Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 104 - War Saint!

Chapter 104 - War Saint!

Habang inilalahad n ani Karel ang kanyang binabalak, tahimik na naghandang kumilos si Marvin.

Nang nakita niya si Ollie kasama ng iba pang elven iron guard, alam niya hindi na siya maaaring manatiling nakatago.

Kailangan ni Ivan para makawala mula sa pagkakagapos sa kanyang ng knowledge compass.

Kaya siyang bigyan ng sapat na oras ni Marvin.

Hindi na nag-atubili si Marvin nang makitang nakatutok sa leeg ni Ollie ang karit. Inilabas niya agad ang isang maliit na bote. "Glug!"

Ang ikatlong paggamit ng Dragon Strength! ¹

Mas mahalaga ang paggagamitan nito ngayon kumpara noong isang beses niya itong ginamit.

Nagamit niya ang isa sa mga ito para kalabanin ang gnoll Sorcerer at grupo ng mga gnoll. Noong mga panahong 'yon, tunay na sayang ang pag-inom ng sangkapat nito. Pero masyado pang mahina noon si Marvin, kaya ginamit niya ito dahil wala na siyang ibang pagpipilian.

Kayang Maitaas ng Dragon Strength ng 6 na puntos ang strength at 4 na puntos naman sa dexterity. Kung attribute naman ang pag-uusapan, para itong tumaas ng 20 na level!

Kahit na hindi naman nakadepende ang lakas ng mga class sa kanilang mga attribute, kahit papaano'y sapat na ang Dragon Strength para makayanang harapin ni Marvin ang lahat ng uri ng malalakas na class holder!

Pero siyempre, kung isa itong caster, mahihirapan pa rin si Marvin.

Mas madaling kalaban ang mga Outlaws of the Crimson Road, lalo pa at nagamit na ni Karel ang mga ability ng knowledge compass.

Kampante si Marvin na kaya niya itong harapin panandalian.

Uubusin niya lang naman ang oras nito. Hindi lang sa attribute point mas malakas ang mga Higher rank Class, mayroon ding mga nakakatakot na skill at espesyal na ability ang mga ito.

Hindi naman ganoon ka-arogante si Marvin para isiping kaya na niyang talunin ang isang 3rd rank class holder dahil lang uminom siya ng isang potion.

Sa halip, mas naging maingat ito!

Para mailigtas si Olli, hindi siya basta-basta sumugod, mas pinili niyang gumamit ng stealth.

Ginamit niya ang innate skill na nakuha niya mula sa Book of Nalu, ang Shadow Doppleganger!

Isang pigurang kamukhang-kamukha ni Marvin ang lumabas mula sa mga anino. Kalahati lang ng lakas ni Marvin ang mayroon ito, at 3 minuto lang itong mabubuhay.

Para tantsa niya ang tunay na lakas ni Karel, nag desisyon si Marvin na ang doppleganger muna ang paunahin!

At napabuntong-hininga ito sa kinalabasan!

Nagawang dispatyahin agad-agad ni Karel ang doppleganger ni Marvin!

Sapat nga ang lakas nito para sa kanyang rank! Kung hindi nag-ingat si Marvin, malamang patay na siya ngayon!

Gamit ang stealth, maingat na lumapit si Marvin kay Karel na may seryoso ang itsura.

Seryoso at hindi mapakali ang si Karel, lingon nang lingon ito sa kanyang kapaligiran.

Isang kakaibang sandata ang karit na hawak nito. Kakaunti lang ang mga taong gagamit ng ganitong uri ng sandata. Ang mga taong gumagamit lang nito ay mga taong gusto lang magmukhang malakas o isang tunay na expert!

Hawak ang Fang, tahimik na kumilos si Marvin, hindi mabagal at hindi rin mabilis.

Nasa 10 metro na lang ang layo ng dalawa sa isa't isa.

Tumigil na dito si Marvin. Sapat na siguro ang distansyang ito. Hindi naman dahil mababa ang perception ng mga Outlaw of the Crimson Road, hindi na nila mararamdaman ang mga taong papalapit sa kanila.

