Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 53 - Chapter 53

Chapter 53 - Chapter 53

"Wag kang mag-alala, sobrang ayos lang iyon, dahil kahit na mamatay ang mga tauhan nila, walang magtatangkang magsalita tungkol doon. Kapag mas malalim ang gulo, mas ayos iyon para sa atin." Itiningala ni Yan Xun ang kanyang ulo at tumingin sa gray na kalangitan habang bumubulong, "Oras na para mag-umpisa."

Pagkatapos makabalik sa Ying Ge court, ang kalangitan ay madilim na. Ang tagasilbi na nakatalaga para ilawan ang lugar, si Xiao Lizi, ay nakatayo sa may pintuan. Sobra siyang natuwa nang makita niyang ligtas na nakabalik si Chu Qiao at lumapit sa kanya, "Binibini, nakabalik ka na." Saad niya habang nakangiti.

Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay at nagtanong, "Anong nangyari?"

"Walang nangyari. Nang makabalik ngayon lang ang prinsipe, tinanong ka niya. Nang marinig niyang umalis ka, isinama niya si AhJing para hanapin ka." Sagot ni Xiao Lizi

"Oh, gaano katagal na silang wala?" tango ni Chu Qiao at nagtanong.

"Matagal na rin." Sagot ni Xiao Lizi habang sinisiguradong nakabukas ang ilaw ng parol. Bigla, tumungo si Chu Qiao sa direksyon ng hardin ng Lan Tian. Agad na humarang si Xiao Lizi sa daan niya at sinabi, "Binibini, nililinis ng mga tagasilbi ang nyebe dyan, dito nalang tayo dumaan."

Natigilan si Chu Qiao at mabagal na inangat ang ulo. Malambot lang siyang tumingin kay Xiao Lizi na walang sinasabi.

May nahihiya na ekspresyon sa mukha si Xiao Lizi at kinakabahang bumulong, "Hindi madaling lakaran ang daanan."

Mukhang seryoso na hinawakan ni Chu Qiao ang braso ni Xiao Lizi. Nang makaladkad niya ito sa pinaka pasukan, nakarinig sila ng malambot na tunog ng mga babae at tagasilbi na yumukod sa lupa. Napatigil sa paglakad si Chu Qiao at nakatayo lang sa pasukan. Kalmado lang siya at matagal na naghintay bago nagtanong, "Sino nagpadala sa kanila dito?"

"Ang tagapangasiwa ng hilagang-kanluran na si Ji Wenting."

Napasimangot si Chu Qiao at sinabi sa seryosong boses, "Siya nanaman." Tunog na galit si Chu Qiao. Napanghinaan ng loob at walang magawang tumingin si Xiao Lizi sa kanya sa takot na baka pumasok siya.

Sa isang iglap, mabilis na tumalikod si Chu Qiao at naglakad patungo sa kanyang silid. Habang naglalakad, seryoso niyang sinabi, "Sabihin mo sa kanila na hinaan ang boses at huwag akong istorbohin."

Nakatitig lang si Xiao Lizi sa direksyon ng silid ni Chu Qiao, dahil hindi niya maunawaan ang sinabi nito. Ang lugar na ito ay may kalayuan sa kanyang silid, kahit gaano pa kalakas ang tunog, imposibleng marinig niya ito doon mula dito.

Noong hapunan na, nagpadala ng mga tao para tawagin siya. Pagkatapos tawagin ng dalawang beses, hindi pa rin lumalabas si Chu Qiao. Napabuntong-hininga nalang si Prince Yan, ngunit sa puso niya, palihim siyang natuwa. Nang papunta na dapat siya sa silid nito, lumabas si Chu Qiao na nakasuot ng purong puti. Halatang nakasuot siya ng kasuotan ng lalaki; mukhang hindi pa siya nagpapalit simula nang makabalik siya.

Nagulat si Yan Xun at nagtanong, "AhChu, anong ginagawa mo ngayon-ngayon lang?"

Iniangat ni Chu Qiao ang ulo at sinabi sa kalmadong ekspresyon, "Mayroon akong ilang katanungan na nais pag-usapan tungkol sa pag-apruba ng plano para sa pyesta sa tagsibol ng Bian Yang Canal."

