang War Saint na hindi kayang lumipad. Nagtuloy-tuloy ang kanilang laban at humaba nang humaba!

Pero sa huli, pareho lang napinsala ang dalawa.

SInuntok ni Ivan ang Red Dragon gamit ang lahat ng kanyang lakas. May kaunting kapangyarihan niya ang nanatili pa rin sa katawan ng Red Dragon, kaya naman nararamdaman niyang malapit lang ang Red Dragon.

Nalagay sa alanganin nag buhay ng Red Dragon dahil sa suntok na ito, pero sa kasamaang palad, kaya nitong lumipad, kaya naman hindi nagtagumpay si Ivan sa pagpatay ditto.

Nag-aalinlangan naman si Ivan na ikwento ang mga sumunod na pangyayari.

Pero kahit na ganoon, ang istorya ni Ivan na itinuturing niyang "Kahihiyan" ay lumabas din dahil sa sunod-sunod na pagtatanong ni Marvin.

Ang kawawang Ivan ay pabalik na sa Feinan na malubhang sugatan.

Pero habang nagpapalutang-lutang siyang, nakasalubong niya ang isang grupo ng kababaihan.

Isang grupo ng kababaihang wala sa katwiran.

Mga Sea Elf ang mga ito.

Hindi tulad ng mga Wood Elf, namumuhay sa Matriarchy ang mga Sea Elf, kung saan kababaihan ang namumuno sa lahat.

Hindi rin pangkaraniwan ang grupo ng mga Sea Elf na ito. Tapa tang mga ito. Narinig ni Ivan na tinatawag ng mga Sea Elf ang isang marikit at eleganteng babae na "Queen."

Ang ibigsabihin nito ay ang katayuan ng Sea Elf na ito sa komunidad ng mga Sea Elf ay kapantay ng kanyang amang si Nicholas sa komunidad ng Wood Elf.

Iniligtas ng mga Sea Elf si Ivan.

Pero may masamang nangyari. Sa pagkakakwento ni Ivan, ang "Babaeng may malaking suso na walang utak" ay nagustuhan siya.

Hindi nito hiningi ang permiso ni Ivan at direktang dinala ito sa kanyang palasyo para pagpahingahin!

Sa pagkakakwento ni Ivan, muntik nang makuha ang kanyang pagkabirhen sa harap ng Sea Elven Queen!

Nanatili si Ivan sa palasyo ng Sea Elf sa ilalim ng karagatan. Noong mga panahong iyon, wala siyang nagawa kundi bumigay dahil nakikituloy lang siya doon.

Hindi niya kayang tapatan ang Sea Elven Queen, at wala pa rin itong gaanong lakas dahil sa mga pinsalang natamo nito.

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Ivan!

Ayaw niyang maging tagapaglahi ng mga maharlikang Sea Elf!

Sa wakas ay sinamantala na ng kawawang Ivan ang pagkakataon. Noong isang araw, nakahanap siya ng paraan para makatakas mula sa Royal Palace kaya agad itong tumakas!

Sa kasamaang palad, hindi nagtatagal ang lahat ng bagay. Hindi niya inakalang hahabulin siya ng Sea Elven Queen.

Nauwi sa isang matinding labanan ang dalawa.

Hindi pa rin kayang tapatan ni Ivan ang Elven Queen. Nawalan ito ng malay dahil sa mga pinsala, pero bago nangyari iyon, gumamit siya ng isang item na iniwan sa kanyang ng kanyang ina para makatakas.

Walang nakaka-alam kung saan niya nakuha ang nabubulok na kahoy, marahil dahil na lang ito sa kanyang kagustuhang mabuhay. Sa madaling salita, nawalan siya nang malay sa kahoy na ito at nagpalutang-lutang ng ilang araw.

Ang item ng kanyang ina ay tinulungan siyang makatakas sa paghahanap ng Sea Elven Queen, pero kung hindi siya nasagip ni Marvin, hindi nito alam kung saan sya dadamputin.

Kaya naman nabigla siya nang makita ang muka si Marvin at ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat.

At para naman sa nakahihiyang kweno niyang na naging isa siyang laruan ng sang grupo ng mga kababaihan, paulit-ulit na binalaan ni Ivan si Marvin na wag itong sasabihin kahit kanino.

