Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 86 - Chapter 86

Chapter 86 - Chapter 86

Ang mahusay na tagapayo ng Da Tong ay tahimik na napabuntong-hininga. "Ang hangin sa memorya ng young master ay talagang matamis, ngunit ang Yan Bei ngayon ay hindi na katulad ng nasa memorya mo."

"Talaga, maraming mga pamilyar na tao ang wala na." Malalim na tumingin ang mata ni Yan Xun sa kadiliman. Hinayaan niyang malayang hanginin ng paparating na panggabing hangin ang kanyang buhok.

"Malinaw kong natatandaan na siyam na taong gulang lang ako nang nilisan ko ang Yan Bei. Nang oras na iyon, inutusan ng royal capital ang lahat ng maharlikang pamilya na magpadala ng anak na lalaki sa capital bilang patunay ng kanilang katapatan. Subalit, walang natanggap na sagot ang royal family. Harap-harapan na hinamon ni Master Jing ang utos na iyon. Isang araw, nagpadala ng sulat ang emperor sa aming ama. Pagkatapos basahin ang sulat na iyon ay matagal na nanatiling tahimik si ama. Sa wakas, tinanong niya kami ng mga kapatid ko, 'Sinong gustong pumunta ng royal capital? Kahit isang taon lang. Pagkabalik ay siya ang magiging malinaw na tagapagmana ng Yan Bei.' Wala sa amin ang may gustong pumunta at wala sa amin ang may pakialam sa pamumuno sa Yan Bei. Nang panahon na iyon ay medyo may gulang na ang aking panganay na kuya kaya tinanong niya si ama, 'Ama, hindi ba't kapatid ka ng Emperor? Bakit kailangan mag-ingat ng Emperor laban sayo?' natahimik ulit si ama noon bago tinignan kami sa mga mata at taimtim na sinabi, 'eksakto dahil magkapatid kami. Kung hindi ko siya tutulungan at susundin ang utos niya, sino ang gagawa?' at nang araw na iyon, nagdesisyon akong tumungo sa royal capital. Siya ang tatay ko. Kung hindi ko siya tutulungan, sino ang gagawa noon?"

Mapait na ngumiti si Yan Xun ngunit ang kanyang tingin ay may umaapaw na kahinahunan at may tinatagong bahid ng nananabik na pagkalumbay. Base sa ekspresyon na iyon lang, mapapaniwalaan na galing sa matandang tao ang ekspresyon na iyon.

"Ang paglalakbay sa royal capital ay puno ng pag-aalinlangan at sa kagustuhang matulungan ang aming ama, nagboluntaryo din ang aking panganay at ikatlong kuya. Subalit, ikokonsiderang mayroon na silang pinamamahalaan na responsibilidad, nagpasya si ama na ipadala ako. Sa araw ng pagpapaalam, nakasunod lang sila sa karwahe ko hanggang Zhui Ma Ridge, Liuhe County, Xi Ma Liang, at sa wakas, dito sa Bie Ya Slope. Si ama, eldest brother, second sister, third brother ay nakatayo dito kasama ang malaking hukbo ng mandirigma ng Yan Bei. Ang gintong leon na bandila ni ama ay marilag na lumilipad-lipad sa himpapawid. Nang lumingon ako sa kalayuan, nakita ko pang palihim na pinunasan ni second sister ang mukha niya habang si third brother ay sinisigaw na mag-ingat ako. Ang sabi ni eldest brother ay mas malamig sa royal capital kaysa sa Yan Bei kaya personal niya akong ginawan ng pampainit ng kamay. Limang taon kong ginamit iyon bago sirain ng opisyal sa royal capital sa parehong araw na dumating ang bangungot." Ngumisi si Yan Xun. Nagpatuloy siya sa kanyang walang emosyon na boses, "Minarkahan ng dalisdis na ito ang pinaka araw na ang kapalaran namin ay naghiwalay na habang-buhay." Tapos ay tumalikod siya at may tahimik na tawa na sinabi niya, "Ginoo, ipinadala ka dito sa takot na paparusahan ko ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison, hindi ba?"

Nagulat si Wu Daoya sa biglang pagbabago ng paksa, nasuot siya ng ngiti habang iniiling ang kanyang ulo. "Hindi, baka imahinasyon lang iyon ni master."

