Habang nasa daan, nillipad-lipad sa hangin ang mga bandila habang umaalingawngaw ang tunog ng tambol sa kalangitan. Nagmamadaling lumabas ng syudad ang mga mamamayan na binati ang kanyang paningin. Ang mga nakabaluting mga militar na gwardya ay pinoprotektahan ang mga piling kasamahan sa gilid. Ang kadakilaan nito ay maikukumpara sa pagliliwaliw ng Emperor.
Sa lugar kung saan nakarating ang mga karwahe ng imperyo ng Tang, isa sa mga kurtina nito ang nagbukas at pinapakita ang prinsipe ng Tang sa likod nito. Nakasuot siya ng matingkad na dilaw na roba na may kasamang dilaw na mabalahibong kapa na nakalagay sa kanyang balikat. Lumabas siya ng karwahe at naglakad na diretso ang tindig. Kung hindi lang dahil sa kanyang may pasang mukha, mukha na siyang perpekto.
Lahat ng ekspresyon, kasama na kanila Zhao Che at Chu Qiao ay nasugpo nang makita ang prinsipe. Ang tanawing ito ay nagpalungkot kahit sa mga emisaryo mula sa imperyo ng Tang. Walang kahit sino ang nag-akala na magpapakita ang prinsipe sa publiko sa ganitong estado!
Kawawang Zhao Qi at ang iba pang opisyal mula sa imperyo ng Xia, lahat sila ay hindi handa para dito. Lahat sila ay natigilan at natuliro, hindi sigurado kung ano ang gagawin. Subalit, swerte nila, ang mga nakakatanda ng korte ay nandoon para harapin ang ganitong sïtwasyon. Ang nakakatanda ng pamilya Wei na si Wei Guang ay malalim na yumukod habang sinasabi, "Narinig namin na ang Prinsipe Li Ce ay mayroong talentado at romantikong personalidad na may gwapong itsura. Ngayon na may karangalan ako na makita ang prinsipe, talaga nga na kayo ay kumikinang, mas maliwanag pa sa buwan at mga bituin."
Nang matapos ni Wei Guang ang sasabihin, ang lahat ay agad na lumuhod, na ang mga sibil na opisyal ay gumagawa ng tula na papuri sa prinsipe na para bang siyang ang pinakamagaling at ang pinakagwapong naglakad sa mundo. Subalit ang mga opisyal ng militar ay hindi ganoon kagaling sa kanilang mga salita; binigyan lamang nila siya ng thumbs-up habang pinupuri ang kanyang itsura sa kanilang limitadong bokabularyo: magandang lalaki, makisig, matipuno.
Tuwang-tuwang napahalakhak si Li Ce ngunit napaiyak nang nag-umpisang sumakit ang sugat sa gilid ng kanyang labi. Kumaway siya sa mga opisyal habang sinasabi, "Salamat, salamat." Buong-puso niyang tinanggap ang kanilang papuri. Walang nakakaalam kung anong mararamdaman ng Emperor at Empress ng imperyo ng Tang kapag nandito sila.
Pagkatapos gawin ang lahat ng paraan para pilitin ang pinakamamahal na anak ng Emperor ng Tang sa karwahe, sa wakas ay nasa daan na sila. Ang mga trumpeta ay pinapatugtog habang marilag silang nagmamartsa tungo sa syudad ng Zhen Huang. Sinong makakaalam na pagkatapos lang ng ilang hakbang ay nagkomento na si Prince Li Ce, "bakit ang tunog ng tokata ay parang pupunta ako sa gyera?"
Natigilan si Zhao Qi at palihim ulit na naginhawaan na hindi niya ito personal na sinalubong. Ang trumpetang pyesa ay sadyang ginawa para sa ganoong seremonya, may mga pyesang ginamit kapag patungo sa gyera, pyesa na nagsasabi ng tagumpay na panunupil at pyesa na ginagamit lamang sa paglalakbay ng Emperor. Sa pagsalubong sa mga mahahalagang opisyal, mayroong pyesa na pinapatugtog para respetuhin ang ranggo nila. Ngayon na nasa ayos na ang lahat, bakit hindi masisiyahan ang imperyo ng Tang?
Pagkatapos ng higit sa kalahating oras na negosasyon, walang pagpipilian ang imperyo ng Xia kung hindi ay magpahinuhod. Sa ilang segundo lang, marangyang mga tunog ang nag-umpisang tumugtog. Lubog sa tinutugtog ng mga dalaga na may matitingkad na kasuotan, nag-umpisa nanaman gumalaw ang hukbo. Hindi mukhang nababahala si Li Ce sa mga sugat niya sa kanyang mukha habang ilang ulit niya binubuksan ang kurtina ng kanyang karwahe at kumakaway sa mga ordinayong mamamayan at ngumingiti, na parang mabait at malalapitan.