Kung hindi, tapos na ang kanilang pagkakaibigan.

Matapos tumawa ni Marvin, nangako itong itatago niya ang lihim na ito.

Hindi niya inasahan na ang akapangyarihang Elven War Saint na ito ay maatalo ng ganoon. Napailing na lang si Marvin sa kanyang sarili.

Napakaraming malalakas at makapangyarihang babae sa buong mundo, at ang kanialng personal na lakas ay nahihigitan ng 99% ang lahat ng lalaking nilalang.

Dahil sa ganitong klase ng kapangyarihan ay garantisado silang magagawa nila ang lahat ng gusto nila at hindi sila sasailalim sa isang lalaki.

Pero minsan, gagamitin nila ang kapangyarihang ito para apihin ang iba…sa mga mas malalang paraan.

Pero ang pinakanakapukaw ng atensyon ni Marvin matapos marinig ang tungkol sa kahihiyan ni Ivan ay hindi ang grupo ng mga Sea Elf.

Alam niyang mapagmataas ang mga Sea Elf, na kahit na makilala niya ang mga ito, ituturing lang siyang "walang kwentang tao" ng mga ito. At mababait naman ang mga Sea Elf. Basta wag mo silang galitin, wala silang gagawin sa iyo.

Mas interesado siya sa Red Dragon.

Ayon kay Ivan. Ang Red Dragon ay nasa mga islang nakapaligid rito. Matapos itong tumanggap ng mainding pinsala mula kay Ivan, hindi nito kakayaning makalipad nang malayo!

Ang kapangyarihan ni Ivan na naiwan sa katawan ng Dragon ay mahusay na paraan para masundan ito.

Basta mahanap niya ang Red Dragon, 99% na ang kasiguruhan ng Elven Prince na kaya niya itong patayin.

Ang natitirang 1% ay nakadepende sa kakayahan nitong lumipad….

Saglit na nag-isip si Marvin bago tuluyang pinalakpak ang kanyang mga kamay at gumawa ng desisyon!

Kailangan mapatay ang Dragon!

Sayang naman kung hindi nila tatanggapin ang malaking regalo ng Experience at katanyagan sa pagpatay ng isang Dragon kung nasa harapan na nila ito.

Pero hindi siya kasing lakas ng Elven Saint na mayroong napakalakas na katawan na kahit na kalmutin siya nito ng ilang beses ay ayos pa rin siya.

Sa tantya ni Marvin hindi niya kakayanin ang atake ng Dragon kapag tinamaan siya ng kapangyarihan nito.

Kailangan pa rin niyang masiguro ang kanyang kaligtasan kung gusto niyang makapatay ng Dragon.

Kaya naman tinapik niya ang balikat ni Ivan.

"Magpahinga ka pa ng isang araw."

"Bukas ng gabi tayo kikilos."

Hating-gabi, sa kampo. Isang kakaibang kandila ang sinindihan ni Marvin.

Isang naiinis na boses mula sa matandang blacksmith ang lumabas mula sa kanidal. "Saan ka na naman nagpunta?"

"Bakit laging iba ang lokasyon mo sa tuwing tatawagan mo ako?"

Magsasalita pa lang si Marvin nang may isa namang mapagbirong boses ang sumabat, "Marvin, hindi na yata bagay sa isang Overlord ang mga kinikilos mo. Kung hindi mon a kaya, ibigay mo na lang sa akin."

Si Constantine.

Natuwa si Marvin, at agad na sinabi sa kanidal, "Sir Constantine!"

"May gusto sana akong hiramin sa iyo!"

Agad namang sumagot si Consatantine. "Ano 'yon?"

"Ah eh, 'yun…" Sinabi na ni Marvin kung ano ang gusto niya.

At agad namang sumagot ito. "Ayoko!"

Sa isang islang di kalayuan sa East Coast.

Isang malaking halimaw ang mahigpit na nakadikit sa pader ng bundok, at humihinga nang malalim.

Malubha ang mga pinsala nito. At kahit na malaking tulong ang makapangyarihang vitality ng mga Dragon, hindi pa rin niya matanggal ang kapangyarihan ng Elven War Saint.

