Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 83 - Chapter 83

Chapter 83 - Chapter 83

Nakakagulat, ang mga malubhang kawalan na iyon ay hindi ang pinaka malaking dagok na naibigay sa imperyo. Pagkatapos ng maliit na labanan na iyon, ang buong ekonomiya ng syudad ng Zhen Huang ay kompletong naparalisa. Sa nakakapawis na init ng tag-init, ang gabundok na bangkay ay nagdala ng hindi maiiwasang sakit. Karamihan sa imprastraktura at gusali ay nasunog sa impyerno na iyon, dahilan na maraming tao ang nawalan ng tirahan. Kahit mga sugatang sundalo ay kinailangan magpahinga sa tabi ng kalsada. Para palalain pa ang mga bagay-bagay, labis na umulan ng ilang araw. Ang mga katawan na hindi pa natatanggal ay nababad sa tubig at agad na bulok, nagbibigay ng matinding amoy at may mga langaw na lumilipad-lipad.

Bago makaalis si Yan Xun, sinigurado niya na lalamunin ng impyerno ang imbakan ng pagkain. Ang mga negosyante ng pagkain ay nanakawan din sa gulo ng mga sibilyan. Sa sakunang ito, hindi man lang makapagbigay ng pagkain ang syudad ng Zhen Huang sa mga mamamayan nito. Sa loob ng kalahating buwan, ilang pangkat ng sibilyan ang namatay sa sakit at gutom. Sa pagsusumikap makaligtas, ipinakita ng payapang mga sibilyan ang pangit nilang ugali habang nagiging madalas ang nakawan. Ang iba pa nga ay pumulot ng armas at bumuo ng pangkat ng armadong milisya para magnakaw ng pagkain.

Sa isang punto ng panahon, sa loob ng dalawang araw, 30 grupo ng sundalo na nautusang magpatrolya sa syudad at nawala nang hindi alam kung saan napunta. Ilang araw matapos ang kanilang pagkawala, ang kanilang kagamitan—uniporme, patalim, bota—ay nakita sa daluyan ng tubig. Sa mga iyon, paminsan-minsan ay may makikita pang mas pribado o nakakatakot, tulad ng panloob, pitaka, o putol na paa, mata, o kahit mga buto...

Walang kahit isang bakas ng kaayusan na natira sa royal capital.

Pagkatapos ng panibagong kalahating buwan, binuksan ng mga takas ang gate ng syudad at tumakas mula dito. Ang Royal na pamilyang Zhao ay nakita ito ngunit kaunti lang ang nagawa para baliktarin ang sakunang ito.

Walang magawang nakatayo lang si Zhao Zhengde sa wasak na palasyo ng Sheng Jin at mapait na ngumiti bago umalis kasama ang huling grupo ng armadong pwersa. Dumagundong ang kanyang karwahe sa kalayuan na binabantayan ni Song Que, papalayo sa wasak na syudad na ito. Mayroong higit sa 300 taong kasaysayan ang imperyo ng Xia at ang royal capital ay nalagpasan ang hindi mabilang na paglusob ng kalaban.

Sa taong 633, ang depensa ng imperial capital, pinangunahan ni Emperor Bai Wei ang 8,000 cavalry troops laban sa 200,000 mandirigma ng Quan Rong. Ang paglusob ay nagtagal ng isang buwan at naubusan na sila ng pagkain at palaso. Kahit ganoon ay ayaw pa rin nila sumuko. Sa wakas ay dumating na ang dagdag na kawal mula sa ilang pamilya para sirain ang pananakop. Naging panghabang panahon na alamat iyon.

Sa taong 684, nagtaksil ang maharlikang pamilya na Wo Long at binuksan ang Bai Shui Gates, hinayaan ang napakalaking pagsasanib sa pagitan ng imperyo ng Tang at imperyo ng Song na pumasok sa hangganan na hindi nahaharangan. Diretsong sumugod ang kalaban sa puso ng imperyo at dumating sa San Li Hills, na hindi man lang 30 milya ang layo mula sa syudad ng Zhen Huang. Ang Emperor ng panahon na iyon ay sinisiyasat pa ang timog-kanlurang hangganan at mayroon lamang walong taon na Prince Zhao Chongmin at ang reyna na Muhe Jiuge. Nang oras na iyon, inirekomenda ng buong korte na umatras ngunit ang 27 taong gulang na reyna ay tumayo sa taas ng watchtower sa loob ng 3 araw kasama ang kanyang anak hanggang makita ang bandila ng imperyo na lumilipad sa tuktok ng San Li Hills pagkatapos paalisin ang mga kalaban.

