Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 66 - Chapter 66

Chapter 66 - Chapter 66

Siguro, sa kabuuan ng syudad ng Zhen Huang, tanging si Chu Qiao lang ang nakakaalam ng totoong hangganan ng awtoridad ni Yan Xun. Mula sa kanyang pananaw, ang pagpatay kay Li Ce ay walang duda na magandang istratehiya. Kapag namatay si Li Ce, lulubog sa gulo ang Zhen Huang, habang ang tiwala sa pagitan ng maharlikang pamilya at royal families ay agad na mababasag. Ang mga imperyo ng Tang at Xia ay mag-iipon ng mga sundalo para sa digmaan, kukuhanin ng imperyo ng Song ang oportyunidad na ito para magrebelde kasunod ang mga taga Quan Rong sa hilaga. Ang buong kontinente ng West Meng ay sasailalim sa anarkiya at lalamunin ng apoy ng digmaan. Sa puntong iyon, walang panahon ang Emperor ng Xia para harapin si Yan Xun at maaari pang umasa sa hukbo ng Yan Bei para pigilan ang Quan Rong sa hilaga. Sa isang iglap, agad na hindi mapipigilan si Yan Xun at makakalamang.

Kung ang insidenteng ito ay gawa talaga ni Yan Xun, gagawa ba siya ng paraan para ipakita ang kanyang mga bakas, idispatsya si Li Ce at ituon ang sisi sa mga maharlikang pamilya? Kung hindi si Yan Xun ang may pakana, dahil naiintindihan na niya ang maaaring benepisyo nito sa Yan Bei, dapat ba ay kunin niya ang oportyunidad na ito at sumunod sa agos?

Ang code of conduct ng mga agents ay laging tignan ang kabuuan ng larawan. Walang sakripisyo ang malaki kapalit sa posibleng malaking kalamangan ng kakampi.

Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Chu Qiao. Ang patalim na nakatago sa kanyang bewang ay mapanglaw na kumislap na halos humiwa sa kanyang balat. Tinatanggi niyang maisip kung paano siya nakaahon sa dalampasigan pagkatapos mawalan ng malay, kung paano siya sumuray-suray sa gubat habang karga siya ni Li Ce. Kung paano niya paulit-ulit na tinawag ang pangalan niya na may pag-aalala at pagkabalisa.

Kung hindi dahil sakin, patay na siya kanina pa. Sukat sa kaparehong sukat, makatarungan ang kalangitan.

Naningkit ang mata ni Chu Qiao at ang mga daliri ay dumulas patungo sa patalim. Inaayos ang sarili, agad niyang binura ang mga hindi praktikal na emosyon na iyon. Lagi niyang alam kung ano ang dapat niyang gawin na parang gumagawa ng misyon. Itong walong taon, ang kagustuhang pumunta sa Yan Bei ay hindi nawala sa kanyang isip. Bukod doon, wala nang mahalaga pa.

Sa hindi kapuna-punang pagka-ukit, ang magaan at compact meteoric na patalim ay nababalutan ng tela. Kung ikokonsidera ang metalurhiyang kapanahunan sa panahong iyon, isa na itong high-tech na produkto lagpas sa kasanayang teknikal ng panahong ito. Noong hinawakan niya ang patalim, naging maaliwalas ang pag-iisip niya. Lahat ng emosyon na hindi dapat umiiral ay agad na nawala, at mabilis siya bumalik sa isang iron-blooded na agent. Hawak ang patalim gamit ang kanyang gitnang daliri at hintuturo, inilabas niya ito, pinaikot para mahawakan sa kanyang palad at pinalipad ito!

Lahat ay nangyari sa isang kisapmata, agad na dumagan si Li Ce na natataranta at sumisigaw, "Qiaoqiao, mag-ingat ka!" isang malaking aso ang lumabas sa likuran ni Chu Qiao. Sa isang iglap, kinagat nito ang braso ni Li Ce na ginamit niya para protektahan si Chu Qiao. Kung nasaan dating nakahiga si Li Ce, isa pang mas malaking aso ang tumalon. Ang daan ng mapanganib na patalim ay hindi nagbago. Patuloy sa lakas nito, bumaon ito sa leeg ng aso. Na may ekstrang ikot, pahalang niyang ibinaon ang patalim. Natilamsikan ang dugo! Matinis ang mga alulong! Pumaikot si Chu Qiao at sinipa ang bewang ng isa pang aso. May irit na bumagsak ito sa gilid.

