Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 124 - Gods’ Agreement

Chapter 124 - Gods’ Agreement

Napira-piraso ang avatar ng Shadow Prince.

Kitang-kita kung gaano talaga kalakas ang Legend Monk na ito.

Umabot na sa sukdulan ang lakas na mayroon si Inhein. Siguradong nalampasan na niya level 30, hindi na lang siya basta isang simpleng Legend.

Napapanatag ang sino mang makarinig ng kanyang boses.

Nakahinga ng maluwag ang lahat sa pagkamatay ng avatar ng Shadow Prince.

"Mas nagiging mabagsik si Glynos," seryosong sabi ni Leymann. "Hindi ba siya natatakot na sasamantalahin ng ibang god ang panghihina ng kanyang tunay na katawan sa tuwing namamatay ang kanyang mga avatar?"

May kaunting pagdududa sa mukha ni Inheim.

Natural lang na pag-usapan ng mga Legend ang ganitong bagay. Pero kahit na nakita na ni Hathaway ang mangyayaring delubyo, hindi pa rin nila napagtatanto na nagkasundo na ang mga third generation god!

Tanging si Marvin lang ang nakaka-alam ng nilalaman ng kasunduang ito dahil sa laro!

...

Ang kasuduan ay atakihin ang Universe Magic Pool, ano mang mangyari!

Ang Universe Magic Pool ang barikada ng Feinan, pero ito rin ay nagsisilbing kulungan para sa maraming god. Napagtanto ng unang tatlong henerasyon ng mga god na madaling makaka-apak sa daigdig ang mga avatar nila gamit ang Universe Magic Pool dahil pinanganak sila sa Feinan. Pero karamihan sa mga Ancient God ay hindi na aktibo pagdating ng ikatlong era, habang patay na ang ilan sa mga ito.

At ang pag-usbong ng mga New God sa ikalong era ay dahil sa lakas ng mga Fate Tablet na nag-angat sa kanila sa Godhood!

Noong mga panahong iyon, binuksan ng Wizard God na si Lance ang isang bahagi ng kalangitan upang makagawa ang mga ito ng sari-sarili nilang mga Divine Kingdom.

Ang mga pinakamalalakas na nagmula sa iba't ibang mga race sa Feinan, ay umalis sa Feinan upang ituon ang kanilang lakas sa pagbuo ng sarili nilang Divine Kingdo,

Pero nang matapos ang mga ito, nagulat sila nang madiskubreng naisahan sila ni Lance!

Ang lagusan sa gitna ng Universe Magic Pool ay nakasara na nang mabuti matapos nilang umalis.

Sa madaling salita, hindi na nakabalik pa sa Feinan ang mga New God!

Tinatakpang ng nakasaradong Universe Magic Pool ang buong Feinan pati na ang mga karatig na grehiyon nito. Tila nakulong sa kalangitan ang mga New God. Mahihirapan sila payabungin at palawigin ang mga tagasunod nila!

Ito'y dahil hindi na nila maaaring magamit ang kanilang mga holy power sa mundo ng mga mortal. Kahit na kaya nilang makapasok sa Feinan gamit ang mga lihim na pamamaraan, mahahanap at mapipigilan sila ng Wizard God.

Kahit na umalis na ang Wizard God, wala pa rin nagawa ang mga ito.

Mayroon pa rin grupo ng mga malalakas na Legend sa Feinan. At ang grupo nang mga legend na 'yon ay kasing lakas lang ng mga god. Ang dahilan lang kung bakit hindi sila nagiging god ay dahil hindi sila nakakuha ng bahagi ng Fate Tablet.

Marami pa naman sa mga ito ang kwalipikado para maging god, pero sila na mismo ang nagkusang loob na protektahan ang buong Feinan at manatili, hindi katulad ng mga New God.

Bago umalis si Lance, malinaw niyang sinabing, "Ang mga naging New God dahil sa piraso ng Fate Tablet, ay hindi na dapat makapasok ng Feinan."

Labis itong ikinalungkot ng mga New God!

Pinagtaksilan sila ng Wizard God!

Nilinlang sila ni Lance para pumunta sa kalangitan, pero hindi niya hinayaan ang mga ito na makasalamuha ang mga mortal ng Feinan. Para silang nakakulong!

Hindi naman sila tuluyang dinispatya ng Wizard God, binigyan pa rin niya ng pagkakataong mabuhay ang mga ito.

Binuksan niya ang ilang secondary plane para sa kanila. Ang mga secondary plane na ito ay nagmula sa Feinan: Ang Feinan's Hell. Abyss, at Underworld plane

Mayroong iba't ibang race sa secondary plane na ito, pero hindi ito kasing unlad ng Feinan.

