Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 62 - Chapter 62

Chapter 62 - Chapter 62

Sa pagkakataong ito, isang malaking lambat ang biglang nalaglag mula sa kalangitan, mahigpit na nahuli si Wei Jing sa loob nito. Apat na mandirigma na nakasuot ng itim ang malinis na lumapag sa lupa, nagpapalit-palit ng posisyon habang hinihigpitan ang lambat. Pagkatapos nito, naghagis sila ng kawit at tumalon sa pader, maliwanag na umalis.

Nang may isang mahabang sipol ang narinig, ang mga mandirigmang nakaitim ay pinapatawag na pabalik sa kanilang base. Kahit na nakalalamang sila, umatras sila nang hindi nagdadalawang-isip. Binitawan nila ang kanilang mga sandata habang ang dalawang mandirigma na may hawak na dalawang lalagyan ay itinapon ang laman nito sa sahig. Nang walang lingon-lingon, nagtapon sila nang nakasinding posporo sa lupa habang tumalon patungo sa labas ng syudad at naglaho sa pagitan ng mga gusali. Lahat ng iyon ay nangyari sa isang kisapmata.

Ang buong operasyon ay 15 minuto lamang nangyari. Lahat ay bumalik sa dati. Sa palasyo ng Sheng Jin, nagpatuloy na tumutugtog ang nakakabinging mga musika habang lulong pa sila sa tugtog at sayawan. Binati ng dagat ng apoy at ilang mga gwardya ng Wei na dumadaing sa sakit ang gwardya ng imperyo. Ito ang pagkatapos ng isang mahusay at walang awang pag-atake.

"Ang master Wei ay nadukot! Dali! Iulat ito sa konseho ng Grand Elders! Ang iba sa inyo, sundan niyo ako, susundan natin ang may gawa nito!"

Nang inumpisahan ng gwardya ng imperyo ang kanilang walang tigil na pagtugis sa may pakana tungo sa labas ng syudad, isang pangkat ng mga nakaitim ay nagmamadaling pumunta sa Royal Grounds nang walang pag-aalinlangan. Sa loob ng Song Bo Forest sa pinaka eskinita, mahigit sa sampung gwardya na nakacyan ang tahimik na nakapalibot sa karwahe. Ilang mga tauhan ang nagmadaling lumapit dito at inihagis si Wei Jing, na mahigpit na nakatali sa lambat, sa harap nito.

"Ikaw..." nang magsasalita na sana si Wei Jing, isang malamlam na thud ang narinig. Isa sa mga gwardya ang sinipa siya sa kanyang bibig at binasag ang kanyang ngipin. Dumaing si Wei Jing at hindi nagsalita.

Dalawang gwardya na naka cyan ang agad na lumapit at mahigpit siyang itinali, nilagyan ng busal ang bibig at sinigurong nakatali ang kanyang paa. Pagkatapos, itinapon nila siya sa pinakailalim na kompartimento ng karwahe na para sa mga kahoy na pang siga. Ang pinuno ng nakaitim na mga mandirigma ay lumapag sa karwahe na tinanggal ang kanyang itim na panlabas na damit at pinakita ang panloob na puting roba. Nang inalis niya ang kanyang maskara, isang makisig na mukha at matalas na tingin ang nakita.

Ang iba pang mandirigma na nakasuot ng itim ay nagpalit din sa cyan na uniporme ng mga gwardya. "Aking Prinsipe," ang isa sa kanila ay lumapit na may brazier sa kanyang kamay habang marespetong sinabi na, "mapapainit nito kayo."

Tumango si Yan Xun nang kinuha niya ang brazier mula sa kanya at isinara ang kurtina ng karwahe. Pinulot niya ang itim na roba na sinuot niya at itinapon sa karwahe tapos ay ikinumpas niya ang kamay sa mga gwardya. Dahil doon, nag-umpisa nang mabagal na gumalaw ang karwahe tungo sa Forbidden Palace.

Mga yabag ng kabayo ang biglang narinig sa likod nila nang isang gwardya ang nagsalita, "Sino iyan? Bakit kayo naglalakad sa palasyo sa gabi, ayaw niyo na bang mabuhay?"

Nagulat ang lalaki. Pagkatapos niyang tignan mabuti, agad siyang nagsalita, "Oh, kayo pala Prince Yan. Natambangan ang Second Master Wei sa Zi Wei Avenue. Nautusan ako na magmadali sa palasyo upang iulat ito sa kamahalan."