Anim na lalaki ang mabilis na lumabas sa loob ng kakahuyan, ang mga mukha ay nababalutan ng tela. Ang kanilang mabagsik at matatag na yapak ay nagsasaad ng kanilang malawak na kahusayan sa martial arts. Lumapit ng ilang dipa si Chu Qiao at hinila si Li Ce, na nakakagulat ang pagiging matatag sa pagtiis ng sakit mula sa kanyang sugat. Ang kanyang malamig na tingin ay nakadikit lang sa anim na tao habang dahan-dahang nilalabas ang Moon Shattering Sword.

Kapag lumalaban ang mga Master, mabilis ito hanggang sa katapusan. Ang Moon Shattering Sword, parang isang mainit na kutsilyo na humihiwa sa mantikilya, ay humiwa sa sandata ng dalawang kalalakihan at sinugatan ang balikat ng isa pa. Kasunod ng sipa sa binti, ang kaliwang kamay ni Chu Qiao ay dumakma sa leeg ng isa pang lalaki. Ang tunog ng mga butong nagkahiwalay na may malutong na pagpatid ang narinig. Nang wala man lang oras para sumigaw ng sakit at malambot na bumagsak ang lalaki sa lupa; isang walang buhay na bangkay. Sa hamak na isang iglap lang, isa na ang patay at isa ang sugatan. Ang kanyang kagitingan sa pakikipaglaban ay hindi matutumbasan.

Sa puntong ito, ang natitirang apat ay naghiwalay at sumugod. Ang dalawa ay tungo kay Chu Qiao at ang dalawa ay tungo kay Li Ce. Nang lumingon siya, mula sa gilid ng kanyang tingin ay nakita niya ang assassin na patungo kay Li Ce. Napasimangot niyang inipinalobo ang Moon Shattering Sword. Gumawa ng matinis na tunog ang espada nang humiwa ito sa hangin, nagbibigay ng impresyon ng malakulog na hampas. Sa isang kisap mata, malakas na tunog ng pagkabasag ng buto ang narinig. Ang biglang mabangis na pagsalakay ay nakamamatay at mabilis. Bago pa man sila makatugon, nagdilim ang kanilang paningin. Dugo na nahahaluan ng kanilang utak ang tumilamsik.

Halos sa parehong oras, isang sigaw ng pighati ang nanggaling sa harap ni Li Ce. Nang sasaksakin na dapat siya ng assassin, isang matalas na patalim ang tumusok sa likod nito at lumabas sa kanyang dibdib. Nakapirming tumigil ang naliligo ng dugong espada na kakaunti nalang ang layo kay Li Ce.

Namuti sa sobrang putla si Li Ce. Bago pa man siya magkaroon ng pagkakataon na sumigaw, tumalon pasulong ang huling assassin. Lumapit ang dalaga at hinugot ang Moon Shattering Sword sa patay na bangkay nang sumugod. Sa isang mabilis na mosyon, pinutol niya ang kamay ng assassin, inikoy ang espada, at hiniwa ang siko nito. Pagkaagaw sa espada nito, inikot niya ang kanyang katawan at hiniwa ang tiyan ng lalaki.

Sa maliksing galaw na parang daloy ng tubig, ang assassin na mabagsik ang pagkauhaw sa dugo kani-kanina lang, ay hindi makapaniwala. Dahil naglabasan ang mga laman, umagos ang dugo sa malaki niyang sugat at sa malakas na thump, bumagsak siya sa lupa.

Bumalik ulit sa dati niyang postura ang dalaga. Ang malamig na hangin ay umihip sa kanyang katawan at ang dugo sa kanyang buhok ay tumulo pababa. Simula sa umpisa ng pananambang hanggang ngayon, lahat ay nangyari sa ilang kurap lang. Ngunit sa ilang segundong iyon, ang tapang, desisyon, bilis, at kasanayan ng parehong partido ay nailagay sa pagsubok. Halata sa kinahinatnan na ang kahangan-hangang agent na ito na mula sa ika-21 siglo ay mas magaling.

