Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Nakita nila ang batang babae na bagong pasok lang sa Qing Shan Courtyard. Sa gitna ng karamihan ay makikita ang maliit niyang katawan habang malumanay na nagsasalita, "Kahit na winter ngayon, malapit pa rin tayo sa hot spring na siyang nagbibigay init ngunit nanghahalina rin sa mga insekto gaya ng lamok at mga gamugamo. Miski ang rattan na ito ay gusto ng mga insekto ngunit sa pagsunog nito mas naakit sa mga ibon at daga dahil sa init na ibinibigay nito. Kinakain nila ang mga insekto samantalang ahas naman ang kakain sa kanila. Napakasimple lang naman nito kaya dapat alam na ito ng mga katulong dito."

Naalarma naman si Zhuge Yue sa sinabi ni Chu Qiao at nagtanong kaagad, "Sino ang nagdala ng mga yan dito?"

"Young Master, pinadala po ito kahapon mula sa isang household caretaker ng Zhu. Ang sabi po isa daw po itong specialty ng South Xinjiang. Akala po nila ay magugustuhan mo ito kaya inutusan ang mga katulong na ilagay dito." takot na sagot ni Jin Cai na halos inulong niya na ito.

"Zhu Shun?" tanong ni Zhuge Yue habnag nag-iisip. "Kumakapal na lalo ang mukha ng caretaker na ito. Pagbumili siya ng kutsilyo at sinabi sayong ilagay sa kama ko, sigurado akong gagawin mo."

Nagulat si Jin Cai sa sinabi niya bago dinepensahan ang sarili niya, "Hindi ko po magagawa iyon!"

Hindi nagsalita si Zhuge Yue hanggang sa nagsisimula ng mag-alisan ang mga nandoon nang muli siyang magsalita, "Simula ngayon dito ka na magtatrabaho."

Nagtaka naman ang lahat kung sino ang sinasabihan niya.

Nainis naman si Zhu Yue kaya tinuro niya si Chu Qiao bago sinabing, "Ikaw."

Natulala silang lahat.

Magalang na sinagot ito ni Chu Qiao, "Masusunod po."

Pagkalabas ng Xuan Hall, basta nalang nilang itinapon ang duguang katawan ni Jin Zhu sa isang kariton. Ang nanghihina niyang katawan ay kakatapos lang makatanggap ng tatlumpung hampas ng baston at ipapatapon na siya sa An Juan Hall, isang nakakakilabot na lugar. Paano niya ito maliligtasan?

Kinilabutan naman si Jin Cai nang makita niya ito. Isang malamabing na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran, pag-ikot niya ay nakita niya si Chu Qiao na nakatitig sa kanya. "Ate Jin Cai, magtulungan po tayo simula ngayon, bago lang po ako at wala pa masyadong alam dito, sana mapakisamahan mo po ako." malambing na sabi ni Chu Qiao.

"Oo naman, lahat tayo ay mga nagsisilbi sa Fourth Young Master, kaya dapat magtulungan tayo." kalmadong sagot ni Jin Cai pero sa loob-loob niya ay hindi niya maintindihan kung bakit siya kabado.

"Opo." sagot ni Chu Qiao bago muling nagsalita, "Ate Jin Cai, pwede mo na bang patawarin sila Nuan Yu at ang iba pang mga bata?"

Kahit na medyo naiinis na si Jin Cai tumango ito bago sinabing, "Malapit na rin naman na matapos ang oras nila, maari na silang umalis."

"Ako na ang hihingi ng salamat para sa kanila," nakangising sabi ni Chu Qiao bago naglakad papunta sa mga batang nanginginig sa sobrang lamig. Napabalikwas si Chu Qiao nang may maalala siya, "Kung kasing bait ka lang ni Ate Jin Zhu, hindi na makakatanggap ng parusa si Shu Tong at Lin Xi. Kaya napakabuti na maging mapagkumbaba. Tatlong araw pa lang ang nakalipas ng mamatay si Lin Xi, at sa tingin ko ay susunod din si Jin Zhu. Maisip ko lang to ay kinikilabutan na ako.

Hindi na nakayanang magpanggap ni Jin Cai at tinitigan ng masama si Chu Qiao. Nasa isip niya kung paano ang maliit na batang nasa kanyang harap ay nakakatakot.

Nilapitan ni Chu Qiao si Jin Cai bago bumulong sa tainga ni nito, "Lahat ng kasalanang ginawa mo ay may kapalit. Kung hindi pa narating ang karma mo, maghintay ka dahil darating yun ng hindi mo inaasahan. Hindi ba?"

Gulat na gulat si Jin Cai sa mga sinabi ni Chu Qiao bago nagmamadaling umalis.

Mabilis naman siyang naabutan ni Chu Qiao at hinawakan siya sa balikat. Nanlumo naman si JIn Cai at natatarantang nagtanong, "Ano pang kailangan mo?"