"Haha, hindi ka talaga nagsasabi ng totoo." Tawa ni Yan Xun. "malamang ay ganoon ang naisip mo. Ngunit pagkadating mo, narinig mo sa akin na ang namumuno sa mga sundalong iyon ay si AhChu. Sa ganon, hindi ka na nag-alala kaya napagdesisyunan mo na huwag nang pag-usapan pa iyon, tama ba?"

Bago pa man makasagot si Wu Daoya ay direktang nagpahayag si Yan Xun, "Gusto ko talagang patayin silang lahat. Sa oras na iyon, iniwan ko sila sa capital at habang umaasang patagalin nila ang pagtugis ng hukbo sa pagkuha ng atensyon nito, umaasa ako na malilipol din sila. Ngunit niligtas sila ni AhChu. Hmph, ikonsidera mo nalang na sinuwerte sila."

Nang marinig ito ni Wu Daoya ay agad siyang napangiti na mula sa puso. "Nakapa mapagpatawad at pinag-iisipang mabuti ni young master. Kayamanan ng Yan Bei na maging pinuno ka." Komento niya.

"Tigilan mo na ang pamumuri mo, alam kong hindi talaga ganyan ang nararamdaman mo. Alam mo kung gaano kalalim ang pagkamuhi ko sa Southwest Emissary Garrison at nagkompromiso lang ako dahil wala akong magagawa. Kung winasak ko ang pwersang pinaghirapang ibalik ni AhChu, papatayin niya ako."

Hindi maiwasan na mapangiti ni Wu Daoya nang naisip ang mahina ngunit matigas ang ulong dalaga. "Sa personalidad niya, posibleng-posible yun." Pagpapatuloy niya.

"Ngunit kung ganoon, yung mga namatay na taga-Yan Bei ay hindi matatahimik," saad ni Yan Xun.

Napaka kaswal lang ng tono niya na parang nagkokomento lang siya sa magandang panahon nang gabing iyon. Nanigas ang ekspresyon ni Wu Daoya nang marinig iyon. Ang parang kaswal na salitang ito ay lihim ang pagkaapaw ng poot at pagkauhaw sa dugo. Agad na nagsalita si Wu Daoya, "Young Master, kahit na noong mga taon na iyon ay nasuspetyahan ng kamalian ang Southwest Emissary Garrison, karamihan sa mga beterano noon ay wala na sa pwersa ngayon, at..."

"Ang pagpasok sa ganoong kampo ay pagtataksil na mismo sa Yan Bei!" malupit na pahayag ng batang hari, "Noong mga taon na iyon, nagkamali ang Southwest Emissary Garrison bago mag-umpisa ang labanan na dahilan ng wasak na pagkatalo ni ama. Kahit na karamihan ng responsible ay namatay na sa pagpatay ng Da Tong Guild, ang katotohanan na may mga tao pa rin na nagpalista sa isang bulok na hukbo ay kahihiyan sa Yan Bei at pagtataksil sa pamilyang Yan!"

Lumakas ang hangin at sinayaw-sayaw ang bandila ng itim na agila sa gabing kalangitan laban sa mapusyaw na sinag ng buwan. Napakalamig ng mukha ni Yan Xun. Matigas siyang nagpahayag, "Ang pagtataksil ang pinaka masamang krimen at hindi maaaring mapatawad! Siguro ang ilan sa mga desisyon nila ay pwersado lang dahil sa malupit na pamamahala ng imperyo ng Xia, ngunit kailangan kong linawin ang sarili ko sa mga sibilyan ng Yan Bei! Kahit ano man ang iyong rason, ang pagtataksil ay siguradong kamatayan ang tuloy. Kung papatawarin ko ang Southwest Emissary Garrison ngayon, bukas ay mayroon nanaman pangalawa, pangatlo, at sanglibo at isang parehong hukbo! Kung mangyari man iyon, mararanasan ng Yan Bei ang parehong kapalaran katulad ng dati! Kung makatakas man sila sa patibong ng kamatayan na nilatag ko para sa kanila, kailangan pa rin nilang pagbayaran ang kanilang pagkakamali! Pagkabalik nila, ipadala sila sa hilagang-kanlurang hangganan at ilagay sila bilang pang-unang pwersa ."