Palihim na napabuntong-hininga si Chu Qiao na sakay ng kabayo niya na sinusundan ang batalyon ng Dauntless Cavalry Camp habang dinadala nila si Prince Li Ce sa palasyo ng Sheng Jin.
Sinundan ni Zhao Che at Vice-General Cheng ang prinsipe sa palasyo habang si Chu Qiao at ang pangkat ay bumalik na sa kampo. Nang makarating sila sa gate, nakakita sila ng itim na lawin na lumilipad sa itaas nila. Nakita ito ng namamana at hinila ang kanyang pana upang tangkain na panain ito paalis ng himpapawid. Sinong mag-aakala na isa pang palaso ang direktang tatama sa palaso niya at maiiwas ang kanyang palaso sa lawin.
Nang makita ito, nag-umpisang maging arogante ang lawin at malakas na pumutak, puma-ikot pa muna ito sa kanila bago lumipad palayo.
"Gurong Chu! Bakit mo tinamaan ang palaso ko?"
Malamig na tumingin si Chu Qiao sa sundalo habang sininghalan siya at pumasok sa kampo sakay ang kabayo niya.
Pagkatapos ng ilang araw na mabigat na pagtatrabaho, sa wakas ay may oras na para magpahinga. Nang bumalik ang lahat sa kampo, bukod sa mga gwardya sa sentry post, ay nakatulog sila ng mahimbing. Palihim na tumakas si Chu Qiao mula sa gilid na gate na nakasuot ng ordinaryong kasuotan.
Ang panahon ay umiinit na at ang lawa ng Chu Shui ay natunaw na. Kung titingin sa kalayuan, isang matangkad at matikas na lalaki na nakasuot ng puting roba ang nakatayo sa tabing ilog at nagmumukhang kaaya-aya habang umiihip sa kanya ang hangin.
Lumapit si Chu Qiao at ngumiti, "Sino ang pinopormahan mo?"
Tumalikod si Yan Xun at malumanay na ngumiti habang taas-babang tinitignan si Chu Qiao, "Takot ka ba?" saad niya.
"Hindi." palihim na ngumiti ang babae.
"Ang tigas ng ulo." Tumawa si Yan Xun at nagpatuloy, "Alam na ng buong capital ang tungkol doon, naging artista ka ngayon pagkakataon."
Natigilan si Chu Qiao. "Alam ng buong capital? Walang nag-ulat noon?"
"Ang sabi ni Zhao Che ay hindi niya nakitang may sinaktan ka at sinundan din ng buong cavalry camp ang istoryang iyon. Kahit ang prinsipe ng Tang ay hindi inamin na sinaktan mo siya at pinipilit na bumagsak siya ng sarili niya. Kahit ang biktima ay hindi na pinipilit ang usaping ito kaya anong magagawa ng emperor?"
Tinakpan ni Chu Qiao ang kanyang tawa at sinabi, "Kung alam ko lang na mangyayari ito, dapat ay nilakasan ko ang pananakit sa kanya."
"AhChu, sanay ka na ba sa buhay mo sa hukbo?"
"Ayos lang," saad ni Chu Qiao habang tumatango, "hindi pa rin ako pinagkakatiwalaan ni Zhao Che. Ilang beses ko itong sinubukan, ngunit hindi naman ito masama. Lahat ay nasa ayos."
Bahagyang tumango si Yan Xun at sinabi, "Sige. Kailangan mong mag-ingat. Kung hindi nararapat ang ibang bagay, wag mo pwersahin."
"Alam ko. Wag kang mag-alala"
"Kung gayon hindi na kita iistorbohin pa. Nagagawa ng sagisag na ito na magtrabaho para sa iyo ang mga tauhan ng Da Tong guild. Maaaring magamit mo ito kapag nasa labas ka."
Hinawakan ni Chu Qiao ang piraso ng kahoy na mayroong kakaiba na istilo. Mayroong nakaukit na malaking Gyrfalcon na may salitang "Tong" na nakalilok sa likuran nito.
"Aalis na ako."
"Yan Xun!" tumalikod ang lalaki na may naguguluhang tingin sa babae. Nagulat din si Chu Qiao dahil hindi niya nakontrol ang kanyang emosyon. Matamis siyang ngumiti at sinabi na, "Mag-ingat ka sa daraanan mo."
