Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 180 - Jealous?

Chapter 180 - Jealous?

Sa harap ng mapag-usisang tinging ng lahat, umubo si Marvin.

"Ayokong sabihin."

Nanlaki ang mata ni Madeline. Hinihiling niya na sana ay maaari niyang ilabas ang kanyang latigo at hagupitin ang lalaking ito hanggang sa humingi ito ng tawad!

Pero nang isipin niya ito, bigla siya nakaramdam ng kaunting sakit.

"Basta wala kang gawin para labagin ang command contract, walang masamang mangyayari sayo."

"Tama?"

Makikita ang inis sa mukha ni Madeline.

Bigla itong tumalikod at tiningnan ang buong hukbo ng River Shore City.

Tahimik ang lahat.

Pilit na ngumiti si White Gown Collins, at nagkibit-balikat.

Naka-upo lang ang Heavenly Sword Saint, at tanging si Marvin lang ang nakalusot sa pagsubok nito!

"Magiging Legend rin ako balang-araw!"

Huminga ng malalim si Madeline habang tinitingnan ang Heavenly Sword Saint. "At pagkatapos, tuluyan ko nang lilinisin ang lugar na 'to!"

Mahinahon namang sumagot ang lalaki, "Sige."

Gustong ilabas ni Madeline ang lahat.

Bwisit na bwisit siya.

Mayroon pang iilang tao sa River Shore City na hindi niya kaya!

Gamit lang ang kanyang talino at kagandahan, hindi na mabilang kung ilan na ang nabighani sa kanya.

Ngunit, sa pagsugod nila sa Scarlet Monastery, nakatagpo siya ng dalawang lalaking hindi niya kayang akitin.

Wala siyang laban sa una dahil masyado itong malakas. Habang napakatuso naman ng pangalawa.

Nagngalit ang mga ngipin ni Madeline habang iniisip ito.

Tinignan siya ng lahat, naghihintay ng kanyang iuutos. Kalmado namang naglakad patungo kay Isabelle si Marvin.

"Atras!"

Huminga ng napakalalim ni Madeline bago niya binitawan ang utos na ito habang sinusulyapan ang unti-unting naglalahong lagusan patungo sa lich.

Unti-unting umalis ang hukbo ng River Shore City sa Scarlet Monastery.

Hindi pa rin nila natapos linisin ang lugar na ito.

Ang ikinaganda lang nito ay hindi na muling makikita ang mga halimaw at ang mga Demon God Enforcer malapit sa River Shore City. Isa na rin itong maliit na tagumpay para kay Madeline at para sa mga naninirahan sa River Shore City.

Sa isang karwahe, nakasandal lang si Marvin at nagpapahinga.

Laging kalmado si Collins. Bukod sa pagkakataong kaharap niya ang Heavenly Sword Saint, kadalasan ay makikita ang pagiging mahinahon nito.

Ni hindi man lang nito tinanong kung ano ang kinuha ni MArvn sa underground floor.

Paglipas ng oras, biglang nagsalita ang matanda, "Kailan mo pala balak pakinabangan ang minahan na sinasabi mo?"

Bahagyang nag-isip si Marvin bago sumagot, "Malapit na siguro. Iaayos ko lang ang teritoryo ko pagbalik ko, tapos bubuo na ako ng hukbo…."

"Aasa ka sa mga Adventurer." Direkta mang magsalita si Collins, pero tama siya, kulang na kulang ang ng mga taong kayang lumaban ang teritoryo ni Marvin.

"MAraming expert sa Jewel Bay." Mahinahong sabi ni Marvin.

"Sasama naman sila basta bayaran ko sila."

Tumango si Collins. "Mukhang nakahanap ka ng mas mabilis na daan patungong Jewel Bay?"

"Medyo." Ngumiti si Marvin at sinabing, "Sabihin na lang natin na makukuha ko na sila sa loob ng dalawang linggo."

"Sige, pagkatapos ng dalawang linggo, magsisimula na tayo," pag-sang-ayong sabi ni Collins. "Pero hindi madaling kalabanin ang tribo ng mga Ogre. Kapag maraming mamatay sa mga tauhan ko, aatras ako mula sa laban."

"Wag kang mag-alala, mayroon akong plano," kampanteng sagot ni Marvin.

Lumipat lang naman ang tribo ng mga Ogre na iyon dahil hindi niya kayang mabuhay sa Shrieking Mountain Range.