Noong simula, kahit na nagrereklamo ang mga New God, wala silang magagawa kundi sumunod at pag-awayan ang mga teritoryo at tagasunod sa mga secondary plane na ito, dahil nahahadlangan sila ng kapangyarihan ng Wizard God.

Matapos ang mahabang panahon, lalo na noong umalis ang Wizard God, biglang naging balisa ang mga New God ng ikatlong era.

Naghanagad sila na mas malakas na kapangyarihan at mas maraming tagasunod!

At ang kapangyarihang dala ng paniniwala at pananampalatay ng mga nilalang ay hindi akma.

Kung makakabalik sila sa Feinan.. Saka lang lalakas ng tuna yang mga New God na ito.

Pero hindi pa naman nagdulot ng kabaliwan sa mga New God ang mga hangarin na ito

Lalo pa't naroon pa rin kahit papaano ang impluwensya ng Wizard God na si Lance. Walang nakaka-alam ng hangganan ng kapangyarihan at pasensya nito. Kung lalabagin nila ang batas, paano kung biglang bumalik si Lance?

Idagdag pa ang Eternal Dragon na biglang lumilitaw at biglang nawawala!

Ito ang pinakamalapit na kasamahan ng Wizard God.

Ang Drgon na ito'y kasing lakas ng Ancient Nature God, Ancient Elven God, at iba pang makapangyarihang mga god. At kayang-kaya nitong bumalik sa Feinan saan man siya mapadpad.

Ito ang dahilan kung bakit nanatiling mapayapa ang Feinan sa loob ng mahaban panahon.

Nilimitahan ng Universe Magic Pool ang paglakas ng mga New God, kasabay nito, sinigurado nito ang pamamahala ng mga Wizard.

Ito'y tumagal hanggang sa 4th Era.

Isang nakakatakot na apoy ang lumiyab.

Mayroong bali-balitang kumakalat na sa mga Divine Kingdom.

Ang 4th Fate Tablet!

Ang sino mang makakakuha nito ay magkakaraoon ng kapangyrihang katulad ng sa Wizard God.

Natranta ang mga New God:

Nagkasundo silang kailangan nilang gawin ang lahat para mawasak ang Universe Magic Pool!

Masyado nang matagal nawala ang mga New God sa Feinan. Para sa kanila, walang kinalaman sa kanila ang mga buhay ng mga naninirahan sa Feinan.

Nalimutan na nila kung saan sila nagsimula at uhaw na lang sila para sa kapangyarihan.

Ang pagkawasak ng Universe Magic Pool ay magdudulo ng sakina, pero wala silang pakielam doon, una pa lang.

Isa pa, sa gitna ng mga kaguluhan, magdudusa lang ang mga mangmang na pangkaraniwang tao. Mawawalan na ng pag-asa ang mga ito.

At sa pagkakataong iyo, ang pananampalatay sa kanila ay magkakaroon ng karagdagan tagasunod. Mas malakas ang kapangyarihang makukuha nila mula rito.

"Gayunpaman, hindi ako makakapayag na patayin niya ang lahat ng Legend sa Feinan," seryosong sabi ni Inheim. "Sa lahat ng naka-abot ng godhood noong ikatlong era, tanging si Glysnos lang ang kayang makapagpadala ng avatar dahil sa kanyang artifact. Kahit na ano pang plano nila, basta alam ko kung nasaan si GLynos, magiging madali na siguro ang lahat."

Nang marinig ito, hindi mapigilang malugnkto ni Marvin, 'Kung pwede lang…'

Ang tunay na rason kung bakit biglang lumitaw si Glynos ay paa pahinain ang pwersa ng mga Legend ng Feinan sa pamamagitan ng pag-patay sa kanila. Pero ang pinakamalaking rason niya ay para mapansin siya ng mga Legend.

Kung masyado sila nag-aalala kung papatayin na ba sila ng Shadow Prince, wala nang masyadong papansin sa Universe Magic Pool na nakapalibot sa Feinan!

Gusto nang sabihin ni Marvin sa kanila ang tungkol dito.

Pero nanatili na lang siyang tahimik.

Dahil alam niyang wala rin namang mangyayari kung sasabihin niya. Nakatakda nang mawasak ang Universe Magic Pool at muling makapasok sa Feinan ang mga avatar at divine soul ng mga New God.

Mula sa puntong 'yon, lalaganap na ang kaguluhan, iba't ibang mga church ang magsusulputan, babagsak nag mga Wizard, at kakalat ang mga masasamang pwersa.

Isang lugar lang sa Feinan ang mananatiling ligtas sa lahat ng ito.

Aabot ito sa puntong magugulo ang oras matapos sumalakay ang mga Heavenly Beast at lahat ay may kaugnayan sa pagbagsak ng Universe Magic Pool.

