Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 148 - Expected and Unexpected

Chapter 148 - Expected and Unexpected

Kinahapunan, kumalat na sa buong teritoryo ang balita ng pagbabalik ni Lord Marvin na dala ang labing-isang golden bull.

Ayon sa mga nakakita, bawat golden bull ay naglabas ng napakaraming pagkain.

At tanging si Lord Marvin lang ang nakapagpalabas ng mga pagkain sa golden bull gamit ang isang misteryosong taktika.

Bilang patunay sa balitang ito, bago sumapit ang gabi, bawat bahay na malapit sa palasyo ay nakatanggap ng napakaraming pagkain mula sa mga gwardya.

Sapat na ang pagkaing ito hanggang tag-lagas.

Para naman sa mga malalayong bahay, inanunsyo ni Marvin na makakatanggap rin ng pagkain ang mga ito.

Di nagtagal, sabik na sabik na ang mga tao sa White River Valley.

Nasolusyunan ng isang mahiwagang Lord Marvin ang napakalaking problema nila sa pagkain ng ganoon-ganoon lang!

Lalong tumaas ang katanyagan ni Marvin sa buong White River Valley, nalampasan niya pa ang kanyang ama, at halos mahabol na niya ang kanyang lolo na isang Wizard!

Pero hindi lahat ay naging masaya dito.

Lagi namang may nagbabago sa kanilang teritoryo.

May ilang taong nagpakalat ng balita. Noong gabing 'yon, kumalat ang balita tungkol kay Baron Marvin at ang labing-isang golden bull sa mga bahay-alak sa River Shore City.

Kung malaman ito ni Old Tucker at ng 3rd rank na Wizard, baka mamatay ang mga ito sag alit.

Gumawa pa sila ng paraan para lang protektahan si Marvin, pero hindi nila inaasahan basta na lang itong babalik sa kanyang teritoryo kasama ng mga golden bull.

Kahit na mabuhayan ang teritoryo niya dahil dito, mag-iiwan pa rin ito ng mga bakas na maaaring masundan!

Hindi man alam ng Officer Cleric kung saan nanggaling ang mga golden bull pero siguradong alam ito ng Crimson Patriarch

Dahil ang labing-isang golden bull na 'yon ay na-enchant ni King Cobra s auto ng Crimson Patriarch.

Kapag umabot ang balitang ito sa kanya, siguradong malalagay sa panganib si Marvin at ang buong White River Valley!

Natural lang na walang alam tungkol dito ang mga mamamayan.

Kahit na sina Anna at ang garrison ay manghang-mangha sa ginawa ni Marvin, at hindi na rin nila ito masyadong pinag-isipan.

Pero ibang-iba si Marvin.

Hating-gabi, sa aklatan.

Inilabas ni Marvin ang isang espesyal na kandila at maingat na sinindihan ito.

Malumanay naman ang pagkakasindi nito at namuo ang isang kakaibang hugis sa liwanag nito.

Ilang ingay at tunog ang inilabas nito.

Matapos ang ilang sandal, isang iritableng boses ang lumabas dito.

"Bakit mo ko hinanap kaagad? May nangyari ba?"

Ito ang boses ng matandang blacksmith.

Tulad ng Twin Snakes Cult, ang organisasyon ng mga Night Walker ay mayroon rin sariling paraan ng komunikasyon.

Napakahalaga ng kandilang ito, makakausap ng isang tao ang isang Night Walker na nasa malayong lugar.

Ikinalma ni Marvin ang kanyang sarili at sinabing, "Malinaw naman na may magandang rason kung bakit kita tinawagan."

"Sa katunayan, tungkol 'to sa Crimson Patriarch."

"Mayroon ang pinaplano at kailangan ko ang tulong mo."

Saglit na natahimik an gmatandang blacksmith bago sinabing, "Sige nakikinig ako."

"Kailangan kong kausapin moa ng Night Walker na humahabol sa Crimson Patriarch!"

"Mayroon na akong nakahandang plano, pero kailangan ko ang lakas ng organisasyon." Mahinahong sabi ni Marvin.

Paglipas ng sampung minute, namatay na ang kandila.

Noong nasa ilog siya kaninang umaga, pinagisipang mabuti ni Marvin ang tungkol sa problemang ito.

Dapat ba niyang dalhin ang mga golden bull nang palihim o dapat niyang ipakita ito sa marami?

Kung maraming makakakita, siguradong mapapansin ito ng Twin Snakes Cult.

At magmula noong mag-transmigrate si Marvin, lagi siyang naging maingat sa pagkalaban sa malalakas na grupong gaya nito.

Pinag-isipan niya ring mabuti noong kinuha niya ang Fearless Set.