Kadalasan ay mga 2nd rank ang mga Ogre Fighter, pero napakabagsik ng mga ito. Kung wala silang Wizard na kasama, kakailanganin nila ng hindi bababa sa hukbong mayroong 200 katao kung balak nilang harapin ang isang grupo ng mga Ogre na mayroong 20 miyembro.

Ang paggamit ng impormasyon sa mga ganitong sitwasyon; taktika ang tawag dito.

Sa madaling salita, malalakas na nilalang ang mga Ogre, pero karamihan sa kanila ay hindi ganoon kataas ang pag-advance.

Kakaunti lang ang mga naging Legend na Ogre sa buong kasaysayan ng Feinan. Pero nakakagulat namang napakaraming mga Half-Legend sa mga ito.

'Kailangan kong mapalayas ang mga Ogre na 'yon para umunlad ang White River Valley.'

'Ito lang ang tanging paraan para mabuksan ang baybayin ng teritoryo ko.'

'Kapag nakabuo na ko ng daungan, magiging madali na lang ang pakikipagkalakal sa Jewel Bay.'

'Ang White River at Pince Cone River ang mga pangunahing ilog ng Feinan. Basta magamit ko ng tama ang mga ito, mapapabilis nito ang pag-unlad ng White River Valley.'

'Pagkain at mga tauhan pa rin ang pinakamahalaga…'

Sa loob ng karwahe, iniisip na ni Marvin ang susunod niyang mga hakbang.

Pero noong mga oras na iyon, isang Teleportation Portal ang biglang lumitaw.

"Gusto mo bang isara ko?" tanong ni Collins. "Kalahati na lang ang presyo dahil may alyansa na tayo."

Kalahati? Hindi ba magiging sangkapat na lang iyon ng minahan?

Pilit na tumawa si Marvin. "Hindi na kailangan."

Hindi na siya natatakot sa ano mang gagawin ni Madeline ngayong may hawak na siyang Command Contract.

Nagkibit-balikat namn si Collins, habang hinahayaang makalusot ng portal ang babae.

"Baron Marvin!"

Seryosong lumapit si Madeline. "Sa tingin ko ay kailangan nating mag-usap."

Sa labas lang ng River Shore City, naglakad-lakad si Madeline at Marvin.

Si Isabelle na naglalakad lang kasunod nila ay mukhang anak ng mag-asawang naghiwalay na.

"Inutos ko na dalhin ang parte ng loot mo sa White River Valley."

"Bukod dito, nagdagdag na rin ako ng ilang bagay tulad ng pagkain, damit at ilang craftsmen na kailangan niyo."

"Hindi na kailangan kwestyunin ang sinseridad ko."

Natigilan si Madeline at tiningnan si Marvin. "Sabihin mo nga sa akin, ano baa ng kinuha mo sa Underground Floor?"

Pinasalamatan muna siya ni Marvin.

Saka muling nanahimik.

Hindi pa niya naisip kung ano ang magandang isagot kay Madeline.

Nakikita naman ni Marvin ang kagustuhan nitong maging isang Legend. Subalit, may nalalaman rin kasi siya tungkol sa paggamit ng ikatlong pahina ng Book of Nalu.

Mabait at tapat na tao naman ang nakababatang kapatid ng Heavenly Sword Saint noon, pero biglang naging baluktot at masama ang pag-iisip nito noong ginamit nito ang pahinang ito.

Kaya naman naging Lich ito at sinubukang mag-ascend para maging tauhan ng Slaughter God.

Isang nakakatakot na bagay ang Book of Nalu, at maaari nitong baguhin ang sino man.

Kung ito ang ika-anim na pahina, maaari pang iabot ito ni Marvin kay Madeline kapalit ang ilang bagay.

Tulad ng ginawa niya kay Hathaway.

Pero ang ikatlong pahina ang pinag-uusapan dito…

'Ito ang [Destruction]…'

Bahagyang sumakit ang ulo ni Marvin.

Kapag nakuha ni Madeline ang [Destruction], mag-advance man ito o mamatay, hindi gugustuhing makita ni Marvin ang alin man sa mga ito.

Kung mag-advance siya, mawawalan na nag bisa ang command contract. Kapag nangyari iyon, walang nakaka-alam kung ano ang maaari niyang sapitin.

At kung mamatay man ito, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa River Shore City.

Subalit, hindi pa ang pagkamatay nito ang pinakanakakatakot na kalalabasan sap ag gamit nito, kundi ang pagkabaliw… Umaasa si Marvin na mapanatiling matatag ang pwersa ng River Shore City at White River Valley dahil magkalapit lang ang mga ito.