"Natambangan?" naigilid ang mga kurtina ng karwahe at napakunot si Yan Xun. "Nahuli niyo ba ang gumawa? Nasaan ang Secong Master ng Wei? Nasaktan ba siya?"

"Nakatakas ang may gawa Prince Yan. Tumakbo siya sa direksyon ng labas ng syudad, kasalukuyang hinahabol ni General Lu ang sumalakay, ang Second Master Wei ay nadukot. Walang nakakaalam kung buhay siya o patay."

"Madali at iulat mo ito." Saad niya at tumango.

"Opo."

Papalayo na ang kabayo habang si Yan Xun ay bumalik sa kanyang karwahe at sinabi, "pumunta na tayo sa Lu Hua Palace."

Nang makababa siya ng kanyang karwahe, nakita niya si Wei Guang na pinamumunuan ang pamilya ng Wei at ang iba pang mga opisyal na nagmamadaling lumabas ng Lu Hua Palace. Sumakay sila sa kanilang mga kabayo at mabilis na lumisan sa palasyo.

Nakasuot ng puting mabalahibong kapa, sobrang kisig tignan ni Yan Xun. Saka lamang siya pumasok ng palasyo nang wala na ang pamilya Wei at ilan nitong piling kasamahan.

Ang Emperor ng Xia ay nakaalis na ng palasyo, iniwan ang natataranta na Zhao Qi sa namumuno sa buong sitwasyon. Ang mga tagasilbi sa palasyo na nakasuot ng matitingkad na roba ay naghatid ng putahe sa kanila habang ang imperial na banda ay tumutugtog ng malamyos at nakapapawi na musika mula sa gilid ng palasyo.

Nakasuot si Prince Li Ce ng madilim na pagkalilang roba na may dragon na nakaburda dito. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga nakapaligid sa kanya, tinatagayan ang kahit sinong itinataas ang baso sa kanya, at nagmumukha nang sobrang lasing. Kung hindi lang dahil sa kanyang may sugat na mukha, magiging kamangha-manghang tanawin ito. Ang atmospera ng piging ay mainit at marami nang nainom ang mga opisyal. Galak na galak sila at nagbibigay ng tagay sa lahat.

Tahimik na lumapit sa lamesa niya si Yan Xun. Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo tungo sa sugatan at bugbog na mukha ni Prince Li Ce at ngumisi. Itinaas niya ang kanyang baso, iniling ang ulo at napatawa.

"Bakit ang tagal mo?" nakasuot si Zhao Chun'er ng pink na damit na may paru-parong nakaburda at may mahabang bestida na lilang ginto. Mayroon siyang perlas at jade na aksesorya sa kanyang kabuuan at mukha siyang napakaganda.

Iniangat ni Yan Xun ang kanyang ulo at tumingin sa babaeng naglalakad patungo sa kanya. Ngumisi siya at magaan na sinabi, "Nakaidlip ako."

"Akala ko ay hindi ka na darating!" ang tingin ni Zhao Chun'er ay parang tubig habang nakatitig kay Prince Li Ce na nakaupo sa harap niya. Ngumuso siya at sinabi, "Iyong lalaking iyon ay tinanong ang apelyido ko noong pagkadalaga. Napaka bastos!"

Malumanay na ngumiti si Yan Xun na uminom nang panibagong baso ng alak. Wala siyang sinabi.

Mukhang nahipnotismo si Zhao Chun'er sa kanya, kung iignorahin ang katotohanan na sobrang lamig ni Yan Xun sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo, bigla niyang napagtanto ang kanyang kabaliwan. Namula siya at hinila-hila ang kanyang sariling damit. "Tignan mo, ito ang bagong alay mula sa New Territories. Ang ganda diba?" tanong ng babae.

Natigilan si Yan Xun dahil naisip niya ang mga pangyayari sa Chi Shui Lake. Ang tingin ng babaeng iyon ay maliwanag nang mabilis niyang tinawag ang pangalan niya. Taranta na sinabi niya na, 'Mag-ingat ka sa daraanan mo'. Agad na lumambot ang ekspresyon ni Yan Xun at mararamdaman sa pusong nag buntong-hininga, "Napakaganda."

Agad na nagalak si Zhao Chun'er sa pag-aakalang siya ang tinutukoy nito. Masaya siyang umupo sa kanyang gilid, sinalinan ng alak at pumili ng putahe para sa kanya.

