Dati noong ipinadala niya si Xuan Mo sa Timog-Silangan, hindi niya nais na patayin siya, at hindi rin niya nais na kunin ang kanyang pamumuno sa hukbo.
Sa oras na iyon, ang Imperyo ng Song ay napakahina dahil ang iba't-ibang mga paksyon ng militar ay lihim na nagsisimulang kumilos laban sa pamilya ng hari. Intensyon niyang hiramin ang kapangyarihan ng Yan Bei upang mailigtas ang Pamilya Nalan at maprotektahan ang mga sibilyan mula sa apoy ng digmaan. Gayunpaman, ang mga matigas na matandang gwardya na iyon ay tumangging tumanggap ng gayong solusyon. Sa oras na iyon, sinumang ipamigay ang bansa, ay magiging walang hanggang traydor ng bansa at magpakailanmang tatandaan bilang tagapagkanulo. Hindi niya nais na ang tapat na si Xuan Mo ang maging ito, at dahil dito, inilipat niya ito ng malayo mula sa gitna. Nag-aalala din siya na ang kanyang mga sundalo ay gagawa ng gulo. Kung ang kanyang mga tauhan ay sumasang-ayon na magkakaisa upang gumawa ng problema, kahit na hindi sumang-ayon si Xuan Mo, kasama si Yan Xun bilang pinuno, ang mga opisyales ng Yan Bei ay walang dudang susubukan na itulak ang sisi sa kanya. Dahil dito, inalis niya ang mga tauhan nito at itinulak siya upang pamunuan ang hukbong-dagat, na ganap na hindi nauugnay.
Gayunpaman, gaano man siya magkalkula, hindi niya inaasahan na sasalakayin ng mga bandido ang paglalagay ng militar habang ang Song ay lubog sa sibil na gulo. At bilang karagdagan, hindi niya inaasahan na sa mataas na pagkakatalaga, pangungunahan mismo ni Xuan Mo ang digmaan.
Sa pag-iisip dito, ang kasalukuyan niyang sitwasyon ngayon ay talagang karma lamang. Ang pagiging sangkot sa pulitika ng napakatagal, ang kanyang mga kamay ay namantsahan ng dugo. Sa isang utos, libu-libong mga ulo ang gugulong. Hindi niya kailanman pinagsisihan ang kanyang mga desisyon, kaya naintindihan niya ang kanyang sitwasyon. Lubos niyang naiintindihan na nararapat ito.
Dahil doon, nang mapagtanto niyang binibisita siya ni Yan Xun buwan-buwan sa kanyang ligtas na mga araw, bigla niyang naintindihan na hindi talaga nito nais na maging asawa niya, na ipanganak ang kanyang mga anak. Kahit na ipinangako niya sa korteng Song na papanatilihin niya ang posisyon ng imperyong Song, hindi niya ito ipinatupad. Hindi niya nais ang lahat sa pagitan nila ni Yan Xun na mabansagan bilang pampulitika.
Iyon marahil ang unang beses na naging matigas ang ulo at makasarili siya sa kanyang buhay.
Pagkatapos nito, sa bawat gabing ginugugol nila, iinom siya ng kontraseptibong gamot at papatayin ang anumang pagkabahalang mayroon ang lalaki. Nang maglaon, mas madalang siyang pumunta. Sa ngayon, halos dalawang taon na itong hindi gumugugol ng gabi kasama siya.
Buong buhay niya, anuman ang kanyang ninanais ay tulad ng buhangin na kumakawala sa kanyang hawak sa mga puwang ng kanyang mga daliri. Kung mas susubukan niyang hawakan ng mahigpit ang mga ito, mas mabilis silang nakakawala. Sa huli, walang naiwan.
Sa apoy na nagliliyab, ang bawat liham ay nasunog kalaunan. Sinunog ng apoy ang huling sulat at katibayan ng kanilang nakaraan. Unti-unti, kasama ang kanyang nasirang buhay, ito ay ganap na nasunog.
Ang ilang pag-ibig ay matamis. Ang ilang pag-ibig ay tungkol sa pagiging pabigat. Binigo niya si Xuan Mo at nakadama ng isang walang hanggang pagsisisi. Ngayon na malapit na siyang mamatay, bakit niya ipapaalam sa lalaki ang lahat at makonsensya sa lahat?
Ang buhay niyang ito ay sapat nang mahirap. Bakit siya magwiwisik ng asin sa mga sugat nito?