Hanggang sa dumating ang panahon na kaya na niyang makuha ang kapangyarihang ito, pananatilihin niya ang kaayusan. Kung hindi, maaaring mailagay sa panganib ang White River Valley.

Kaya naman ipit siya sa sitwasyong ito.

"Kinuha moa ng Book of Nalu, no?"

Matalino si Madeline, nahulaan niya ito dahil sap ag-aalinlangan ni Marvin.

"Natatakot kang maghihiganti ako sayo kapag naging Legend na ako, tama?"

Biglang naging maamo ang boses nito. "Maniwala ka sa akin, hindi mangyayari 'yon."

"Sayo na ako ngayon."

"Hanggang sa gusto mo."

Biglang naging isang maamong dalaga ang noo'y mapang-akit na succubus.

Biglang itong naging maamo at tila ba mahiyain.

"Nakikiusap ako, ibigay mo na sa aki. Sayong-sayo na ako."

"Kasama na ang River hore City, makikinig at susundin nila ang lahat ng utos mo."

"Kung hindi pa rin sapat 'yon, pwede tayong magtulungan para gumawa ng mga bagong teritoryo. Gagawa ng panibagong ekspedisyon ang River Shore City at White River Valley para gumawa ng mga panibagong bayan, mas tataas rin ang noble rank natin sa South Wizard Alliance. Count Marvin? Ayaw mo ba noon?"

"Madali lang makuha ang lahat ng 'to."

"Basta ibigay mo na sa akin ang Book of Nalu."

Matapos sabihin ito, hinawakan nito ang balikat ni Marvin.

Bahagyang mas matangkad si Madeline kay Marvin.

Makikita ang pagiging mahiyain nito sa kanyang mukha. Kung makita ito ng ibang tao ay siguradong tatalon ang kanilang mga puso.

Pero hindi nahulog dito si Marvin

Nako! Isa kang Succubus… umaarte ka pang napaka-amo, hindi bagay.

Hindi niya inaasahang bigla siyang hahalikan nito.

Natigilan si Marvin.

Mga mapanganib na kilos lang ang ipinagbabawal ng mga command contract, pero hindi pinagbabawal nito ang mga ganito.

'Pucha! Bigla niya kong hinalikan!'

Pipiglas n asana si Marvin nang bigla niyang naramdaman ang biglang paglamig ng kanyang mga labi.

May mga misteryosong kasulatan ang lumitaw sa kanyang mga labi bago napunta ito sa mga labi ni Madeline.

Biglang nagbago ang mukha ni Madeline.

Pero huli na ang lahat.

Isang malamig na hangin ang lumabas sa kanyang mga labi, habang gulat na gulat si Marvin napunta ito kay Madeline at naging yelo si Madeline.

'Ito ang…'

Maraming inisip na posibilidad si Marvin, hanggang sa maisip niya ang isang tao!

Ang naalala niya ay ang batang babaeng humalik sa kanya noong nasa balkonahe siya.

Si Hathaway!

At gaya ng inaasahan, noong pilit na ngumiti si Marvin habang tumatalikod, sinalubong siya ng seryosong mukha ni Hathaway.

"May gusto k aba sa Succubus na 'yan?" Seryosong tanong nito.

Umiling si Marvin, at nauutal na sinabing, "Hindi, …"

Hindi siya pinatapos ni Hathaway, "Kung ganoon bakit ka gumawa ng command contract imbis na patayin mo siya?"

Walang masabi si Marvin. "Bakit ko siya papatayin?"

Natahimik si Hathaway.

Kasalukuyan siyang isang 16 anyos na babae. Iba ang kanyang ugali at pasensya.

Sumakit ang ulo ni Marvin sa nangyayari.

"Ano ba to…. Nagseselos ba siya?" Mapag-usisang tanong ni Isabelle.

Kung hindi pa nagsalita ang batang babae, hindi nila ito mapapansin.

Lalong nalungkot si Hathaway nang sinulyapan nito si Isabelle. "Sino ang batang ito?"

"Baron Marvin, isa kang babaero…"

Huminga ng malalim si Marvin at ibinuka ang kanyang mga kamay, pinapahiwatig nito na huminahon si Hathaway.

Inisip niyang mabuti ang kanyang mga sasabihin bago tuluyang tinanong.

"Lahat ba ng babaeng hahalikan ko ay magiging yelo?"