Isang alon ng kabiguan ang tumama kay Yan Xun habang tinutuwid niya ang kanyang katawan at sinabi, "Halika at kumain ka muna."

"Sige." Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Medyo gutom na ako." Umupo siya at nag-umpisa nang kumain. Napasimangot si Yan Xun nang makitang kumakain si Chu Qiao na walang sinasabi. Hindi siya nakakakita ng kahit anong pagkainis o abnormal na ekspresyon sa kanyang mukha. Nag-umpisa siyang makaramdam ng pagkainis.

Napakalamig sa labas. Mayroong kakaunting bituin sa kalangitan habang sa wakas ay nag-uumpisa nang tumigil ang nyebe.

"Ang pyesta sa tagsibol ng Bian Yang at kailangang mapabilis. Lalo na dahil napalitan na ang gobernador ng ilog, ang pagdadala ng tubig ay hindi gumagana. Nauubos na ang oras; kailangan natin magplano." Inilapag niya ang kanyang mga chopsticks, ang kanyang boses ay malamig. Naglabas siya ng puting papel mula sa kanyang braso at sinabi habang nanonood, "Ang opisyal ng syudad ng Li na nakatalaga sa asin, ay kakatrabaho lang nitong nakaraang buwan. Siya ang kamag-anak ni Wei Fa, si Wei Yan. Pagkatapos niyang mag-umpisang magtrabaho, muli niyang idinisenyo ang proseso ng pagdadala ng asin. Ang mga nagmimina ng asin ay hindi nasiyahan at hindi mapakali. Sinabihan tayo ni Lady Yu na mag-ingat dahil ang tao ay laging suspetsosyo sa pagbabago. Ang problemang ito at konektado pareho sa pamilya Shang Dang at Peng Ze. Sa oras ng pangangailangan, ang kanilang aksyon ay mayroong malaking parte. Mayroon dapat na pumalit sa posisyon ni Xi Hua. Inirerekomenda ko na pumalit si He Qi, ano sa tingin mo?"

Itinango ni Yan Xun ang ulo at sumagot, "Tignan mo kung ano kakalabasan at magpasya."

Nang makitang hindi mapakali si Yan Xun, itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay at nagtanong, "Pagod ka ba?"

Sumagot siya na walang interes o ano man, "Ayos lang ako."

"Magpahinga ka na." Saad ni Chu Qiao nang tumayo, "Ang prinsipe ng Tang ay malapit nang makarating sa capital. Ang kaarawan ng emperor ay papalapit na. Ang mensahero mula sa Huai Song ay papunta na rin. Ang totoong bagay ay paparating na. Ang iba ay kailangan munang isantabi pansamantala."

Hindi nagsalita si Yan Xun habang pinagmamasdan si Chu Qiao na tumalikod at umalis. Isang tagasilbi na nakasuot ng roba ang humabol sa kanya habang ang pigura niya ay nawala sa mahabang pasilyo. Tahimik siyang napabuntong-hininga at sumandal sa kanyang upuan habang bahagyang hinihilot ang kanyang sentido. Sa araw na ito, isang sikretong mensahe ang napadala. Kailangan niyang gawan ng paraan ang mga opisyal ng korte at royal members. Lahat ng problemang iyon ay mas madali pa kumpara sa problema kay Chu Qiao.

"AhJing," malambot na sambit ni Yan Xun, "palayasin mo ang mga babaeng pinadala ni Ji Wenting."

"Prinsipe?" nagulat si AhJing at sumagot, "Akala ko po gusto niyong umakto na kayo ay nagpapakasasa sa mga babae? Kapag ginawa niyo iyon, natatakot po ako na si Ji Wenting ay hindi masiyahan."

Iniling ni Yan Xun ang ulo, nagbuntong-hininga siya at sinabi, "Lahat ng nalinlang ng mga ganoong bagay ay hindi karapat-dapat alalahanin. Lahat ng kailangan nating bantayan ay hindi maguguluhan sa ganitong laro. Kaya, mas maganda manatiling tao. Lalo na..." Ang susunod na salita ay malabo lang nasabi at hindi ito malinaw na narinig ni AhJing. Marahang sumara ang labi ni Yan Xun habang mabagal na ipinikit ang mga mata. Kumpara sa tiwala ni AhChu, hindi karapat-dapat banggitin si Ji Wenting. Kahit na hindi naman niya ito inintindi.

