'Elven Prince nga siya. Kaya niyang makita ang mga blessing na nakuha ko…'
Palihim na nagulat si Marvin.
Nang mag-advance siya sa Night Walker, nakatanggap naman talaga siya ng isa pang blessing mula sa Night Monarch. Hindi nga lang napansin ito ng matandang blacksmith.
Pero nagawang makita ni Ivan ang kanyang espesyal na blessing sa isang tingin lang.
"Wag ka nang magtaka." Ngumiti si Ivan. "Pareho tayong may ancient elven god;s blessing, kaya nakakaramdam ang ng mga bagay-bagay."
"Kung ibang tao 'yan, malaking problema para sa kanila na malaman ang espesyal mong skill. Malaki ang potensyal mo."
Sumimangot si Marvin at pabalang na sinabing, "Kung gusto mong tulungan kita, tigilan mo ang pagtawag sakin ng 'bata'."
"Ang sino mang nagmamataas, kahit anong edad pa yan, ay nakakayamot," dagdag pa ni Marvin.
Walang problema 'to kay Ivan. "Sige, anong dapat kong itawag sayo?"
"Marvin."
Tiningnan ni Marvin ang kalangitan at seryosong sinabing, "Hindi pa ganoon kadilim, hindi ko pa magagamit ang skill ko. "
"Mahirap talagang maging Night Walker," ika ni Ivan ng nakasimangot. "Karamihan ng mga skill niyo ay pwede lang gamitin sa dilim."
"Gusto kong ituro mo sa akin ang skill na 'yon."
Sinabi agad ni Marvin ang gusto niyang kapalit, "Yung skill na ginamit mo para agawin ang sandata noong elf."
Ngayon lang makikita ang pagkagulat sa mukha ni Ivan. Ilang saglit lang, matapos niya itong pag-isipan, "Sige. 'Yon lang ba?"
"Meron pa." Dagdag ni Marvin sa sa isang mababang boses, "Kung tutulungan kitang hanapin ang Outlaw of the Crimson Road, malalagay ako sa peligro."
"Peligro?" Tumaas ang kilay ni Ivan. "Sa tingin mo hindi ko siya kaya?"
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, sagot ni Marvin. " Ikaw ang peligro."
"Walang nakaka-alam kung anong gagawin sa akin ng Great Elven King kapag nalaman niyang tinulungan kita," sabi ni Marvin habang nagkikibit-balikat.
Ngumiti si Ivan habang napapailing, "Tama ka."
"Hindi dapat nangingielam ang mga taong tulad ko. Kaso … dito rin ako lumaki sa Thousand Leaves Forest."
"Sige. Ituturo ko na sayo ang ginawa ko bago pa tuluyang dumilim ang kalangitan!"
"Nakadepende sa perception mo kung matututunan mo ito o hindi!"
Biglang pumitik ang kamay ni Ivan sa loob ng makapal na usok, nagulat si Marvin at biglang naagaw na sa kanya ang Fang!
Nakaramdam ng sakit si Marvin sa kanyang mga kamay, pero malinaw pa rin ang mga mata niya!
…
Paglipas ng 30 minuto, tuluyan nang dumulim ang kalangitan.
Na-activate na ang bonus skill na [Night Tracking] na natanggap ni Marvin.
Umilaw na rin pati ang [Summon Night Crow]. Tumaas ng 10% ang lahat ng kanyang attribute, kaya naman tumaas na rin ang kanyang kabuoang fighting strength.
Kahit na mukhang hindi maaasahan si Ivan, mahusay naman itong magturo.
Matyaga nitong tinuruan si Marvin ng skill nap ag-agaw ng sandata ng kalaban, kahit na hindi inakala ng aroganteng Elven Prince na mabilis matututunan ni Marvin ang isang napakahirap na skill.
"Hindi mo pa rin maalala? Ang pinakamahalaga ay ang pag pitik at pag-agaw!"
"Kaya kailangan mong matutunan kung paano kontrolon ang iba't ibang klase ng sandata, hindi pwedeng mga dagger lang ang alam mo. Paano gumamit ng two handed great sword ang kalaban mo? Pwede mong maalis ang sandata sa kamay niya pero hindi mo 'to makukuha dahil hindi moa lam kung paano humawak ng espada!"
Hindi madaling gamitin ang skill na ito. Kailangan mong makuha mun ang titolong weapon master."
Bahagyang napangiti si Ivan.
Gayunpaman, nanatiling mahinahon si Marvin at tumango lang ito.
Iba't ibang log ang lumitaw.