Masunog, Sunugin lahat.
Ang lahat ng tao ay nakikita ang kanyang kasaganaan at kayamanan, kapangyarihan at awtoridad, ngunit siya lamang ang nakakakita na sa ilalim ng lahat ng patong ng pagkukunwari, ang puso nito ay pagod na pagod na. Hindi naman sa ayaw nitong magmahal, hindi lang niya kayang magmahal.
Kapareho niya ang lalaki, at dala niya ang sobrang daming responsibilidad. Hindi niya kayang maging makasarili, padalos-dalos, madamdamin, pati na ang maging walang muwang.
Masunog, sunugin ang lahat...
Ang malaking usok ay tumaas habang nagsimula siyang bayolenteng umubo muli. Isang mainit na likido ang nagsimulang dumaloy muli. Sa sandaling iyon, dumaan ang alaala sa harap niya. Tagsibol muli, nang ang mga puting talulot ng bulaklak ay lumutang pababa habang nakatayo siya sa hardin. Nagbalik ng tingin, ang mga mata ng lalaki ay malinaw. Nakangiti, tumingin ito sa kanya ng may interes habang nanunukso, "Nawawala ka ba? Saang palasyo ka nagmula?"
Nakabihis siya tulad ng isang lalaki, at ang kanyang mukha ay ganap na pula. Nag-ipon siya ng sapat na lakas ng loob upang magsalita, gayunpaman siya ay lubos na malambot. "Ako... Ako ay anak ng Haring Anling ng Imperyong Song... Ako si Xuan Mo..."
Marahil, ang pinakaunang galaw ay mali na.
Hindi mahalaga kung gaano kaganda ang memorya, sa huli ay nababalot ito ng makapal na patong ng alikabok mula sa paglipas ng panahon. Kahit na pareho ang hitsura ng kalangitan, hindi na ito ang kaparehong mga ulap, at hindi na makikita ang kawalang muwang at kadalisayan. Ang natitira ay ang mga sirang dingding at mga aninong madaling nawala. Ang nakatutuwang bagay ay, iyong mga simpleng araw na iyon ang mismong mga araw na hindi niya makakalimutan.
Sa buhay ng lalaki, mayroong dalawang tao na sobrang malapit sa kanya. Ang isa ay itinaboy niya, ang isa pa ay naging pinakamamahal niyang kapatid, habang-buhay na mananatili sa kanyang puso.
Gayunpaman, sa kasamaang palad, hindi siya magiging isa sa kanila.
Kahit na ang buong silid ay maliwanag, pakiramdam niya ay mayroong isang belo ng pulang hinaharangan ang paningin niya, dahilan upang magmukhang kahabag-habag at madilim ang lahat.
Buong buhay niya ay nagtiis siya, ngunit sa huli, ang lahat ay walang saysay, naglaho sa daloy ng kasaysayan. Matapos makontrol ang libu-libong mga buhay, nakaramdam lamang siya ng pagkapagod sa mga alaalang mabilis nawala.
Ang liham sa kanyang kamay ay biglang nahulog sa lupa tulad ng nyebe. Ang itim na abo sa sunugan ay lumipad, nagsusuka ng apoy. Mapait na ngumiti hanggang sa huli, mahinang bumagsak ang kanyang kamay.
Limang taon matapos maitatag ng Dakilang Ninunong Yan ang dinastya, sa ika-4 ng Disyembre, sa nagnyenyebeng gabi, si Emperatris Nalan ay pumanaw sa Palasyong Dongnan.
"Kamahalan, natagpuan na namin."
Tumalikod si Yan Xun. Sa ngayon, ang Palasyong Dongnan ay ganap na tumahimik na walang sinuman sa malaking palasyo. Ang panahon ng pagdadalamhati sa Emperatris ay matagal nang natapos, at ang mga tagasilbi sa palasyong Dongnan ay muling iniatas sa iba't-ibang palasyo. Ang natitira lamang ay dalawang matandang tagasilbing namamahala sa paglilinis ng gusali araw at gabi.
Binuksan ang kaha, nakikita niya ang malamlam na gintong robang puno ng mga burda, na may mga salita ng pagpapala sa dalawang kwelyo. Ito ay mukhang simple, ngunit elegante. Ang tanging problema ay napunit ang manggas at tinagpian. Kung hindi masyadong bibigyang-pansin, hindi nila malalaman na minsan na itong napunit.