Tumawa si Yan Xun, ang kanyang ngiti ay kasing malumanay ng hangin sa tagsibol. Umalis siya na pumapagaspas sa hangin ang kanyang roba.
Saglit na tahimik na tumayo si Chu Qiao habang pinapanood siyang naglalaho mula sa abot ng tanaw niya tapos ay bumalik na rin siya sa kanyang kampo.
Pinatigil ni Yan Xun ang kanyang kabayo at lumukso pababa dito. "Ano nangyari?" saad niya sa malalim na tono sa mga taong lumapit sa kanya.
Agad na sumagot si AhJing, "Nagpadala ng tauhan si Wei Jing para buong gabing mangalap ng impormasyon ukol sa babaeng nambugbog sa prinsipe ng Tang. Mayroon din silang sinuhulan na dalawang sundalo mula sa cavalry camp para maging testigo. Nagmamadali na sila ngayon papunta sa palasyo ng Sheng Jin."
"Wei Jing?" saad ni Yan Xun nang mapatigil siya. Ang kanyang tingin ay biglang lumamig nang sinabi na, "Sabihan ang pang-gabing pangkat at hayaan silang ayusin ito."
Natigilan si AhJing nang bumulong, "Prince, anong ibig niyong sabihin?"
"Patayin si Wei Jing." Ang tingin ng lalaki ay naging mabagsik sa isang iglap. Maikukumpara ito sa isang lobo. Walang bakas ng pagiging maginoo na mula kanina habang sinasabi sa napakasamang tono, "Sakto na ang haba ng buhay niya."
Masyado nang gabi ngunit lubog pa rin sa tunog ng musika ang palasyo ng Sheng Jin. Mataas na nakalitaw ang buwan sa kalangitan at naglalabas ng nakakaawang liwanag. Maikokonsidera nang Imperial na lupain na bantay-sarado ang lagpas sa Zi Wei Square. Lubos na tahimik dito lalo na't ganitong oras. Kahit na walang curfew ang syudad ng Zhen Huang ay wala pa rin naglalakad sa gabi. Ang tanging naglalakad lang ay hindi mga ordinaryong sibilyan.
Mahigit 100 cavalry troops ang nagsama-sama upang bumuo ng shuttle na pormasyon, kung saan ay mas maraming sundalo ang nasa harapan at nagsimulang kumitid sa likuran. Ang mahabang eskinita ay tahimik bukod sa mga yabag ng paa ng kabayo. Sa tahimik na gabi, malutong at malinaw ang tunog nito. Ang baluti ng mga sundalo ay lumalamig habang lumalapit sila sa pader ng syudad. Mahigit sa 15 minuto ang lumipas ngunit wala pa rin sila sa pangunahing daan na papunta sa palasyo.
Karamihan sa cavalry troops ay nagtipon sa gitna ng pormasyon at ang mga gwardya sa tagiliran ay mataas na hinahawakan ang kanilang kalasag. Mayroong dalawang ilaw sa harap at likod ng pormasyon tapos ay kumpletong kadiliman sa gitna. Walang kahit sino ang nakakakita kung ano talaga ang nangyayari ngunit masasabi nila na ang pormasyon ay para protektahan ang importanteng tao.
Ang pangharap ay may hawak na sobrang tulis na mga sandata tulad ng espada at sibat, handang umatake at dumipensa. Sa kaliwa at kanang gilid ng pormasyon mayroong 20 cavalry troops na bumubuo ng pader na depensa at may dala-dalang espada. Mayroon silang makapal na baluti para proteksyon. Mayroon itong kulay-pilak na kislap na narerepleksyon; masasabi ng isa sa isang tingin na gawa ito mula sa mga baluti sa kanlurang rehiyon. Kahit na tumira ng karaniwang palaso ang isang namamana mula sa mataas na pader, hindi sila mababahala dito.
Sa mahigpit na depensang ito, masasabi na kahit tubig ay hindi tutulo mula dito. Mula sa misteryosong pagkamatay ni Muhe Xifeng ng angkan ng Muhe, ang mga maharlika sa loob ng capital ay natakot para sa kanilang buhay at laging nababahala. Nag-umpisa na rin na ingatan ni Wei Jing ang buhay niya, laging may mga piling tauhan kung saan man siya magpunta.
Ilang bugso ng malamig na hangin ang dahilan kung bakit gumugulong ang mga nyebe sa lupa at ginawang sobrang matigas at nagyeyelo ang atmospera.
