Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 123 - Shadow Prince, Legend Monk!

Chapter 123 - Shadow Prince, Legend Monk!

Lahat ng nasa Three Ring Tower, pati na ang buong East Coast ay natataranta at nagkakagulo.

Hindi nila maintindihan kung anong nangyayari!

Nanatiling tahimik ang mga Wizard. Sinusubukan nilang malaman ang nangyari pero dahil nawawala na ang pagiging epektibo ng divination, hindi nila malaman kung ano talaga ang nangyayari.

Kahit ang Legend Wizard ng Three Ring Towers na si Leymann ay nanatiling tahimik at nagugulahan.

Si Hathaway na kakalabas lang mula sa Teleportation Door ay tumingin rin sa dakong silangan.

Bilang isang seer, mayroong siyang mga espesyal na ability!

"Ang Red Dragon…"

"Elder Red Dragon o isang Ancient Red Dragon!"

"Napakalakas, mukhang hindi kakayaning ipagtanggol ng Crystal Island ang kanilang sarilo!"

Bumulong sa kanyang sarili si Hathaway. Tulala ang kanyang mga mata na para bang tumitingin siya sa oras at kalawakan, tila pinapanuod ang nangyayari sa Crystal Island!

Biglang pinanghinaan ng loob si Marvin. Ang muling pagbangon ng Ancient Red Dragon ay tanda na mas nagiging magulo na ang mundo.

Kahit na pupuksain na ng dragon na ito ang kanyang mga kalaban, ang Unicorn Clan, wawasakin naman nito ang buong East Coast!

At kapag nangyari 'yon, hindi na muli mararamdaman ng mga naninirahan sa East Coast ang katahimikan at kaligtasan nila.

Isang Evil Dragon, kumakalat na plague, pati na ang human skin kite ng Twin Snakes Cult!

Mayroong takot at dugong dumadanak sa paligid. Wala nang makakapagtanggol ng kanilang mga sarili.

Nalalapit na ang sakuna.

...

Wala sa ulirat ngayon si Hathaway, malayo ang tingin niya.

Biglang may napansin si Marvin na kakaiba.

Iba ang kinalalagyan ng araw sa incomplete plane ni Leymann.

Parang masyadong mahaba ang anino ni Hathaway base sa kanyang kinatatayuan.

'Teka …'

Bago pa man makapagsalita si Marvin, natataranta siyang hinila ni Wayne. "Kuya, may dumating na halomaw!"

"Halimaw?"

Mabilis ang takbo ng isip ni Marvin, at agad niyang hinila si Wayne at sumigaw, "Hathaway! Umiwas ka!"

Nabigla si Hathaway!

Tinawag siya ni Marvin sa kanyang pangalan lang na walang ano mang titolo. Ibig sabihin ay seryoso na ang sitwasyon.

Sa susunod na sandal, biglang nanginig ang anino nito at lumabas ang isang nakakatakot na lalaki mula rito!

Nagtatago siya sa anino nito at may suot na balabal.

Kalalabas lang nito mula sa Shadow Realm.

[Nightfall] ang pangalan ng dagger na hawak nito.

Ang sino mang tamaan ng [Nightfall], makakatanggap ng labing-dalawang sumpa ang kanilang katawan. Kahit na ang mga god ay makakatanggap ng mga sumpang ito.

Isang tao lang ang may hawak ng Nightfall! Siya ang pinaka-aktibo noong panahon ng Great Calamity, ang pinakanakakatakot na god, and Shadow Prince!

Mabilis na lumitaw sa likuran ni Hathaway ang Shadow Prince, at pinupunterya ng Nightfall ang ulo nito!

Mabuti na lang at gumana ang pagsigaw ni Marvin para balaan si Hathaway.

Noong malapit na tamaan si Hatahaway, hinila niya ang kanyang kwintas.

Biglang naging tila-hangin ang katawan nito.

Lumusot sa kanya ang dagger pero hindi sila nasugatan!

Bago pa maka-atake uli ang Shadow Prince, biglang umalingawngaw mula sa kalangitan ang boses ni Leymann.

"Lapastangan! Ang lakas ng loob mong subukang patayin si Hathaway sa aking incomplete plane!"

"Mapangahas ka, Glynos!"

Biglang lumitaw mula sa kawalan ang anim na kidlat.

Legend Spell – Lightning Cage!

Anim na kulay lilang kidlat ang naging isang kulungan, nakulong sa loob nito ang Shadow Prince!

"Tsk, isang mortal na mapangahas na tawagin ako sa aking pangalan."

"Hindi ka kasama sa listahan ng mga papatayin ko, maaari ka pa sanang mabuhay ng matagal, pero ngayon, hehe. Abangan mon a lang ang pagpatay ko sayo."

Nakangiti lang si Glynos, nang bigla itong mawala sa kinalalagyan niya.

Hindi siya napigilan ng Lightning Cage!

Agad itong nakatakas patungo sa Shadow Realm.