Inaliw ni Yan Xun ang sarili at napaisip, bata pa rin si AhChu pagkatapos ng lahat. Kahit na hindi siya umakto katulad ng isang bata.

"Kamahalan," tumakbo pabalik si Lu Liu at inabot sa kanya ang isang kahon ng mga instrumento at sinabi, "Ito po ang mga kakaapruba lang ni Chu Qiao."

Bahagyang tinignan ni Yan Xun ang makapal na salansan ng mga dokumento at titigil na sana nang biglang nagliwanag ang mata niya at nagtanong, "Bakit hindi nakabukas ang mga sulat na ito?"

Napakamot ng ulo ang tagasilbi at sumagot, "Ang sabi ni Chu Qiao ay mas nakakapuri ang walang sasabihin kaysa sa mayroon. Sinabihan niya ako na sabihan ang mga mensahero na mag-isip ng bago ang mga amo nila sa susunod."

Nagulat si Yan Xun at makikitaan ng kaunting bakas ng kasiyahan ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang mga mata ay nakangiti at iniabot ang sulat kay AhJing habang sinasabi, "Gawin niyo kung anong sinabi ni AhChu." Tapos ay tumayo na siya at naglakad pabalik sa kanyang study na may magaang mga yabag.

Naguguluhang tumingin si AhJing. Tumingin siya sa sulat na kanyang hawak at nakita sa pabalat nito na may nakasulat ditong salita na "Ji". Mabango rin ang amoy ng papel.

Sa ikalawang araw, ang Vice General Cheng ng Dauntless Cavalry Camp ay nagpadala ng mga crossbows at pantirang mga kagamitan para siyasatin ni Chu Qiao. Ang ilang mga batang tagasilbi ni Chu Qiao ay sobrang nasasabik na ikinukumpas-kumpas pa ang mga kamay nila at nagpahayag na wala pang babae ang naging guro ng Dauntless Cavalry Camp! Ano nalang mararamdaman ng mga maharlikang young masters kapag tinuruan sila ng isang labing-limang taon na babae.

Habang nag-uusap ang grupo, palihim na nakinig si Chu Qiao. Pati na ang kahulugan ng galaw ng emperor, ngunit matitiis ba ng mga mataas na opisyal na iyon na maturuan ng isang maliit na babae? Kahit na bukas ang isip nila at matataas ang mga estado, medyo imposible iyon. Pagkatapos ng lahat, may diskriminasyon sa hukbo ang mga babae. Kahit gaano pa sila katapang, ang halaga ng promosyon ay mas malayo kaysa sa lalaki. Pagkatapos mag-isip, kahit ang kasing talinong katulad niya ay nakaramdam ng pagkabalisa.

"Miss Chu," biglang lumapit si AhJing sa kanyang likuran at sinabi, "ang sabi ng prinsipe ay gabi na siyang makakabalik mamaya kaya mauna ka nang kumain. Hindi na kailangan pang hintayin siya."

Natigilan si Chu Qiao. Sa mga taon na ito, lagi lang low-key si Yan Xun. Kahit na lumala ang sitwasyon nitong nakaraan, hindi siya maggagala sa labas nang gabing-gabi.

"May nangyari ba?"

"Wala." Ngumiti si Ahjing at sumagot, "wag ka na po mag-alala binibini."

Dahil wala naman na siyang nabanggit, tumigil na sa pagtatanong si Chu Qiao.

Sa gabi, hindi kumain si Chu Qiao dahil mag-isa lang siya. Kumain lang siya ng ilang cakes habang nagpapainit sa tabi ng apoy sa kanyang kwarto dahil tinatamad siyang maggagagalaw. Nitong dalawang taon, nagtatatakbo siya sa labas para palakasin ang pwersa at hindi nagkaroon ng tahimik na buhay ng matagal.

Kahit na pinigilan ng may-ari ng palasyo ng Sheng Jin ang kanyang mga aksyon at hindi siya pinayagang umalis ng capital ng imperyo, hindi sila mahigpit sa pagkontrol sa mga tauhan ni Yan Xun. Ayaw intindihin ni Chu Qiao ang intensyon ng emperor. Hindi ba niya pinapansin ang katotohanan na unti-unti nang lumalaki ang pwersa ni Yan Xun? Ano ang plano niya?

