Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 106 - Reckless Dual Wielder

Chapter 106 - Reckless Dual Wielder

Ano nga bang dapat gawin ni Marvin?

Halos mapatay na ni Ivan si Karel. Hindi na rin ito makagalaw kaya lumapit lang si Marvin at mabilis na pinugutan ito ng ulo.

Sa huli, ang Outlaw of the Crimson Road, na napakaraming skill at specialty, ay wala palang undying na katawan.

Isang nasa rurok na 3rd rank, ito na ang pinakamataas na class holder na napatay ni Marvin magmula nang mag-transmigrate ito.

Kaya naman malaki ang natanggap nitong battle exp sa pagkakataon ito, 6400 exp!

Sa ngayon ay mayroon na itong 9153 na battle exp. Hindi man niya ma-level up ang Night Walker class niya sa ngayon, pwede naman niyang pataasin ang level ng kanyang Ranger class!

"Salamat, batang Night Walker." Ngumiti si Nicholas at tinignan si Marvin. "Akin na ang singsing mo."

Tumango si Marvin at iniabot ang Ring of Prayers.

Sa status ng Great Elven King, malabong lokohin nito ang isang ordinaryong nilalang tulad ni Marvin.

Buong akala niya ay peke ang nakuha niyang Ring of Prayer sa Grave Robber, pero tunay pala ito.

Kung sabagay, hindi na rin ito kagulat-gulat, dahil maraming item ang napapasailalim ng espesyal na skill ng isang [Concealment Master] para maitago ang tunay na kalidad nito.

Kahit na malawak ang karanasan ni Marvin dahil sa paglalaro, mababa lang ang kanyang aprasing ability. Halos hindi nalalaman ng kanyang Inspect ang tunay na mga attribute ng ilang item. Kaya kailangan niya ng isang mataas na rank, o isang master level na appraiser para malaman ang mas mahahalagang impormasyon.

Malaki ang lamang ng mga wizard sa ganitong larangan. Ang mga spell na ipinaman ng Wizard God ay may kaugnayan sa pag appraise ng mga item, kaya naman madali na lang ito para sa kanila.

Bahagyang lumiwanag ang Ring of Prayers na hawak ng Great Elven King, kasabay nito'y unti-unting naglalaho ang dating itsura nito.

Ang singsing na ito, na ilang taong nabalot ng alikabok, ay mailalabas na ang tunay na anyo!

Habang tinatanggal ng Great Elven King ang seal sa Ring of Prayers, walang alinlangang ginamit ni Marvin ang 4800 na battle exp.

Umangat na sa level 6 ang kanyang Ranger level! Nakakuha siya ng kabuoang 24 skill points, at tumaas din ng 30 puntos ang kanyang HP.

Mayroon na ngayong 198 HP si Marvin, kaya basta hindi siya makatanggap ng nakamamatay na atake, mabubuhay siya.

Ang maganda pa rito, kapag umabot ng level 6 ang Ranger class, isang class specialty ang lalabas!

Binantayang mabuti ni Marvin ang kanyang mga log. Magiging mahalaga sa kanya ang specialty na ito. At kung isa itong specialty na hindi niya magagamit, sayang naman.

Lalo pa't hindi ganoon kadali ang makakuha ng 4800 na battle exp.

[You gained a class specialty, (Ranger) – Reckless Dual Wielder]

[Reckless Dual Wielder]: Sa tuwing ikaw dalawang dagger ang gagamitin mo, tataas ng 10% ang iyong attack spped. +3 rin ang iyong Strength Modifier.

'Reckless Dual Wielder!'

'Ito na ata ang pinakamagandang nakuha ko!'

Tuwang-tuwa si Marvin sa nakuha niyang specialty!

Reckles Dual Wielder lang ang pinaka-akmang specialty na makuha pagkatapos ng Two Weapon Fighting, dahil sa mataas na strength boost nito. Mahina pa ang kanyang power sa kasalukuyan. Mapupunan ng specialty na 'to ang kakulangan niya sa lakas.

Isa pa, basta-basta ang specialty na 'to.

Alam ni Marvin na isang hidden property ang Reckless Dual Wielder!

Sa tuwing halinhinan niyang gagamitin sa pag-atake ang dalawang dagger, kung kaya niyang maka-sampung pares ng atake sa isang iglap, lalabas ang hiddeng effect ng specialty na 'to. Magkakaroon ang dual wielder ng bonus na: +6 strength sa tatlong susunod nitong atake!

Ibig-sabihin, matapos ang 20 na atake, magkakaroon ng +6 strength modifier ang mga dagger ni Marvin.

Mas pinatindi rin nito ang kasalukuyang pare-parehong pag-atake ni Marvin, at mas pinahahaba rin nito ang oras na kaya niyang makipaglaban!

Kapag hindi gumana ang busrt, maaari niyang subukan manatili at tuloy-tuloy na makipaglaban ng malapitan sa kanyang kalaban, para mailabas ang hidden effect ng Reckless Dual Wielder.