Namumutla namang bumalik ang katawang tao ni Hathaway. Agad siyang tumayo sa harapan nila Marvin at Wayne habang pinagmamasdan ang paligid.

Nag-aalala siyang papatayin ng Shadow Prince ang dalawang ito.

Inangat niya ang kanyang mga kamay at gumawa ng isang metatag na barikadang bumalot sa kanilang tatlo.

"Wag kayong mag-alala, hindi niya kayo masasaktan sa plane ko."

Bigla ring lumitaw si Leymann sa snow mountain.

Pero hindi siya mapalagay.

Mapanganib na mapagtuonan ng galit ng isang god.

Lalo na kapag katulad ito ng Shadow Prince na basta-basta na lang pumapatay.

"Tumakas siya?" Hindi maiwasang magtanong ni Hathaway.

Hindi pa naabot ni Hathaway ang pagiging Legend, kaya naman wala siyang magawa para labanan ang Shadow Prince.

Kung hindi dahil kay Leymann, marahil napahamak na siya.

Lalong nabahala si Marvin.

Unti-unti na rin palang nagbabago ang kasaysayan.

Mukhang napansin ng Shadow Prince na nakuha na ni Hathaway ang Book of Nalu.

Natatakot ito sa mga kakayahan ni Hathaway bilang isang Seer kaya naisipan nitong patayin na siya agad-agad. Pero, sa laro, hindi pa dapat siya papatayin nito hangga't hindi pa ito nagiging Legend.

Pero mukhang mas mapapaaga ang pagpatay sa kanya dahil nasa kanyan na ang Book of Nalu.

Ito ang dahilan kung bakit siya biglang nagpakita ngayon!

Matagal sigurong nagtago at nag-intay ng pagkakataon ang taong ito para mapatay ito.

Madali lang para sa avatar ng isang god na pataying ang isang Half-Legend.

Kung hindi dahil sa babala ni Wayne at mabilis na reaksyon ni Marvin, baka patay na ngayon si Hathaway!

At kung hindi naman dumating si Leymann para tumulong, marahil nagtagumpay na si Glynos!

Masyadong mapanganib.

"Bumalik ka na kaagad sa Ashes Tower!" Seryosong sabi ni Leymann kay Hathaway.

Sa kanyang Wizard Tower siya magiging pinakaligtas.

Tumango si Hathaway. Isasama na dapat niya sina Marvin at Wayne para gamitin ang Teleportation Door, nang biglang lumitaw muli ang aninong 'yon sa harap ng lahat!

Pero sa pagkakataong ito, mukhang napilitan siyang lumabas!

...

"Woosh!"

Nanginig ang hangin at muling lumitaw sa tuktok ng snow mountain ang Shadow Prince na si Glynos.

Bigla na lang itong bumagsak sa lapag!

Tila may nagpalabas sa kanya mula sa Shadow Realm.

Nabigla ang lahat.

Nang biglang, isang matangkad na lalaki ang biglang naglakad palabas ng void.

Wala siyang damit pang-itaas at ang tanging suot nito ay isang simpleng pantalon.

Nag-uumapaw sa katawan nito ang lakas, may taglay rin itong angking kagandahan.

Isa itong Monk!

Isang Legend Monk!

"Ikaw pala, Inheim." Tila kilala ni Leymann ang taong ito.

Naglakad palabas ng Shadow Realm ang Legend Monk at napunta rin sa tuktok ng snow mountain.

Napansin ni Marvin ang dalawang itim na botang suot nito na dahilan kung bakit ito nakakapaglakbay mula sa Shadow Realm patungo sa plane ng Master ng Thunder Tower.

Ito ang Legendary Item na [Void Boots]!

Binibigyan rin siya nito ng kakayahang maglakad sa ere!

Walang gaanoong sinabi si Inheim, sa halip, bigla na lang sinugod muli ang Shadow Prince!

"Tinutugis ko ang walang kwentang god na ito dahil sa pagpatay niya sa kaibigan kong si Anthony!"

"Glynos, kahit saan ka magpunta, kahit hanggang sa kamatayan, hahabulin kita!"

"Dahil sayo, isinuko ko ang aking pangako. Hinding-hindi ka makakatakas sa akin dahil suot ko na ang Void Boots!"

Bawat salita ng Legend Monk ay mahinahon ngunit nakaka-antig, at tumatagos sa kanilang mga puso.

Tinitigan lang ng Shadow Prince na si Glynos si Inheim. Saka ito tumalikod at muling tumakas patungo sa void.

Agad namang gumana muli ang mga bota ni Inheim at sinundan ito sa void!

Tiningnan ni Hathaway si Leymann, makikita ang pagkabahala nito sa kanyang mga mata. "Pinatay ko na ang mga magic screen." Ika ni Leymann kay Hathaway.

"Walang nakakita sa tangkang pagpatay sayo ng Shadow Prince."