Sa kasalukuyang imperyo, ang kasalukuyang bansa ay nahahati sa ibang mga parte. Hindi ito basta-basta na madaling maresolba sa simpleng salita lang ng emperor. Mayroon ba talagang kapangyarihan ang emperor na kontrolin ang bansa?

Sa loob ng pitong pamilyang may kapangyarihan, ang Mu ng Ling Nan, Helian ng Huai Yin, at Shang ng Dong Yue ay laging low-key at nanatiling walang kinakampihan sa lahat ng away. Sa mga taon, kahit na ang ilang mga tao ay may kapangyarihan at otoridad na gamitin ang kanilang karapatan at pribilehiyo, lagi nilang pinapanatili ang kanilang posisyon. Lalo na sa mga kakalipas lang na taon, ang mataas na profile ng Muhe at Wei ay hinayaan ang ibang pamilya na mawalan ng kapangyarihan. Subalit, naipon ng mga pamilyang ito ang kapangyarihan nila bawat henerasyon. Ang pansamantalang kapayapaan ay hindi ibig sabihin na walang kasakiman. Oras na may oportyunidad, siguradong lalaban sila pabalik para humanap ng mas malakas na kapangyarihan. Ang mga taong ito ay parang palaso sa gabi. Imposibleng malaman kung kailan mapapakawalan ang mga palasong ito.

Subalit, ang pamilya ng Muhe, na sobrang makapangyarihan ay unti-unting nababawasan dahil sa kamatayan ni Muhe Yunting, ang may-ari ng nakaraang henerasyon. Ang mga babae sa pamilya ay ginagalang, at si Muhe Nayun ang reyna at nanganak ng tatlong lalaki, sila emperor Zhao Che, Zhao Jue at Zhao Teng. Subalit, hindi ito sapat para ibalik ang pangalan at kapangyarihan ng pamilya. Bago ito, lagi nang sinusuportahan ng Muhe si Zhao Jue na maging emperor para maiangat ulit ang pamilya at maging mas mabuti sa Presbyterian. Gayumpaman, siya ay pinatay ng emperor. Bata pa si Zhao Teng. Walang ibang pagpipilian ang pamilya Muhe kung hindi ay suportahan si Zhao Che na maging emperor. Subalit, hindi gusto ni Zhao Che ang plano ng kanyang ina para sa kanya. Kung kaya't, hindi niya sinusunod ang kagustuhan nito dahilan para sumabog ang kanilang relasyon.

Ang ibang pamilya ay masaya habang ang ibang pamilya ay malungkot. Nag-aalala ang Muhe, ngunit nagagalak si Wei Fa. Ilang taon nang naghihintay si Wei Guang sa tsansang ito at sa wakas ay nakaipon na ng sapat na lakas para kuhanin ang trono. Kahit na ilang taon nang namumuhay si Shu Guifei sa palasyo, hindi siya minahal ng emperor. Kaya ang posisyon niya ay mababa sa empress. Laging gusto ng emperor si Zhao Qi at Zhao Song. Sa batang edad, nabigyan si Zhao Song ng mataas na royal na posisyon. Pagkatapos ni Zhao Che, si Zhao Song ang nakakuha ng piraso ng lupain mula sa emperor. Maraming hawak na kapangyarihan si Zhao Qi dahil pinagkakatiwalaan siya ng emperor. Nag-umpisa nanamang tumaas ang pamilya ng Wei.

Galing sa ibang nasyon ang pamilya ng Batuha. Isang daang taon ang nakakaraan, sila ang emperor sa may hilagang-kanluran. Pagkatapos silang angkinin ng emperor, naging mga ministro sila ng Presbyterian. Gayunpaman, hindi sila gusto ng ibang pamilya dahil sila ang mga "taga-labas". Kung kaya't, ang mga Batuha ay nag-umpisang maging malapit sa pamilya Muhe. Ngayon na nawala na ng pamilya Muhe ang kanilang kapangyarihan, kasunod na rin nito ang Batuha.