Ang mga sundalo ay pumapasok sa gilid tuwing uulatan si Zhao Qi ng kasalukuyang nangyayari. Pumangit ang kanyang ekspresyon. Ang mga opisyal sa loob ay maingat na napuna ang kanyang pagbabago. Tanging ang lasing na si Li Ce ang patuloy sa paghila ng kanyang manggas habang tumatapon ang alak na nasa kanyang mga kamay.

Alas dos na ng umaga nang matapos ang piging. Nang oras na iyon, sobrang lasing na si Li Ce na nakatulog sa lamesa at nahihigaan ang mga pagkain. Hindi bumalik sa Forbidden Palace si Zhao Qi. Lumakad siya sa kanyang kabayo at tumakbo palabas ng syudad. Nakatayo lang si Yan Xun sa madilim na square habang pinapanood ang pigura ni Zhao Qi na maglaho sa gabi. Nag-umpisa siyang ngumisi sa sarili.

"Brother Xun," maingat na hinila ni Zhao Chun'er ang kanyang mga manggas at bumulong, "Malamig dito, maaari mo ba akong ihatid pabalik sa aking palasyo?"

Marespetong umatras ng ilang hakbang si Yan Xun na yumuko at sinabi, "Medyo lasing na si Yan Xun. Hindi ko na tatangkaing istorbohin ang Prinsesa. Hinihimok ko ang prinsesa na bumalik mag-isa." Pagkatapos nito, sumakay na siya sa kanyang karwahe.

Habang papalayo ang karwahe, nanatili lang nakatayo sa kinatatayuan niya si Zhao Chun'er. Nagmadaling lumapit ang mga katulong ng palasyo at binalot siya ng malaking mabalahibong kapa. Aksidenteng nalaglag sa sahig ang madilim na pagkapulang mabalahibong kapa. Sa manyebeng sahig, kapansin-pansin ito, na parang lawa ng dugo.

Kinagat ni Zhao Chun'er ang kanyang labi habang namumuo ang mga luha sa kanyang mata, ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang hindi ito tumulo.

"Aking Prinsesa?" napabuntong-hininga si Grandma Yu na hinawakan ang kamay ng prinsesa, nagpatuloy siya, "Halika na."

Masunuring tumango si Zhao Chun'er na sinundan si Grandma Yu patungo sa kanyang karwahe. Isang bugso ng malamig na hangin ang umihip, dahilan para may tumulo na isang luha sa kanyang pisngi pababa sa manyebeng lupa.

Sa loob ng lihim na silid sa Ying Ge court, tinanggal ni AhJing ang takip sa mata ng lalaki. Mahigpit na nakakunot ang kilay ni Wei Jing na matagal bago nasanay sa liwanag. Nang itinaas niya ang kanyang ulo, bigla niyang nakita ang mukha ng lalaking may malamig ang loob na ngiti.

"Yan Xun?" nanlaki ang mata ni Wei Jing na hindi makapaniwalang saad. "Pangahas ka!" nagalit si Wei Jing at napatid ang pasensya.

"Lagi naman akong pangahas. Dapat ay alam na alam ni Second Master Wei ang katotohanang iyon."

"Yan Xun, hinding-hindi ka palalagpasin ng pamilya Wei. Mamamatay ka nang walang puntod!"

Tumawa si Yan Xun na parang nakarinig ng isang biro. "hindi ko alam kung mamamatay ba ako na walang puntod, pero sigurado ako na mamamatay ka na wala nito." Mabagal niyang saad.

"Naaalala mo ba?" inilihis ni Yan Xun ang katawan na may tusong ngiti na nakakalat sa kanyang mukha. Na may nakapapawing tono, sinabi nya, "Sinabi ko ito dati, kung hindi mo ako papatayin ng araw na iyon, mamamatay ka rin sa ilalim ng patalim ko. Mapuputol mo ang daliri ko at puputulin ko ang ulo mo."

"Ah!" isang nakakabinging sigaw ang narinig ng biglang bumagsak ang isang matalas na patalim. Isang putol na kamay ang madugong bumagsak sa lupa. Ilang dugo ang tumilamsik sa pulso ni Yan Xun at bahagya siyang napasimangot. Asar na inilabas niya ang puting panyo at nag-umpisang malakas na kuskusin ito tapos ay malamig na inutusan ang kanyang mga tauhan, "kaladkarin niyo siya sa labas at pugutan ng ulo."