Sa taong 741, noong pag-aalsa ni Chi Chao, kompletong nasira ang gate ng syudad. Kahit ganoon, hindi tumapak kahit isang tapak ang royal na pamilya ng Zhao sa labas ng capital.

Sa taong 735.... Taon 761.... Taon 769.... mahigit 300 taon silang matigas pa rin nakatayo sa kabila ng lahat ng labanan sa madamong kapatagan na ito, ang capital ay naabandona na sa wakas ng Royal Zhao family sa umaga ng ika-9 ng Hunyo. Inabandona nila ang puso ng imperyo kung saan ipinagtanggol ng kanilang mga ninuno nang lagpas sa 300 taon. Miserable silang umatras sa Holy Citadel, ang Yun City.

Ang mga mananalaysay sa hinaharap ay magkakaroon ng malaking magkaibang opinyon tungkol sa katwiran ng desisyon na ito ngunit magkakasundo sila na ang may dahilan ng lahat ng ito ay walang iba kung hindi ang bagong hari ng Yan Bei na si Yan Xun! Sa sarili niyang lakas, kasama ang 5000 mandirigma ng Da Tong Guild, nagawa niyang makamit ang hindi kayang gawin ng 300,000 mandirigma ng Quan Rong at 580,000 na sundalo ng pagsasanib ng Tang-Song! Nanginig ang buong kontinente ng West Meng sa lakas ng nagigising na leon na ito. Ang kapanahunan na ito ay walang duda na madodomina ng Yan Bei habang ang apoy ng digmaan ay muling sumiklab.

Isang maulap na umaga nang isang pandigmang torotot ang narinig sa watchtower ng syudad ng Zhen Huang. Mabagal na tumataas ang araw mula sa abot-tanaw ngunit nanatili ang hamog na parang uulan kahit anong oras. Isang dosenang sundalo na nakasuot ng mapusyaw na berdeng baluti ang mga nakatayo sa tuktok ng watchtower habang nakatingin sa kalayuan. Sa bakanteng landas, walang kahit isang tao na makikita. Bumubuntong-hininga na ibinaba ng matandang sundalo ang torotot at tumalikod.

"Wala pa rin bang darating?" isa itong malalim na boses. Gulat na napaangat ng ulo ang matandang sundalo para lang makita ang lalaki na nasa dalawampo ang taon, gwapo at kabataan. Nakasuot ng itim na kapa, tinatago niya ang kanyang kasuotan para walang makakilala sa kanyang posisyon. Kahit ganoon, nasasabi ng matandang sundalo na isang heneral ang lalaking ito at nasa ibang liga kumpara sa kanya.

"Heneral, walang dumarating."

Tahimik na tumango ang binata para bang inaasahan ang resultang ito. Pinagmasdan niya ang matandang sundalo na parang nahihirapang suportahan ang bigat ng baluti sa kanyang 50 taon na katawan. Kahit ang ukit ng dibisyon sa kanyang balikat ay makikitaan na ng kalumaan. Nagtanong ang binata, "Nakaalis na dapat ang ika-19 na dibisyon patungo sa syudad ng Yun kasama ang Emperor. Bakit hindi ka sumunod?"

"Heneral, masyado na akong matanda. Hindi ko na kayang maglakad ng mahabang distansya. Mas gusto kong ibigay ang pagkakataon sa mga kabataan." Bumuntong-hininga na nagpatuloy ang matanda, "Nagpalista ako nang ako'y 14 na taong gulang lang at naging tagapangalaga ng kabayo. Tapos ay natalaga ako na bantayan ang syudad na ito. Lagpas 30 taon ko nang pinagtanggol ang syudad na ito. Kahit na atakihin ang syudad na ito, kahit na tumakbo ang lahat ng sibilyan, hindi ako maaaring tumakas. Hangga't buo pa rin ang gate, nandito ako dapat."