"Qiaoqiao!" tumakbo palapit si Li Ce at hinagkan siya sa mga bisig niya. Sabik siyang sumigaw, "Ang galing mo!"

Hindi interesado na itinulak siya ni Chu Qiao sa gilid. Ang malamig nitong tingin ay nakapako sa kalaliman ng kagubatan at matapang na sinabi, "Lahat kayo ay maaari nang lumabas!"

Hindi nakapagsalita Li Ce at ang kanyang masayang-masaya na ekspresyon ay agad napalitan ng pagkaseryoso. Pagtalikod, apat na lalaki na nakaitim din ang kaswal na lumabas sa masukal na gubat. Ang mga espada nito ay nasa lalagyan pa rin. Mukhang kakarating lang nila.

Napatitig ang apat sa mahinang dalaga at nakaramdam ng lamig na bumaba sa gulugod nila. Halos labing-dalawang hakbang lang ang layo nila sa nakaraang pangkat, ngunit sa ganoon kaikling oras, lima na ang patay at isa ang sugatan. Gaano kalakas ang mayroon dito sa parang mahina na babaeng ito?

Makikitaan ng kayabangan ang mukha ni Chu Qiao at malamig ang mapangutyang tingin na ibinabato niya sa apat. "Isa-isa o sabay-sabay?" may singhal na tanong niya.

Maingat na inignora nila ang kanyang tanong at matatag na inilabas ang kanilang espada.

Binitawan ni Chu Qiao ang Moon Shattering Sword tapos ay suminghal ulit. "Kahit walang patalim kapag nilabanan ko kayo ay maikokonsidera nang pang-aapi."

Nagulat ang apat at pagkatapos, ang mga mata nila ay napuno ng pagkagalak. Sa kanilang puso, natuwa sila na ang tangang babae na ito ay masyadong tiwala sa kanyang sarili. Maaaring nakakita na sila ng mga tanga, ngunit hindi pa sila nakakakita ng ganitong katangahan. Dahil mga assassin sila, ang moral at dangal ng prinsipyo ng Jianghu ay maaaring ignorahin. Nag-aalalang mawawala ang pangunguna nila, sumigaw sila at sabay-sabay na tumalon papunta sa kanya.

Kumislap ang matalas na patalim sa sinag ng buwan at ang walang-awang gilid nito ay naglalabas ng hindi nakikitang mapanganib na presyur na pinupwersa ang daan papasok sa pores ni Chu Qiao. Ngunit nanatiling nakatayo ang dalaga na may buong kahinahunan. Ang labi niya ay makikitaan ng sarkastikong ngiti na parang lubos silang iniignora. Nagsaya sa loob nila ang apat at gustong kuhanin ang oportyunidad na ito para magawa na nila ang kanilang misyon. Nang wala nang pagdadalawang-isip, lahat ay sumugod nang may nakakagulat at malakulog na momentum!

Biglang gumalaw si Chu Qiao. Sa kaunting pitik ng kanyang kamay, apat na nakatutuyang kutsilyo ay biglang lumitaw. Ang mga patalim ay tinalagusan, na may parang salamin na makintab na ibabaw, na para bang isa itong work of art.

Ang apat na assassin na iyon ay siguradong wala sa matinong pag-iisip para hangaan ang ganda ng patalim. Namaluktot sa gulat ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga mata ay puno na ng takot ngayon. Kaharap ang pamatay na patalim na mas mabilis sa espada at mahirap iwasan, walang kahit sino ang hindi mag-aalala o matatakot. Ngunit huli na para umatras. Pinitik ni Chu Qiao ang kanyang kamay at ang apat na kutsilyo, na parang si kamatayan na kukuha sa kanilang buhay, ay lumipad. Sa malapit na distansya, hindi maaaring makaiwas. Para bang may mata ang mga patalim, tagumpay na bumaon ang apat na kutsilyo sa lalamunan ng bawat isang assassin ng sunod-sunod. Umagos ang dugo at hindi man lang nagkaroon ng oportyunidad ang apat para sumigaw ukol sa pagkukunwari bago sila bawian ng buhay dahil sa natamong sugat.