Umalis na si Inheim para hanapin ang Great Druid sa hilaga. Matapos mawala ng Divination, tanging ang Divine Spell ng Great Druid, na nagmula pa sa Ancient Nature God, ang tanging makakapagsabi ng lugar at oras kung saan muling lilitaw ang avatar ng Shadow Prince.

Naghahanda na ang Legend Monk sa pagtugis sa Shadow Prince.

Bumalik na si Hathaway sa Ashes Tower kasama sina Marvin at Wayne. Sa ngayon, hindi na muna nila kailangan alalahanin ang avatar ng Shadow Prince.

Muling binuksan ni Leymann ang magic screen at inanunsyo, na ang magkapatid na sina Marvin at Wayne, ang nagwagi sa Apprentice Battle of the Holy Grail.

At kailangan ipagpaliban ang 2nd rank na kompetisyon dahil sa nangyari sa East Coast. Ikinalungkot naman ito ng mga manonood.

Pero masaya pa rin sila na nakapanuod sila ng napakagandang kompetisyon ng mga Apprentice.

Maraming interesado sa sinasabi ni Leymann na kaganapan sa East Coast, di nagtagal, bawat organisasyon ay nagtrabaho na.

Kalaunan, nagulat ang buong East Coast!

Sinugod ng isang Ancient Red Dragon ang Crystal Island ng Unicorn Clan!

Kailan pa naging ganito karahas ang mga masasamang elemento?

Kasabay nito, inanusyo ng Three Ring Towers na sila'y naka-alerto!

Natakot ang mga taong naninirahan sa East Coast. Bawat malalaking teritoryo ay naghanda.

Sa Ashes Tower, medyo nanghihina pa rin si Wayne kahit ginamitan na siya g Rejuvenation spell, kaya naman bumalik na muna ito sa kanyang dormitory para magpahinga.

Tanging si Marvin at Hathaway lang ang naiwan sa pinakamataas na palagap ng tower.

Medyo malungkot ang kapaligiran.

Nakatayo lang si Hathaway at nakatingin sa dakong silangan.

Nasa likod ni si Marvin, at napansin niyang hindi tumutigil sa panginginig ang kamay nito.

"Natatakot ka?" Tanong ni Marvin.

Bahagyang nanginig ang katawan ni Hathaway. Nanghihinang umupo ito.

Kesa pagtuonan ng pansin ang nanghihinang itsura ni Hathaway, lumapit ito sa bintana at tiningnan ang maitim na ulap na bumabalot sa buong East Coast.

"Salamat," bulong ni Hathaway.

Huminga ito ng malalim at biglang tumayo, muling nanumbalik ang dating tindig nito.

Tama si Marvin, talagang natakot ito!

Muntik na siyang mapatay ng Shadow Prince!

Muntik na siyang mawala habang-buhay!

Kaya naman ganoon na lang ang takot nito, hindi sapat ang salita para mailarawan ang takot na naramdaman niya. Umabot ito sa puntong kahit nang nakabalik siya sa Ashes Tower, hindi pa rin niya ito mapigilan kahit sa harapan ni Marvin.

Pero ang Legend Wizard ay Legend Wizard. Mayroon siyang mataas na willpower at di nagtagal muli siyang bumalik sa ulirat.

Bahagyang napangiti si Marvin. "Ito ang Dame Hathaway na kilala ko."

Suminghal si Hathaway at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata.

"Tinulungan moa ng Ashes Tower na manalo sa unang pagkakataon sa Battle of the Holy Grail."

"At iniligtas mo rin ang buhay ko. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."

Tiningnan ni Marvin ang magandang mukha ni Hathaway na nanginginig pa ang mga pilik-mata sa sobang takot, halos hindi mapigilan ni Marvin ang sarili na asarin ito.

Pero malaki ang agwat nilang dalawa. Kaya sa huli, walang emosyon niyang sinabing, "Tulungan mo ako!"

"Hmm?" Nagtataka nitong tiningnan si Marvin.

Itinuro ni Marvin ang kanyang Ring of Wishes at sinabing, "Gusto kong gumamit ng Wish."

"Pixie's Wish."

"Kapag maganda ang kinalabasan, wag mo na akong pansinin."

"Pero kung aksidente akong makapgtawag ng halimaw…Tulungan mo ako."

Kita sa mukha ni Hathaway na naiintindihan niya ang gustong mangyari ni Marvin.

"Sige, isa itong tunay na Ring of Wishes."

"Laging swerte tayong mga Seer. Titingnan ko kung ano ang ma-su-summon mo."

"Dito mo na i-summon, tinulungan ako ni Sir Leymann nagawing ligtas ang palapag na ito gamit ang 19 na Legend Spell. Kung pupunta man dito si Glynos, magiging karumaldumal rin ang pagkamatay niya!"