Tumayo doon si Yan Xun at tinignan ito ng matagal. Sa wakas, itinaas niya ang kanyang ulo at iniabot ang damit sa alipin, sinasabing, "Bumalik sa palasyo."
"Naiintindihan."
Sumunod ang mga tagasilbi sa likuran niya. Nagbukas ang mga pintuan ng palasyo, hinahayaang pumasok ang malamig na hangin, pinupukaw ang alikabok sa palasyo. Ang sikat ng araw ay medyo nakakasilaw habang siya ay naningkit. Nakatayo sa pintuan, bigla siyang tumalikod at tumingin sa higaang nasa likuran ng mga patong ng kurtina. Para bang ang lahat ay isang buwan ang nakakaraan nang umupo siya roon at nagtanong, "Ngayong gabi, sasabihan ko ang mga tagasilbi na maghanda ng maraming putahe. Emperador, babalik ka ba?"
Emperador, babalik ka ba?
Tumagos ang sikat ng araw sa kanyang puso nang bigla siyang nakaramdam ng simula ng pangungulila. Isa lamang iyong maliit na pagkaantala, ngunit hindi niya inaasahan na ito ay naging isang walang hanggang pamamaalam. Ang kanyang mga kilay ay bahagyang kumunot tapos ay lumuwag. Dahan-dahan, itinulak niya sa tabi ang pakiramdam ng pangungulila.
Nang papalabas na siya, bigla siyang nakaamoy ng isang bagay na nasusunog. Pagliko, nakita niya na mayroong katulong na nakaningkayad, sinusunog ang isang bagay. Bahagya siyang natigilan habang nagdala siya ng mga tao.
Pagkakita sa kanya, natigilan ang babaeng iyon. Agad siyang tumalon patayo at lumuhod sa lupa, binabati siya. Nagtanong si Yan Xun habang pinapanood siya, "Ikaw si Wenyuan. Pinaglilikuran mo ang Emperatris dati?"
"Tunay, ang lingkod na ito ay si Wenyuan."
"Bakit ka nandito?"
"Ito ang pag-aari ng Emperatris. Bago pumanaw, ipinagbigay-alam sa akin ng Emperatris na sunugin ang mga bagay na ito. Matapos maipadala kay Ginang Anpin, hindi ako nagkaroon ng oras upang bumalik. Sa wakas, nagawa kong makahanap ng oras, kaya nandito ako upang gawin ito."
Nang makita kung paanong nakasuot si Wenyuan ng damit na nagpapakitang isa siyang mababang tagasilbi, at ang katotohanan na ang kanyang leeg ay may malabong pulang marka, agad na nasabi ni Yan Xun na pagkatapos pumanaw ng Emperatris, tiyak na naapi si Wenyuan. Pagkatapos sandaling mag-isip, nagtanong siya, "Nasaan ang iyong pamilya?"
Nagulat si Wenyuan dahil hindi niya inaasahang itatanong ng emperador ang tungkol doon. Agad siyang sumagot, "Ang lingkod na ito ay dumating dito kasama ang Emperatris. Ang aking pamilya ay nasa Song."
"May kamag-anak ka ba?"
"Kamahalan, mayroon akong matandang mga magulang, tatlong nakatatandang kapatid na lalaki, dalawang nakatatandang kapatid na babae, at isang nakababatang kapatid na babae."
Tumango si Yan Xun. Inutusan niya ang tagasilbing nasa tabi niya, "Ipaalam sa kagawaran ng mga tagapaglingkod. Ibigay sa kanya ang marangal na ranggo ng Ikaapat na Ranggong Opisyal, at bigyan siya ng permanenteng sweldo na katumbas ng sa Ika-limang Ranggong Opisyal. Idagdag pa, bigyan siya ng isang daang pound ng ginto. Maaari siyang bumalik sa kanyang bayan ngayong araw."
"Naiintindihan, naaalala ng alipin na ito."
Lubos na natahimik si Wenyuan habang nakaluhod lamang siya doon at hindi nagsalita.
Interesanteng ang lingkod na iyon ang nanukso sa kanya, "Marangal na Opisyal, sobra ka bang nasisiyahan na nakalimutan mong magsalita? Hindi ka ba magpapasalamat sa Kamahalan?"
Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata habang iniuuntog niya ang ulo sa lupa, yumuyukod at sinasabi, "Salamat sa iyong kabaitan! Salamat, Kamahalan, sa iyong kabaitan!"