Nakatulong rin kay Marvin ang dilim. Isang dark elf si Karel, kaya siguradong meron itong night vision. Pero malayong-malayo ito sa darksight.

Kita sa mukha ni Karel ang pagiging iritado nito, kung tumingin ito sa palagid ay para bang isa siyang agilang naghahanap ng kanyang makakain.

"Mayroong pang ibang tao dito…"

"Hindi ko inasahan 'to."

Umatras ng dalawang hakbang si Karel, papalapit kay Ollie. Biglang niyang iwinasiwas ang karit niya papunta ka Ollie!

Pinipilit nitong mapalabas si Marvin!

Alam ni Marvin kung ano ang gusto nitong mangyari, pero wala na siyang magagawa kundi kumilos!

"Woosh!"

Isang dart na saktong-sakto sa dibdib ni Karel ang pinakawlan ni Marvin. Kaso nga lang naharang ito ng karit ni Karel.

Hindi na muli nakapagtago pa si Marvin.

Agad na itong lumabas at inihanda ang kanyang mga dagger!

Nasa ilalim pa rin ng epekto ng potion si Marvin sa ngayon, kaya kung attribute lang ang usapan, halos kapantay lang nito si Karel.

Pero napuno ng pangaba si Marvin dahil sa gamit na sandata nang kanyang kalaban!

Lamang ang malaking karit nito kung itatapat sa mga dagger dahil sa disenyo nito. Kaya nitong maagaw o masira ang mga ito depende sa pagkakagamit nito.

"Klang! Klang!"

Matapos ang kaunting pagsisiyasat, kahit papano'y bawat isa sa kanila ay may ideya na sa lakas ng kalaban nila.

"Nakakamangha, isang 2nd rank Night Walker na mayroong mga attribute na asking taas ng mga 3rd rank na class holder. Mukhang gumamit ka ng isang malakas na potion."

Sa isang sulyap lang ay nabisto na ni Karel si Marvin.

Hindi na nag-aksaya pa ng laway si Marvin. Hawak ang curved dagger niya'y walang takot sumugod si Marvin papunta kay Karel!

Malaki ang pinagkaiba ng lakas ng dalawa, lalo pa kung iisipin mo kung gaano kabagsik ang mga skill ng isang Outlaw of the Crimson Road. Hindi niya pwedeng hayaang makakuha ng pagkakataon si Karel.

Ang isang malapitang dwelo lang ang pag-asa ni Marvin!

Blade Technique – Rapids!

Sabay na umatake ang dalawang twin dagger, napapagitnaan ng mga dagger si Karel!

Naipapamalas ng, karagadagang specialty ng 25 dexterity na, [Flicker] ang buong epekto nito sa pamamagitan ng mga sandata ni Marvin.

Pinagpalit ng Two Weapon Fighting ang ilang striking power para sa isang high attack speed. Tanging Iron Bastion lang ang makakatapat dito, pero walang ganoong klaseng pangdepensa ang mga Outlaw of the Crimson Road.

Bawat atake ng dagger ni Marvin, napipilitang salagain ito ni Karel. Dahil kung hindi, maaaring magdulot ito ng malaking pinsala!

Walang flexibility ang mga malalaking karit na tulad ng mga curved dagger, kaya naman di nagtagal, nakahanp si Marvin ng butas at nagawa nitong sugata ang braso ni Karel.

Kahit nagawang iwasan ito ni Karel, nasugatan pa rin ito.

Labis itong kinagalit ni Karel.

Hindi niya inakalang ang isang tulad niyang napakalakas na 3rd rank at matatapatan ng isang baguhang 2nd rank.

Hindi nilubayan ni Marvin si Karel dahil hinding-hindi pwedeng makahanap ng pagkakataon ito!

Alam niyang nakakatakot ang mga Outlaws of the Crimson Road, kaya sinukan ni Marvin na dikitan lang ito at hindi makalayo. Ito'y para hindi nito magamit ang kanyang malaking karit o ng kahit anong skill!

Ito lang ang tanging paraan para makalamang siya!