Napasimangot ang binata at sa kanyang mata ay isang komplikadong emosyon ang dumaan habang ang kanyang tingin ay nakapirmi pa rin sa matandang sundalo.

Hindi ito napansin ng matanda at nagpatuloy pa rin, "Isa pa, namatay lahat ng pamilya ko sa laban na iyon. Walang halaga kung pupunta ako mag-isa sa syudad ng Yun. Mas gusto kong manatili dito para maghanap ng katawan ng mga pamilyar na tao o kapitbahay para ilibing. Dapat bumalik din ang tao sa lupa!"

Tumungo ang binata at ang kanyang ekspresyon ay mukhang mapanglaw. Sa likod niya ay walang hanggan na kawasakan. Dati, nakatayo ang mga marilag na gusali at kumpol ng tao, ang pinaka dakilang tore at pinaka marangyang palasyo. Ngunit ngayon ay isa na lamang itong kasaysayan.

"Heneral," inangat ng sundalo ang kanyang ulo at balisang pinagkiskis ang kamay mukhang medyo hindi mapakali, "Bakit wala sa mga maharlika at aristokrata ang nagpadala ng kanilang tauhan para sa dagdag na kawal? Si Master Zhuge at Master Wei ay tumungo sa kanilang lupain. Maghihiwalay ba ang imperyo? Mapupunta ba tayo sa digmaan? Kailan aatake si Prince Yan dito?"

"Hindi magkakaroon ng ganoong araw!" isang kalmadong boses ang nanggaling sa binatang iyon na mabagal at matatag. Kahit na malambot lang ang pagkakasabi, ang mga salita ay puno ng katiyakan. Mukhang determinado ang binata at ang kanyang tono ay pirmi. Bawat salita niyang sinabi, "Hindi babagsak ang imperyo. Hindi makakarating ang hukbo ng Yan Bei dito. Balang-araw, babalik ang mga umalis. Maibabalik sa dating kadakilaan ang syudad ng Zhen Huang!"

Natigilan ang matanda at tumingin sa binata. Lahat ng tsismis na narinig niya noong nakaraang mga araw ay agad na nawala sa kanyang isip. Sa iglap na ito, buong puso niyang pinaniwalaan ang mga sinabi ng batang heneral na ito. Bumalik ang liwanag sa mga mata niya at sabik na nagtanong, "Talaga? Babalik sila? Kung ganon ay maipagpapatuloy kong bantayan ang gate ng syudad na ito?"

"Magagawa mo," sagot ng binata. Pagtalikod ay ngumiti siya na nagpapakita ng kumikinang sa puting mga ngipin. "Espesyal kong papayagan na ipagpatuloy mong bantayan ang gate na ito. Kahit na mabuhay ka ng hanggang sandaan at hindi na makalakad, magpapadala ako ng mga tauhan para dalhin ka dito sa karwahe. Kung may buhay ka pang lahi, maaari kong ipaabot sa kanila ang espesyal na permisyon na ito para bantayan din ang gate na ito! Hangga't nabubuhay ako, hindi babagsak ang imperyo!"

Nang masabi iyon, kinapkapan ng batang heneral ang kanyang sarili at naglabas ng pilak na sagisag. Doon, mayroong pinong ukit ng crepe flowers—ang natyonal na bulaklak ng imperyo ng Xia. Ngayon, mukha itong sagrado ngunit malungkot.

"Ang bagay na ito ang magpapatunay sa pangakong iyon."

Maligaya ang matandang sundalo ngunit sa susunod na segundo ay nakaramdam siya ng pagsususpetya sa binata. Mataktika at matalino niyang tinanong ito, "Heneral, saang dibisyon ka kabilang? Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Ako ay mula sa Cavalry Camp. Ang pangalan ko ay Zhao Che."

Lubos na natigilan ang matandang sundalo at halos lumuwa na ang kanyang mata. Pagkatapos ng ilang segundo, paluhod siyang bumagsak sa sahig at buong pwersang mababang yumuko. "Isa akong bulag na tao. Kamahalan, patawarin niyo ako sa aking kabastusan!"