"Second Young Master," isang tagasilbi ang lumapit sakay ng kanyang kabayo habang sinabi sa malalim na tono, "Mararating na natin ang hilaga ng Yuan An gate sa ilang saglit. Tahimik tayong papasok; ang master ng sambahayan ay hindi mararamdaman ang ating presensya. Naghihintay na si Eunuch Qin sa ating pagdating sa harap ng gate ng palasyo. Oras na nasa kamay na nila ang booklet, si Prince Yan at ang babaeng iyon ay wala nang tatakbuhan."
Malamig na tumango si Wei Jing, ang kanyang tingin ay kasing bangis at uhaw sa dugo tulad ng sa lobo. Ang gilid ng kanyang mga labi ay mayroong lihis at mapanglaw na ngisi.
Mataas sa kalangitan, nagkukumpulan ang mga ulap dahilan para walang buwan at mga bituin ang gabing ito.
Ang lalaki sa dilim ay nakasuot ng itim na mga damit. Ang mga mata ay naniningkit habang nakatingin ng mataas sa ibabaw ng pader ng palasyo. Ilang bugso ng hangin ang lumagpas sa kanyang payat na katawan na pinagmumukhang arogante at malungkot ang kanyang pigura dahilan para makilala siya sa kumpol ng normal na tao. 30 lalaking nakaitim ang nakita sa parehong gilid, nakaupo o nakahiga sa lupa na nakatago sa kadiliman, naghihintay ng tamang pagkakataon.
Bigla, isang makabasag-pinggang musika ng palasyo ang maririnig na may paminsan-minsang kampanilya at tambol. Alam ng lalaki na dumating na ang oras; nag-umpisa nang takpan ng mga musikero ang kanilang operasyon. Mayroon lamang silang 15 minuto.
Isang malakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng gabi, sinira ang sabay na tunog ng yabag ng kabayo. Nagulat ang mga tauhan ng Wei habang natatarantang nakatingin sa mga aninong nakapalibot sa kanila.
Sa oras na ito, may mga palasong lumipad sa ere nang ang 30 crossbow sa ituktok ng pader ang sabay-sabay na tumira. Kumislap ang mga palaso habang lumilipad sila patungo sa mga kabayo kaysa sa mga lalaki. Humalinghing sa sakit ang mga pandigmang kabayo at pataas na sinipa ang kanilang mga binti, dahilan para malaglag ang mga sundalo sa kanilang mga kabayo. Mga iyak ng sakit ang pumuno sa hangin. Ligtas na pinoprotektahan si Wei Jing sa gitna na sumigaw sa galit at pagkalito, "Sino kayo?"
Ang lalaki sa dilim ay suminghal habang itinataas niya ang kanyang gintong crossbow sa ere at tumira ng panibagong palaso. Bago pa man umabot sa puntirya nito ang palaso, nakatalon na siya mula sa pader sa isang iglap, ang kasamahan niyang mga sundalo ay nakasunod sa kanyang yabag. Tapos ay inilabas niya ang pangkawit sa kanyang kamay habang lumilipad siya sa ere at matibay na lumapag sa lupa. Sa isang pag walis, walang awang tumusok ang kanyang espada sa isang nakabaluting sundalo. Isang panibagong sundalo ang sumugod na nakataas ang espada. Bago pa siya makatapak ulit, umabot na sa puntirya nito ang palaso at tumusok sa kanyang lalamunan.
Mga nakakaawang sigaw ang umalingawngaw sa Zi Wei Street.
Malapit lang na nakasunod, ang mga diyos ng kamatayan na nagtatago sa pader ay lumapag sa lupa para sa kanilang pagpatay.
Halos kalahati na ng tauhan ni Wei Jing ay namatay, na ang mga kabayo ay humahalinghing sa sakit at ang mga binti ay tinatapak sa pagkataranta. Marami ang nasugatan ng palaso at naihagis sa lupa, na namatay sa magulong yabag ng mga binti ng mga kabayo. Ang pormasyon ay nasira na; ang 100 mga nakabaluting piling gwardya ay nasa dulo na ng pagbagsak.
"Traydor na Wei! Pinagbintangan at diniskrimina ang iba, tinatangkang agawin ang trono, gagawin na ngayon ni Muhe Xike ang kalooban ng diyos na kunin ang buhay mo! Mamatay ka na!"
Mula sa malayo, tunog ng yabag ng kabayo ay naririnig; alam ni Wei Jing na nagmamadali nang pumunta ang mga wardya ng imperyo. Kinalma niya ang sarili at sumigaw, "Traydor na Muhe, lumalaban ka sa kamatayan, lumapit ka kung kaya mo!"