Malakas nagpumiglas si Wei Jing na nagagalit, "Aso ng Yan Bei, tampalasan ka! Hinding-hindi ka papatakasin ng tiyo ko dito!"

"Si Wei Guang?" malamig na tumawa si Yan Xun, "Masyado na siyang matanda at wala nang pakinabang ang kanyang utak. Tanging pamilya Wei ang tinuturing siyang diyos. Sa loob ng kanyang nabubulok na bungo, magsususpetya pa rin siya kung sino ang gumawa nito. Wei Jing, isa kang hangal!" tahimik na inilingon ni Yan Xun ang ulo at binigyan siya ng nagyeyelong tingin. Sa isang asar na tono, sinabi niya, "Sa simula, may oras ka pang mabuhay. Masama nga lang na pinili mong matamo ang galit ko. Hindi mo dapat ako pinagbantaan gamit ang taong pinahahalagahan ko. Sa tingin mo ba talaga ay mapapabagsak mo ako? Gaano ka kawalang muwang! Simula sa umpisa, isa ka lang walang kwentang hangal. Isa kang walang kwenta. Mananatili kang walang kwenta. Magiging wala kang kwenta. Nakakaawa nga lang dahil wala ka nang oportunidad para maging walang kwenta pa." Tinapon ni Yan Xun ang kanyang panyo na may mantsa ng dugo sa sahig tapos ay tumalikod siya at lumabas na sa pinto. "Kaladkarin siya palabas!" utos niya.

Galit na mga mura at sindak na sigaw ang narinig sa loob ng silid ngunit hindi ito pinakinggan ni Yan Xun na nakatayo ng tuwid at mataas. Naumpisahan na niya ang kanyang paghihiganti. Lahat ng nagpahiya at nanakit sa kanya ay pagbabayaran ang ginawa nila. Simula noon, hindi niya hahayaang may manakit sa mga taong importante sa kanya. Hindi na niya hahayaang mangyari ulit iyon!

Kasing lamig ng yelo ang buwan at ang hangin sa gabi ay napakalamig. Isa nanamang walang tulog na gabi ngayon. Sa susunod na araw, ang kabuuan ng syudad ng Zhen Huang ay naalarma. Ang panganay na anak na lalaki ng pamilya Wei na si Wei Jing ay natambangan kagabi. Ang kanyang mga gwardya ng isang daan ay namatay lahat at si Wei Jing ay nadukot. Nang umabot sa pinangyarihan ang Imperial Guard, walang senyales ng sumalakay. Wala silang nahanap sa buong gabing paghahanap. Lahat ay natakot sa malalang mangyayari. Dahil bahagyang narinig ng Imperial Guard ang pangalan ni Muhe Xike na mula sa angkan ng Muhe, isang malaking imbestigasyon ang isinasagawa sa kanilang angkan.

Sa pagkakataong ito, sa loob ng pangunahing silid tulugan ng sambahayan ng Wei, nagpasa ng sulat si Wei Guang sa kanyang pinaka pinagkakatiwalaang tagasilbi habang sinasabi, "kailangan makarating ito kay Ye'er. Ang kinabukasan ng pamilya Wei ay nakasalalay dito. Nag-umpisa nang umakto laban sa lahi ng Wei ang kamahalan. Kapag hindi siya bumalik, ang pamilya Wei ang susunod na magiging angkan ng Muhe."

Limang kabayo ang madaling lumabas ng gate ng syudad at tumatakbo patungo sa hilaga. Nang dumating si AhJing para ulatan si Yan Xun ukol doon, tinatamasa niya ang kanyang tsaa sa balkonahe. Malamig siyang ngumiti at sinabi, "Mas magiging maganda kung mas gugulo pa."

Sa mga salitang ito, nakaramdam ng lamig si AhJing pababa sa kanyang gulugod. Tatlong taon na niyang sinusundan si Yan Xun ngunit hindi niya masabi kung ano ang ginagawa ng kanyang Master.

Sa bakuran ng eskwelahan sa Cavalry camp, may maririnig na alon ng malakulog na palakpakan. Isang dalaga na may masayang ngiti ang nakatayo sa gitna ng bakuran at tumitira ng pitong palaso sa isang tirahan at tinamaan ang puntirya na 100 metro ang layo.