"Bakit ka ba kinakabahan? Gusto ko lang naman ituro sayo ang daan pabalik sa kung saan mo iniwan ang mga peach."

"Peach?"

"Pareho na tayo ng katayuan dito, ako ang nagpakahirap para kumuha ng mga peach sa Nanyuan. Ngayon, hindi ba dapat ako ang maglahad nito?"

Wala namang masagot si JIn Cai sa sinabi ni Chu Qiao.

Tumalikod si Chu Qiao at naglakad pabalik sa flower room. Malakas niyang sinabi ang nasa isip niya, "dapat alam natin kung paano ilugar ang sarili natin at gawin ang nararapat nang sa ganon ay maging mabuti tayong mga tao. May mga bagay kasi na hindi na dapat inuulit at may mga bagay naman na isang beses lang dapat na mangyari. Tumingin muna tayo sa sarili natin bago magmagaling."

Nang magtanghali, tirik na tirik ang araw na halos tunawin ang nyebe sa sahig.

Hindi ito isang ordinaryong araw dahil nag-utos ang court of elders na magsimula ng kumilos ang mga militar. Agad naman na lumuwas ang Huang Army para simulan ang counter-insurgency. Ang warlords ng pitong dibisyon ay nagtatalo kung sino ang mamumuno sa Huang Army. Si Zhuge Huai ang may huling salita sa magiging desisyon dahil wala si Zhuge Mu Qing na head ng Zhuge Prefecture.

Sa araw rin na iyon, ang ika-apat na prinsipe ng Zhuge Prefecture ay nakagat ng may lason na ahas. Kahit na mabilis na binigyan ito ng lunas, kinakailangan niya pa rin magpahinga. Sa kabila ng mura nitong edad, siya ang Major General ng Huang Army. Ilang paghihimagsik ang napigilan niyan, napakahusay niya. Sa pamilya ng Zhuge, isa siyang lider maliban kay Zhuge Huai. Hindi sumang-ayon ang iba't-ibang dibisyon ng ibigay ni Zhuge Yue ang posisyon kay Zhuge Yue.

Sa hapon na iyon, dumating ang imperial doctor sa Zhuge Prefecture. Nais makuha ng Zhuge Clan ang Huang Army kaya wala siyang magawa kundi bitawan ang kanyang mga plano.

Nakatanggap ito ng samu't saring reaksyon. Nang malaman ito ng mga nakakatanda sa ZHuge, kaagad silang nagpunta para pamunuan ang main residence ng Zhuge.

Sa araw rin na iyon, dahil sa nangyari kay Zhuge Yue, nagtanghal ang Zhuge Prefecture kung ano ang kadalasan nilang ginagawa pati na rin ang kumpetisyon. Si Jin Zhu na buyo na naglilingkod sa Fourth Master ay nakasaklay. Isa sa dalawang naglalaban na naninilbihan sa Qing Shan Courtyard ang namatay, kinabukasan naman ay pumanaw rin ang isa dahil sa lubha ng mga natamo nito. Ang head caretaker sa bahay ng mga Zhu ay pinarusahan ng dalawampung hagupit matapos ang insidente sa mga palayok. Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa siya.

Sa gilid ng isang bundok, may mga buhayang nakakulong sa isang pavilion na nasa isang lawa malapit sa hot spring. Muli ay may tatlong katawan na naging pagkain ng buwaya ngunit parang wala lang ito sa iba.

Sa pagsapit ng dilim, maraming nag-abot kay Chu Qiao ng pera na tinago niya sa rattan na palayok.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi mapakali si Jin Cai sa tuwing nakikita niya si Chu Qiao. hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, pero dahil dito hindi siya makakain at hindi mapakali. 

Umaga palang ay maganda na ang panahon, kaya maaga ring nilinis ng mga katulong ang courtyard. Habang naghahanda sila ng pagkain ay may dumating na sulat galing sa Red Hill Court. Si Master Mu na mula sa South ng Five Ridges, si Master Wei, ang Seventh Royal Highness Zhao, Eight Royal Highness Zhao Jue, si Thirteenth Royal Highness Zhao Song at si Emperor Yan ay nagtitipon sa Red Hill Court.

Introvert si Zhuge Yue, hindi siya mahilig sumama sa mga lakad ng kanyang mga kapatid at mas gustong manatili sa Qing Shan Courtyard para magbasa. Hindi siya masayahing tao, kung hindi sa kanyang kalupitan ay kilala siya na laging mag-isa. Nakahiga siya sa kanyang kama nang matanggap niya ang balita, sinabihan niya naman ang tagapaghatid ng balita na hindi siya makakapunta dahil masama ang pakiramdam niya.

Dahan-dahang pinapaypayan ni Chu Qiao ang insenso ng natanggap niya ang balita. Nanahimik siya at matapos ang ilang sandali ay sinundan niya ang katulong na may dala ng pagkain.

Sumilip muna si Chu Qiao bago tuluyang tumakas.