Nang makita kung gaano kabilis naubos ang mga assassin, lubos na natigilan si Li Ce pansamantala na nakanganga ang bibig. Tanging pagkatapos lang ng ilang segundo siya nakaimik, "Qiaoqiao, ang kasuklam-suklam noon!"

Hindi sigurado kung papuri ba iyon o pagiging sarkastiko, malamig lang siyang tinignan ni Chu Qiao at biglang nawalan ng lakas na napaupo sa lupa.

"Hala! Dumudugo nanaman yung sugat mo!"

Wala nang lakas pa si Chu Qiao para pansinin si Li Ce. Habang nakatingin sa assassin na nakahiga sa hindi kalayuan, inutusan niya ang lalaki, "Patayin mo siya."

"Sige ba!" agad na sagot ni Li Ce, pagkatapos kumapa sa lupa, pumulot siya ng bato at tumakbo patungo sa assassin na nahimatay dahil nawalan ng maraming dugo.

"Hmph! Nangahas kang tambangan ako? Ipapadala na kita ngayon sa gumawa sayo!" iniangat ni Li Ce ang kanyang kamay at pinukpok ang lalaki ng bato.

"Ah!!" isang malakas na sigaw ang narinig. Napasimangot si Chu Qiao at hindi rin maganda tignan si Li Ce. Ang buong tiwala niyang hakbang ay hindi lang na hindi napatay ang lalaki, kung hindi ay nagising pa ito. Nang makaramdam ng sakit, sumigaw ang lalaki, at siguradong maririnig ito sa malayo. Lahat ng kalaban sa loob ng ilang milya ay siguradong naalerto sa ingay.

Ang tingin ni Chu Qiao ay lagpas na sa galit. Agad na tinakpan ni Li Ce ang bibig ng assassin ng mawala ang kahinahunan niya, habang ang isang kamay ay ilang beses na sunod-sunod na pinukpok ang bato. Sa loob ng ilang segundo, ang ulo ng assassin ay naging nakakasindak na putik ng organic na bagay, na walang makikilala.

Hindi maiwasan ni Chu Qiao na maawa sa assassin. Maikokonsidera siyang magaling sa martial arts ngunit namatay sa kamay ng isang tanga, at sa isang madugong paraan.

"Qiaoqiao, makakalakad ka pa ba?" lumapit si Li Ce, ang mga kamay ay nagkikiskis sa hiya.

Ginamit niya ang saha ng espada pang suporta sa pagtayo habang malamig na nakatingin sa kanya.

Tunog ng talon ang maririnig, mga apoy ng sulo ang makikita sa kalayuan, napapalibutan sila ng kalaban at hindi alam kung saan direksyon manggagaling ang tulong ng Emperor. Hindi sila maaaring magpabaya.

"Qiaoqiao, yung galaw kanina lang ay napakalakas! Maaari mo ba akong turuan?"

"Qiaoqiao, sa tingin mo ba yung apat ay napatay ng lumilipad na patalim o dahil lang masyado silang galit sayo kaya sila namatay? Sa tingin ko ay dalawa sa kanila ang hindi pinikit ang mga mata... siguro ay dahil hindi sila matahimik."

"Qiaoqiao....."

"Tahimik!" mabangis na napatid ang kanyang pasensya at ibinalik ang atensyon sa panunuri sa harapan. Halos nakalimutan na rin niya ang plano kanina lang. Naisip niya ang aso kanina na nagbigay ng isang pulgadang haba na sugat sa braso ni Li Ce.

Mabuti kung gawin nalang natin iyong patubo at hayaan pa siyang mabuhay saglit.

Walang alam si Li Ce na nakasunod lang kung paano sinagip ng aso na iyon ang buhay niya. Bahagya lang siyang galit na tumingin sa kanyang hugis ngipin na sugat, at miserableng nagreklamo, "Sa aking palasyo ay mayroong pangkat ng aso. Pag pumili lang ako ng kahit ano, kaya nitong talunin ang walo o sampo nila."

Related Books

Popular novel hashtag