Pero habang nagpapalutang-lutang siya sa ilog, naalala niya ang pag-uusap ni King Cobra at ng Crimson Patriarch!

Noong mga oras na 'yon, mukhang tinutugis siya ng isang Night Walker.

Biglang napagtanto ni Marvin na hindi na lang siya nag-iisa, gaya sa laro, ngayon. Nalimutan niyang hindi na siya ang mapag-isang Ruler of the Night noon.

Isa na siyang Night Walker na may organisasyon, at mayroon na rin siyang mga kaibigan.

Kahit na kulang pa ang lakas niya, ang pwersang kaya niyang pakilusin ay sapat na para tapusin ang Crimson Patriarch!

Pinag-isipan niyang mabuti ito nang matagal bago tuluyang magdesisyon!

At 'yon ang pagpapakita sa marami na dala niya ang labing-isang golde bull pabalik sa kanyang teritoryo.

Kaya naman, hindi nagtagal ay kumalat na ang balita. Siguradong pupunta na ang Crimson Patriarach sa White River Valley.

Alam ni Marvin ito dahil base sa sakakayahan ng Crimson Patriarch, kahit na magtulungan ang isang Legend Night Walker at isang Legend Druid, hindi pa rin ito magiging sapat para mahuli ito. Kung hindi sila matatalo nito siguradong tatakasan sila nito.

At kung nakatakas nga ang Crimson Patriarch, siguradong mayayamot ang Night Walker na 'yon.

At dahil sa lahat ng ito, bumuo ng isang mapangahas na plano si Marvin!

Gagamitin niya ang sarili niya at ang White River Valley bilang pain.

Pipilitin niyang gumawa ng hakbang ang Crimson Patriarch.

Masyadong mapangahas ito pero wala namang masama kung susubukan nila. Kapag nagtagumpay sila, siguradog tataas ang katayuan ni Marvin sa mga Night Walker.

Bukod rito, marami silang malulutas na problema't panganib, isa pa, marami rin silang makukuha dito.

At kung hindi naman sila magtagumpay… ang mabagsik na paghihiganti ng Twin Snakes Cult ang naghihintay para kay Marvin at sa White River Valley.

Pero kampante di Marvin na masusunod ang kanyang plano, ang tila immortal na Crimson Patriarch na inirereklamo ng mga manlalaro ay siguradong mamamatay sa White River Valley.

'Wala pa naman sa kanya ang bagay na'yon,' isip-isip ni Marvin.

Noong sumunod na araw, nagpadala si Marvin ng gwardyang pinagkakatiwalaan niya sa Black Dock Harbor para hanapin si Lola, sinabi niya sa gwardya ang tungkol sa Spider Crypt.

Ang iba naman ay nagbahay-bahay para mag-abot ng trigong galing sa golden bull sa mga naninirahan sa White River Valley.

Sa tantya ni Marvin, sapat na ang naka-imbak na trigo sa isang golden bull para matustusan ang pangangailangan ng White River Valley ng isang buong taon!

Pero hindi pa rin niya ibinigay ang lahat ng ito sa mga farmer, binigyan niya lang ang mga ito ng sapat na pagkain para umabot hanggang tag-lamig.

Kapag ginawa niya 'yon siguradong mas mag-pupursigi ang mga tao. Hindi lang basta-basta magpapalaki ng mga walang inutil na tao si Marvin.

Isang golden bull lang ang iniwan niya sa kamalig ng palasyo.

Inilagay naman niya ang natitira pang 10 sa lihim na lagusan sa ilalim ng palasyo, nang sa gayon walang ibang nakaka-alam kung nasaan ang mga ito.

Kinagabihan ng sumunod na araw, isang karwahe ang dumating sa White River Valley.

Sa ibaba ng palasyon, naroon si Marvin para paunlakan ang mga dumating.

Mayroong apat na tao sa karwahe. Ang unang bumaba ay ang matandang blacksmith na si Sean.

Sumimangot ang matanda at sinabing, "Gusto mo bang mamatay?!"

"Gagawin mong pain ang sarili mo? 'Yon ang plano mo?!"

Matapos ang pagsesermon na ito, naglakad na ito patungo sa palasyo at hindi na lumingon.

Nagulat si Marvin.

Ang ikalawang bumaba ay isang gwapong lalaking nasa katamtamang edad. Tiningnan nito si Marvin at inabot ang kamay habang nakangiti.

"Ako nga pala si Constatine. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, masasabi kong tunay ka naming kapatid!"

"Naiinis pa rin ako kagabi dahil hindi ko nahuli kagabi ang Crimson Patriarch, pero nabalitaan ko ang tungkol dito."

"Matapang ka. Wag ka mag-alala, siguradong magtatagumpay tayo."