Kahit na tinatawag itong 'hall' sa totoo ay isa lamang itong 'pavillion'. Ito ay nasa octagonal mountain sa Red Hill Court at may green lake sa baba nito. Dahil nasa kalagitnaan ng winter season, naging yelo na ang lawa. Napapalibutan ito ng pula at puting puno ng plum. Kung titignan ay para itong pininta sa buhay na buhay nitong mga kulay. 

Sa likod ng mga puno ng plum ay ang karerahan ng mga kabayo ng pag-aari ng mga Zhuge. Ang malalaking kapatagan na ginawang pastulan ng mga Zhuge ay espesyal na ginagamit nila para alagaan ang mga superior breed ng mga kabayo. Tahimik sa lugar na ito sapagkat iilan lang ang mga nabisita at bawal ang mga katulong dito. 

Maliit ang pangangatawan ni Chu Qiao kaya't madali niyang naiwasan ang mata ng mga bantay. Nakapasok siya at dali-daling inakyat ang kapatagan ng karerahan at ni isa ay walang nakahuli sa kanya.

May benepisyo ang maliit na pangangatawan ni Chu Qiao ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Katulad ngayon, kinakailangan niyang ilipat ang mga palayok at dahil sa kanyang pangangatawan kailangan niyang pagsikapan ilipat ng mga ito.

Nang paalis na si Chu Qiao ay napansin niya ang anino na papalapit sa kanya. Nagtago siya at hinintay na makaalis ito. Habang paalis ay nakita niya ang isang itim na kabayo na nakatali sa isang pine tree. Mukhang matikas ang kabayo at alagang alaga ngunit hindi siya pinansin kahit na naramdaman nito ang kanyang presensya. Nagtaka naman si Chu Qiao sapagkat dapat nga ay mas maging alerto ito sa taong hindi niya kilala. Sumilip siya at nakita niya ang bungkos ng buckwheat na hindi pa ubos. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ang ulo ng kabayo. Matagal niyang tinitigan ang kabayo na wala naman kibo sa mga kilos niya.

Paalis na siya ng makita niya ang mga pana na nakasabit sa gilid ng kabayo. Kumuha siya ng isa at pinag-aralan ang kabuuan nito, purong kulay puti ang ulo nito at doon niya napansin na may nakaukit dito na "swallow".

Nagkakasiyahan ang mga lider na mula sa iba't-ibang dibisyon sa hall habang pinagmamasdan ang mga puno ng plum, samantalang si Chu Qiao naman ay tumatakbo sa bakanteng daan sa bangin ng octagon mountain. Iniwan niya sa daan ang isang nag-aapoy na rattan at inilabas ang mga ahas sa dala-dala niya.

"Ha! Sinasabi ko na nga bang ikaw ang pasimuno ng mga kalokohan dito!" Isang matinis na boses ang biglang narinig. 

Tumalikod si Chu Qiao at nakita si Jin Cai na nakangisi sa kanya.

"Sasabihin ko ito sa Fourth Master at sisiguraduhin ko na yan na ang katapusan mo!" dagdag pa nito.

"Talaga ba?" tanong ni Chu Qiao na tusong nakangiti. Nang marinig niya ang mga yabag ng paa sa di kalayuan ay umiling siya bago sinabing, "Sa tingin ko ay hindi." Bahagya siyang lumiyad at tuluyang nalaglag sa bangin.

"Doon!" sigaw ng mga boses na maririnig sa di kalayuan.

Hindi na nagawang sumigaw ni Jin Cai sa gulat dahil sa ginawa ni Chu Qiao nang bigla siyang hilahin ng mga naglalakihang lalaki.

Masamang nakatingin si Zhu Shun sa kanya bago ito nagsalita, "Ngayong nahuli ka ng nagnanakaw, anong masasabi mo Jin Cai?"

Nabigla naman si Jin Cai at agad na dinepensahan ang sarili, "Hindi ako! Si Jing Xing Er! Siya! Sinundan ko lang siya dito!"

"Sinungaling! Nakita kitang kahina-hinalang nag-iinikot hanggang sa magnakaw ka ng rattan na palayok kay housekeeper Zhu! Tapos ngayon nagpapalusot ka pa at isinisisi mo pa sa iba?!" sigaw nito sa kanya.

Napansin ni Jin Cai ang pamilyar na bata sa tabi ni Zhu Shun, saka niya napagtanto kung ano ang nangyayari. "Magkasabwat sila ni Jing Xing Er! Housekeeper Zhu, wag kang maniwala sa kanya!" sigaw ni Jin Cai.

Nakaupo si Zhu Shun sa isang malabot na upuan na buhat buhat ng apat na kalalakihan. Matapos niyang naparusahan ilang araw lang ang nakalipas ay namamaga pa rin ang kanyang puwit. "Kung sinasabi mong nandito ka dahil sinundan mo si Jing Xing Er, nasaan na siya ngayon?"