Ang mabagsik na hidden effect na ito'y tinatawag na "Qilin's Arm ng mga manlalaro.

Noong Ruler of the Night pa si Marvin, muntik na siyang mabiktima ng Qilin's Arm ng isang dual wielding ranger.

Kung hindi niya nadepensahan ang sarili niya ng maayos, ay siguradong maitutumba siya ng biglaang pagsabog ng kapangyarihang 'yon.

Malaki ang makukuha niya dito!

"Naibalik na sa tunay na anyo ang Ring of Prayers. Isa itong pangkaraniwang gawa ng isang Fairy Turin, puno ng swerte… at panganib," mabagal na sabi ni Nicholas.

Ibinalik na niya ang singsing kay Marvin.

Buong puso naman nitong pinasalamatan ni Marvin. Kung tutuusin, ayos na rin na nakakuha siya ng isang Magic Item kapalit ng paggamit niya ng Dragon Strength. Idagdag pa rito ang napakalaking exp niyang nakuha nang walang kahirap-hirap.

Malaki ang pinagbago ng mga property ng Ring of Prayers. Bukod sa karagdagang magic na [Rainbow Jet], mayroon pa itong isa pang effect, ang [Turin's Prayer].

[Turin's Prayer]: Sa hating-gabi ng araw ng Fairy Turin kada buwan, ang Turin's Prayer ay maaari mong gamitin. Maaaring kang swertihin, at maaari ka ring malasin!

Kapaki-pakinabang ang epekto ng Turin's Prayer. Kahit na isa lang itong dasal, kadalasan, positibo naman ang nagiging epekto nito.

Ang sabi ay noong minsang may gumamit ng Turin's Prayer, nakapagtawag ito ng isang heveanly creature para pagsilbihan siya!

Ngunit mayroong rin mga minalas tanging imps at kung ano-ano pa ang nakuha.

Sa madaling salita, walang kasiguruhan kung ano ang maaaring ibigay nito.

Sa tantsa ni Marvin, anim na araw mula ngayon ang araw ng Fairy Turin.

'Anim na araw… sakto sa araw ng Battle of the Holy Grail, kakaiba ang tyempo nito ah…' isip-isip ni Marvin.

"Tapos na ang problema sa Outlaw of the Crimson Road."

"Malaking ang pasasalamat ko sa tulong na ibinigay mo. Panghabang-buhay na ang pagkakaibigan ng mga Wood Elf at ng mga Night Ranger."

Malinaw sa tono ng Great Elven King na tila kailangan na niyang umalis.

Naramdaman na ni Marvin ang pagbabago at tiningnan ang mag-ama. Ano kaya ang mangayayri sa dalawa?

Ngumiti si Ivan kay Marvin. "Niligtas mo ang buhay ni Ollie, hinding-hindi ko malilimutan ang tulong na ibinigay mo."

"Kung may oras ka, puntahan mo ko sa teritoryo ng mga Stone Giant."

"Pero sa ngayon, hahamunin ko muna ang matandang 'to!"

Nag-aalalang tiningnan ni Ollie si Ivan, habang tinititigan naman ni Ivan si Nicholas.

Mahinahong tininingnan ni Nicholas si Ivan. " Halika."

"Tatlumpung taon ng pagsasanay, gusto kong makita kung anong naging resulta."

"Alam kong War Saint ka na, pero kulang pa rin 'yan!"

'Magandang panuorin ang laban na 'to!' Nasasabik si Marvin sa kanyang mapapanuod. 

Pero biglang itinaas ni Nicholas ang kanyang malaking kamay.

"Nakikiusap ako sayo, bata. Isa itong dwelo sa pagitan ng mga wood elf. Hindi ligtas para mapanuod ito ng mga taga-labas."

Sa isang iglap, isang gate ang lumitaw sa likuran ni Marvin!

Kontrolado ng Great Elven King ang buong Thousand Leaves Forest. Pwede siyang lumitaw kahit saan, kahit anong oras. Kaya niya ring mapalabas ang kahit na sino ano mang oras!

Napakamot na lang si Marvin sa kanyang ilong, saka nagpaalam kina Ivan at Ollie bago lumabas.

"Sayang…"

Nang makarating na sa hangganan ng Thousand Leaves Forest, hindi niya mapigilang lumingon muli.

Hindi man lang niya napanuod ang kakaibang bangayan ng mag-ama… mali. Ang dwelo nila.

Sayang dahil kabilang ang dalawang ito sa pinakamalalakas na nilalang sa Legendary na Rank.

Pero kung iisipin, si Ivan mismo ang nagsabing bisitahin siya sa teritoryo ng mga Stone Giant. Mukhang alam na rin nito kung anong kalalabasan ng kanilang laban.

Kahit na isang War Saint si Ivan, kailan lang niya naabot ang pagiging Legend. Kakaunti lang sa mundong ito ang nakaka-alam ng tunay na lakas ni Nicholas!

Karamihan sa mga ito'y inisiip na isa siyang Legend. Kung tutuusin ay totoo naman.

Pero alam ni Marvin ang nakakatakot na lakas nito!