"Wag mong alalahanin ang mga batang 'yan. Masyado pang abala si Glynos sa pagpatay sa mga Legend, hindi niya maiisipang saktan sila."

"Isa pa, tinutugis na siya ni Inheim…"

Hindi pa ito tapos magsalita ng bigla na namang yumanig ang hangin!

Nagliwanag ang mata ni Marvin.

Ito ang [Quivering Palm]. Ang kilalang skill, ng Monk.

Bumaluktot kalangitan at may isang malaking anino ang lumabas, saka muling lumitaw si Glynos!

Mukhang mas malala ang kanyang kalagayan sa pagkakataong ito, dumura siya ng dugo sa nyebe!

Muling naglakad palabas ng Shadow Realm si Inheim.

"Ito ang araw na mamamatay ka!"

...

Nagatago si Marvin sa likod ni Hathaway, humingang malalim at pinagmasdang mabuti si Inheim.

Mayroon siya mga marka ng isang Legend Monk!

Sinasabi nila na ito daw ang kanyang advance class na Guardian Monk. Binuo niya at ni Anthony, kasama ng iba pang Legend, ang [Alliance of the Seven Orders]. Isa itong organisasyong pumoprotekta sa Feinan. Bawat miyembro ay isang makapangyarihang Legend na may pinapangalagaang lugar. Sinisugurado ng mga ito na hindi kakalat ang mga masasamang elemento.

Si Anthony ang nangangalaga sa East Coast.

At si Inhem naman ay ang tagapangalaga ng isang bahagi ng Feinan sa dakong kanluran!

Makapangyarihan ang taong ito! Imortal na ang katawan nito, isang kahinaan ng mga assassin.

Sinasabi nilang may sinumpaan ito noong pasukin niya ang Monk's path: Hindi siya gagamit ng mga makamundong bagay hanggang sa mamatay siya.

Ang kanyang mga damit ay simple lang at payak lang ang kanyang pamumuhay. Napakatatag ng willpower nito.

Ni hindi siya kukurap kahit na maglagay ka ng Legendary sa kanyang harapan.

Ito'y dahil hindi ambisyoso ang taong ito.

Pero sa pagkakataong ito, tinalikuran niya ang kanyang sinumpaan para tugisin ang Shadow Prince!

Ang Void Boots ay dating pagmamay-ari ng Great Druid sa hilaga. Marahil ay hiniram ito ni Inheim.

Bigla na lang lilitaw at mawawala ang Shadow Prince. Walang sino man ang nakakahabol sa kanya. Kaya naman hindi siya natatalo ng mga humahabol sa kanya.

Pero ngayon, nandiyan na si Inheim. Ang Monk na ito ang mortal na kalaban ng avatar ng Shadow Prince.

Kahit na ang Nightfall ay hind nakakalusot sa [Immortal Body] ni Inheim!

Ang tanging problema niya'y hindi siya nakakapasok sa Shadow Realm at hindi siya nakakalipad.

Pero ngayong suot na ni Inheim ang Void Boots, siguradong mahuhuli na niya si Glynos!

Naalala ni Marvin na hindi bababa sa 4 na avatar ng Shadow Prince ang napatay ni Inheim sa laro!

Kalaunan ay namatay rin ito dahil nahulog ito sa patibing ng Shadow Prince. Dahil humingi ng tulong si Glynos mula sa ibang god. Nagtulong-tulong ang mga ito para masira ang depensa ng makatarungang Monk na ito bago nila tuluyang dispatyahin ito!

Malaking kawalan ang pagkamatay ni Inheim sa Feinan. Nagdulot ito ng paglipana ng mga masasamang element sa Kanluran.

"Hehe, maaari mong mapatay ang avatar ko ngayon, pero maaari naman akong gumamit muli ng isa pang avatar bukas."

"May saysay pa baa ng lahat ng paghihirap mo? Hahaha.." Mapangutyang sabi ni Glynos.

Wasak na ang ilang bahagi ng katawan ng avatar ni Glynos dahil sa Quivering Palm ni Glynos, kaya naman nagsimula na itong magsuka ng dugo.

Pero hindi ito tumigil sa pagtawa. Walang nakaka-alam ng tunay na itsura nito dahil lagi itong nakasuot ng balabal at mascara.

Masyado ring nakakatakot ang tawang ito.

Pero hindi nagpatinag si Inheim at lumapit dito. Kinwelyuhan ito at itinutok ang kanyang palad sa ulo nito!

Sa sumunod na sandal, nagkapira-piraso na ang avatar ng Shadow Prince!

"Kung gaano karaming beses ka babalik, ganoong karaming beses ka rin mamamatay."

"Hangga't bumabalik kayong mga "god" sa Feinan, pababalikin at pababalikin ko lang kayo sa pinanggalingan niyo."

"Mga basura. Paano niyo nasisikmurang tawaging god ang sarili niyo?"

Kasing tatag ng bundok ang boses ni Inheim.

Related Books

Popular novel hashtag