"Lumayo ka nga!" Galit na sabi ni Karel. Bigla itong iwinasiwas ang karit kaya napilitang umatras ng bahagya ni Marvin. Ngunit mayroon pa rin itong dugo sa bandang tiyan nito!

Lumaki ang distansya ng dalawa.

Itinaas ni Karel ang kanyang karit at walang habas na iwinasiwas ito!

Walang takot namang ginamit ni Marvin ang Shadow Step!

Napakalayo ng inabot ng paghakbang ni Marvin dahil ginamit rin nito ang Burts kasabay ng Shadow Step!

Direkta namang nalampasan ni Marvin ang kayang abutin ng atake ng karit nito. Balak nitong umikot at makabawi.

Pero sa pagkakataong ito, biglang sumigaw ng napakalakas ni Karel, bigla na lang tila sumayaw-sayaw ang karit sa kamay ni Karel.

Sa isang iglap, napalibutan na ito ng mga nakakatakot na blade shadow!

'Parang pareho ito sa Chaotic Dance!'

'Masama 'to…'

Mahirap ang sitwasyon ni Marvin. Binilisan nito ang kilos, at sa tulong ng Flicker, nagawa niyang maiwasan ang mga nakakatakot na blade shadow.

Pero hinabol siya ni Karel, at ayaw siyang pakawalan!

Habang gamit ang high level skill na ito, halos kasing bilis lang ni Karel si Marvin.

Tuloy-tuloy ang pag-atake nito. Ginamit ni Marvin ang kanyang kapaligiran para maiwasan ang mga ito, pero pinira-piraso lang ni Karel ang mga punong 'to!

Para bang isang mabangis na shredder ang taong ito!

Si Marvin na nagagawa pang umatake kanina ay wala nang magawa ngayon kundi tumakbo. Umaasa na lang siya sa kanyang mataas na dexterity para tuloy-tuloy na makatakas.

"Mamatay ka na!"

Pulang-pula na ang mga mat ani Karel, at bumilis pa ng kaunti ang takbo nito!

'Kaya pa niyang bumilis?' Nagulat si Marvin. Sunod-sunod na niyang nagamit ang burst, malapit nang bumigay ang kanyang katawan.

Masyado talagang malakas ang taong ito. Gumamit na ng potion si Marvin pero hindi pa rin niya ito kinaya!

"Pop!"

Tumama sa lupa ang karit at nag-iwan ng mahabang hiwa!

Gumulong palayo si Marvin at nabalot ng lupa.

Muntik na siya doon!

Bumilis ang tibok ng puso niya. Nang makita niyang aabutan na siya muli ng karit, wala na siyang lakas ng loob pang salagin ito!

Dahil hindi na kayang salagin pa ito ng mga dagger!

'Wala na kong magagawa kundi tumakbo…' Nagngalit ang mga ngipin ni Marvin, tumayo siya at iniwasan muli ito.

Nang biglang may maririnig na dagundong malapit kay Karel!

Sa mga sumunod na sandali, nagulat ito nang makitang nabasag na ang bahagi ng knowledge compass na nakasabit sa kanyang dibdib.

"Imposible!"

"Ni wala pang isa't kalahating minuto!"

Lumingon si Karel, malapit sa kanyang kinatatayuan kanina, nakita niya ang galit sa mukha ni Ivan at hawak na nito ang kanyang lumang espada.

Nabasag na nito agad ang space prison! Kahit ang bahagi ng konwledg compass ay nabasag sa sobrang lakas nito!

"Imposible 'to…" bulong ni Karel na hindi makapaniwala.

"Pwera na lang kung naging …."

Hindi pa tapos ang sinasabi ni Ivan, agad na lumapit ng napakabilis nito kay Karel.

Galit nag alit ito habang tinitingnan si Karel at walang emotion na sinabing:

"War Saint? Matagal ko nang naabot 'yon!!"

____________

1- May kaunting nabago rito. Nakalimutan ng manunulat ang isa pang beses na ginamit ang Dragon Strength (Ang laban ni Marvin sa envoy at kay Black Jack) kaya naman, itinaas na sa apat ang gamit nito para sumakto sa kwento.