Hindi na nagsalita si Yan Xun. Saglit na napahinto ang kanyang tingin sa lupa na puno ng puting papel bago tumalikod at umalis.
Tumigil na ang nyebe, napakaasul ng kalangitan, tulad ng lawa ng tubig. Hinipan ng hangin ang isang sulat; hinabol ng piraso ng papel ang lalaking iyon.
Maraming taon na ang nakalilipas, sa ilalim ng isang kandila, isang malapit nang mamatay na heneral ang ginamit ang lahat ng kanyang lakas upang isulat ang liham na ito. Ang liham na ito ay dumaan sa maraming kamay, subalit walang nakaramdam ng kakatwa habang binabasa ito. Ito ay isa lamang sulat para sa Emperador ng Yan, dinetalye nito ang impormasyon tungkol sa lakas at reserba ng militar ng Song, at impormasyon tungkol sa bawat pangkat.
Gayunpaman, sa mundo, mayroon lamang tatlong mga tao na maaaring maunawaan ang totoong kahulugan na nakatago sa liham. Dalawa sa kanila ay wala na.
Sa malakas na pagguhit, ang mga salita ay tila naglalabas ng lakas habang naselyuhan ito ng tatak ng pangalan ni Xuan Mo. Gayunpaman, ang mga salita ay tiyak na hindi pareho ng sulat-kamay ng nakikipag-usap kay Yan Xun sa loob ng maraming taon.
Patuloy na hinipan ng hangin ang sulat habang hinabol nito si Yan Xun, lumilipad-lipad habang ang mga siga ay nagsimulang lamunin ang liham. Sinunog ng apoy ang pamagat, sinunog ang pagbati, nilamon ang pormalidad, sinabsab ang gitnang bahagi...
Biglang lumakas ang hangin habang ang liham ay lumipad nang mas mataas, halos makahabl sa taong nasa harapan, gayunpaman isang puno ng peras ang biglang lumitaw sa harap nito. Mataas na nakasabit ang liham sa puno. Nasalisihan nito ang lalaki sa harap ng ilang metro lamang.
Natigilan si Yan Xun habang nakatitig sa puno na iyon. Bigla niyang naalala ng katotohanang ang pinakaunang beses na nakita niya si Xuan Mo ay sa mismong lokasyon na ito. Dati, naligaw si Xuan Mo, at hindi sinasadyang nakarating rito. Ang kanyang mukha ay mapula at mas mukhang mahiyaing dalagita.
"Kamahalan?" tanong ng alipin, "Kamahalan?"
Bumalik sa katinuan si Yan Xun habang bahagyang kinilala ang alipin bago ipinagpatuloy ang kanyang paglalakbay pabalik sa palasyo.
Dahan-dahang sumunog paitaas ang apoy. Sa ilalim ng pagharang ng puno ng peras, ang sulat na hindi naipadala sa loob ng higit sa limang taon ay dahan-dahang nasugpo ng mga pulang ahas na apoy. Sa wakas, ang naiwan lang ay isang tumpok ng itim na abo. Nang umihip ang hangin, kumalat sa limot ang mga abo.
Sa kalayuan, kinuha ng dalaga ang lahat ng iba pang liham at ibinuhos lahat sa sunugan. Lumakas ang apoy mula sa biglaang pag-agos ng gasolina, at suminag ng bagong init.
Kay lalim na mga emosyon, gayunpaman kay babaw na kapalaran.
Ganito na dati pa, mula magpakailanman.
Ayon sa mga makasaysayang tala:
Anim na taon matapos ang pagtatatag ng Imperyo, nakumpleto ang libingan ni Emperatris Nalan. Matatagpuan ito sa Timog ng kabundukang Luori ng Yan Bei.
Makalipas ang 23 taon, namatay ang Dakilang Ninunong Yan at inilibing sa Libingang Taichi. Matatagpuan ito sa Hilaga ng kabundukang Luori, at tinatanaw ang libingan ni Emperatris Nalan.
Ang sanga ng Chishui, ang ilog ng Qianhua ay dumadaan sa lugar na ito, at dumadaloy sa dalawang libingan. Dahil ang nyebe na madalas bumagsak sa ilog ay kahawig ng mga puting bulaklak ng peras, ang ilog na ito ay kilala rin bilang ang Pear Flower River.