Tumango si Marvin.

Naramdaman niyang ang tila pangkaraniwang lalaking ito ay ang isa sa tatlong pinakamalalakas na tao sa organisasyon ng mga Night Walker!

Isag Legend Night Walker!

Ang balita ay malapit nang umabot sa 30 ang kanyang level, isa siyang level 10 ranger at level 18 Night Walker. Mas mataas pa ang level nito kesa sa Elven Prince na si Ivan.

Ang taong ito, ang pinakamahalagang tao sa pag-atake sa Crimson Patriarch.

Ang ikatlong tao ay isang Great Druid.

Pero ang ikinagulat ni Marvin ay babae pala ang Great Druid na ito.

"Salamat sa mainit na pagtanggap sa amin." Mukhang magalang ito. "Ako nga pala si Endless Ocean, pero pwede mo kong tawaging Nicole."

Endless Ocean!

Makikita ang gulat sa mga mata ni Marvin. Isa siya sa Four Legend Druid of the north sa hinaharap, si Endless Ocean!

Hindi pa gaanong napapadpad si Marvin sa hilaga kaya kaunti pa lang ang nakikilala niyang mga Druid. Gayunpaman, nakakamangha pa rin ang reputasyon ni Endless Ocean.

Subalit, sumikat siya sa pakikipaglaban matapos niyang dispatyahin ang avatar ng isang god sa Thunder Mountain. Nangyari ito matapos ang Great Calamity.

Ang kasalukuyang Endless Ocean ay marahil isa pa ring mahinahong Great Druid.

'Pero siguradong ganoon na siya talaga kalakas ngayon pa lang! Para makatakas pa ang Crimson Patriarch sa dalawang ito, siguradong napakarami niyang item na nakapagligtas ng buhay niya.'

Napabuntong-hininga si Marvin. Mabuti na lang pinaghandaan niya ito at mayroon rin siyang nalalaman tungkol sa Crimson Patriarch.

Ang ika-apat na tao ay ang anak ni Sean na si Jane.

"Nag-aalala lang sayo si itay. Marami siyang sinabi sa akin kagabi, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko."

"Noon pa man gusto ko nang malaman ang tungkol sa misteryosong buhay ng tatay ko. Sa katunayan, dapat pasalamatan kita. Kung hindi dahil sayo at sa pinaplano mo, baka hindi ko na nalaman ang lahat." Dagdag ni Jane.

"Hindi ko alam kung gaano kapanganib ang taong 'yon pero kung kasama si Tito Constantine, siguradong malakas ang taong 'yon"

"Umaasa akong magtatagumpay kayo!"

Tumango si Marvin at inutusan ang ilang tauhan niya na hanapan ng magandang lugar ang karwahe nila. Saka ito pumasok sa loob ng palasyo kasama ang apat.

Nang biglang sabay na tumigil si Constantine at Endless Ocean sa paglalakad!

Sabay ring lumingon ito at tumingin sa malayo.

Halos tumalon ang puso ni Marvin …. Nandito na ba kaagad ang Crimson Patriarch?

Hindi naman siguro siya ganoon kabilis, hindi ba?

Isang araw pa lang mula nang kumalat ang balita, imposibleng umabot na ito kaagad sa Jewel Bay!

Lumingon rin si Marvin para tingnan.

Makikita sa malayo ang dalawang karwaheng paparating.

Napapatingala naman ang mga Farmer na nagtatrabaho dahil sa pagtataka.

Bibihirang mabuhayan ng ganito ang White River Valley. Napakaraming bumibisita ngayon!

....

Tumigil ang karwahe sa ibaba ng palasyo.

"Wayne! Bakit ka bumalik?!"

Hindi ito kasama sa plano ni Marvin.

"Bakit? Hindi ba ako pwede rito?" Isang pamilyar na boses ang maririnig mula sa karwahe.

Saglit na natigilan si Marvin.

Banayad na bumaba ang babae mula sa karwahe, makikita ang gulat sa mukha nito. "Napakarami mo palang bisita ngayon!"

Ang Master ng Ashes Tower, si Hathaway!

Kumibot ang sulok ng mata ni Marvin. Isa lang ang ibig-sabihin ng presensya ni Hathaway.

Naabot na niya ang pagiging Legend!

'Hindi ko inakalang ganito ka epektibo ang Book of Nalu!'

Manghang-mangha si Marvin.

Pero mas ikinagulat niya ang mga sumunod na nangyari.

May dalawang tao pang pababa sa karwahe.

Kilala rin ni Marvin ang dalawang ito!

Wala nang nasabi si Marvin.

Ang Legend Monk na si Inheim!

Kasama ng Shadow Thief na kumalaban sa Red Dragon sa Tornado Harbor!