Malayong-malayo ang lakas nito kumpara sa mga pangkaraniwang Legend.

Isa siyang Dual-Class Legend! Hindi subclass, kundi dual-class!

Kung hindi nagkakamali si Marvin, si Nicholas ay isang level 28 Wizard at isang level 21 Ranger!

Kung susumahin ay 49 na level! Halos kaya na niyang tapatan ang ilang malalakas na god.

Ang nakakatakot na lakas na ito ang nagpakilabot sa mga mahihinang god sa panahon ng Great Calamity.

Mag-isa niyang pinrotektahan ang Thousand Leaves Forest. Mabibilang sa daliri ang mga god na kanyang napatay.

At nagsisimula pa lang na makilala si Ivan noong mga panahong 'yon.

Masyadong malaki ang agwat sa lakas ng dalawang 'yon.

...

Hindi na ito masyadong inisip ni Marvin. Nanatali pa si Marvin ng kaunti sa paligis ng Thousand Leaves Forest, at sa wakas ay nahanap na niya ang eternal flower na pinapahanap ng Mad Lich.

Tumutubo ang eternal flower sa iba't ibang lugar. Hindi naman ito kayamanan, pero kaya nitong labanan ang atake ng negatibong enerhiya.

At dahil dito, nagawa na niya ang lahat ng kailangan niyang gawin sa hilaga.

Ang advancement, Eternal Flower, Book of Nalu, lahat nasa kanya na.

'Oras nang bumalik sa Three Ring Towers!'

Bukang-liwayway nan ang makabalik ng Oak Town si Marvin.

Bumalik siya sa inn na kanyang tinutuluyan at nagpahinga ng kaunti bago naghanda maglakabay pabalik.

Sa pagkakataong ito, mas lumakas pa si Marvin. Sa laki ng kanyang inilakas, ikagugulat ito ng mga tao.

'Siguradong marami rin ang naghanda para sa Battle of the Holy Grail na 'to.'

'Ang Unicorn Clan, sigurado rin akong maraming nagtatagong kalaban…'

'Malas lang nila, may supresa rin ako para sa kanila.'

Nagplano na si Marvin. Sumakay na siya sa kanyang kabayo, umalis sa Oak City at nagsimulang maglakabay pa-timog!

Paglipas ng dalawang araw, sa magic training field ng Magore Academy.

"Whoosh! Woosh! Woosh!"

Lumang bola ng apoy ang sunod-sunod na pinakawalan, na inaasinta ang isang makapal na piraso ng bakal, mula sa isang mala-ahas na magic staff,

Nabutas ng nakakatakot na arcane power ang bakal.

Pinunasan ni Wayne ang kanyang pawis at napangiti.

Kahit papaano'y nabawi na niya ang kanyang lakas.

Basta bumalik ang kanyang nakatatandang kapatid, hindi isya matatakot na humarap sa susunod na Battle of the Holy Grail!

Maraming taong ang nanunuod kay Wayne mula sa labas ng training field. Usap-usapan siya ng mga ito.

Karamihan sa kanila ay mga estudyante ng Magore Academy. Pamilyar ang mga ito kay Wayne, ito ang apprentice na nagpamalas ng kakaibang talento pagkapasok ng academy.

Pero habang pinapanuod nila si Wayne, makikita ang inggit sa mata ng mga ito.

Masinsing pinipili ang mga wizard base sa kanilang talento. Di tulad ni Wayne nan aka-abot ng level 5 matapos lang ang anim na buwan ng pag-aaral at naging isang 2nd rank na wizard, wala silang ganoong talento.

Puno ng panunuya at masasamang intensyon ang kanilang mga usapan.

"Ang tanga naman, para saan ba ang pagsasanay ng Chain Fireball? Mangangalahati lang din naman sa snow mountain ang epekto ng mga fire magic!"

"Oo nga, noong huling laban umasa lang siya sa nakatatandang kapatid niya para manalo. Kahihiyan siya sa mga wizard! Bakit ba pinapayagang sumali pa ang ganitong tao sa Battle of the Holy Grail?

"Pwe! Sa gubat ginawa ang qualifying round. Kahit nanalo siya, hindi naman kapani-paniwala. Ewan ko ba anong pumasok sa isip ng mga nakatataas."

Hindi nagbago ang mukha ni Wayne kahit pa naririnig ang sinasabi ng mga taong nanunuod sa kanya.

Bata pa siya at hindi pa sapat ang kanyang lakas, natutunan niyang ang tiisin at tanggapin ang kanyang mga naririnig ang pinakamagandang paraan para harapin ito.

Nang biglang may mga maririnig na sigaw mula sa mga manunuod!

Ang mga nangungutyang apprentice ay biglang sinipa palabas ng isang napakabilis na anino!

_____

TL1 – Qilin (pwede ring Kirin) ay isang nilalanag mula sa isang alamat. Iba-iba ang ang mga representasyon nito, pero kadalasan ay pinapakita ito bilang isang hayop na mayroong katangian ng mga baka, usa, kabayo, at dragon.