Kunot na kunot na ang noo ni Wu Daoya nang oras na natapos magsalita ni Yan Xun. Pang-unang pwersa sa hilagang-kanluran? Isa itong parusahang kamatayan na nakatago. Dahil sa kakaunting populasyon pati na rin ang katotohanan na ilang beses nang nilusob ng hukbo ng Quan Rong ang Yan Bei, marami sa mga nakagawa ng mabigat na krimen ay inilipat sa pang-unang pwersa para labanan ang mga taga Quang Rong. Walang papalitan na pangtustos, walang dagdag na kawal, at minsan ay walang mga sandata, tanging kamatayan nalang ang daan nila palabas.

"Hindi papayag si Xiaoqiao dyan."

"Hindi niya malalaman," saad ng pinuno ng Yan Bei. "Nagpapakita ng malakas na pangharap si AhChu ngunit mayroon siyang mabait na puso. Kahit kapag lumalaban sa mga kalaban, hindi siya labis pumatay. Ayokong malaman niya ang mga ganitong madugong bagay. Sigurado din ako na kung sino ang nakakaalam nito ay hindi siya iistorbohin."

Halatang ang salitang ito ay sinasabihan siya na wag kung ano-ano ang sabihin kapag kausap si Chu Qiao. Napabuntong-hininga nalang si Wu Daoya at tinigil na ang pagkumbinsi sa kanya. Biglang may maririnig na mga yabag na nanggaling sa di kalayuan. Lumapit si AhJing at nagsalita matapos yumuko, "Kamahalan, oras na para sa gamot mo."

Kinuha ni Yan Xun ang lalagyan at isang lagok na ininom ang gamot. Isang linya ng itim na gamot ang tumulo sa gilid ng kanyang labi. Pinunasan ito ni Yan Xun gamit ang panyo at matigas na pinagpatuloy ang sinasabi niya, "Ginoong Wu, huwag mo laging isipin kung paano masisiyahan ang populasyon. Kung ikokonsidera ang reputasyon, kahit sampung imperyo ng Xia ay hindi maikukumpara sa Da Tong Guild pagdating sa puso ng mga karaniwang tao. Ngunit sa kabila ng pamamalagi sa kontinente ng West Meng sa ilang daang taon, isa pa ring organisasyon ang Da Tong at hindi isang namumunong bansa. Sa huli, ang rason kung bakit napanatili ng imperyo ng Xia ang pamumuno nila sa lupaing ito ay hindi dahil sa kagustuhan ng mga sibilyan ngunit dahil sa mga patalim na hawak nila sa kanilang mga kamay."

"Naiintindihan ko."

Ngumisi si Yan Xun. "Napapaisip ako kung naiintindihan mo ba talaga?"

Binago na ni Wu Daoya ang pinag-uusapan dahil ayaw na niya itong ipagpatuloy, "Master, lumalalim na ang gabi. Kung hindi pa rin dumating si Chu Qiao, tayo ay..."

"Tutungo ako sa Liuhe County para gamutin ang sugat ko. Sandaang beses mo nang inulit yan." Iritadong napasimangot si Yan Xun. Tumalikod siya at tumitig sa blankong landas sa harap. "Siguradong darating siya."

Katulad ng inaasahan ni Yan Xun, nasa loob na ng isang daang milya ng Xi Ma Liang ang Southwest Emissary Garrison. Pinapalo ng mga mandirigma ang kanilang kabayo habang nagmamadali sa gabi!

Mga kalagitnaan ng gabi, nang mas dumidilim pa ang gabi, nagpahinga ang hukbo sa baba ng bundok ng Bai Shi. Nananatili pa ring alertong-alerto, nagpadala ng 30 tagamanman si Chu Qiao para tignan kung may bakas pa ng hukbo ng Yan Bei o ng kalaban sa Xi Ma Liang. Mahigit 4000 sundalo ang nakaupo sa lupa, naggawa ng sigá at kinain ang mga tuyong rasyon habang naghihintay sa kanilang pagbabalik.

Umulan nitong mga nakaraang araw at mamasa-masa ang damo. Nagdala ng maliit na karpet si He Xiao at naaasiwa na inabot kay Chu Qiao. "Binibini, umupo kayo dito, basa at malamig ang lupa."