Walang sagot. Inangat ng matanda ang kanyang ulo para lang makita ang pigura na nasa hagdanan ng watchtower. Hawak ng pigura ang espada sa isang kamay at bawat tapak na naglalaho. Mula sa gilid ng kanyang mata, nakakita siya ng nakakabulag na kinang ng ilaw. Maingat niya itong tinignan at nakita na ang ilaw ay narerepleksyon mula sa pilak na sagisag. Ang nakaukit na namumulaklak na crepe flower ay parang isang mainit na araw sa tag-init!

Daantaon ang makalipas, ang archives ng imperyo ng Tang ay may nakatala katulad ng: Kasunod ng paghihiganti ng Da Tong Guild, tinangkang tawagin ng pamilya ng Zhao ang lahat ng maharlikang pamilya ngunit wala ni isa sa mga paksyon ang sumunod. Walang magawa na inabandona nalang nila ang wasak na capital. Nagpatuloy na binantayan ni Prince Zhao Che ang capital habang si Prince Zhao Yang ay nagboluntaryong tugisin ang hukbo ng Yan Bei. Nagpakita ng sintomas ng pagbagsak ang imperyo ng Xia dahil hindi na nila kaya pang panatiliin ang buong kontrol sa malaking sakop na lupain at aristokrata. Sa ilalim ng pamumuno ng ating brilyante at mahusay na prinsipe, ang imperyo ng Tang ang naging pinaka tanyag na imperyo sa mundo at ang sentro ng komersyo ay nag-umpisang lumipat tungo sa atin. Ang mga mangangalakal ng imperyo ng Xia ay nawalan ng tiwala sa gobyerno at nag-umpisa nang lumipat tungo sa imperyo ng Tang. Nagpakita ng hindi mapapantayan na kaalaman at katalinuhan, at parang diyos na katapangan at lakas ng loob ang ating brilyante at mahusay na prinsipe. Ito ay maidedeskriba lang na isang henyo na binasbasan ng kalangitan at ang populasyon ay natagpuan ang sarili na napakaswerte....

Hindi pinaniwalaan ng mga sumunod na mananalaysay ang mga nakasulat na ito dahil kompletong walang kaugnayan ang rebelyon ni Yan Xun sa prinsipe ng Tang. Ang iba pa nga ay sinabi na ang huling parte ay dinagdag na mismo ni Prince Li Ce dahil magkaibang-magkaiba ang pagsulat. Kung idedeskriba ang naunang parte bilang sulat ng isang master sa calligraphy, ang huling parte ay ikakahiya kahit ng mga baguhan sa calligraphy. Sa kabila noon, hindi nito itatanggi ang katotohanan na unang parte. Pagkatapos ng paghihiganti ng Da Tong Guild, ang malaking imperyo ng Xia ay nag-umpisa nang manghina.

Nang hinaharap ng Zhen Huang ang kanilang kalamidad, ang huling pwersa ng Yan Bei ay nasa Qiu Ping Mountain pa rin. Sa walang hanggang kapatagan na iyon, isang grupo ng lumang kasuotan na mga sundalo ang naghihintay manambang. Sa kabila ng kanilang kagamitan, ang mga mata nila ay puno ng determinasyon at para silang pangkat ng lobo na matyagang naghihintay sa kanilang biktima.

Kahit na hindi tinulungan ng mga paksyon ang royal family, nasa Yan Bei pa rin ang mga mata nila. Ngayon lang medyo nakaramdam ng kaginhawaan si Chu Qiao sa desisyon ni Yan Xun abandonahin ang pwersa ng Southwest Emissary Garrison. Ang pamilya ng Yan ay kompletong nalipol ng royal family kaya ang poot sa pagitan ni Yan Xun at ng royal family ay hindi alam ng lahat. Sa kabilang banda naman, isang kilalang organisasyon ang Da Tong Guild na namuno sa mga rebelyon sa kontinenteng ito kaya ang tanging grupo na naparatangan bilang traydor sa bansa ay ang mga tauhan ng Southwest Emissary Garrison.