[You understood part of a special skill while training… Edge Snatch (1/10)]
…
[You understood part of a special skill while training… Edge Snatch (7/10)]
…
[You perfectly used a skill move repeatedly during training – Edge Snatch. Spend 1000 battle exp to turn it into a personal skill?]
[Battle exp spent, you received a personal skill – Edge Snatch]
[Edge Snatch (20)]
[You received proper guidance from a Weapon Master, allowing your understanding of the skill Edge Snatch to increase. Edge Snatch +1]
[You received proper guidance from a Weapon Master, allowing your understanding of the skill Edge Snatch to increase. Edge Snatch +1]
…
Kahit na walang tatapat sa mga masakit na pananalita ni Ivan, mahusay naman itong magturo. Sa tuwing may sinasabi ito, tumataas ng isang puntos ang skill level ng Edge Snatch!
Kaya naman umaasa si Marvin na mas marami pa itong sasabihin.
Pero tuluyan nang nagdilim ang langit at sa wakas ay tumigil na sa pag talak si Ivan.
Nalulungkot na tiningnan ni Marvin ang kanyang Edge Snatch skill na natigil na sa 40 na puntos. Kinailangan lang dumaldal ng taong 'yon at kusang tataas ang skill ni Marvin. Siguro nasa 150 na puntos ang Edge Snatch skill ni Ivan!
Siguradon hindi ito mga skill point na naipon, kundi isang innate skill comprehension.
Hindi naman nainggit si Marvin, alam naman niyang maraming henyo sa mundo tulad na lang ng mga Fate Sorcerer, at tulad ng lalaking ito.
Kahit na in-exile ito ni Nicholas, kilala pa rin sa mga elf si Prince Ivan bilang isa sa kakaunting may pag-asang mag-advance sa –[Elven War Saint].
Kahit ang ama nitong si Nicholas ay walang nagawa kundi aminin na pamibihira ang talento ni Ivan sa mundong ito.
…
"Mabuti at madilim na ang kalangitan." Naging seryoso si Ivan. "Marami na tayong nasayang na oras. Kung hindi natin mahahanap ang Outlaw of the Crimson Road, marami pang mga inosenteng buhay ang mawawala sa Thousand Leaves Forest."
Tumango si Marvin pero nagtatakang itinanong, "Ang mga puno ng Thousand Leaves Forest ang mga mata at tenga niyong mga elf dito, bakit kailangan mo pa ng tulong ko?"
Umiling si Ivan at sumagot, "Mayroong knowledge compass ang Outlaw od th Crimson Road. Kahit na maliit na bahagi lang ito, sapat na 'yon para makapagtago sa perception namin."
"Kahit nga si Nicholas ay naloko ng taong 'yon. Kailangan na nating madispatya ang kalaban bago pa man umalis ng elven capital ang matandang 'yon na matigas ang ulo."
"Kundi, malaking problema 'to. Kapag dumating ang matandang 'yon na mainit ang ulo, hindi na gagana ang ano mang klase ng pangangatwiran."
Tumango si Marvin.
Mabilis na inilabas ni Marvin ang token ng Outlaw of the Crimson Road na nakuha niya kay Black Jack at agad na ginamitan ng Night Tracking.
Malaki ang itinaas ng kanyang perception. Ginamit niya ang token bilang marka at tiningnan ang kapaligiran kung may kahit anong senyales nito.
Di nagtagal, naging berde na ang mga nakikita ni Marvin.
At nagkaroon ng isang scarlet path sa kanyang harapan.
"Doon!" Agad na tinuro ni Marvin ang daan at agad na tumungo sa direksyong iyon.
Lumiwanag ang mga mat ani Ivan, dinampot niya ang kanyang lumang espada at agad na sumunod.
…
Sa kagubatan, dalawang tao ang mabilis na tumatakbo.
Habang tumatakbo, sinamantala ito ni Marvin para magtanong.
"Bakit ka na-exile?"
"Gusto ng tatay kong pakasalan ko si Ollie, pero sinabi ko sa tatay kong hindi ko siya gusto."
"Pwede ka namang humanap ng iba? Sigurado namang may babaeng magugustuhan mo sa buong Thousand Leaves Forest," agad na sagot ni Marvin.
"Hindi," sabi ni Ivan. "Hindi si Ollie ang problema."
"Mabait siya at mahusay na babae."
"Kaso nga lang… Hindi babae ang gusto ko."
Gulat na gulat si Marvin.
'Pucha! 'Yon ang rason kung bakit na-exile ang Elven Prince?'
Bago pa man nakapagsalita si Marvin, may napansin na si Marvin sa bandang harapan!
"Dahan-dahan! Malapit na tayo!" bulong ni Marvin habang gulat pa rin siya sa kanyang narinig.