"Salamat," sagot ni Chu Qiao at ngumiti sa kanya. "General He, nakakain ka na ba?"

Umupo si He Xiao at may bahid ng lungkot na tumugon, "Paano ako magkakaroon ng gana para doon?"

Napataas ang kilay ng dalaga at nagtanong, "Anong nangyari? Mayroon ka bang inaalala?"

Saglit na nag-isip si He Xiao bago sa wakas ay nag-ipon ng lakas ng loob na sabihin ang kanyang ipinag-aalala, "Binibini, papatawarin ba talaga kami ng kamahalan? Hahayaan ba talaga ng Yan Bei na magpatuloy mabuhay ang Southwest Emissary Garrison?"

"General He, hindi ka ba naniniwala sa akin?"

Naiilang na umiling si He Xiao. "Malaki ang utang na loob ng buong hukbo sa iyo, Binibini. Kung hindi dahil sayo, sigurado ako na patay na kaming lahat. Paano kita pagdududahan?"

"Kung gayon ay pakiusap paniwalaan mo ako. Nangako ako na sisiguraduhin ko ang kaligtasan ng lahat ng sundalo ng Southwest Emissary Garrison kaya sisiguraduhin ko na mangyayari iyon. Sigurado ako na hindi na masyadong hahabulin ni Yan Xun ang mga nakaraang pagkakamali at papatawarin ang mga iyon." Taimtim na sagot ng dalaga at nagpatuloy sa kanyang sinasabi, "Nasa malaking panganib ang Yan Bei. Tanging pag-iisa lang ng mga puso natin para maging posibleng makaahon tayo."

"Binibini..."

"General He, lahat ay mayroong kahibangan at kasutilan na naiisip sa sarili nila at sa mga iyon ay maaaring paminsan-minsan ay makagawa ang isa ng mga kabaliwan. Noong mga taon na nagtaksil ang Southwest Emissary Garrison sa Yan Bei, kayo ay napwersa na maging parte ng kampo nila at lumaban sa ilalim ng parehong bandila. Iyon ang inyong kahihiyan. Noon, lahat ng mga hindi pagkakaintindihan na iyon ay nagmula sa katotohanan na hindi pa kayo malakas para makuha ang respeto ng lahat. Ngunit ngayon, nagbago na ang mga bagay-bagay. Nakalabas kayo sa paninikil ng syudad ng Zhen Huang at malaya nang makakalakbay sa buong hilagang-kanlurang kontinente na kakaunti nalang ang may kakayahang tumayo sa daraanan niyo. Dugo, pawis at buhay ang kontribusyon niyo para sa kalayaan ng Yan Bei. General He, bilang tao ay kailangan niyo munang respetuhin ang sarili niyo bago kayo marerespeto ng iba. Anuman ang iisipin ng mga opisyal ng Yan Bei o ng mga heneral ng Da Tong o kahit si Yan Xun mismo, kailangan niyo munang paniwalaan ang pag-asa ng kinabukasan niyo! Ikaw ang pinuno ng hukbong ito. Kung kailan mo kayang tumayo mag-isa, saka palang makakasunod ang mga sundalo mo!"

Pulang-pula na sa kahihiyan ang mukha ni He Xiao. Nang natapos ni Chu Qiao ang kanyang sasabihin, lumuhod siya at malakas na nagsalita, "Binibini, nakapag-usap na kaming lahat! Saka lang kami maglalakas na bumalik sa Yan Bei na hindi nag-aalala kapag ikaw ang naging pinuno namin!"

Gulat na agad napatayo si Chu Qiao. "Anong ginagawa mo? Tumayo ka, madali!"

"Binibini, pakiusap maging pinuno ka namin!" maraming boses ang umalingawngaw. Nakita ni Chu Qiao na tumayo lahat ng malapit na sundalo nang nag-angat siya ng ulo. Lahat nang mga ito na nanatiling kalmado nang hinaharap ang malalakas na kalaban ay biglang kinabahan nang sa wakas ay handa na silang umuwi. Maiitim ang mga mukha, namamantsahan ng dugo ang mga kasuotan, at hawak-hawak ang mga espada na tumingin sila sa mahinang babae. Ang mga tingin na iyon ay nagsasabi ng umaapaw na tiwala at pag-asa.