Hindi matanggal ng Dragon Magic ang kapangyarihang ito.

Wala itong magawa kung dumikit sa pader para madagadagan ang patong ng pagbalatkayo nito sa kanyang katawan.

Matapos magpahinga ng ilang araw, maaari na itong lumipad nang malalayong distansya at saka ito hihingi ng tulong sa Elder Ell.

Hindi na ito magiging problema.

Pero sa ngayon, nasa panganib pa ang buhay nito.

Hindi mapakali ang Red Dragon at maya't maya tumitingin sa kapaligiran. Mayroon siyang kakaibang nararamdaman, na tila ba mayroong nakatingin sa kanya.

Pero hindi niya malaman kung saan ito nanggagaling kaya naman lalong hindi ito mapalagay.

Sa labas ng isla, ilang anino ng tao ang tahimik na dumating,

"Queen, bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa Red Dragon?" pabulong na tanong ng isa.

"Hindi ko siya mahanap, baka nagtatago siya," direktng sago ng Sea Elven Queen.

"Pero alam kong babalik siya para harapin uli ang Red Dragon na 'yon."

"Basta bantayan niyo lang ang Red Dragon, ako na ang mahihintay sa kanya."

"Queen, ganoon niyo po ba kagusto ang itsura ng Elven War Saint na iyon?" Tanong ng isa pang boses.

"Mababaw," singhal ng Queen. "Panlabas na katangian lang ang mga itsura, ang lakas at potensyal niya ang mahalaga."

"Alam niyo ba kung ilang taon na mula nang nagkaroon ang Elven Race, kasama na ang mga Wood Elf, Sea Elf, Moon Elf, at iba pa, ng isang [War Saint]?"

Hindi pa rin kumbinsido ang isa sa kanila at sinabin, "Pero Queen, isa ho kayong [Admiral], isang bagay na matagal na ring hindi nakikita."

"Kaya naman gusto kong anakan niya ako." Sabi ng Sea Elven Queen sa isang dominanteng tono, " Ang anak ng isang Admiral at ng isang War Saint ang magiging pinakamalakas na nilalang sa buong mundo."

"Nasasabik na ako sa araw na lumaki ang aming anak at maging pinakamalakas sa mundo."

Noong umaga, nakuha na ni Marvin nag kanyang hinihiling dahil pinadala na ni Constantine ang item sa pamamagitan ng espesyal na pamamaraan.

Para mahiram ang item na ito, ilang salita, pangako, at benepisyo sa pagpatay ng Dragon, ang kinailangan sabihin ni Marvin para makumbinsi si Constantine.

Mabuti na lang at hindi sila gaanong magkalayo at isang bundok lang ang nasa pagitan nila. At dahil isang Legend si Contantine, normal na sa kanya ang pagkakaroon ng espesyal na transmission technique para sa malalayong lugar.

Nakuha na ni Marvin nag bagay na iyon at nagsimula nang maghanda para patayin ang dragon.

Si Marvin lang at Ivan ang kailangan para sa pagpatay ng Dragon na ito.

Hindi na kasama ang iba pa.

Baka maihi lang sa takot ang mg sailor na ito dahil sa lakas ng Dragon na ito.

Hindi sila maaasahan ni Marvin.

Sinamantala na nila ang mataas na tubig at muling inutos ni Marvin ang paglalayag ng Southie. Sinundan nila ang perception ni Ivan at nagtungo pa-silangan.

Ang perception ni Marvin ay mahihigitan pa ang sa Dragon kapag gamit niya ang Sea Emperor's Crown.

Hindi nagtagal ay natagpuan na niya ang isla. Ang direksyon at distansya ay halos pareho sa mga inilarawan ni Ivan.

Inutos niyang itigil ang Sothie doon. Lumusong si Ivan at Marvin sa tubig at lumangoy na lang mula doon.

Hindi man ganoon kalakas ang pisikal na aspeto ni Marvin, namamanipula naman niya ang mga alon gamit ang Sea Emperor's Crown.

Nagpanggap sila ni Ivan bilang mga pangkaraniwang hayop sa karagatan at tahimik na lumapit sa isla.

Tumigil sila sa baybayin.

Hinintay nilang dumilim bago itinuloy ang kanilang plano.